Chapter 20:
Pasyente
Mary's Point of View
"Thank you for coming!"
Binati kami ng isang guard habang palabas kami sa isang restaurant. Kasama ko si Maxine, ang pamangkin ni Aling Rosing.
Sasamahan daw niya ako sa aking tabi para maiwasan ko ang mga patibong na nakapaligid lamang sa aking paligid.
"Ayan, kailangan mong maging mysterious"
Wika ni Maxine. Ang kaniyang boses ay namamaos dahil sa kaniyang sakit. Pinalakpakan niya lamang ako dahil sa aking mga aksiyon. Tila akong nagiging isang misteryosong babae sa isang bayan.
"Takpan mo na ang iyong buhok"
Agad na kinuha ni Maxine ang balabal sa aking kamay at dahan-dahang inilagay sa aking buong katawan. Natitira na lamang ang aking mukhang napaso dahil sa kandila.
"Napakabait mo, Maxine. Ano pala ang backstory niyo nina Aling Rosing?"
Hindi ko naiwasang tanungin siya habang nakatayo kami sa gilid ng kalsada, naghihintay ng dyip na masasakyan.
"Ang masasabi ko lang ay inalagaan niya ako simula bata habang nasa ibang bansa yung inay ko"
Nakangiti niyang pagsagot sa tanong. Tumahimik ang paligid habang kami'y naghihintay ng masasakyang dyip. Wala na kasi akong maisip na puwede pang pag-usapan.
"Oh, Mallarona!"
Hanggang sa may narinig kaming isang malakas na pagsigaw. Mallarona, isang distrito kung saan naroroon ang aking tahanan.
Mabilis kaming umakyat ng dyip na kakaunti lamang ang mga pasahero.
"Bayad po!"
Wika ni Maxine. Hindi ako makatingin sa aking paligid dahil labis kong tinatago ang aking mukha. Kapag nakita kasi nila ito, sigurado akong pagtutuunan nila ito ng pansin. Yumuko na lamang ako sa sahig at nagpanggap na ako'y nakatulog nang mahimbing.
-•-
"Taya!"
"Hala time first lang kasi!"
Pinapanood ko lang ang mga batang masasayang naglalaro sa parke. Nakaka-miss din palang maging bata. Ngayon, busy na tayo sa pag-aalaga sa sarili natin para lumaki tayo nang maayos.
"3... 2... 1..."
"Magandang araw, Mastonienze, naririto po tayo ngayon sa tabi ni Mayor Jeffrey Anthony Reponzo para itanong sa kaniya ang mga nangyayari sa kabuuang bayan natin"
Bigla kong narinig ang isang malakas na boses sa aming kanan kung saan may mga nagkukumpulang mga mamamayan. Naroroon din si Mayor Anthony.
"Ano po ang masasabi niyo sa sitwasyon ng ating bayan?"
Wika ng reporter. Lumapit kaming dalawa ni Maxine sa likuran ng mga tao.
"Ang masasabi ko lang ay sana huwag kayong mapakali! Mukhang may mga hayop na mamamatay-tao sa ating paligid. Pinag-iimbestigahan pa rin natin ang mga insidente kung saan may mga namatay. Pinapahintulot natin na sana huwag kayong magpakausisa dahil baka mahulog kayo sa mga patibong"
Seryosong nagsasalita sa harap ng camera si Mayor Anthony. Hindi ko maiwasang matanong sa aking isip na kung anong mga patibong ang kaniyang tinutukoy.
At bakit parang wala namang ginagawang aksiyon ang mga awtoridad? May ginagawa ba sila?
Umatras na muna ako dahil ayoko nang pakinggan ang mga pinagsasabi ni Mayor ngunit nagulat ako nang may naapakan akong paa.
"Aray!"
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang babaeng may katamtamang kulay at maikli ang buhok. Masasabi mong nasa 25 na taong gulang na ito. Nakaramdam ang aking paa ng isang malamig na alcohol na tumilapon sa sahig.
"No! Yung alcohol!"
Mangiyak-ngiyak na sumigaw ang babae sa harap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sorry po, ate!"
Bigkas ko sa kaniya. Nakatayo lamang ako sa harap niya habang pinagpapawisan. Hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko.
"It's okay. Pagbibigyan kita kung sasamahan mo ako pumunta sa hospital malapit dito. Bibili akong alcohol sa drugstore na located sa tabi nitong hospital"
Nakangiting sabi niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sasamahan ko pa siya. Wow sige.
"Hala sige po haha!"
Without a doubt, agad akong sumang-ayon sa kaniya.
"Carmina, dito lang ako sa spot na ito. Balik ka na lang dito!"
Ani Maxine sa aking likod. Tumango ako nang nakangiti at nagdesisyon nang sumama sa babae.
"Ako nga pala si Jaye! What happened to you face?"
Pagpapakilala niya. Ngunit sa kaniyang tanong, nakaramdam ako ng kahihiyan dahilan para takpan ko ang aking mukha ng aking balabal.
"Ah kasi, umm, nawalan ako ng kontrol at naano ko yung mukha ko sa kumukulong tubig"
Pagsisinungaling ko. Napagmasdan ko ang lungkot na pinapakita ni ate Jaye sa akin.
"Ahh ano bang pangalan mo?"
Tanong niya muli sa akin. Nakatingin lamang ako sa aking daanan habang naglalakad.
"Carmina"
Wika ko at yumuko sa ibaba. Hindi na muli nagsalita si Jaye at nagtuloy-tuloy lamang kami sa paglakad patungo sa hospital.
Mallarona Public Hospital
Nakita ko kung gaano ka-busy ang mga tao sa hospital.
"Actually, may bibisitahin ako sa ospital"
Seryoso niyang pagbigkas. Sinundan ko lamang siya papasok sa ospital.
"I'm here for patient #544 po"
Magalang na kumaway si ate Jaye sa isang nurse. Ngumiti lamang yung nurse sa kaniya at may inasikasong mga papel.
"Okay ma'am. It looks like the patient is still unconscious. Pero nag-iimprove na yung condition niya. You are allowed na po!"
Sagot ng nurse. Nagsimula na kaming pumunta sa elevator at inakyat kami sa palapag. Alam na alam na kaagad ni ate Jaye kung nasaan yung room ng patient na tinutukoy niya.
Pagkalabas namin ng elevator ay agad na napahinto si ate Jaye sa hallway.
"Wait lang, naiihi ako! Samahan mo ako sa labas ng CR!"
Sigaw ni ate Jaye sa akin at nagsimula kaming naglakad nang mabilis patungo sa pinakamalapit na restroom. Nang makahanap kami, nakatayo lamang ako sa labas ng restroom habang kinakalikot ang aking mga buhok sa ulo.
Nakakahina ng sarili habang ntunatagal yung oras. Hindi ko na alam kung saan na ito patungo. Ilang segundo ay nakakita ako ng isang basura sa tapat ko kaya mabilis akong yumuko para kuhanin at itapon ito. Ngunit bigla akong nawalan ng balanse matapos may makabangga sa akin.
"Ayy sorry hija! Ang laki kasi ng harang mo dito!"
Tiningnan ko ang isang matabang babae na may hawak na isang cupcake at ang kaniyang tiyan ay may balot na isang benda. Hindi ako nagkakamali. Si Ma'am Trixie nga ito na mukhang magaling na mula sa nangyari sa kaniya.
"Excuse me!"
Kaagad siyang naglakad papalayo habang nananatili akong nakaupo pa rin sa sahig. Ano bang mayroon doon kay Ma'am Trixie? Mabuti na lamang at magaling na siya.
Ilang saglit pa ay lumabas na ng CR si ate Jaye na may pabango sa kaniyang kamay. Dumiretso na kami sa kaniyang pinatutunguhan.
Hanggang sa makarating na kami sa labas ng isang kuwarto. Ito na yata ang kuwarto kung nasaan yung pasyente.
"Huwag kang maingay ha?"
Ibinaba ni ate Jaye ang kaniyang boses at dahan-dahang ibinuksan ang pinto.
Agad na nakita ko ang iilang mga operating room equipments na nasa gilid ng isang kama. Dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa pasyente.
Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba? Nang papalapit na ako sa kama, nagulat ako sa aking nakita.
Lumaki ang aking mga mata matapos makita ang mukha ng pasyente. Anong nangyari?! Anong nangyari kay ate Freya?! Bakit siya naririto? Paano niya nahanap si ate Freya?! Kailan pa ito?
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang bakal sa gilid ng kama. Unti-unti akong lumuhod sa gilid ni ate Freya habang pinagmamasdan ang mabilis na paghinga niya.
"Natagpuan siyang walang malay sa isang hotel. Ayun lang. Hindi namin alam kung nasaan yung pamilya niya. Hindi nga namin alam kung sino itong babaeng ito eh!"
Paliwanag ni ate Jaye habang nakatingin din siya kay ate Freya. Samantala, naririto ako, pinipigilan ang aking sarili sa pag-iyak.
"S-siguro matapang itong babaeng ito. Her family must be proud. Patuloy pa rin siya sa paglaban. Sana hindi siya mawalan ng pag-asa"
Hindi ko na maiwasang mapaluha habang ako'y nagsasalita. Nabalot na ng katahimikan ang buong kuwarto nang ilang minuto habang pinanonood namin ang paglaban ni ate Freya.
Sana magising pa siya. Kinuha na nga si mama, sana naman huwag din ang aking mapagmahal na pinsan.
-•-
Someone's Point of View
Hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan ako sa pagpasok ditosa isang parte ng aming bahay. Nakakainis, ano ba tinatago nila? Isang bangkay? Haha! Grabe naman!
Pamilya? Magtataguan ng lihim sa isa't-isa? Anong klaseng lohika iyan?
Pero ngayon, nahanap ko yung susi ng pinto ng kuwarto na iyon kaya puwede kong kalikutin yung nasa loob nito. Nasubukan kong gawin ito sa gabi kung saan tahimik ang buong bahay dahil tulog lahat sila.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto at pagbukas ko, naamoy ko ang mabahong amoy na parang basang mga papel. Hinanap ko ang light switch para buksan ang ilaw ng kuwarto.
Sa aking pagbukas, nakita ko ang napakaraming mga papel na nagpapatong-patong sa isa't-isa. Ano ito? May mga ganito pa? Ito ba yung tinatago nila? Akala ko big revelation!
Nasayang yung pagiging mausisa ko! Like what the heck?!
Kinuha ko ang ilang mga papel sa at sinubukang basahin. Ngunit akala ko wala na.
Tumayo ang aking mga balahibo sa aking mga nabasa. No! What the hell is this?! Ano ito?! Ano itong mga pinaggagawa niyo?!
Sa aking pagkainis sa mga nabasa ko, ginulo ko ang buong kuwarto at pinagpupunit-punit ang mga papel isa-isa. Bakit hindi ko nalaman ito?!
Nang aking nagulo ang mga papel, nagulat ako nang may nakita akong isang pinto sa sahig na nakatago sa mga papel kanina. Ano na naman ito?!
Nang aking buksan, may isang hagdan na aking binaba. Bagama't nakakaramdam na ako ng takot, sinusubukan ko pa ring ituloy ito dahil alam kong nangingibabaw pa rin ang aking curiosity.
Nang aking maabot ang pinakababa, nagdesisyon akong buksan ang flashlight na hindi na masyadong maliwanag. Halos mapasigaw ako nang makita ko ang iilang mga katawan na nakasabit sa mga pader.
What the fuck?! Ano ito?! Ayoko na!