下載應用程式

章節 17: 16

NAPAIGTAD si Myla nang makarinig ng sunod-sunod ng katok sa pinto ng kanyang kuwarto. Kasabay niyon ay ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya.It was the night of the dance and she was already wearing her black spaghetti-strapped dress but she can't seem to have the courage to leave her room. Nagdadalawang-isip siya kung dadalo pa rin o mananatili na lamang sa loob ng kuwarto niya. Masama kasi ang kutob niya nang gabing iyon.

"Myla, are you ready? It's passed 7pm already. Hinihintay ka na ni Lola sa ibaba."

Lalong nagwala ang dibdib niya nang marinig ang pamilya na tinig na iyon. It was Darwin. Bakit ba sa dinami-dami ng kasambahay sa bahay nila ay ito pa ang kumakatok ngayon sa kuwarto niya upang pababain siya.

"S-sandali lang." ang tanging naisagot niya. Ano na ba? Pupunta ba siya o hindi?

"Dalian mo o baka wala na talaga tayong abutan." Sagot nito.

Napalunok siya. Tama hindi na lamang siya pupunta. It was too dangerous. He was dangerous to her heart.

"M-medyo masakit kasi ang ulo ko." Simula niya. "You know what? I'll probably stay in tonight. Baka kasi---"

Hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kuwarto niya at iluwa ito.

Agad na napatayo siya at napatunganga na lamang dito.Simpleng polo at itim na pantalon lamang ang suot nito ngunit bakit mukha itong rarampa sa kung saang runway show?

Maging ito man ay bahagya ring natigilan. Hindi niya sigurado kung tama siya ng nababasa sa ekspresyon ng mukha nito. He looked a bit... stunned?

Ngunit saglit lamang naman iyon dahil nakabawi din ito kaagad saka tumikhim.

"Mukha namang handa ka na." walang emosyong sabi nito. Siguro nga ay namalikmata lamang siya. "Let's go."

"No really. I'm not feeling well." Habol niya rito nang tumalikod na ito at akmang mauuna nang lumabas ng kuwarto niya. Agad naman siyang nilingon nito. "M-masakit ang ulo ko."

"You look alright to me." Simpleng sabi nito.

"H-hindi lang halata pero masakit talaga ang ulo ko." Hindi siya sanay na nagsisinungaling sa kahit sino ngunit kailangan niyang panindigan ang pagsisinungaling niya ng mga oras na iyon.

Wala itong sinabi ngunit nagulat siya nang humakbang itong palapit sa kanya saka pinakatitigan ang mukha niya. Kasunod niyon ay ang pag-angat ng kamay nito at paglapat ng palad sa noo niya. Pagkatapos niyon ay bumaba sa pisngi niya.

"A-anong ginagawa mo?" pakli niya nang mahimasmasan saka inilayo ang mukha sa palad nito.

"Wala kang lagnat. Hindi ka rin naman namumutla." Tinitigan siya nito ng mariin Hindi pa ito nakuntento at inilapit pa ang mukha sa mukha niya. Naaalangan tuloy na naiurong niya ang ulong palayo rito saka napalunok. "Are you really not feeling well?" mababa ang boses na tanong nito.

"O-Oo nga! Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?" balik niya ritong kinulang ng bahagya sa sustansya.

"No one would look that pretty when sick, you know?" Parang gusto niyang mahilo nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na hininga nito sa mukha niya. Hindi naman mabaho ang hininga nito. Sa katunayan ay kabaligtaran pa nga. Sadyang iba lamang ang epekto nito sa pumapalyang sistema niya. Idagdag pa ang sinabi nitong bahagya lamang niyang naintindihan.

"W-what?" alanganing tanong niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang bahagya itong lumayo sa kanya at namulsa pa sa harap niya.

"Fine. Let's just stay at the house then. Sasabihan ko lang ang Lola mo." Sabi nito at akmang lalabas na nang sa wakas ay ma-digest ng utak niya ang sinabi nito.

"Wait, let's? Hindi ka sasama?" gulat na tanong niya.

"Hindi na." agad na sagot nito. "Walang magbabantay sa'yo rito." Kibit-balikat na sabi nito.

"No!" agad na tanggi niya. "I-I mean, sumama ka! Sayang naman kung hindi ka pupunta nang dahil sa akin. Nariyan naman ang mga katulong para samahan ako."

"Pinauna na ng Lola mo ang mga kasambahay niyo sa kasiyahan sa bayan. Tayo na lang ng Lola mo ang naiiwan dito sa kabahayan." Paliwanag nito. "Panauhing pandangal pa naman ang Lola mo sa sayawan kaya hindi pwedeng hindi siya pumunta. Kaya ako lang ang pwedeng maiwan dito."

"Kung ganoon, ako na lang mag-isa. Kaya ko naman ang sarili ko." Agap niya rito.

"Not a chance. Hindi dapat naiiwan ang mga taong may sakit nang mag-isa." Sabi nito. "Sandali lang, sasabihan ko lang si Lola." Sabi nito at tumalikod na.

Lihim siyang napangiwi. Kapag nagpaiwan siya ay maiiwan silang dalawa nito sa bahay. Silang dalawa lang! That sounds even more dangerous!

"No, wait!" pigil niya rito nang akmang isasara na nito ang pinto. "Hindi na pala masama ang pakiramdam ko. Let's go." Sabi niya at naglakad na ring papunta sa pinto. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng gilid ng mga labi nito. He was smiling! "What?"

"Nothing." Agad na sagot nito.

Naiiling na nagpatiuna na lamang siya nang lakad ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay napigil na nito ang braso niya.

"What?!" inis na tanong niya rito nang harapin niya ito ngunit wala na ang nakakalokong ngiti nito. He was still smiling but it was now a genuine one.

"I want to be the first one to tell you," sabi nito sa mababang tinig. "You look really pretty tonight."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C17
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄