下載應用程式
88.7% Thieves of Harmony / Chapter 55: Love

章節 55: Love

Thanatos' Point of View

Ngayon naman ay binabasa naming dalawa ni Cassandra ang librong binigay ni Persephone. Hindi na gagamitin ni Cassandra ang abilidad niya, but she will help me digest these informations.

I'm not a fan of reading kaya't nagpatulong na ako kay Cassandra. Nakinig naman ako habang nagsasalita siya, "Eleusia was established by Demeter and Persephone. Pero inabandon din nila ito nang mapansing hindi na sumusunod sa kanila ang mga miyembro nila. Well, that's where the Eleusinians got mad."

"Mas naging dedikado ang mga Eleusinian na palakasin ang kapangyarihan nila, and they did. Eleusinians were able to manipulate magic, but deities were able to create. After some years, iyon ang naging goal nila- to create," paliwanag ni Cassandra, at mas naging kuryos naman ako.

"They believed mortals were as powerful as Gods, kaya't gumagawa sila ng mga ritwal upang maging kasinlakas ng mga Diyos," dagdag pa ni Cassandra. "At higitan pa sila. There was this anak daw ni Hermes, named Eleusis na nahirang na Hero of Eleusia, the thief of harmony. He was one of the proponents upon achieving their goal. According to this book."

I scoffed, "Seriously? Higitan? And I thought mga mortals lang? Bakit may anak ni Hermes d'yan?"

Cassandra nodded, "Well, according dito sa sinulat ni- si Goddess Persephone ba ang nagsulat nito?" Nagkibit-balikat naman ako, basta may nagsulat niyan.

"Kung totoo ngang inatake ng Eleusinian si Melizabeth, she must be under control of them. Malamang ay ginagamit nila si Melizabeth para makapagpalakas? Hindi ba, Kuya? I mean out of all applicants, siya ang pinakamagaling dahil mortal siya, at malakas ang kapit niya rito sa underworld," pagcoconlucde ni Cassandra, kahit nagulat ako at tinawag niya akong kuya.

Umiling naman ako, "That may be possible, but there are other applicants- mga demigods. Bakit sa lahat ay siya pa?"

Bumagsak ang tingin ulit ni Cassandra sa libro. Ang hirap naman kasi nitong wala kamig alam.

"You said, that one of your spies in Apollo's temple said that the Eleusinian Mystery acknowledged her. Hindi kaya, isa siyang Eleusinian, Kuya?" pag-iisip niya pa uli. Alam niyo, matalino siya pero, "I watched her for six years, and wala naman akong napansing kakaiba. Like she's a part of a cult or something."

Nagulat ako nang inirapan ako ni Cassandra, "Yeah those six years, Kuya, are nothing to her first thirteen years."

Nagpatuloy pa siya, "And sabi nga ni Persephone, nagkahiwa-hiwalay na sila diba? So there's a high possibility na isa ngang Eleusinian si Ate Melizabeth. Besides, she has a third eye, right? She can hypnotize demons and souls."

Mula sa nakasandal kong posisyon, umayos ako at kinuha ang libro sa kaniya. Maliit lang ang libro, pero maliit din ang font size. Nakakatamad basahin, pero may gusto lang akong i-check.

Binuklat ko iyon sa last page, at nakita ang nakasaad.

Finally, they told us, "We want to rule the mortal world, Goddess Demeter. We are capable, and we will not disappoint you."

"No," that was my answer, as I turned my back on them- Destroying the own cult that I built.

Nagulo na ang isipan ko. Bahala na, ang mahalaga ay malaman ko kung ano bang pakay ng mga Eleusinian kay Melizabeth. I know that she is strong, but she has a weak heart.

"You're going to Apollo?" tanong sa'kin ni Cassandra, at tumango naman ako. "Bakit sasama ka?"

Nanlaki ang mata niya, namula at kaagad na umiling, "No, it's better here. I don't want to cause trouble for Lord Apollo."

Ngumisi ako at sinundot ang tagiliran niya, "You have a crush on that gay?" Kidding asides. Hindi naman bakla si Apollo.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin, at nag-pout. Umiwas siya ng tingin sa'kin at napatawa naman ako. I remember Melizabeth on her.

"Sige na, dyan ka na. Banggitin nalang kita sa crush mo!" wika ko bago mabilisang umalis sa chambers niya.

Kaagad naman akong nagteleport papunta sa isla ni Apollo. Nagulat ang mga servants niya pero kaagad din namang nag-bow sa'kin. Sarap siguro magkaroon ng sariling isla. Pero malungkot din, mag-isa ka lang. Okay na ako sa underworld.

"Thanatos," bati sa'kin ni Apollo mula sa likod. Kakapasok niya lang sa sarili niyang templo. Saan na naman nagpunta 'to? Ngumisi ako, "Oi, musta raw sabi ni Cassandra."

He clenched his jaw. Luh, hindi bagay. "Kailan niyo ba siya ibabalik sa'kin?"

"Hindi naman sa'yo, ah. Sabihin mo muna sa'king mahal mo 'yon pero bahala na," sabi ko at tiningnan ang platform kung nasaan ang aklat ng mga oracles at ng Eleusinian mystery.

Tila napansin ni Apollo na nakatingin ako roon kaya't bigla siyang nagsalita, "You're here for Melizabeth?"

Tumango naman ako, "I'm only here for her. Not for the whole underworld, Apollo."

Tumawa naman siya, at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti. Pucha, kaya ayoko sa kaniya 'e. "Sabihin mo muna sa'king mahal mo 'yon," panggagaya niya sa sinabi ko.

Ako naman ngayon ang nagtiim ng bagang. Aba't loko 'to ah! "Hoy Apollo, ikaw rin ang makakabenefit kapag sinabi mo sa-"

"Sabihin mo nga muna sa'king mahal mo siya. Simple lang naman, Thanatos. Bakit ka ninenerbyos? Wala naman siya dito," pang-aasar na naman niya. Bwiseeeet!!!!

"Alam mo, tangina mo," sabi ko.

"Duwag ka lang, Thanatos," sabay tawa niya, "Bahala ka. Ikaw rin, mauunahan ka ng anak ni Hermes."

Nanliit naman ang mata ko, "Anak ni Hermes?" Eleusis? Thief of harmony? Iyan naman ang unang pumasok sa utak ko.

"Autolycus," maiikling saad niya, "He needs to be soulbound with Melizabeth. Mamatay siya, kapag hindi niya nagawa iyon. A part of his soul is missing that only Melizabeth can fill."

Nanliit naman ang mata ko, out of all people, si Melizabeth pa talaga?

"Ano pa ang mayroon d'on ke totoy?" Tanong ko at humagalpak naman ng tawa si Apollo. Hindi ako nakikipagbiruan, nyeta.

Nagseryoso naman siya nang makitang seryoso na rin ang mukha ko, "Thief of harmony."

Nang marinig ko iyon ay kaagad kong nakuyom ang kamao ko. Tama, iisa lang si Eleusis at Autolycus. For once, ang talino ko.

"Apollo, tell me the mystery. Those mysteries that you saw are fake-"

"I wouldn't tell you without no reason, Thanatos," sabi niya kaya't napapikit naman ako nang mariin. Puta, seryoso na ako ha.

"I love Melizabeth so much. I need to protect my angel. Is that enough reason, Apollo?" Sagot ko, at kaagad naman siyang ngumisi at tumango.

He explained me the mystery, at sinabi ko na rin sa kaniya ang mga kaganapan at sinabi sa'kin ni Persephone at Cassandra. Tumango siya at lumapit sa book of Oracle of Dodona. Na-gets niya agad! Iba talaga kapag matalino.

"Mother Rhea, please answer this question. Do the Eleusinians wish to end the reign of Olympians, end the universe, and create their own?" nagulat naman ako sa tinanong ni Apollo. Saan niya naman nakuha 'yong gan'ong panghuhula? Hmm, after all he is a god of knowledge.

Umilaw ang book of the Oracle of Dodona, at nag-emit din naman ng golden light si Apollo. Cool. Nag-usap naman 'yong dalawa at hindi ko naintindihan. Sige, usap lang kayo dyan.

Napaluhod naman si Apollo, kaya't bahagya akong napalapit sa kaniya. Nakayuko na si Apollo, at saka tumawa nang parang baliw.

"They really think that they could defeat Olympus?" sarkastikong tawa niya. Tumingin siya sa'kin, "gusto nilang pagbangayin nila ang Olympians para mawala tayong lahat."

Tumayo siya, "And once the universe dies, they will rebirth with the help of Melizabeth. They will also create the world with her help. The Eleusinians created her as a tool."

"They will create a new world where they could rule, and where they could become Gods," napangiwi naman ako sa sinabi niya. Imposible. Akala naman talaga nila malilinlang nila kami.

"Now, the war is us versus Eleusinians. And if madodominate nga nila ang utak ni Melizabeth, then pati siya ay kalaban natin," seryosong sabi niya.

Napa-tss naman ako at biglang may naalala, "Autolycus. He is Eleusis." Hindi ko nga pala nasabi sa kaniya.

Nagulat naman si Apollo, "then, Autolycus will use the soulbound to control her!"

Napa-what naman ako at naalala siyang niyayaya si Melizabeth sa kung saan man. Pumayag naman si Melizabeth at sinabing sa day-off niya- fuck! Day-off niya sa training niya ngayon!

"Apollo. Favor, again. Saan ko sila mahahanap ngayon?" Mabilisang tanong ko.

Pumikit lang nang mabilis si Apollo at sinagot agad ako, "Eleusis. That is my best guess."

Tinapik ko naman ang balikat niya, at nagpasalamat. Hindi ko naman hahayaang kunin ni totoy kung anong dapat ang sa akin lang. I won't let him control my angel.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C55
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄