Crissa Harris' POV
Naramdaman ko na napahiga na sya sa akin. Inantay ko na rin na masakmal nya ko pero wala. Nung itulak ko sya palayo, nakita ko nalang na may saksak na sya sa likod ng ulo nya. At tumambad din agad sakin si Tyron na parang alala na nakatingin sakin. Nilapitan nya agad ako at pinagmasdan.
"A-ano, okay ka lang? Nakagat ka ba ha?" sabi nya habang hawak yung braso ko at chinecheck. Nung madako sya sa leeg ko at mukha ko, napaiwas agad ako.
"H-hindi.. Salamat at nakita mo agad ako." bulong ko habang nakayuko. Narinig ko na nagpakawala sya ng buntung-hininga bago ako inalalayan na makatayo.
"Kahit kelan naman, hindi naalis yung tingin ko sayo.."
Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Ni hindi ko na nagawa pang magsalita. Pero bumalik ako sa sarili ko nang humarap sya sakin at ngumisi.
"Sabi kasi ni Christian, madalas kang atakihin ng katangahan mo diba? Kaya lagi kitang tinitignan."
Boom. Panes.
Nakagat ko nang madiin ang labi ko habang pinagmamasdan syang lumakad papunta doon kila Christian para tumulong. Padabog kong pinulot yung flashlight pero iniwas ko sa kanya yung ilaw. Hmp. Bahala syang makagat dyan ng undead o kahit pa ng tiktik, tikbalang o dinosaur. Ang sama talaga ng ugali e.
Lumapit agad si Christian sakin nung matapos nilang pataubin yung mga undead.
"Nakita ko yun. Pasalamat ka at nakita ka agad ni Tyron." hindi ko pinansin yung sinabi nya at naglakad nalang ako pabalik sa mansyon.
Kaya lang ako tinitignan ng isang yun dahil tatanga-tanga ako. Tuwang-tuwa rin siguro yun kapag nakikita akong muntik nang mangatngat ng undead. Tss. Akala ko pa man din, concerned at pinoprotektahan nya talaga ako. Yun pala, pinagtitripan lang ako. Bwisit.
"Yung mga undead na yun, sila siguro yung nakita ni Lennon kanina sa labas nitong village." nahabol ako ni Christian at binulungan ako. Di ko na nilingon yung iba sa likod dahil naiinis ako.
"Whatever.. Inaantok na ko. Wag mo muna akong kausapin." walang gana kong sagot.
Wala e. Hindi ko rin alam at bigla nalang bumigat ang loob ko.
** kinabukasan..
Day 12 of zombie apocalypse..
Doon uli ako natulog sa kwarto ni Christian. Wala, feel ko lang. Paggising ko naman, wala nanaman sya uli. Wala rin yung mga weapon nya kaya alam ko na nasa labas nanaman yon. Pero, ang aga naman ata?
Bumangon ako. Wala pa palang 7am. Mabilis akong nagpalit ng zombie apocalypse outfit ko at hindi ko rin kinalimutan yung mga weapons ko. Dumaan ako sa may family living room pero tulog pa yung ibang lalaki dahil nakalock pa yung pinto. Kaya mag-isa nalang akong bumaba.
Naabutan ko si Christian sa may guardhouse. May hawak syang mapa at binoculars. Seryosong-seryoso syang nakatingin dun sa mapa at mukhang hindi sya mapakali. Nung makita nya ako, umiling sya sa akin.
"Crissa, kailangan na nating umalis dito sa mansyon. Tayong lahat. Hindi na tayo safe dito."
Naguluhan and at the same time nagulat ako sa sinabi nya. Pero hindi ko na nagawang makapagreact dahil mabilis na nya akong hinaltak paakyat dun sa parang tower na karugtong nitong guardhouse. Dito nagse-surveillance yung ilang mga securities namin kapag gabi para kitang-kita nila yung buong village. Kasing-taas ito ng 3 storey na building.
Pagkaakyat namin doon, inabot agad sakin ni Christian yung binoculars. Halos malaglag naman ang panga ko nang sumilip ako dun at tignan ko nang deretso yung daan. Mga ilang kanto mula rito ay parang may mga tao na naglalakad. Pero nung tignan ko nang mabuti, parang may biglang bomba na sumabog sa dibdib ko. Bigla ko nalang ding nabitiwan yung binoculars na hawak ko.
Mga undead sila. Hindi mga tao. At napakarami nila. 100, 200, hindi. Mahigit pa doon sigurado ako. Nakakalula yung dami nila. At delikado talaga kami ngayon pag naabutan nila kami dito..
Hindi nako nag-abala pang magtanong kay Christian kung bakit nandito sila ngayon at kung bakit ang dami-dami nila. Basta hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at bumalik na kami sa mansyon para gisingin yung iba. Ipinaliwanag agad naman sa kanila yung delikadong sitwasyon namin ngayon. At katulad ko, mukhang gulong-gulo at hindi rin sila makapaniwala.
"Wala na tayong time para magconclude kung ano bang nangyari. Kailangan na nating umalis dito. As soon as possible. Dahil kung hindi, mao-overrun na talaga tayo dito." hingal na sabi ni Christian. Sinundan ko naman agad at nagsalita na din ako.
"Maghati-hati tayo ng gagawin. Harriette, Renzy, Alessandra, kayo ang bahala dun sa ibang mga gamit na kakailanganin natin. Batteries, flashlight, basta kayo na bahalang mag-isip kung ano pa. Ilagay nyo sa isang malaking bag Alex, Elvis, Renzo, kayo naman sa food supplies. Ibaba nyo lahat ng mga stock natin. Christian, kayo na nila Sedrick at Tyron ang bahala sa mga weapons na nasa basement. Dalhin nyo lahat at wag kayong mag-iiwan kahit na isa. Kami naman ni Lennon ang maglalabas sa garahe ng sasakyan na gagamitin natin. Basta sumunod na kayo agad samin ah? Wag nyo ring kakalimutan yung survival kit nyo."
Hindi ako nagpadala sa panic at takot na nararamdaman ko. Kumilos na silang lahat kaya bumaba na rin kami ni Lennon sa likod ng mansyon.
Inilabas ko agad yung isa pang family van namin na Grandia tapos ipinalabas ko rin kay Lennon yung Ford raptor na ilang beses na naming nagamit. Marami kami kaya hindi uubra na sa iisang van lang kami idagdag pa na napakarami rin naming mga gamit na dadalhin.
"Salamat Lennon." hinihingal na sabi ko.
Dahil na rin siguro sa adrenaline rush kaya nagawa rin naming dalawa na iakyat sa likod ng pick-up yung motorbike ni Zinnia pati na rin yung isang paboritong bike ni Scott. Hindi namin pwedeng iwan yun dito. May possibility rin kasi na, hindi na kami makabalik pa dito.
Isa-isa nang dumating yung iba pa bitbit yung mga gamit na naassign sa kanila. Sinecure namin yung mga weapons dun sa may huling upuan sa van. Pati na rin yung bitbit nila Harriette na iba pang gamit. Samantalang yung mga food supplies naman ay nandon sa likod ng pick-up. Nagpapasalamat naman ako kay Elvis at bitbit nya yung survival kit ko.
"Ano, wala nang kulang? Wala na bang naiwan? Kung wala na, tara na. Christian, dyan ka sa van. Dito ako sa pick-up." sabi ko. Nagtinginan naman agad yung tatlong babae.
"Sama ako kay Crissa." - Harriette
"Ako din ah?.." - Renzy
"Pati ako.." - Alessandra
Nilapitan naman agad ni Renzo at Alex yung mga kapatid nila.
"Hindi pwedeng walang kasamang lalaki si Crissa." - Alex
"Oo nga. Dun nalang tayo kay Christian." - Renzo
Napatingin naman ako dun sa may loob ng pick-up. Nanlaki ang mata ko dahil nandoon na agad si Sedrick sa driver's seat tapos si Tyron sa passenger's seat. Ang bilis naman nila.
"Oh, isa nalang kasya." itinuro ko yung pick-up.
"Okay ako na lang." - Elvis
"Anong ikaw? Ako!" - Harriette
"Oh, oh! Mag-aaway pa. Si Lennon nalang ang sasama samin." sabi ko sabay haltak kay Lennon papasok ng pick-up. Wala na ring nagawa sila Elvis at pumasok na sila sa van.
Pinaandar na ni Sedrick yung pick-up at sumunod samin sila Christian. Pero nung malapit na kami sa gate at nasaksihan na namin yung sitwasyon doon, napahinto agad kami. Tumba na yung gate at isa-isa nang pumapasok yung mga undead. Buti nalang nandito kami sa may pinakagilid kaya hindi nila kami napapansin.
Bumaba si Christian mula sa passenger's seat ng van at kumatok sya sa tapat ng bintana ko. Agad din akong bumaba at napakunot ang noo ko dun sa hawak-hawak nya.
"A-anong gagawin mo dyan sa granada, Christian?.."
"No choice na e. Pumasok ka na uli. Kami na nilla Elvis at Alex ang bahala." hindi na ako nakapagreact dahil itinulak na nya ko papasok sa pick-up.
"Wag nyong papalabasin to ah?.." satsat pa ni Christian bago tumakbo paalis kasunod sila Alex at Elvis.
Sinundan ko nalang sila ng tingin habang papunta sila sa may likod ng mansyon. Taeng lalaki to. Kinakabahan ako. Ano naman kayang plano nya? Baka makuyog sila ng undead doon.
Siguro ilang minuto lang din ang lumipas, hindi ko na ma-control yung kaba ko kaya trinay ko nang lumabas. Pero hindi ko na nagawa dahil pagtingin ko, nakasandig na si Tyron sa tapat ng pinto ko. Hindi ko sya magawang itulak paalis dahil ang lakas nya. Lumaktaw nalang ako papunta doon sa passenger's seat at doon ako sa pinto nun lumabas.
Feeling nito ni Tyron e, maiisahan nya ko. Tsk. Gusto pala.
Dahan-dahan akong naglakad para tumakas pero napahinto agad ako. Bigla ko nanaman kasing naramdaman yung parang sting o spark na dumaloy sa braso ko. Pagkalingon ko sa gilid ko, hawak-hawak na pala ni Tyron yung braso ko.
"Di mo ko matatakasan."
"E-eh, ano ba! Pupuntahan ko si Christian!" nagpumilgas ako sa kapit nya pero hindi talaga ako makawala.
"Wag ka na ngang makulit. Panoorin mo nalang yung ginawa ni Christian."
Panoorin daw ba si Christian no? E hindi naman artista yun e! Tsk! Christian Bautista lang ang peg!?
Mas lalo nya pa akong hinaltak kaya mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Damang-dama ko yung paghinga nya pati yung tibok ng puso nya. Iniwas ko yung tingin ko pero sakto namang may biglang malakas na sumabog sa di kalayuan. Sa sobrang gulat ko, napayakap nako nang tuluyan kay Tyron.
"U-uy, a-anong nangyari?" bulong ko sa kanya.
"Dumilat ka kasi para makita mo."
Nang hindi umalis sa pagkakayakap sa kanya, dumilat nga ako. Una kong nakita yung mukha nya na nakatitig sakin. Umiwas agad ako at nakita ko nalang yung ibabang parte ng mansyon na nagliliyab na. Bigla rin akong kinabahan.