下載應用程式
18.03% Young Hearts [Filipino] / Chapter 10: You, Basil Valdez [Part 1 of 2]

章節 10: You, Basil Valdez [Part 1 of 2]

Cause it's you who fills the emptiness in me.

It changes everything, you see. When I know I've got you with me.

- You, Basil Valdez

***

DALAWANG linggo na ang nakaraan matapos ang insidente sa library.

Aminado siyang medyo nag-expect siya sa binata dahil sa nangyari sa restaurant. Nakalimutan niyang playboy nga pala ito. Sanay sa mga ganoong bagay.

She sometimes sees Cyril around the campus. Well, this time with a different girl.

This should be an ordinary day for April. Pero ang sama talaga ng timpla ng katawan niya. Nagsuka pa nga siya kanina pagkagising. Pagkatapos noon ay wala na siya sa mood.

Ngayon naman ay gusto niya ng manggang hilaw. Kamalas-malasan pa ay wala sa dati nitong pwesto sa labas ng kanilang campus ang tinderang suki niya.

Ramdam na ramdam ni April ang panunubig ng mga panga dahil sa pagka takam sa manggang hilaw.

Kailangan kong makakain noon. Pakiramdam ko ay mababaliw ako anumang oras kapag hindi pa ako nakakain ng manggang hilaw. Sabi nito sa sarili.

Ang agarang pagtayo niya sa upuan ay nagsanhi ng malakas na tunog na dinig na dinig sa buong library. Nakuha niya halos lahat ng atensyon sa mga taong nandoon, agad naman siyang humingi ng dispensa sa mga ito.

Alam niyang may puno ng mangga sa bandang likuran ng university. Siguro naman ay hindi siya papagalitan ng mga guard at janitor kung manghihingi siya dito. Siya naman ang mismong pipitas sa mga ito.

Ngayon pa lang ay natatakam na siya!

Teka! May naisip muna siyang bilin bago pumunta sa likuran ng university. Tamang-tama ito sa panlasa niya.

~~

Sa bandang likuran ng university naisipang tumambay nang magkaibigang Cyrill at Christian.

Walang klase ang mga ito. Nandito sila para magtago. Masyado kasing clingy ang bagong arm candy ni Cyrill kaya tinataguan nila ito.

"Oy Cyrill, sa tingin mo… may anak ka na sa labas?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya

Binato niya ng maliit na bato ang kaibigan bago sumagot. "Gago safe sex ito." Nailagan naman ito ni Christian.

He's a boy scout, laging may dalang kapote. Not one piece, not two pieces, but four pieces. Mahirap na, baka masarapan.

He stops smiling after he remembers something. There is one time he did it without protection. And because of too much alcohol, hindi niya matandaan kung na-withdraw niya ba iyon o hindi.

"Natanong ko lang! Sa dami ba naman ng mga niyayari mo baka hindi mo lang alam may junior ka na pala! O di kaya prinsesa! Nako yari ka Cyrill!" Pang iinis pa nito sa kanya.

"Gago! Parang siya hindi." Sagot niya dito kahit sa totoo lang ay tumatakbo na ang isip niya sa gabing may nangyari sa kanila ni April.

We just did it once, hindi naman siguro may mabubuo agad.

"Pag sinuswerte ka nga naman. Nagtatago ka na nga lumalapit pa din sila."

Agad nabalik sa kasalukuyan ang diwa niya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Sinundan niya ang tinitignan nito.

Sa di kalayuan, nakita niya muli ang anghel na bumaba sa lupa.

"Si April yan diba? Anong ginagawa niya?" Christian ask him.

Nakatingala kasi ito sa puno nang mangga at binabato ang bunga nito.

Hindi na niya napigilan ang kaibigan ng bigla itong tumayo sa kinauupuan at pinuntahan si April. Hindi naman iyon kalayuan sa kanila kaya rinig niya ang usapan ng mga ito.

"Pinayagan ka na sa maintenance?" Tumango naman ang dalaga.

"Sige ako na lang." Dali-daling umakyat sa puno ng mangga ang kanyang kaibigan. Halatang nagpa pakitang gilas sa dalaga. Hindi niya alam pero na ba badtrip siya sa ginagawa ng kaibigan.

Ganitong-ganito iyon noon. Ang pinagkaiba lang, hindi sa kanya si April.

Agad siyang tumayo at lumapit sa dalawa. Kita niyang inabot ni Christian ang mangga sa dalaga na binigyan naman nito nang matamis na ngiti.

His heart skipped a beat again because of that smile.

"Salamat." Sabi nito.

Agad umupo ang dalaga sa kongkretong upuan sa paanan ng puno. Naglabas ito ng isang metal ballpoint. Iyon pala ay isang maliit na kutsilyo.

Usong-uso ito. 'Yong sa unang tingin ay ballpen pero kutsilyo pala kapag hinila mo ang dulong bahagi nito. Pang self defense lalo na sa mga babae.

Binalatan nito ang mangga. Sa sobrang focus nito ay hindi nito napansin ang kanyang presensya. Pagkabalat ay hiniwa nito ang pisngi ng mangga, pinag-dalawa.

Pagkatapos ay may nilabas ito sa bag na agad nagpagimbal sa kanilang magkaibigan.

"Oy anong gagawin mo diyan?" Nagpa-panic na sita ni Christian sa dalaga.

Binuksan nito ang bote at tinaktak ang laman sa mangga.

"K-ketsup."

Napangiwi silang pareho ng makitang sarap na sarap ito sa pag nguya.

Mula sa labi ay tinaas niya ang tingin sa mga mata nito. Nagulat man ay hindi niya pinahalata pero natigil ito sa pag nguya ng makitang nakatitig siya dito. Their eyes met, and things turned slowly for him.

"Kakaiba din ang trip mo noh? Don't get offended pero sa ginagawa mo, iisipin kong buntis ka. Diba Cyrill?" Sinisiko-siko pa siya nang kaibigan.

Hindi niya inalis ang tingin sa dalaga kaya kitang kita niya ang reaksyong binigay nito. From shocked, to confused. Sandali ay parang nag-isip ito. And then back to shock and fear.

Nahulog ang hawak na manga nito dahil bigla itong tumayo at kumaripas ng takbo papalayo sa kanila.

"O-Oy! Teka! Joke lang 'yon! Sorry!" Habol pa nang kaibigan. "Ano bang nangyari doon?" Christian was so lost sa reaksyong binigay nito. Siya man ay nagtataka sa inasal ng dalaga.


創作者的想法
RomanceNovelist RomanceNovelist

Please play the song included on each chapter for "more" feels! ❤️

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time on my story! Really appreciated! Will work hard more for your reads :)

Comments? Reactions? Feel free to comment them down below :) You can use the #YoungHearts

Follow me on my social media platforms!

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelist@yahoo.com

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C10
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄