下載應用程式
31.81% The Mystery of Deaths [Filipino] / Chapter 7: Chapter 7: No Trespassing

章節 7: Chapter 7: No Trespassing

Mary's Point of View

Habang ang mga dahon ay kumakaluskos sa bawat paligid dahil sa malakas na hangin, patuloy ako sa paglakad patungo sa Bernaz Central High School. Halos hindi ako makalingon sa kahit anong direksiyon maliban lamang sa sahig dahil nakakaramdam ako ng takot na kahit anong oras ay may puwedeng humuli sa akin. Hindi ko naman inaakala na ganito kadilim at katahimik ng Mastoniaz pagsapit ng gabi. Ako'y unti-unting pinapawisan habang naglalakad nang mabilis kahit na napakalamig ng simoy ng hangin.

Lumiko ako ng daan at doon nakita ko na ang gusali ng paaralan. Napansin ko rin ang nag-iisang ilaw na nakabukas sa school gate. Mukhang may guard na nagbabantay at siguradong hindi ako papapasukin sa loob kahit anong pagmamakaawa ko pa ang gagawin. Inilibot ko ang gilid ng paaralan at tanging ang pag-akyat lamang sa puno ng mangga ang paraan na naisip ko para makapasok sa loob at malagpasan ang bakod.

Hinamit ko ang aking lakas sa pagtalon papunta sa loob ng bakod. At dahil sa malas ako, nadaganan ko ang flashlight dahilan para masira at mabasag ang ilaw nito. Paano na ito? Sobrang dilim ng paaralan na parang nasa haunted mansion ka lang. Tumayo ako mula sa sahig at iniwan na ang aking flashlight. Naglakad ako nang mabagal papasok ng isang gusali sa paaralan. Takot ang bumabalot sa aking katawan habang ako'y papalapit. Bakit kasi sa loob ng isang kuwarto kailangan magkita kami? Nang makapasok na ako, napakalaking kadiliman ang nagpigil sa akin para makita ang aking mga braso. Nakakaramdam na ako ng mga masasama na parang may sumusunod sa akin. Dahil sa takot, mas minabuti kong humingig o kumanta para mabawasan.

Habang paakyat na ako sa hagdan, lalo nang nag-iipon ang utak ko ng mga tanong katulad ng kung sino nga ba ang nagpapunta sa akin dito. Sino nga ba? Mabilis akong naglakad patungo sa corridor pero napatigil ako nang may napansin ako sa isang kuwarto sa gilid ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang aking repleksiyon sa bintana na maikli ang buhok kahit na mahaba naman ang buhok ko. Nang itinaas ko ang kanang kamay ko, baliktad ang kamay na itinaas ng repleksiyon ko. Lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.

Ilang segundo ang nakalipas nang ako'y unti-unting umiyak, bigla na lamang ako may narinig na yapak na paakyat sa hagdan. Huwag ka munang iiyak, Mary Carmen Lim. Hanggang may paraan, tuloy ang laban.

Ikinuha ko ang aking natitirang lakas upang tumakbo nang mabilis sa corridor. Nasaan na yung Room 204? Habang ako ay tumatakbo, nakikita ko ang bawat room number na pataas ng pataas kahit na medyo madilim. Mali ata ako ng direksiyon, pero huli na para bumalik. Kahit anong bilis ng takbo ko, naririnig ko ang malalakas na yapak ng tao sa likod ko na hinahabol ako. Sino ka ba?! Bakit hindi ka nagsasalita sa likod?!

Napapikit ako at nagdasal na sana mawala na ito, o mawala na ako rito sa paaralan. Nakakaramdam na ako ng sakit sa dibdib habang unti-unti na akong napapagod.

Aking binuksan ang aking mga mata at laking gulat ko nang may nakita akong anino na nakaharang sa daan. Hindi ko magawang pigilin ang aking pagtakbo sa halip, nabangga ko ang babae.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Bakit ka tumatakbo?! Bakit ka naririto sa gabi?!"

Isang malakas na pagsigaw ang narinig ko habang kami'y nakahiga sa sahig dahil nagkabanggaan kami. Naalala ko na si Ma'am Trixie ito dahil sa tono ng boses.

"Ma'am! Hinahabol po ako ng isang nilalang!"

Sa oras nang ako ay nagsalita, nagsimula na lamang akong umiyak sa harapan niya, ngunit natawa lamang si Ma'am Trixie sa akin at gumamit pa ng flashlight para ilawang ang corridor na walang bakas ng kahit ano na ako nga ay hinahabol.

"Wala naman humahabol sa iyo! Naku! Ikaw, hindi naman minumulto ang school na ito! Hindi rin ako maniniwala sa mga ganiyan hangga't hindi pa ako nakakakita gamit ang aking mga mata!"

Bigkas ni Ma'am Trixie na nakatitig sa akin nang pagalit. Napayuko ako sa sahig dahil alam kong wala naman talagang maniniwala sa akin at sa mga kabaliwan na nangyayari, pero nagulat ako nang itinaas ni Ma'am Trixie and aking ulo para tumingin sa kaniya.

"Bakit ka naririto? Paano ka nakapasok? Wala ka namang permiso sa guard! Pwede kang makasuhan ng trespassing, dahil sa mga pinaggagawa mo!"

Sigaw ni Ma'am Trixie sa akin na dahilan para mas lalo akong nanlambot at nanginig sa takot.

"Ah, Ma'am! Patawad po, mayroon lang po tayong hindi pagkakaunawaan! Meron kasing nagpapunta sa aki-"

"No! Hindi mo na kailangang magpaliwanag! Ipapadala kita sa barangay hall!"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita bagkus hinawakan niya ang damit ko nang biglaan at hinila ako pababa ng hagdan.

"Ma'am! Huwag n-niyo naman po ako hilahin"

Pagmamakaawa ko sa kaniya habang pinipilit ko siyang mabitawan ang aking t-shirt.

"Sumunod ka sa akin. Hindi ko kasalanan kung bakit ka pumasok dito sa gabi"

Mahinhin niyang sabi habang patuloy pa rin siya sa paghila sa akin palabas. Kinakabahan ako habang unti-unti kaming palabas ng gusali. Malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa amin nang makarating kami sa madilim na ground floor. Habang hinihila niya ako papunta sa guard, ako'y nakakaramdam ng sakit dahil sa mga pingot sa tainga na natatanggap ko sa kaniya.

"Gregorio! Tingnan mo! Bakit may nakakapasok sa estudyante sa loob?! Hindi mo ginagawa ang trabaho mo!"

Pagkarating namin sa gate ay sigaw at galit ang narinig ko sa labi ni Ma'am Trixie. Napayuko lang ako sa mga damo dahil sa hiya na aking nadarama. Dapat pala hindi ako sumunod sa taong nagbigay sa akin ng papel. Nakapangsisisi ang aking nagawa.

"Dalhin mo nga ito sa barangay para kuhanin siya roon ng mga magulang nito!"

Dagdag pa ni Ma'am Trixie at biglang hinila ako palabas sa paaralan na dahilan para ako ay mawalan ng balanse, at natumba sa sahig.

"Dahan-dahan naman sa pagpapalabas ng galit, Ma'am Trixie. Huwag kang magpagutom kasi"

Tugon ng guard at lumapit sa akin nang nakangiti. Tinulungan niya ako sa pagtayo at saka napansin ko ang gasgas sa aking palad.

"Bahala kayo! Babalik na ako para tapusin ang mga class records!"

Wika ni Ma'am Trixie at bumalik muli sa loob ng paaralan. Hinawakan ako nang mahigpit ng guard sa aking braso.

"Sorry anak, pero ihahatid kita sa barangay hall kasi pumasok ka sa loob ng paaralan na walang permiso. Hindi mo dapat ginawa iyon"

Sabi ng guard sa akin na may nag-aalalang mukhang naka-imprinta. Unti-unti akong napaluha pero huli na para makita ng guard dahil nagsimula na kaming maglakad sa isang napakadilim na kalye papunta sa barangay hall. Inilingon ko muli ang paaralan at nakita si Ma'am Trixie na naglalakad papasok ng gusali, ngunit nagtaka ako nang mapansin ko ang isang anino ng babae sa isa sa mga bintana sa pangalawang palapag ng paaralan, na kitang-kita ang kaputian ng kaniyang bestida.

Kinalabit ko ang guard na nakatitig sa daan namin ngunit wala siyang reaksiyon, parang hindi niya ako nararamdaman. Malaki ang aking pakiramdam na may mangyayaring masama ngayon o mamaya. At kung mayroon man, alam kong wala akong magagawa. Sana at wala talagang mangyari masama sa loob ng paaralan natin.

"Umayos ka kapag kinakausap ka ng kapitan ng barangay"

Nakangiting pagsasalita ng guard sa akin. Mukhang napaka-inosente ng ngiti niya kahit na may edad na siya kung tingnan. Pumasok kami sa nag-iisang gusali na may nakabukas na ilaw. Dumating kami roon at nakita ang isang lalaking na may edad na nakaupo sa harap ng mesa. Siguro isa itong barangay tanod. Seryoso akong nakatingin sa kaniya habang nagsusulat.

"Magandang gabi, Pareng Ernold! Kamusta ang pagiging tanod dito?"

Wika ng guard na may masiyahing boses. Nagulat ang lalaking nakaupo nang marinig niya ang guard.

"Okay lang naman! Maliban lang sa midnight schedule kung saan mag-isa lang ako rito, nagbabantay, hindi alam kung anong puwedeng mangyari sa akin haha!"

Sagot ng lalaki sa guard, sabay tawa nang hindi kaaya-aya. Tinulak naman ako bigla ng guard sa likod dahilan para mapalapit sa mesa ng lalaki. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari. Pakiramdam ko tuloy nasa panganib ako ngayon at walang sinuman ang makakatulong sa aking sa oras na sumigaw ako.

"Itong si hija, pumasok siya sa Bernaz Central High School nang walang permiso sa gitna ng gabi! Mahigpit na ipinagbabawal iyon hindi ba?"

Sambit ng guard. Napatayo naman ang barangay tanod mula sa kaniyang upuan at lumapit sa akin nang nakangisi. Nakaramdam ako ng takot habang ang mga binti ko ay nanginig sa kaba.

"Oo, mahigpit na ipinagbabawal ang isang tao sa pagpasok sa property na hindi naman niya pagmamay-ari"

Tugon ng lalaki habang tinatapik ang aking balikat. Hindi ako makatingin sa taas dahil sa kaba na aking nadarama. Gusto kong tumakbo palabas dito. Isang malaking pagkakamali ang pumunta sa paaralan sa gitna ng gabi.

"Hija, anong cellphone number ng iyong magulang? Kailangan nilang malaman ang pagkakamaling nagawa mo"

Tanong sa akin ng lalaki at pinaupo ako sa upuan. Umupo rin siya sa puwesto niya nang nakangiti. Bakit kailangan pang tawagin ang aking mga magulang? Puwede bang hindi na? Labag man sa puso ko, isinulat ko ang contact number ng aking mga magulang sa maliit na papel na ibinigay niya.

"O sige na, babalik na ako"

Biglang nagsalita ang guard na papalabas na sa pintuan ng barangay hall at saka naglakad paalis sa liwanag. Natira na lamang ako rito na nakaupo at nakatingin sa malinis na sahig ng barangay hall.

"Ngayon, bawal ka munang umalis. May mga katanungan ka ba sa ating bayan?"

Tanong ng lalaki sa akin na patuloy sa pagsusulat sa isang malinis na papel. Tanong? Ito na yata ang pagkakataon para malaman kung anong mayroon dito sa bayan ng Mastoniaz. Gusto ko rin malaman tungkol doon sa The Humming Lady.

"May kakaiba po ba dito sa Mastoniaz?"

Una kong tanong at napatigil sa pagsusulat ang lalaki. Napatingin siya sa akin na may seryosong mukha. Bakit parang napapangitan siya sa tanong ko?

"Ang Mastoniaz ay kilala sa pagiging misteryoso na bayan dahil walang nakakaalam kung saan nanggaling ang pangalan nito at walang nakakaalam kung paano nalikha o nabuo ang Mastoniaz"

Sa pagsasalita niya, nakaramdam ako ng kakaibang takot na parang may nanonood sa aming pag-uusap. Dagdag pa ang nakabukas na pinto ng barangay hall dahilan para makita ko kung gaano kadilim sa labas.

"May ibang nagsasabi na ang lugar na ito ay puno ng species ng isang snail, at may ilan na galing ito sa pangalan ng naging hari rito sa dating panahon. Ngunit walang nakakaalam kung ano nga ba ang tama"

Dagdag pa niya, habang patuloy sa pagsusulat sa papel. Wala naman nangyari kaya nais ko ulit magtanong ng iba pa. Agad kong naalala ang nangyari sa babae sa banyo na aking nakita noong isang gabi. Dahil siya ay barangay tanod, baka alam niya.

"Alam niyo po ba ang nangyari sa isang babae na natagpuang patay pagkatapos ng masquerade part-"

Bigla akong pinatahimik ni Mang Ernold nang napatayo siya sa kaniyang ikinauupuan. Natakot naman ako sa lakas ng mga tunog ng mga dahon na nagdidikitan dahil sa biglaang lakas ng hangin sa labas.

"Ang sabi sa imbestigasyon, pinatay raw siya ng kaniyang boyfriend noon. Bagama't mahirap paniwalaan, sinabi ng boyfriend na may problema siya sa utak kaya niya nagawa iyon. Dalawang babae sana ang kaniyang mapapatay pero bigla niya ulit na-kontrol ang kaniyang utak. Napakasuwerte talaga ng babaeng nabuhay"

Paliwanag niya. Natulala lamang ako sa sinabi niya, dahil alam ko na ako yung tinutukoy niya pero nakakagaan sa puso kapag tinawag akong suwerte. Napangiti ako ng wala sa oras habang iniisip ang maliit na bagay na ito.

"Huling tanong ko po, may nalaman po ako tungkol sa The Humming Lady. Alam niyo po ba iyon at ano po ang inyong masasabi?"

Wika ko sa kaniya na may nakalagay paring ngiti sa aking labi. Nagulantang ako nang bigla niyang hinampas ang mesa ng dalawa niyang kamay, ang kaniyang mukha ay walang emosyon na maibahid.

"The Humming Lady, isa sa mga pinakasikat na kuwento dito sa Mastoniaz, pero alam mo ba ang babae sa likod nito?"

Aniya habang naglalakad papunta sa isang hagdan. Bakit ba binabalik sa akin yung tanong? Hindi ko naman alam kaya't naririto ako nagtatanong tungkol diyan. Nakatitig lang ako kay Mang Ernold na unti-unting naglalakad papunta sa ikalawang palapag. Saan siya pupunta? Anong gagawin niya?"

"Sandali lang at may kukunin ako"

Tugon niya sa aking nang nakangisi. Bigla na lamang ako nanginig nang walang dahilan habang naiwan ako na nakaupo. Matindi ang takot na nararamdaman ko lalo na at mag-isa lang ako dito at napakadilim ng labas. Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata sa mga sumunod na oras at hindi ko na namamalayan na natatagalan na ako sa kakahintay.

Dumaan ang ilang segundo nang narinig ko ang napakalakas na pagsarado ng pinto ng barangay hall dahilan para mabuhay muli ang aking isip. Anong nangyayari? Wala namang hangin at bakit bigla na lamang ito nagsara? Inilapit ko ang aking sarili sa pinto at napansin na nahihirapan akong buksan ito. Huwag mong sabihin na minumulto tayo ngayong oras?

"Parang awa mo na!"

Narinig ko na lamang ang sigaw ni Mang Ernold sa itaas na palapag na nagpabilis ng tibok ng pusko ko nang husto. Dahil sa takot at kaba, hindi ko na naigalaw ang aking katawan at napaupo lamang sa sahig at sumandal sa napakalamig na pinto.

Dalawa lamang kami rito pero bakit may parang kausap siya?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄