Naging matagumpay ang ritwal ng pag sasanib ng liwanag, bumalik sa kanilang
kaharian si haring Usarin at Usana, masaya sila sa ginawang pag saksi sa ritwal naging
kapaki pakinabang ito dahil sa malaking pag babago ng taglay nilang kapangyarihan at
lakas, maging ang husay sa mahika.
Lumipas ang isang taon, naging mapayapa ang mundo ng mga tikbalang at enkanto.
Maging si haring Kurimaw at haring Balakyot ay nanatiling tahimik at hindi nagpapa ramdam
Samantala.... .....
Ang video ng ritwal ng pag sasanib na matiyagang kinunan ni Kabatao at prinsipe Borjo
ay ipinadala ni Arnie sa messenger sa mga magulang, kapatid at mga kaibigan.
Tuwang tuwa namang pinanood ito ng kambal na si Morgana at Arriane kasama ang ina at
si Daisy ganon din ang tatay tatayan at tiyo tiyuhan ni Arriane. Matapos itong panoorin ay ini
upload ito ni Morgana sa You tube at naging viral....
Lumipas pa ulit ang panahon ,si Arnie na ganap ng dalaga sa edad na mag di disi nueve ay
lalong tumingkad ang aking kagandahan,.......
Ang pagdadalaga nito na hinubog ng panahon at pinatingkad pa ng mahiwagang tubig sa batis
ay naging dahilan upang lalo itong maging kabigha bighani, ka akit - akit at napaka seksing....
........
Sirena?????????????????
Mabilis na ikinampay ni Arnie ang malapad na ginintuang buntot, ang kanyang dating napaka kinis
na binti,...... Ngayon ay puno na ng kalikiskis at isa ng buntot ng kabigha bighaning sirena
Sinusundan ni Arnie ang isang batang sirena, na aksidenteng nakilala niya
sa pampang ng dagat ng Carribean kung saan naisipan niyang mamasyal
gamit ang kakaibang portal na siya lamang ang may kakayahang
gumawa....... Dala ng labis na pag ka inip, pansamantalang
nilisan niya ang mundo ng mga tikbalang. Sa pagbubukas niya ng portal
aksidenteng doon siya napadpad sa tabing dagat ng Carrebean
kung saan nakita at nakilala niya ang batang sirena.