Chapter 49. Toying
LAHAT ng pinakita at sinabi ni Rellie na para bang hindi siya apektado na may ibang babae si Sinned ay nawala na parang bula lalo na ngayong kaharap niya ang lalaki. May gana pa itong magpakita matapos ng mga ginawa nito? Bakit? Nagsawa na ba ito sa tinukang Salvadoran na iyon kaya siya naman?
He cleared his throat and he even stood so cool in front of her; as if he's confident about his looks and aura. His unshaved stubble was making him look so hot along with his casual clothes—just faded jeans, white shirt, a jacket, and boots. It seemed like he rode a motorbike coming to that place. She suddenly wanted to tell him to stay still and she would sketch him, or, just stare at him.
Gusto niyang murahin ang sarili dahil nakuha pa niya itong purihin kahit na dapat ay naiinis lang siya rito.
"What are you doing here?" she asked and she sounded monotonous.
"Visiting you. Did you not miss me?"
Napalunok siya at kasabay niyon ay nangunot ang kaniyang noo. There's no way she would show how much he was affecting her.
"Why are you so grumpy, hmm? What did they tell you?" Dang, his voice! Why was he sounding so sexy in that raspy voice?
Nagtaas siya ng kilay. "Talagang tinatanong mo pa iyan?"
"Yes, because I don't know what is going on with that creative mind of yours. I miss you, by the way."
Tumawa siya nang pagak nang ngumisi ito matapos sabihin ang huling pangungusap. Sa tingin kasi niya ay nakaloloko iyon. "Are you toying with me?" inis niyang tanong.
For a second, she thought she saw he lost his composure before he shifted his gazes from her to her painting. He sighed heavily and just kept still. "I'm not."
"Then, what are you doing?" Halos hindi na niya mabigkas ang mga katagang iyon. Now that he told her he missed her made her realize how much she missed him, too.
"Whatever they told you—seeing how grumpy you are—none of those were true. If you're wondering why I didn't come to you right away, it's because I had to make sure you could use your identity again so I did everything to clear your name."
Doon siya natigagal. Hindi niya alam ang dahilang iyon. Ang pahapyaw na paliwanag ng kuya niya sa kaniya ay dahil sa misyon. "That is not true. You're on a mission that's why you insisted to be left behind."
"Which is partly true. Aside from the missions—"
Did he say missions? Hindi lang iisa ang misyong iyon?
"Rellie, listen to me first." Taliwas sa mukha nitong puno ng awtoridad ang boses nitong tila nagsusumamo. Kaya nanatili lamang siyang nakatitig dito at hinintay ang mga susunod na sasabihin. "Hindi kita kaagad na sinundan dahil gaya ng kuya mo ay pinoprotektahan kita. Sinigurado ko munang walang nagmamatyag sa 'kin."
Muli ay napalunok siya. Gusto niya nang maniwala pero naalala niya iyong mga video. The two looked so intimate. "Eh, ano iyong mga napanood kong may kasama kang babae? Nag-sex kayo sa isang hotel? Isa nga lang ba?"
He looked so confused, then eventually, was offended. "I never had sex since I courted you. I've been waiting for you even if I already wanted to make love to you when we met again at the church."
"Sinungaling," labas sa ilong na komento niya. Pagkuwa'y kaagad na nagpatuloy, "Pero nakita kita! Pinapapak mo iyong babaeng malaki ang dyoga sa hallway. Sarap na sarap ka pa ngang gago ka."
Napangiwi ito dahil sa pagmumura niya at napatango rin ito kaagad na para bang naaalala nito ang eksenang sinabi niya. Na totoong nakipaghalikan ito; nakipag-sex.
"See? You've been shagging a lot of women while you're courting me! Tama si Kuya, eh, paano kung ikasal tayo at magloko ka?"
"I will never—wait, you're thinking about marrying me as well?"
She looked at him confusingly. Nakuha pa nitong pansinin ang sinabi niyang iyon? Saka, kinikilig ba ito? His face kind of lifted up and a ghost of smile formed on his lips.
Bahagya itong umiling at saka pinilit na ibalik sa pagseseryoso ang ekspresyon. Tumikhim ito saka tinanong, "Nakita mo ba mismo na nakikipag-sex ako sa iba?"
"I..." Well, she didn't see that in the footage. Basta, pumasok lang ang dalawa sa isang hotel suite. "Pero may kahalikan ka!"
"Hindi ko itatanggi iyon, pero, hindi katulad ng nasa isip mo ang intensyon ko kung bakit ko hinalikan si Atty. Luthers."
"Abogado rin pala?"
"She was the one who helped me regarding your case," he said as a matter of fact.
Doon ay narindi ang mga tainga niya. "Kung ganoon, dapat ba akong magpasalamat sa kaniya? Dapat din ba na halikan ko siya? O panoorin kayong nagsi-sex?!"
Nagulat ito sa mga binulalas niya. "What? Rellie, no. I'm just telling you the tru—"
"The truth that you sold your body so she'd help you? Ganoon ka na ba kababa? Abogado ka rin, dapat ay pinag-aralan mo na lang ang kaso ko kaysa nakipagtukaan sa kung sino mang—"
"Why don't you listen to me first, Aurora Aurelia?!"
She almost jumped out because he shouted while he's scowling. Pero imbis na magngitngit ay mas hinigitan niya ang galit nito. "Para ano? Para paikutin mo na naman ako?"
"I never—" Natigilan ito at bumuntong-hininga na para bang pinakakalma ang sarili. "I'll leave first. Let's just talk again once you cool down."
"Para ano? Para makaisip ka pa ng mga idadahilan?"
He caught her gazes and she went silent. Pagkahapo ang nakita niya sa mga mata nito. "You're hurting me, Rellie. Why are you not trusting me? Why is it so easy for you to think that I can do those things? To accuse me for not being loyal to you? I am courting you because I love you and I won't ever do things that can hurt you." Ang boses nito ay mababa at mahihimigan ang bahagyang hinanakit na parang pilit nitong itinatago. He heaved a sigh right after. "Bukas na lang tayo mag-usap."
Nag-iwas siya ng tingin. "Just stay here; sleep here. Papasok na lang ako sa kwarto ko."
Tuloy-tuloy siyang naglakad at nilampasan ito nang hindi tinatapunan ng tingin. Maging siya ay nagulat sa isinagot niya. Ang akala kasi niya ay hahayaan niya itong umalis, o hindi kaya ay aawayin pa niya at aakusahang gumagawa lamang ng dahilan upang makaiwas sa usapan o makapag-isip pa ng mga palusot sa mga nagawa nito.
Pagkapasok niya ay naabutan niya ang kuya niyang nag-aalalang nakatitig sa kaniya. There's something in his blue eyes and she noticed it was guilt. Pero hindi na siya nag-abala pang isipin kung bakit ganoon ito makatitig sa kaniya.
"Matutulog na ako. Hindi ako kakain kaya huwag n'yo na akong katukin. Kumain naman na ako kanina bago umuwi," habilin niya bago tuluyang nagpunta sa kaniyang silid.
Sa banyo ay matagal siyang nakatitig sa kawalan, tila pinoproseso ang mga huling sinabi ni Sinned. At wala siyang ibang naramdaman kundi ang makonsensiya dahil totoong pinagdudahan niya nang husto ang lalaki sa kabila ng pagpaparamdam nito sa kaniya na sa kaniya na lamang umiikot ang mundo nito.
"Dapat ba ay hindi ko siya inaway?"
"Siguro, may dahilan nga iyong halik na iyon."
Napasabunot siya sa sarili dahil hindi niya malaman ang iisipin.
"Why am I being immature? I should've just listened to him first, right?" kausap niya sa sarili.
Naiinis siya sa sarili na pinairal niya ang walang katuturan na selos. Ni hindi niya naalalang kumustahin ang lalaki, o tanungin man lang kung kumain na ba ito.
"Ni hindi pa nga ako nagpasalamat sa pagliligtas niya sa 'kin..."
Feeling so guilty, her mind was occupied the whole night on how would she apologize to him for being so rude and childish. Nahihiya rin siya hindi lang dito kundi pati na sa sarili dahil matanda na siya para umakto na parang selosang teenager.
Napabuntong-hininga siya sa napagtanto. This should serve a lesson to her to not let her emotions devour her; that she should act accordingly and maturely in every situations to come up with a better understanding. Kaya naintindihan na niya si Sinned kung bakit nagawa nitong ipagpabukas na lamang ang pag-uusap nila dahil wala namang mangyayari lalo pa't pinaiiral niya ang galit kanina.