Chapter 17. Hotel
HINDI na nakaporma si Dice kay Kanon nang sumunod na mga araw dahil palagi itong sinusundo ng alumni na naging judge noong pageant night. Hindi niya alam na kakilala pala ni Kanon iyon.
Noong unang mga linggo ay sinusundo pa ito ng driver nito at ang lalaki ay nakasunod lang na nagmamaneho sa sariling sasakyan, hanggang sa ito na mismo ang sumundo kay Kanon kalaunan.
Alam niya dahil sinusundan niya lagi ang mga ito.
Dahil doon ay pumutok ang balitang kaya nakuha ni Kanon ang titulo ay dahil sa malapit ito kay Lemuel Castillo, ang fresh college graduate na matunog ang pangalan sa larangan ng pagmo-modelo.
Nawalan na siya ng pag-asa lalo pa't palagi nang magkasama ang dalawa. Hanggang huling quarter na ng klase ay naisipan niyang sundin ang mga ito.
"Why are they going inside a hotel?" kinakabahang tanong niya sa sarili. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero ang demonyong utak niya ay kung ano-ano ang naiisip na ideya.
He still followed them. They ate at a fancy restaurant in the hotel, and after an hour or so, they... checked in.
No, he still stood with his belief that she wasn't that kind of person.
Pero... nagbago ang lahat nang kumatok siya't pinagbuksan siya ng pinto. Si Lemuel ang nagbukas at kaagad na sumilip siya sa loob at nakitang kapirasong tela lamang ang suot ni Kanon habang nakahiga sa kama. Kakatwang maliwanag din sa loob, at dahil sa sobrang gulat ay napaatras siya. Wala sa sariling naglakad, lumulan sa elevator, hanggang sa makababa ng basement parking.
Nanatili siyang paupo na nakasandal sa motor niya ng humigit-kumulang tatlumpung minuto. Until he was surprised seeing Kanon went to the parking, her hair was disheveled and only wearing a white robe.
Out of instinct, he came closer but even before he could, Lemuel already grabbed her and hugged her tightly. Humagulgol si Kanon na ipinagtaka niya. Dahil hindi kaagad nakahuma ay napansin siyang nakatayo roon kaya mabilis itong kumalas sa yakap.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
"Ano... k-kasi..." Bahagya pa itong sininok at pinunasan ang luha gamit ang palad. She painted her nails in a flashy design. Bagay na hindi niya nakikita rito noon.
"So it is true, huh?" He uttered in a mocking tone. "You used your body—" Shit! That's not what he was supposed to say. And why was she wearing makeup? Mas lalo itong gumanda kahit humulas na nang bahagya iyon!
"Sino siya?" tanong ni Lemuel. "Let's go back inside, babe, hindi pa tayo tapos."
Napayuko lamang ito nang akbayan ng lalaking iyon. He saw red when she only let that bastard touched her.
"You really used your body to have that damn title? That's petty, Kanon Grace!" nangungutya pa rin ang boses niya, sinadya na niyang sabihin ang mg katagang iyon dahil nagagalit na siya nang husto sa pananahimik nito at sa lalaking kasama nito.
"Is this why you don't like me? You wanted older guys, huh? But I'm almost a year older than you!"
He didn't care if he sounded bitter at all.
"Ginamit mo nga ba ang katawan mo para manalo?"
Napangiwi siya nang hindi ito kumibo. Was that what it meant for the phrase "silence means yes"?
"Magsalita ka!" Please deny it. Say no...
Sinuntok siya ni Lemuel at dahil hindi handa ay malakas ang impact niyon sa kanya. Nang makahuma ay kaagad siyang nakabawi nang pinagsusuntok niya ito hanggang sa mahiga ito sa sementadong sahig.
"Daisuke! Tama na!" awat ni Kanon na natataranta dahil nakakuha na sila ng atensyon. Some people were even taking videos until the security came and stopped them. Inawat din sila.
Dahil sa nangyari ay kumalat iyon lalo na sa eskwelahan. He partly blamed himself because if he didn't make a scene, it wouldn't spread like a wildfire. Imbes na tulungan niyang pahupain ay mas tumibay pa ang haka-hakang patungkol kay Kanon.
Inasahan na niyang lilipat ng tirahan, o hindi kaya'y mag-aaral ng kolehiyo si Kanon sa ibang bansa, pero nanatili ito sa poder ng pamilya at nag-aral sa pribadong unibersidad. Sa puntong iyon tuluyan nang naputol ang ugnayan nila kaya ginawa na lang niya ang lahat para mabuhos ang oras sa pag-aaral ng Nursing, at pagsasayaw. Kahit masakit ay tinanggap na niyang hindi sila para sa isa't isa.
He joined a dance troupe and became busy joining dance contests. Kung minsa'y ipinauunlakan nila ang pag-imbita sa kanila sa tuwing may events ang bayan nila kapag fiestahan, pero kadalasan ay mga professional actors and/or actresses ang bina-back-up-an nila. They also performed on national programs. Countless times. Until they got discovered and performed international. Kumuha rin siya ng lessons hanggang sa siya na ngayon ang nagtuturo ng sayaw sa dance studio na itinatag nilang magkaka-grupo.
Kung hindi nga lang naging abala sa pag-aaral noon ay baka kagaya na siya ng ibang mga kagrupo niya na ginawang propesyon ang pagsayaw. Sa ngayon ay isinasabuhay niya ang pinag-aralang propesyon lalo pa't lumabas na ang resulta ng board exams at pumasa siya.
"Dice, kanina pa kita tinatawag, bakit hindi ka kumikibo?"
Napapitlag siya nang marinig ang malamyos na tinig ni Kanon. Sa paghihintay niya rito ay hindi niya namalayang nagbalik-tanaw siya't kanina pa yata ito nandoon. Mula nang aksidenteng magkita sila sa Montreal Agency kung saan siya ang company nurse ay gumawa na siya ng hakbang para mapalapit dito. Hindi na siya naniniwala na hindi sila oara sa isa't isa dahil tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa.
Hindi siya nahirapang makalapit dito lalo pa't napansin niyang malakas ang dating niya rito.
"Akala ko kasi matatagalan ka pa."
"Ah..." Nag-iwas ito ng tingin. "Why are you here? Kung yayayain mo ulit akong kumain, alam mo na ang sagot ko."
"Nami asked me to pick you up."
Bahagya itong ngumuso. "Is Nami your girlfriend or what? Napansin kong palagi mo siyang sinusunod kapag may inuutos siya."
He met a lot of people in the industry. He met lots of girls, too. Pero hindi na siya naggi-girlfriend. He must say, mga companions niya lamang ang mga nakasama. Siguro dahil maagang nagkaroon ng girlfriend ay maaga rin siyang nagsawa sa pakikipagrelasyon kaya ayaw na niya nang tumuntong na ng college. Kaya nga ba ang dami niyang oras na ginugol sa pagsasayaw noon, bukod sa pag-aaral.
"Girlfriend mo nga. Pero, bakit hindi ko alam? Is it not allowed for her to be in a relationship?"
"Whoa, wait! You think way ahead. Hindi ko siya girlfriend, magkaibigan lang kami."
"Diyan naman nagsisimula ang lahat," anas nito.
"Ano iyon?"
"Balikan mo na lang ako mamaya. May aasikasuhin pa ako."
"Okay lang. Maghihintay ako."
Umiling ito. "Balikan mo na si Nami, ayaw niyon ang naghihintay. Baka mamaya mag-away pa kayo dahil sa akin."
Was she a bit grumpy?
"Bakit pala kasi pinasusundo niya ako? Wala akong natatandaang usapan namin."
"It's your birthday today."
"Ah, really?" She blinked twice. She really looked distracted now that she's looking at him.
Hindi siya kumibo at tinitigan ito, tinitingnan kung maiilang ba ito o ano.
"I'll just finish what I was doing awhile ago. Mabilis na lang ito." Natatarantang tumalikod ito at bumalik sa loob ng opisina.
Napangisi naman siya dahil siguradong maiinis ito sa kanya kapag nalaman nito mamaya na hindi naman talaga ito pinasundo ng kaibigan.