下載應用程式
57.1% PHOENIX SERIES / Chapter 209: Goodbye Kiss

章節 209: Goodbye Kiss

Chapter 27. Goodbye Kiss

   

     

BAHAGYANG tinampal ni Jinny ang braso ni Timo dahil sa sinabi nitong binili nito ang sasakyan para sa kaniya. Inulit niya ang pagtampal dito at kunwaring umigik naman ito na akala mo'y talagang nasaktan. Eh, ang hina-hina lang naman niyon. At saka hindi niya intensyong saktan ito. He's just really overreacting. Tinampal niya tuloy ito ulit para magtigil na sa kahihiyaw.

"But it's true," natatawa namang depensa nito. "I bought you this. May bahay at lupa pa nga."

Napailing na lang siya dahil sa biro nito at iniba ang usapan nang may maalala. "Siya nga pala, hindi ba't galing ka sa TBS noon?"

Doon ay bumaling ulit ito sa kaniya pero saglit lang dahil ibinalik nito ang atensyon sa daan. Nagmamaneho pa kasi ito at ihahatid na siya sa kanila bago ito tumuloy sa VBS para sa evening news.

"Yes. Why?" he asked critically.

"May interview kasi kami roon sa susunod na linggo. Nakapagtataka lang kasi hindi kami nagpapa-interview ng ekslusibo sa iba noon. Sa inyo lagi."

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-igting nito ng panga.

"Nag-away ba kayo ng boss ko? You're friends, 'di ba?" That's just another possibility.

Umiling ito at sinabing hindi nito alam ang dahilan. "Aalamin ko kung bakit," wika pa nito at napansin niyang dumiin nang bahagya ang paghawak nito sa manibela. That's why she tried to lighten up the conversation.

"Maybe he's just trying to expose us to the other loyal viewers of TBS channel. May mga gano'ng tao, hindi ba? Hindi nanonood ng ibang channel."

Hindi ito sumagot at nangunot ang noo.

"Ba't parang galit ka?" kuryosong tanong niya.

"I'm not. I am just wondering why."

Napatango siya pero pakiramdam talaga niya'y galit ito, eh. Baka mamaya, may pinag-awayan nga ang magkaibigan at hindi lang nito masabi sa kaniya. 

Ginagap nito ang kaliwang palad niya gamit ang kanang kamay nito habang ang kaliwa nitong kamay ay nanatiling nakahawak sa manibela. Bumagal din nang kaunti ang pagpapatakbo nito, marahil ay nag-iingat.

"Ang tigas ng kamay mo," biro niya matapos pisilin iyon. That was true, he had calloused hands and his veins were protruding, but those didn't matter because he liked touching them. They felt strong. He liked seeing his slender fingers, too, and his always trimmed and neat rounded nails. Kung minsan nga'y siya ang naglilinis sa mga iyon sa tuwing napapabisita ito sa kanila nang wala silang ginagawa at tulog ang anak niya.

"Yours are soft... and small." He glanced a bit on their intertwined hands, then, focused on driving. "What would you like to eat?"

She suggested to carry out food from a drive-thru fast food restaurant. Ibibili niya ng mashed potatoes si Luella, 'tsaka burger na rin. At veggie salad para sa mga magulang niya.

Naihatid na siya nito nang pigilan niya ito sa paglabas ng sasakyan.

"Huwag ka nang pumasok sa 'min, baka ma-late ka pa," aniya.

Umiling ito at tinanggal ang seat belt. "I'll just say hi to your parents."

Duda siyang sa mga magulang niya ito babati dahil pagkapasok nila ng apartment ay hinanap kaagad nito si Luella sa nanay niya.

Nang lumingon ang nanay niya sa sala ay nakita nilang tahimik na nakaupo si Luella sa sofa habang nanonood ng paborito nitong cartoons. Her mom said that her father was on his friend's house again. Ito raw ang nagbantay kay Luella kaninang nakaidlip ang nanay niya at ngayon ay kaaalis lang daw nito para mag-mahjong kasama ang mga kaibigan.

Nang mapalingon si Luella sa direksyon nila ay nagmadali itong bumaba ng sofa at patakbong lumapit sa kanila.

"Mama! Tito Tito!" masiglang bati nito habang lumalapit.

Napangiti siyang minamasdan ang bawat hakbang nito. Parang kailan lang noong kalong-kalong niya pa lamang ito, kayliit ng katawan lalo na ang mga kamay at paa, pero ngayo'y tumatakbo na't nakapagsasalita na kahit medyo bulol pa.

"Bless po!" Nauna itong nagmano kay Timo bago tumuloy sa kaniya. Nagmano ito at humalik sa pisngi niya. Mabilis din itong tumalikod at bumalik kay Timo. She chuckled when Luella threw herself to him and he immediately carried her.

"Miss mo na si Tito?" nakangiting tanong ni Timo nang mabuhat ang anak niya.

"Mm! 'Miss kita, Tito Tito."

"It's 'Tito Timo', anak," pagtatama niya rito. Tumango ito ng isang beses at masiglang inulit ang pagtawag kay Timo.

"Tito Tito!"

Natawa sila at ang inay naman niya ay kinuha ang bitbit niyang pagkain.

"Akin na't ihahapag ko."

Hinayaan niyang bitbitin ng mama niya ang brown paper bag sa kusina.

Si Timo nama'y lumapit sa kaniya para ibigay si Luella.

"Alis ka po agad din, Tito Tito?"

Naramdaman niyang lumungkot ang masiglang tinig ni Luella. Somehow, her heart melted. She really liked Timo that much, and she could relate. It's just that hers was on a different level of liking. It's romantic.

"Oo, may work pa si Tito, eh," paliwanag naman ni Timo. Nang mabuhat na niya ang anak niya ay nagpaalam na ito sa inay niya. Hinatid niya naman ito hanggang sa pinto habang buhat-buhat si Luella. Nagsusuot na ito ng sapatos nang magsalita si Luella.

"'Dalaw ulit sa susunod, ah? Wait po ako. Gusto ko ice cream balik ka, Tito Tito," naghabilin pa ito.

They both chuckled and Timo stood straight.

"I will bring you your favorite ice cream. Promise me to always listen to your lola and lolo, okay?" He stretched his pinky finger so Luella could make a pinky promise to him.

"Tsokoyey!" masiglang bulalas ng cute na cute na si Luella matapos niyon. Paborito kasi nito ang chocolate ice cream.

Nakangiti si Timo nang tumalikod na't bago pa makalabas ng pinto ay pumihit ulit ito para haplusin ang ulo ni Luella.

"Be a good girl to your Mama, too," nakangiting dagdag pa nito at hinagkan ang bunbunan ni Luella, saka mabilis din siyang kinintalan ng halik sa kaniyang labi. Hindi iyon nakita ng anak niya dahil nakadiretso ang tingin nito sa pinto habang siyang natuod siya kinatatayuan.

Napalunok siya nang sundan ang papalayong bulto ni Timo. Napakalapad ng ngiti nito matapos siyang hagkan. He never did that before, she meant, he never tried kissing her in their house. Ngayon pa lamang. Oo nga't magaan lamang iyon pero sobra-sobra ang emosyong naramdaman niya. She suddenly pictured herself wearing an apron as she watched him go to work, and he would always kiss him goodbye before going out. And she wanted things like that to happen every single day. 

Ngayo'y sigurado na siyang hindi lang matinding paghanga o pagnanasa ang nadarama niya para sa lalaki.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C209
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄