Laking tuwa ni Zeus ng mahawakang muli ang kanyang maso at kidlat, buong akala niya ay hindi nya na ito mababawi pa. Iniabot ni Arnie kay Zeus ang maskarang kung saan niya ikinulong si Ares.
Oo nga pala, bago tayo bumalik sa kaharian ng Olympus heto..... ikaw na ang bahalang magtago nito ang pahayag ni Arnie saka iniabot kay Zeus ang maskara.
Tumalikod na si Neptuno upang mag lakad pabalik sa kaharian ng Olympus ng biglang maalala si Arnie.
Arnie: Sandali lang..... Prinsipe Borjo, ang mabuti pa ay sumabay na lamang kayong maglakad pabalik kay Neptuno. Kailangan ninyo na siguro ng exercise masyado kayong mabagal kumilos. Ang payo nito sa tatlong kasama.
Pagkasabi noon ay bigla itong nawala mula sa kanyang kinatatayuan, ng bumalik ito ay may dala ng isang bandehadong pagkain mula sa kusina ng palasyo ni Ares.
Si Zeus naman ay lumabas din galing sa loob, kasama ang mga kawal ng Olympus na nauna niyang inatasan upang mag hanap sa kidlat at maso. Ikinulong pala ang mga ito ni Ares sa underground cell kung kaya at hindi na nakabalik ang mga ito.
Nagkatinginan naman ang tatlo, bakit ba pakiramdam nila ay isinama sila ni Arnie doon upang subukan ang bilis nilang umilag sa kidlat.
Wala naman silang importanteng role na ginampanan doon, nasunog lang ang harapan ng kanilang damit at pati balat at balahibo nila ay muntikan pang matusta ng kidlat.
Neptuno: Ah, halina kayong tatlo at umpisahan na nating maglakad ang anyaya ni Neptuno sa tatlong tikbalang na natigilan at di rin malaman kung paano tatakpan ang sunog na bahagi ng kanilang harapan.
Si Zeus at Arnie ay sabay na lumipad pabalik ng kaharian ng Olympus, habang lumilipad ay hawak ni Arnie sa kaliwang kamay ang malaking bandehado ng pagkain habang panay din ang subo ng pagkain.
Panaka naka ay may nalalaglag na buto mula sa karneng kanyang kinakain.
Isang malaking buto ng manok ang aksidente pang tumama sa ulo ni Kabatao. Muling nagkatinginan ang tatlo, ngayon ay alam na nila kung bakit sila pinayuhan ni Arnie na maglakad.