下載應用程式
93.04% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 107: Chapter 105

章節 107: Chapter 105

Crissa's POV

Wow ha? Wow lang talaga.

Kahit na gustong-gusto ko na talagang kumawala sa pagkakatali sakin, para na rin pagtigilin 'tong humal na babaeng 'to sa mga kahibangang ginagawa n'ya, wala pa rin akong nagawa. Nanatili nalang ako dun na nakatingin, habang gigil na gigil ang panga sa galit. Dahil yung BOYFRIEND KO oh, hinahalikan ng linta. Sa harap ko pa mismo. Sino nga ba talagang hindi magagalit doon?

Tsk. Pero nagpapasalamat naman ako dahil matalino ang BOYFRIEND KO kung kaya nakaisip s'ya ng paraan para humiwalay yung matabang nguso ng linta na parang gutom na gutom na humahalik sa kanya ngayon.

Buong lakas n'yang inuntog ang noo n'ya kay Jade na s'yang ikinaatras nito. Lumayo s'ya nang kaunti pero laking gulat ko nang nakuha pa talaga n'yang tumawa na parang baliw na aso.

"Hahahaha! Why, Tyron? Ayaw mo ba ng halik ko?" tumigil s'ya sa pagtawa at bigla akong hinarap. Naglakad s'ya papunta sa akin at hinaltak ang buhok ko. Napaitlag ako dahil pakiramdam ko babaliin n'ya ang leeg ko sa ginagawa n'yang paghaltak na iyon.

"Kaya naman pala e. I forgot, andito nga pala ang girlfriend n'ya." muli n'yang sabi at mas hinaltak pa ang buhok ko.

Inaamin ko, mas nasasaktan ako sa ginagawa n'yang 'to ngayon kesa dun sa ginawa n'yang pagsampal-sampal sa akin kanina. Masyado n'yang hinahaltak ang buhok ko kung kaya napapatingala na ang ulo ko at hindi na ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko nabubulunan ako.

"Y-yan lang ba, Jade? Yan lang ang dahilan n'yo kung bakit, k-kung bakit pinipilit n'yo kaming pahirapan at patayin? Y-yan lang ang dahilan n'yo? D-dahil lang sa ako ang gusto ng taong gusto mo? Napakababaw!" napalunok ako sa kalagitnaan ng hirap ko sa pagsasalita. "N-napakababaw para mandamay pa kayo ng mga inosenteng buhay!" hindi ko na napigilan at naluha na naman ako. "K-kung yan lang ang dahilan n'yo, sana ako nalang! Sana, s-sana hindi na kayo nandamay ng iba.. Sana ako nalang ang pinahirapan mo! Ang b-babaw ng dahilan mo! Masahol ka pa sa isip-bata!!"

Patuloy na tumulo ang luha sa mga mata ko. Ni hindi ko magawang lingunin yung dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko dahil tanging deretso nalang sa asul na langit ang nakikita ko. Napakahigpit ng pagkapit at paghaltak n'ya sa buhok ko kung kaya sobra na akong nahihirapang huminga.

Sobrang nanliliit ako sa sarili ko ngayon. Dahil wala akong ibang magawa. Tanging pagluha nalang.

Hindi ako umiiyak dahil sa harap-harapang paghalik ni Jade sa lalaking mahal ko. Alam ko naman na walang magagawa ang halik ng hudas na 'yun sa isang puso na tapat na nagmamahal. Alam ko na kahit ibigay n'ya pa yung kaluluwa n'ya sa demonyo, at kahit pa s'ya nalang ang huling babae na nabubuhay sa mundo, hinding-hindi s'ya papatulan ni Tyron. Sigurado ako doon.

Pero ito, ang mga luha kong ito na umaagos sa mukha ko ay dahil sa wala akong magawa. Walang ako maisip na paraan sa mga oras na ito kung paano ko maitatakas at maililigtas ang buhay nitong dalawang lalaki na 'to na kasama ko. Ni wala akong anomang armas na hawak ngayon. Wala akong maipanglalaban. Wala akong maipangsasangga kapag inatake ako, kami. Itong katawan ko lang ang tanging meron ako ngayon.

Yung kaligtasan ko? Yung sariling buhay ko? Wala na akong pakialam dito at hinding-hindi ko iiyakan 'to. Handang-handa na akong mamatay para sa kanilang lahat. Para lang mailigtas ko yung mga mahal ko. Para lang maipaghiganti ko yung mga nawalang mahal ko.

Kasi hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ako nakapaghiganti.

At mas lalo nang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may madadagdag pa sa mga buhay na nawala sa amin.

"Look at you, Crissa. Umiiyak ka na naman." napaitlag ulit ako nang marahas na bitawan ni Jade ang buhok ko. Napayuko ako dahil sa malakas n'yang pwersa na iyon. Naramdaman ko na pumunta s'ya sa harapan ko at lumuhod para maging kapantay n'ya ang mukha ko.

Mahigpit n'yang hinawakan at inangat ang mukha ko. Nagkatinginan kami nang mata sa mata.

"Feel mo laging magtapang-tapangan no? May pabuwis-buwis buhay ka pang nalalaman. Pero iyakin ka naman pala."

Napaismid ako bigla.

"Oo, iyakin ako. Dahil may pinangangalagaan akong mga mahal ko. Pero hindi ako duwag, Jade. Hindi ako duwag na tulad mo." sigaw ko sa harap ng pagmumukha n'ya.

Kung nakakamatay lang ang mga titig, malamang kanina pa pinaglalamayan ang babae na 'to. Dahil kating-kati na rin talaga akong paagusin lahat ng dumadaloy na dugo sa katawan n'ya. Gusto kong ubusin. Gusto kong makita na maging maputla s'ya. Malamig at matigas.

Pero hindi. Gusto ko rin s'yang tadtarin. Pagbubutasin ang katawan. Durugin. Tunawin.

Dahil deserve n'ya lahat ng klase ng karahasan na ganon dahil sa mga kawalanghiyaan n'yang ginawa sa amin at sa grupo ko.

"Tapang, ha? Parang hindi nakatali at hindi napapalibutan ng matataas na kalibre ng baril na nakatutok sa kanya." nanunubok na sabi n'ya.

Napangisi tuloy ako kahit na may bakas pa rin ng luha sa mga mata ko.

Ako pa talaga ang hinamon nito, ah?

"Kasi hindi mo ko kayang labanan nang ikaw lang. Kaya kinailangan mo pang itali ako at humingi ng tulong sa mga lalaking 'yan. Na matapang lang kasi marami sila at may baril sila. Pero ang totoo, pare-parehas na duwag din naman pala tulad ng boss nila. Mga supot! Mga walang itlog!" sigaw ko nang pagkalakas-lakas sa tapat ng mukha n'ya para damang-dama talaga n'ya. Narinig ko ring mahinang napatawa yung dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko.

Pero yung mga tauhan ni Jade? Halatang 'di nagustuhan yung mga sinabi ko. Dahil pare-parehas nila akong tingnan ng masama at yung isa pa nga ay lumapit sa amin at nagtitimping nagsalita.

"Boss, iniinsulto na kami oh. Ipaubaya mo na samin 'yan at hindi lang itlog ang makikita n'yan."

Napadura ako sa may gilid ko dahil yung maimagine palang na makikita ko ang mga itlog nila, at yung mga pagkalalaki nila na mas maliit pa sa tinitindang kikiam sa labas ng school namin, nasusuka na agad ako. Makita pa kaya? 'Wag na mga ulol! Sa kanila na 'yung mga nota nilang putot!

Umirap si Jade sa tauhan n'ya at tinignan ulit ako. Pero laking gulat ko nang bigla s'yang ngumisi. Naglakad ulit s'ya papunta kay Tyron at hinawakan ang mukha non.

"Bibigyan kita ng pagkakataon. Sumama ka samin, para hindi ka na masaktan."

Nakita kong ngumisi si Tyron. Yung klase ng ngisi na kung hindi mo s'ya kilala talaga personally, talagang masasapak mo s'ya dahil sobrang hangin at angas ng dating n'ya.

Ito yung klase ng ngisi n'ya na aaminin kong isa sa nakakuha sa puso ko.

Puno ng kayabangan.

Pero minahal ko naman.

"Ako? Sasama sa inyo? Tsk." umiling s'ya. "Sa'yo na 'yang pagkakataon mo. Saka alam ko na plano mo. Feeling mo papatulan kita? Just for the sake of the stupidity living in you, I will say this. Kahit ibenta mo pa ang kaluluwa mo sa demonyo, at kahit pa ikaw nalang ang nag-iisang babae na natitira sa mundo, mas gugustuhin ko nalang mamatay kesa pumatol sa'yo." mariing sabi n'ya sabay dura sa mukha ni Jade.

Yung mga kataga na 'yun. Yun din yung naisip ko kani-kanina lang. Nakakamangha na ganon din ang eksatong-eksakto sinabi n'ya ngayon.

Kahit ang bigat ng loob ko dahil sa mga nangyari, pati na rin sa mahirap na sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti nang kaunti sa loob loob ko. Dahil yung lalaking pinili ko para mahalin ko at mahalin ako, talagang mahal nga ako.

At napatunayan ko 'yun ngayon.

"Fine. Kung ako hindi masaya, pwes hindi ko rin kayo hahayaang maging masaya." pinunasan ni Jade ang mukha n'ya at sumenyas sa mga tauhan n'ya. Tinanggal nila ang tali ni Tyron at pinagtulungan na s'yang bugbugin ng mga 'yon.

Napasinghap nalang ako sa mga sumunod na nakita ko. Tanging panlulumo nalang din ang naramdaman ko habang pinagmamasdang kuyugin ng mga supot na 'yun yung lalaking mahal ko. Nagagawa n'ya pang makapagbitaw ng suntok at tadyak. Pero wala ring naging silbi 'yun dahil apat na supot na lalaki ang nagtutulong-tulong na bugbugin s'ya. Kitang-kita ng mga mata ko yung dugo na bigla nalang n'yang isinuka nung may sumuntok nang malakas sa tiyan n'ya.

"TAMA NA!!" malakas na sigaw ko na nakakuha sa atensyon ni Jade. Natigilan s'ya sa panonood sa pambubugbog na ginagawa kay Tyron na animo aliw na aliw pa s'ya. "ITIGIL MO NA 'YAN AT AKO ANG HARAPIN MO! PAKAWALAN MO AKO, AT NANG MAGKAALAMAN NA TAYO KUNG SINO BA TALAGA ANG NAGTATAPANG-TAPANGAN LANG DITO!"

Hindi pupwede ang mga nangyayaring ganito. Hindi pwedeng wala akong ginagawa dito habang pinagtutulungan nilang saktan ang lalaking mahal ko. Dapat may gawin ako. Hindi ko kayang basta nalang manood dito. Kung masasaktan s'ya, gusto kong masaktan nalang din ako. Kung 'yun lang ang tanging paraan para mailigtas ko s'ya. Gagawin ko.

Isusugal ko ang kaligtasan ko.

Ang sarili ko.

Lumakad s'ya papalapit sa akin at binigyan na naman ako ng isang nakakayanig na sampal sa kanang pisngi.

"Tumigil ka! Lalabanan kita sa paraang alam kong mas masasaktan ka talaga!"

Umirap s'ya sakin at nung mga oras na nakita kong sumenyas s'ya sa mga tauhan n'ya at itinuro si Christian, mas lalong tumindi yung galit na nagliliyab sa dibdib ko. Lalo pa nung gawin na rin ng iba pang apat na lalaki kay Christian yung mga ginagawa nilang pambubugbog kay Tyron.

Ngayon, parehas nang sinasaktan sa mismong harapan ko yung dalawang lalaking pinakamamahal ko; na tanging panonood nalang ang nagagawa ko.

Napakasakit. Napakasakit makita na sa magkabilang gilid ko, may dalawang taong mahal ko ang walang awang pinagtutulungang gulpihin at saktan. Kung kanina, nagagawa pa nilang makalaban, ngayon wala na talaga. Dahil may nakahawak nang mga lalaki sa magkabilang mga braso nila.

Wala na silang laban. Sobrang sakit.

Sobrang sakit. Pero hindi magawang umalis ng mga mata ko na palipat-lipat ang pagsulyap sa kanila. Bawat suntok, sipa, at tadyak na sinasapo ng walang labang katawan nila, damang-dama ng dibdib ko yung matinding sakit na parang sinasaksak.

Sinasaksak ng katotohanan na wala akong magawa para tulungan sila.

Nagsimula na naman ang pagtulo ng mainit na luha sa mga mata ko nang makita ko ang pulang likido na kapwa na rin tumutulo sa mga bibig nila. Sariwang-sariwang pulang dugo na lumalabas na rin galing sa mga galos at sugat na nakakalat sa parte ng mukha nila na bunga ng bugbog at suntok. Sa kilay, sa may ilong, sa labi, at lalo sa noo.

Parang dinudurog ang puso ko sa mga nakikita ko ngayon. Durog na durog na ako simula palang kanina dahil sa mga nangyari, sa mga taong namatay, sa mga taong nadamay, at sa mga taong tinangay nila. Tapos ngayon ito? May panibago na namang nasasaktan? May panibago na namang dahilan para mas lalo pang madurog at malugmok yung puso ko?

Gustong-gusto ko nang makakawala sa mahigpit na pagkakatali ng mga kamay ko sa upuang kinalalagyan ko. Gustong-gusto ko nang tumakbo palapit sa mga mahal ko para ipagtanggol sila sa abot ng makakaya ko. Gustong-gusto ko silang yakapin para sabihing mahal na mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para mailigtas sila.

Pero lahat ng kagustuhang naiisip ko ay parang mananatili nalang na isang kagustuhan. Ang mahigpit na taling nakagapos sa akin ngayon ay naging dahilan na para itigil ko ang panlalaban ko. Dahil damang-dama ko na rin yung matinding sakit sa magkabilang kamay ko na alam kong nagkasugat-sugat na sa sobrang pagpupumilit na makawala. At alam kong sa oras din na 'to, may napinsala nang buto sa parte ng kaliwang kamay ko.

Napapikit ako nang mariin dahil sa matinding sakit na iyon na naramdaman ko. Pero mas pinili ko pa rin na 'wag indahin 'yon dahil 'di hamak naman na mas matindi ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalawang mahal ko.

Napasulyap ako kay Jade na nakatayo sa isang gilid at nakangising nakatingin sa akin.

Umiling-iling ako at nagsusumamong nagsalita. "P-please.. Wag na sila. A-ako nalang.." lumunok ako at yumuko. "Nagmamakaawa ako sa'yo, Jade.. Itigil mo na lahat nang 'to."

Nakita kong naglakad s'ya papunta sakin. Lumuhod s'ya sa harapan ko at nakangising nagsalita.

"Odiba? I told you, kayang-kaya kitang saktan nang hindi ginagamitan ng dahas." hinaplos-haplos n'ya ang buhok ko at madali ring pinalitan ng sabunot. "Walang magagawa ngayon ang pagmamakaawa mo, Crissa. Mas masakit 'to para sa'yo, diba? Kasi hindi ikaw mismo ang nasasaktan. Kundi mahal mo. At 'yan ang kahinaan mong gaga ka! Mas inuuna mo ang kapakanan ng iba kesa sa sarili mo!"

Itinulak n'ya padukdok ang ulo ko at saka tumayo at tumalikod.

'D'yan ka magaling. Sa pagtalikod, pagtago, at pag-iwas.

Napangisi ako bigla dahil kung hindi ko nagawang matanggal ang nakatali sa kamay ko, nagawa ko namang makawala sa nakatali sa paa ko.

Mabilis akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya nang 'di n'ya namamalayan. At nang makita kong tama na ang distansya ko, buong lakas kong inihampas sa likod n'ya ang upuan na ngayon ay nakakabit pa rin sakin sa likuran ko.

Mabigat ang upuan na kahoy na 'to at nakatali pa rin dito ang mga kamay ko. Kaya inaamin kong sobra akong nasaktan sa ginawa ko na buhatin ang upuan na yun gamit ang sugatang braso ko at buong lakas na imaniobra para maihampas sa kanya.

Pero sa nakikita ko ngayon na itsura n'ya na nakasubsob na sa lupa at nawalan ng malay, pakiramdam ko ay may parte ng pagkatao ko ang nagagalak nang lubos dahil parang nakaganti na ako kahit kaunti.

"Puro ka satsat! Lampa ka naman pala!" sigaw ko sa sabay tadyak nang malakas sa likod n'ya.

Nakita ko sa sulok ng mata ko na ang ilang tauhan n'yang bumubugbog sa dalawa ay tumigil at 'di magkamayaw na tumakbo palapit samin. May nagtulong para buhatin si Jade at meron ding nagtangka na lapitan ako. Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at hindi ko na hinayaang wala na namang akong magawa.

Buong lakas kong iginiya yung upuan sa may likod ko at buong lakas ko ring ihinampas sa kanila. Nung makita kong ininda nila yung sakit mula doon dahil napaupo sila sa lupa, mabilis ko ring tinungo yung pwesto ni Tyron.

Mukhang nakukuha n'ya naman ang ibig kong gawin kaya nang malapit na ako sa kanila ay mabilis n'yang iginiya paharap yung lalaking nakakapit sa kanya kung kaya naihataw ko doon yung upuan na nasa likod ko. Tumumba yung lalaki at mukhang nawalan na rin ng malay. Si Tyron naman ay hindi nag aksaya ng oras at mabilis nag-ipon ng lakas para magawang gantihan yung dalawa pang lalaki na kanina lang ay gumugulpi sa kanya.

Nang malipat ang tingin ko kay Christian, nakita kong nagawa na rin n'yang maisahan yung mga nakahawak sa kanya na nagtangkang lumapit sa amin ni Tyron. Nakikipagpalitan na s'ya ng sapak ngayon kung kaya sinenyasan ko si Tyron para tulungan s'ya.

Maging ako man ay hindi nag-aksaya ng panahon nang makita ko yung isang kutsilyo sa lupa na mukhang nabitawan ng kung sino mang tauhan ni Jade. Pero dahil nakatali ang kamay ko at may nakakabit pa sa akin ngayon na upuan, hindi ko magawang pulutin 'yung kutsilyo.

Umupo ako sa lupa at kahit nasa may likuran ko ang mga kamay kong nakatali, pinilit kong abutin yung kutsilyo. Napapikit ulit ako nang madiin dahil naramdaman ko ang matinding kirot. Pakiramdam ko, namamaga na ang kaliwang pulso ko dahil sa may tamang buto ko doon.

Muli akong dumilat at saktong pagtingin ng mata ko doon sa ilang tauhan ni Jade na nakabawi na ng lakas, mabilis akong tumakbo papalapit kila Christian at Tyron.

Lalo pa nang mapansin kong may isang nagtatago sa likod ng puno at maingat na inasinta ng baril yung gawi nung dalawa.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C107
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄