下載應用程式
82.6% Bulong ng Puso / Chapter 38: Cahpter Thirty Seven

章節 38: Cahpter Thirty Seven

Louise opened her eyes, ilang ulit niyang ikinurap ang mga mata upang mas luminaw ang paningin. She realized she was in her own room, sa kaliwang kamay niya ay may nakatusok na suwero. She tried to get out of bed ngunit bahagya pa ring umikot ang kanyang paningin.

"Hija! huwag ka munang tumayo" nagmamadaling pinuntahan siya ni Adela at muling ihiniga.

"Ano ho ba ang nangyari, yaya?"

"Nawalan ka ng malay kaya tinawagan ko si doktor..."

"Yaya, nag o-overreact ka na naman" nangingiting sabi niya at bahagyang itinaas ang kaliwang kamay kung saan nakakabit ang suwero "tignan mo, ipinasuwero mo pa ako" reklamo niya.

"Well, you very much needed that, Ms. Saavedra" anang doktor na noon ay kapapasok lamang muli sa silid.

"Lalabas muna ako, hija at nang makapag usap kayo ni doktor. Magpapaluto tuloy ako ng paborito mo ha, kailangan mong kumain" hindi na nito hinintay ang sagot niya at agad ng lumabas ng silid.

"May sakit ho ba ako, doc?" deretsahang tanong niya sa doktor. She can sense her yaya Adela is nervous at umaaktong tila ba may taning na ang buhay niya.

"No, no, Ms. Saavedra, you are perfectly healthy. Just a little dehydrated. Make sure you drink lots of fluid and eat healthy foods para sa iyo at sa dinadala mo" the doctor started writing some prescription on a piece of paper.

Namutla si Louise sa narinig. Did she hear the doctor correctly? sa kanya at sa dinadala niya?

"Doc...paki..paki ulit nga ho ang sinabi niyo... I think I misheard-"

"Oh, didn't you know you're pregnant?" the doctor looked surpised.

She shook her head. Walang salitang namutawi mula sa kanyang mga labi. She was shocked and didn't know what to say. She is carrying Gael's child!

Her heart all of a sudden swelled with unexplained happines. Nakapa niya ng isang kamay ang impis pang tiyan. Tears fell from her eyes, but this time, they were not tears of sadness but tears of happiness. She and Gael made something so magical, made something so special together - they are bringing another human into this world. And this all happened because of her love for him.

"Normal lang iyan, Louise. Merong mga babaeng hindi nakakaramdam agad ng sintomas kaya hindi nalalaman agad ang pagbubuntis" the doctor smiled at her and handed her the prescription "make sure to take this vitamins at least until you can visit your ob-gyne. Dahil dehydrated ka at mukhang hindi nakakakain, there is a chance na humina ang kapit ng bata"

"Will the baby be okay, doc?" alalang tanong niya, ang mga kamay ay nanatili pa rin sa puson, as if already to protect her unborn child.

"Of course the baby will be okay! don't worry so much. Just rest for now dahil hindi din maganda para sa bata ang palaging nagpupuyat ang ina. Eat well and keep yourself hydrated"

"Thank you doc"

Matagal nang nakaalis sa silid niya ang doktor ay nanatili pa rin si Louise sa nakahiga lamang sa kama. Until now, she couldn't believe that theres's another heart beating inside her. Marahan niyang hinimas ang tiyan nang biglang maalala ang asawa, she has to tell Gael! She excitedly grabbed her cellphone and began dialling his number. Ano kaya ang magiging reaksyon nito? will he be mad and tell her she should've been safe? will he be excited that he's gonna be a father soon? She was anxiously waiting for him to answer nang maalala ang sinabi ni Patty ~  I hope you'll choose to do the right thing this time, Louise. Kung mahal mo siya, don't let him destroy himself...

"Hello? Louise, are you there?" boses ng nasa kabilang linya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

She cleared her throat "ye..yes, Gael, I'm here"

"Is everything alright, sweetheart?" nasa ting ni Gael ang pag alala.

Pinilit ni Louise pasiglahin ang tinig "you worry too much, Mr. Aragon, ayos na ayos lang ang misis mo.. namiss lang talaga kita"

"Oh, you don't know how much I am going crazy, sweetheart. Come home to me...mababaliw na ako sa pagka sabik ko sayo"

She nodded na para bang nakikita siya nito "Yes. Uuwi na ako bukas"

"Susunduin na kita okay? I should be back from Manila before lunch, diyan na ako tutuloy"

"O-ok...i'll see you then" ibinaba niya ang telepono na may bigat sa dibdib "I'm sorry, anak... this is not the right time to tell your father about you"  muli niyang hinimas ang tiyan.

*******

"Ano na ang balak mo ngayon?" Ani yaya Adela, dinalhan siya nito ng pagkain sa kanyang silid.

"Hindi ko pa ho alam, yaya"

"Ano ba ang pagsasama niyo ni Gael? Hindi ba kayo tunay na mag-asawa? Ang akala ko ba'y kasal kayo?"

She gave out a sigh at ibinaba ang kutsarang gamit sa tray ng pagkain.

"Technically, yes, we are married legally..."

"Pero?" Dugtong ni yaya Adela

"Hindi ko rin alam yaya. Naguguluhan din ako... lately, nagsasama kami bilang tunay na mag asawa dahil naisip kong dapat kong pagbayaran sa kanya ang kasalan ni papa... pero..." kinagat niya ang pang ibabang labi, muling nanghapdi ang kanyang mga mata "pero... mahal ko pa pala siya yaya"

Umupo ang matanda sa tabi niya at ginagap ang kanyang kamay, nasa mga mata nito ang pang unawa "kung mahal mo pa siya anak, ano ang problema? Mag asawa kayo... at ngayon ay magkaka anak na..."

Isang iling ang kanyang naging sagot kasabay ng pagpatak ng luha. She looked at the old woman, as if hoping to get some help "it's more complicated than that, yaya... I don't think Gael still loves me. He probably approached me again para makaganti kay papa. I am just a tool he's using para pagbayarin si Papa sa mga kasalanan... and I... I willingly gave myself to him because I still love him.. at ngayon..." humikbi siya at hinimas ang tiyan.

"Bakit hindi mo siya kausapin, hija? Paano mong malalaman ang nararamdaman niya kung hindi mo siya kakausapin?"

"Natatakot ako yaya... baka masyadong masakit ang katotohanang marinig ko... isa pa, sisirain ko lang siya kapag nanatili ako sa piling niya..."

Kung mahal mo pa siya, don't let him destroy himself...

He will lose everything...

It will be the end of Gael...

Bumuntong hininga ang matandang babae at niyakap siya "kung ano man ang maging desisyon mo, anak, lagi mong alalahanin na narito lamang ako..."

Niyakap ni Louise ang matanda kasabay ng paglaya ng mga luhang madalas niyang sinisikil.

These past few months had been like a roller coaster ride for her. From getting married to her first love, finding out the truth about what happened 6 years ago, learning she still loves him, losing her father...and just when she thought na baka nga may kaunting pag-asang mahal pa siya nito, na baka nga may pag asang maging totohanan ang kasal nila, Patty tells her that she will be Gael's greatest downfall. At ngayon, may isang buhay sa kanyang sinapupunan na kailangan niyang isa alang-alang. Ano nga ba ang gagawin niya?

Kinabukasan ay maagang bumangon si Louise upang maghanda pauwi ng San Nicolas. Kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang bag ng pumasok sa silid niya si yaya Adela.

"Nariyan na ang asawa mo sa baba"

Sukat pagkarinig niyon ay hindi niya maawat ang sariling takbuhin ang hagdanan pababa. Halos tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo at malunod siya sa lakas ng tibok ng puso nang makita ito. His back was turned at tila may kausap ito sa telepono.

Louise hesitated for a moment bago tuluyang lumapit dito, mula sa likod ay niyakap niya ito, her hands landed on his chest. Marahan niyang idinantay ang ulo sa likod nito.

"Sweetheart!" He exclaimed, na tila nagulat sa kanyang ginawa. He wanted to turn around to face her, ngunit pinigilan niya ito.

"Please.. let's just stay like this way for a while..." she whispered. Hindi niya gustong mahalata nito ang kalangkutan sa kanyang mukha na pilit niyang ikinukubli.

I know what I have to do, Gael... so please, just let me embrace you like this... let me etch this moment in my memory...

"Is everything ok, sweetheart?" Tanong nito, masuyo nitong kinuha ang kamay niyang nakayakap dito at hinalikan ang mga iyon. He slowly turned around to face her.

"Are you crying?"

She wiped her eyes "I.. i just thought of dad" pagsisinungaling niya.  She stared at his face, God how she missed him!

Gael held her face and kissed her passionately without warning. Awtomatikong tumaas ang kanyang mga kamay sa leeg nito, and returned his kisses. How is it possible that 2 weeks felt like a lifetime without him? Being in his arms, feeling his lips on her and just having him around completes her. Kahit pa alam niyang paghihiganti lamang ang motibo ng binata, she could swallow her pride and stay with him, cling onto him like a fool... but to see him suffer because of her, iyon ang hindi niya mapapayagan...

Gael ended the kiss after a few minutes. Pareho nilang halos habol ang paghinga.

"I missed you so, my wife" he said emotionally, hindi pa rin pinakakawalan sa pagkakayakap ang kanyang baywang.

"and I miss you too, Mr. Aragon" nakangiting sagot niya.

"Kumain muna kayo bago lumakad" ani Yaya Adela na lumabas mula sa dining area "handa na ang hapag"

She cleared her throat bago nagsalita "yaya..this is Gael Aragon. Gael, si yaya Adela ko" pakilala niya sabay muwestra sa gawi ni Adela.

Lumapit si Gael dito at nagmano "Gael Aragon po... Louise's husband" malapad itong ngumiti sa matanda.

"Kaawan ka ng Diyos, hijo at nagagalak akong makilala ka. Sana ay mahalin at ingatan mo ang alaga ko" seryosong wika ng matandang babae, diretso ang tingin nito kay Gael, na para bang tinitimbang ito.

"Aba syempre naman po yaya!" Magiliw na sagot ni Gael at muli siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi "Louise is very dear to me. I'll cherish her for as long as I live"

Agad umiwas ng tingin si Louise. Don't say such things Gael... isang kirot ang gumuhit sa dibdib.

Matapos makakain ay nagpaalam na silang umalis pauwi ng San Nicolas. May kalahating oras na silang nasa daan nang mapuna niyang tila ibang ruta ang tinatahak nila.

"Saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan pauwi"

Gael reached for her hand and briefly looked at her, flashing a charming smile "there's something I want to show you"

Tahimik na pinagmasdan ni Louise ang asawa habang nagmamaneho. Nakapagkit na yata ang ngiti sa mga labi nito, his eyes seem like they were dancing. He is happy. Dahil ba muli siyang nakita nito? Did he really miss her the way she missed him?

Ang mga nagdaang linggo ay lalo lamang nahulog ng husto ang damdamin niya sa lalaki, lalo nang makita niya ang pakikidalamhati nito sa pagkawala ng ama, sa kabila ng mga kasalanan ni Enrique dito. Minsan nga ay gusto na niyang kumbinsihin ang sariling siguro ay mahal pa rin siya nito, dahil kung hindi, what else could she call everything that he's showing her? Awa Louise. Bulong ng isip niya.  Awa lang ang nararamdaman ni Gael sayo. Marahil ay sundot na rin ng kunsensya dahil sa ginamit ka niya para maghiganti sa taong ngayon ay wala na.

"Baka naman matunaw na ako sweetheart sa pagkakatitig mo sa akin?" He glanced and winked at her.

Agad niyang ibinaling ang tingin sa iba "parang pumayat ka lang kasi. Hindi ka ba kumakain mabuti?"

"Ibang pagkain ang gusto ko sweetheart, at dalawang linggo na akong na diyeta doon" pilyong tukso nito.

"Hay naku, Gael!" Kunwari ay galit niyang sagot, sinabayan pa niya iyon ng irap.

Malakas itong tumawa "namumula ka pa rin hanggang ngayon, sweetheart. I like it"

"Hmp! Saan ba kasi tayo pupunta?" Pag iiba niya ng usapan

"Malapit na tayo... you will see"

Hindi nagtagal ay ipinarada ni Gael ang sasakyan sa harapan ng isang lumang bahay. Pamilyar ang bahay na iyon bagaman hindi niya masiguro kung saan niya nakita.

Gael helped her get out of the car. Binuksan nito ang gate upang makapasok sila.

Louise surveyed the place. Dalawang palapag ang bahay na iyon na gawa sa brick at kahoy. Ang bintana ay old style na yari sa capiz. Mayroong isang malaking punong mangga sa kanang bahagi ng bakuran, iba't iba ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid. It was an old spanish style house.

Wait... is this?

Nilingon niya si Gael, who was standing behind her, watching her from a distance.

"Is this the house..?" Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil parang may bumalalak sa kanyang lalamunan.

"Do you still remember this place, sweetheart?" Nilapitan siya nito at magkasabay silang pumasok sa kabahayan.

I bought this house with the little money that my parents left me, sweetheart... this will be our home...

Nag init ang mga mata ni Louise. This is the house that Gael had bought for them 6 years ago! Ang bahay kung saan ito nag propose sa kanya at nangakong mamahalin siya habang buhay, kung saan sila nangarap bumuo ng pamilya...

Iginala niya ang mga mata sa kabahayan. Antigo ang bahay ngunit pawang bago at moderno ang kagamitan, halatang pinag ukulan ng panahon at salapi ang bahay na ito.

Itinulak niya pabukas ang isa sa pintuang naroroon at tumambad sa kanya ang isang opisina. May malaking desk na naroroon at isang puting love seat sa isang gilid. Natigil siya sa paghakbang nang mapako ang paningin sa isa sa mga dingding. Naitutop niya ang kamay sa bibig kasabay ng pag uunahan ng pag agos ng mga luha. Staring back at her was a huge charcoal portrait of herself, na si Gael mismo ang gumuhit, 6 years ago.

That painting will be here in my office. Dito sa magiging bahay natin...

"G-Gael.. ba.. bakit?" Nagawa niyang iusal sa kabila ng pag iyak.

Humakbang palapit ang binata sa kanya at pinahid ang mga luha niya.

"Dahil mahal pa rin kita, Louise... I never stopped loving you..."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C38
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄