下載應用程式
50.27% PHOENIX SERIES / Chapter 184: Froze

章節 184: Froze

Chapter 2. Froze

    

    

SA gitna ng pagkukuwentuhan ay bumukas ang pinto ng conference room at sabay na pumasok ang CEO ng Montreal at ang bokalista ng Sunshine, nakasunod sa mga ito ang lalaking nakasabayan ni Jinny at Lana sa lift kaninang papanhik sa ika-siyam na palapag kung nasaan ang conference room. May iba pang staffs na nakasunod din sa mga ito.

They all greeted their boss and asked Bree why was she late.

Nagkibit-balikat lamang ito.

"Let's get started," anang Rexton dela Costa na kanilang boss. Just as the man she met awhile ago, he's fit. But not enough to make her feel the same way she did with that man...

Kanya-kanyang umupo sila sa pwesto nila, pinalibutan nila ang pabilog na mesa. Bukod sa limang miyembro at manager ng Sunshine, ay mayroon din palang kasama ang lalaki kanina, hula niya'y mga katrabaho. Tatlo ang mga iyon. At hindi nga siya nagkamali dahil ipinakilala ang mga ito sa kanila.

"They are from VBS," pagbibigay-alam ni Rexton. Ang Velizario Broadcasting Station, o mas kilala sa tawag na VBS, ay isa sa mga leading TV and Broadcasting Station sa buong bansa. If she's not mistaken, it's leading internationally, too. Laging nangunguna sa ratings.

"Bakit may mga press sa meeting na ito?" tanong ni Bree. Hindi niya alam kung kaswal ba talaga ang dating ng tanong nito o baka namali lang siya ng dinig. But it seemed to her that she wasn't in the mood while glaring at the man from VBS.

Why would she glare at him? Nakagaganda nga ng araw ang pagtitig sa lalaking iyon, eh.

"You will be having an exclusive interview with them any time this week, or next week."

Nagtagisan ng tingin si Bree at ang lalaki.

"By the way, this is Valentino Estacio. If you're into documentaries, you must know him," pakilala ni Rexton sa ngalan ng lalaking pumukaw ng atensyon niya mula kanina. Hindi pa kasi naipakilala isa-isa ang mga ito, nabanggit lang na nagtatrabaho sa VBS.

"You can just call me 'Timo'."

There he was again, in his low baritone. Sinasadya ba nitong akitin siya sa pananalita nito?

Isa-isa silang pinakilala ng manager nilang si Rachel matapos nitong ipakilala ang sarili.

"I think I know you... Nasa late night news ka rin, hindi ba?" pansin ni Milka.

"Ah, yes."

Wala sa sariling napalingon siya rito, at ganoon din ito sa kanya. The way he looked at her was telling her something but she couldn't point it out. And it's giving her some strange reaction to her body... it's like it was tingling her navel...

"So, sinu-sino ang mga kasama mo?" sabad ni Bree na nagputol sa pagtititigan nila ng lalaki. His gazes went back to Bree, then he cleared his throat.

Pinakilala na rin nito ang ibang mga kasamahan at nagpatuloy na sila sa meeting. That was what the meeting was all about—to inform them about the upcoming special and exclusive interview. At nang makaalis ang mga staffs ng VBS ay nagpatuloy sila sa meeting, kung saan inilahad ni Rexton dela Costa ang mga posibleng karagdagan ng mga proyektong hahawakan nila o mga gigs, pati na rin endorsements!

Wow... She really didn't expect that the people would welcome and love them in no time. She even thought they're going to have a hard time making a name in the industry but when she's thinking about how everyone worked hard for their first album, she couldn't help but realize that it's because their hard works were being paid off. That they deserved all of these—the fans' love and support, and their different projects.

Pero wala roon ang atensyon niya dahil okupado pa rin ang sistema niya ng lalaking nagngangalang Valentino Estacio, na pakiramdam niya'y nanuot sa kalamnan niya ang paraan ng paninitig nito at pananalita na rin.

Napalunok siya.

"Jinny, are you with us?" malamig na tanong ni Rexton dela Costa kaya kaagad siyang nag-focus sa usapan matapos humingi ng paumanhin. "May masakit ba sa iyo? You should tell me right away. Baka mamaya lumala iyan at makaapekto sa kalusugan mo. Pati na rin sa buong banda."

Napayuko siya dahil ramdam niya ang panenermon nito sa kanya.

"Can we take a break first?" si Bree na ang nagsalita.

"I agree," Rachel seconded the motion.

Bumuntong-hininga ang boss nila at pumayag. They were given a fifteen-minute break. Lumabas ito sa conference room, ganoon din ang ibang miyembro ng Sunshine. Naiwan si Rachel at Bree sa loob.

"What's with you two?" takang-tanong ni Rachel sa kanila ni Bree. "Ikaw," baling nito sa kanya, "you're the most attentive when it comes to meetings like this but why are you spacing out today?" A paused, then, she continued, "At ikaw naman, Brianna, bakit ganoon ang pakikitungo mo kay Mr. Estacio?"

Bree just rolled her eyes. "Inistorbo niya ang pag-uusap namin ni Rexton kanina."

Sabay na nakuha ang atensyon nila ni Rachel.

"Are you sure it's just because of that?"

"Yeah." Bree idly stood up and excused herself. "Kausapin ko lang ulit si Rex, importanteng bagay kasi."

Their manager sighed and just nodded once, signaling her to go.

"May relasyon ba sila?" takang-tanong niya pagkalabas ni Bree.

"Ask her later."

"I already asked her before. Ang sabi niya'y magkababata lang sila," paglalahad niya.

"Ewan ko ba. Ang sakit ninyo sa ulo! Kailangan ko ng spa and massage pagkatapos nito."

She just smirked and suggested she should change her nail art, too.

Naiwan siya sa loob ng conference room, nakatulala sa inupuan ng lalaki kanina, at makalipas lang ng isa o dalawang minuto ay bumukas ang pinto.

"Uh, I thought the meeting's already over. May nakalimutan kasi ako."

Napaangat siya ng tingin sa nagsalita. It was that hunky journalist, Timo.

"Did you see my phone?"

Umiling siya at tumayo. "S-saan mo ba naiwan?"

"I think I left it here..."

Natatarantang pumunta siya sa pwesto nito kanina at wala namang napansin na cellphone doon.

"It's fine. I'll just look arou—hey!"

Bigla kasi siyang lumuhod para masilip ang ilalim ng inupuan nito, at nang masigurong wala roon ay lumusot siya sa ilalim ng conference table.

"Miss, it's alright, you don't have to do that," pigil nito sa kanya.

"Wala rin yata rito," bulalas niya at nagpasyang lumabas na. Mabuti na lang din at inilagay nito ang kamay sa ilalim ng mesa, tila inalalayan siya para hindi mauntog nang direkta sa matigas na mesa.

Nang makalabas at hindi kaagad siya nakatayo, nanatili pa ring nakaluhod sa harap ng malaking bulto ng lalaki. Hinihingal at pakiramdam niya'y namawis siya dahil sa pagkataranta kanina. At nang mag-angat ng tingin ay hindi maipaliwanag ang kung anong reaksyon na nasa mukha ng lalaki. And his eyes turned into something she couldn't name of.

"W-wala rin sa ilalaim ng mesa—" Natisod siya't mabuti na lang ay napayakap sa isang binti nito.

Gosh! Ang tigas ng muscles!

"Hey, are you alright?"

Bago pa siya nito maalalayan ay napatuwid na ulit siya ng tindig habang nakaluhod pa rin.

Saktong bumukas ang pintuan at sabay silang napalingon ni Timo banda roon.

"Jinny, gusto mo raw ba ng milktea—ay, milktea mo, malaki!" Milka gasped. Naitakip din nito ang magkabilang palad sa bibig at hindi magkumahog sa paglabas ulit 'tsaka isinara ang pinto.

She and Timo both froze, realizing the awkward situation...


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C184
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄