Matapos mag labas ng sama ng loob at mag linis ng sarili sa loob ng toilet, pasimpleng lumabas ng private cabin si Arnie, wala siyang kamalay malay na nag papanic na ang mga pasahero ng cruise ship.
May ilan pang nakakuha ng video ng malakas na pagyanig at pag uga ng barko kasabay ng paglakas ng alon at mga kakaibang dagundong.
Arnie : hay..... ang sarap ng feeling..... ang sabi pa nito na muling namilog ang mga mata ng mamataan ang napakaraming pagkain na naka hapag sa ibabaw ng buffet na lamesa.
dali daling nagtungo si Arnie sa lamesa at nag umpisa na namang lumantak ng pagkain. Hindi alintana ang mga pasahero ng cruise ship na di malaman kung saan susuling o mag tatago.
Matapos masimot ang lahat ng pagkain sa mahabang buffet table, tinungo ni Arnie ang kusina ng cruise ship.
nakita niyang walang tao ngunit maraming pagkaing bagong luto. ikinumpas ni Arnie ang mga kamay .
Ang mga pagkaing umuusok pa sa init ay nabalutan ng tila lobong liwanag at lumutang papunta kay Arnie.
Agad na pinasan ni Arnie sa balikat ang sandamakmak na mainit pang pagkain, pagkatapos ay walang anumang lumabas ng kusina at nagtungo muli sa deck ng cruise ship.
Mula doon ay tumalon siya sa tubig at muli ay tila palasong ibinirit pailalim sa pinaka pusod ng dagat. Patungo sa kaharian ng nawawalang mundo ng Atlantis.....
Samantala sa loob ng palasyo gumugulong pa rin sa kaka tawa ang lahat, lalo na ang mga siyokay na napagod sa walang humpay na pag luluto ng pag kain,
ang mga sirena naman na lihim na naiinggit kay Arnie dahil sa napaka ganda ng hubog ng katawan nito, maging mga hita at binti na walang kasing puti at kinis ay nag diriwang din at panay ang kawag ng buntot habang walang tigil sa kakatawa.
Si Borjo naman ay halos mautot na rin sa pag pipigil na matawa, mabuti na lamang at nasa anyong sea horse sila, kung hindi... ... malamang ay nag paligsahan na rin silang tatlo sa pag utot.