Sa Likod ng Pagpatay
Ikalabing-apat na Kabanata
Simula nung araw na iyon, maraming nagbago. Una nilang pinasok ang eskwelahang ito nang kumpleto, hanggang sa isa-isa ng pinapatay ang bawat isa sa kanila. Sino ba ang nag-suggest na gawin ang event na ito? Sino ba ang nagsabing magbunutan sila (kahit simula palang ay pili na ang mga estudyante)? Sino ba ang pulo't dulo ng lahat ng ito?
Nang sabihan siyang sundan ang bawat kilos nila, sinunod niya. Nang sabihan siya na bawat detalyeng nagaganap sa kampo ay sabihin niya, ginawa niya. Nang sabihan siyang maglagay ng lason sa faucet, ikinilos niya. Pero sino?
Siguro si Lyneth. Bagaman kilala na nila siya, maaaring may itinatago pa itong sikreto. Siya 'din ang napagbintangang naglagay ng lason sa baso ni Mikee. O kaya naman ay si Rinnah, ang mabilis na pagbabago sakanyang paggalaw. Ang aksidente niyang pagpatay kay Liza at ang pag-iwan niya kay Nathaniel, walang nakakita sa totoong nangyari, pero nagsasabi nga ba ng totoo si Rinnah?
Ang kahuli-hulihang taong maaaring pagbintangan, si Becca. Noong una'y walang pumapansin sakanya. May kakaibang kapangyarihan at kasangkapan siyang bitbit sakanyang bag. Hindi imposibleng siya ang taong nasa likod ng mga pangyayaring ito.
Kung magbabase sa bawat sitwasyon, para bang may nagsasabi sa pumapatay kung nasaan sila. Para bang bilang niya ang bawat kilos nila. Pero sino nga ba sakanila?
--**--
FLASHBACKS [Until The End of the Chapter]
PAGPATAY KAY LIZA
"Lahat ng hindi sasama, pumasok na kayo sa mga tent niyo at kung gusto niyo ay tapusin niyo ang walang kwentang task na 'yan." Nanatili silang lahat sakanilang mga puwesto. Nakatayo ngayon sa harapan ng bulletin board sina Rinnah, Jack, Mikee, Ashley, Nathaniel, Markie, at ako. Kung sakali ay maiiwan sina Becca, Jerome, Lyneth, at Liza sa kampo.
"Tara na!" aya ni Nathaniel. Nag-umpisa na silang maglakad. Bago pa man sila makaalis ay lumabas si Jerome at Becca sa tent. "Sasama na kami." bigkas ni Jerome. Nanatiling tahimik si Becca at nasa likod lang ni Jerome.
"Cool! Let's prove together na tama ang hinala mo, Becca. All we have to do is wait for 12 midnight to come." Ani ni Nathaniel. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Inilawan ni Jack ang daan atsaka na sila umalis. Tumigil siya saglit sa paglalakad at inilabas ang kanyang cellphone.
+ 09365954273
: paalis na kami
Maiiwan sina Liza at Lyneth sa kampo
Sinong una mong kukunin sakanila?
: ako ng bahala.
✔️ Seen. 6 : 54 PM
Ipinasok na niya ang kanyang cellphone sakanyang bulsa atsaka na siya nagpatuloy sa paglalakad. Nang makaalis na silang lahat, lumabas si Lyneth mula sakanyang tent atsaka sila lihim na sinundan. Naiwan ngayong mag-isa si Liza sa loob ng kanyang tent.
Ilang minuto ang nakalilipas at may pumasok sa loob ng kanyang tent. Habang mahimbing lamang siyang natutulog ay may nagtakip sakanyang bibig dahilan ng pagkawalan niya ng malay. Dinala ng misteryosong tao si Liza sa isang lugar na tanging siya lamang ang nakakaalam.
Matapos gawin ang kanyang plano ay muli niyang binitbit ang katawan nito at dinala malapit sa gate. Humatak siya ng isang upuan na nagmula sa isa sa mga klasrum atsaka ito itinapat sa harap ng gate. Inupo niya doon si Liza atsaka itinali. Inilabas niya ang isang bagay. Mukha iyong baril. Itinutok niya ito sa katawan ni Liza. Walang awa niya itong itinutok pataas-baba sa katawan ng dalaga, na dahilan ng pagkalusaw ng katawan niya.
--**--
+ 09365954273
: paalis na kami
Maiiwan sina Liza at Lyneth sa kampo
Sinong una mong kukunin sakanila?
: ako ng bahala.
✔️ Seen. 6 : 54 PM
10 : 15 AM
: anong ginawa mo sakanya!?
: ginawa kolang ang nararapat.
Kailangan niyang mamatay.
: pero
: wala ka ng magagawa,
Kasama na siya sa sumpa ng
class picture.
: hindi mo namang kinailangang
patayin siya.
Masyadong marahas ang iyong
ginawa
Lusaw na ang kanyang balat!
: wala akong pakialam.
Pigilan mo ang iyong emosyon.
Tatandaan mo, kaya ka pumasok
dito dahil ikaw ang pain, 'wag
kang papaapekto.
: naiintindihan ko.
✔️ Seen. 10 : 20 AM
--**--
PAGPATAY KAY MARKIE
+ 09365954273
: wala akong pakialam.
Pigilan mo ang iyong emosyon.
Tatandaan mo, kaya ka pumasok
dito dahil ikaw ang pain, 'wag
kang papaapekto.
: naiintindihan ko.
✔️ Seen. 10 : 20 AM
7 : 39 PM
: Nagpaiwan ako dito sa bukana ng library
: Lintek! Ang babaeng 'yon.
Hindi siya tinamaan ng
mga patibong.
: sino?
: Si Ms. Roque.
: Lyneth? Bakit? Siya ba ang
susunod na target?
: 'di bale. May ikalawang plano tayo
Isusunod kona ang bayot na 'yon.
: si Markie?
: oo, basta't huwag kang
magpapahalata. Hintayin mo
ang signal ko.
✔️ Seen. 7 : 46 PM
7 : 59 PM
: mga inutil.
hindi nila mahanap
ang libro
: susunod na ba ako
sakanila?
: hinde, hayaan mo lang
sila
✔️ Seen. 8 : 01 PM
8 : 14 PM
: pabalik na sila.
: binulgar ko na ang libro.
Hindi na siguro tatanga-tanga
ang isang 'to at makikita niya
: nasasaniban siya? Ikaw ba ang
may gawa no'n?
: hinde. Sumasang-ayon satin
ang tadhana. Hayaan mo lang sila.
✔️ Seen. 8 : 18 PM
8 : 25 PM
: natapos 'din. Nagkukwento
si Becca
: Maganda ba ang ginawa
kong kwento?
: ang alin?
: ang binabasa ni Ms. Natividad?
: gawa-gawa molang 'yon?
: Haha! Naging patok si Ma'am Carmelita sa buong eskwelahan.
Dapat talaga naging writer nalang ako o kaya director
HAHAHAHAHA
Natatawa na ako sa mga
kasamahan mo
Para lang nanonood ng pelikula.
: papatayin mo ba talaga sila?
: let's see. Maghanda ka. Ilang
minuto lang, kakaladkad na
na ang baklitang iyon.
✔️ Seen. 8 : 29 PM
Habang abala sila sa pag-uusap tungkol sa pangyayari noong 2015, mabilis niyang nahila si Markie. Nagpatuloy ito hanggang sa marating nila ang kadiliman. Sinubukan siyang higitin pabalik ni Jack, natamo ni Markie ang isang malaking sugat sakanyang dibdib. Lahat sila'y nagulat matapos ang pangyayaring ito.
Ilang saglit lang ay lumitaw ang class picture, at nakita nila ang magkatabing sina Markie at Liza, nangangahulugang patay na ang mga ito at napabilang na sa class picture.
+ 09365954273
: let's see. Maghanda ka. Ilang
minuto lang, kakaladkad na
na ang baklitang iyon.
✔️ Seen. 8 : 29 PM
8 : 43 PM
: maging ako'y nagulat sa mga
ginawa ko
: ambilis ng mga pangyayari,
paanong hindi ka nakita?
: I have my ways, my dear niece.
Napakatapang ni Ms. Natividad.
Siya ang pinakamatapang na
babae na nakilala ko
Kaya medyo pahabain pa natin
ng konti ang kanyang buhay.
: sino na ang sunod?
: naiinis na ako kay Ms. Roque
Lagi nalang niya akong nalulusutan
Isusunod ko na siya.
✔️ Seen. 8 : 47 PM
--**--
PAGPATAY KAY NATHANIEL
+ 09365954273
: sa tuwing madadakma
ko na si Ms. Roque, laging
may sumasagabal!
: palabas na kami ng
library. Naniwala sila
saakin.
: magaling. natakot ba
kayo kay Ma'am
Carmelita?
: sila lang.
Umepekto ang pagsabi
kong lilipat kami ng lugar
Ni hindi mo na kinailangan
ng panakot
: job well done,
ngayon isusunod ko
na ang target
: si Lyneth?
: hindi ko na ibabase
sa kwentong ginawa ko
Basta, papatayin ko
nalang kung sinong
nanaisin ko.
ikaw na ang bahala
sa mga mangyayari
: okay.
✔️ Seen. 5 : 43 PM
Habang naglalakad na sila paalis sa library, nakita nila ang isang clinic at napagpasyahan nilang dumiretso doon. Habang tumatakbo sila papasok doon, hawak ang kanyang cellphone ay sinabi niya ito sa misteryosong lalaki.
+ 09365954273
: okay.
✔️ Seen. 5 : 43 PM
5 : 52 PM
: papunta kami ngayon
sa clinic
: nalaman ko sa medical
backgrounds ni Ms. Santillan
na mayroon siyang hika.
Panigurado't susumpong ito
dahil kanina pa kayo
tumatakbo
Kapag pinainom siya ng
tubig, siguraduhin mong
lagyan ng lason ang
inumin niya.
✔️ Seen. 5 : 54 PM
Nang makapasok siya sa loob ng clinic, nagkunwari siyang naghahanap ng tubig. Napansin niya ang faucet, kabilang ang cabinet na may iba't ibang mga gamit sa kusina. Ipinahid niya ang lason sa labas ng mga baso, at pagkatapos ay nagtungo siya sa mga kasamahan niya.
"Wala akong mahanap." bigkas niya. Lahat sila'y balisa at naghahanap ng maaaring ipainom kay Mikee. Nagtungo si Ashley at Lyneth sa ibang bahagi ng clinic. Napadpad sila sa kusina ng clinic atsaka naman napansin ni Lyneth ang faucet at linagyan ito ng tubig.
Uminom si Lyneth sa parteng walang lason ang baso, isang napakagandang koinsidente. Nang ipainom niya ito kay Mikee, aksidente niyang naitutok sa parteng may lason, na dahilan ng pagkawalan ng malay ni Mikee.
Nang ipainom sakanya ni Becca ang rosas na likido, muling iminulat ni Mikee ang kanyang mga mata. Matapos ang ilang pagtatalo sakanila kung sino ang naglagay ng lason, narinig nila ang pagkatok.
Saglit na natuon ang kanilang atensyon sa pintuan, naging tiyempo iyon upang mabukas niya ang kanyang cellphone, at nakita ang isang message na nagmula sa misteryosong lalaki.
+ 09365954273
: nalaman ko sa medical
backgrounds ni Ms. Santillan
na mayroon siyang hika.
Panigurado't susumpong ito
dahil kanina pa kayo
tumatakbo
Kapag pinainom siya ng
tubig, siguraduhin mong
lagyan ng lason ang
inumin niya.
✔️ Seen. 5 : 54 PM
6 : 01 PM
: babalik diyan si Miss
Romero. Siguraduhin mong
sasama ka sakanya. Sana'y
sumunod ang mga kasama
mo
: Ms. Romero?
Si Liza ba ang tinutukoy mo?
Hindi ba't patay na si Liza?
: sa susunod ko na
sasabihin ang ibang detalye
Gawin mona ang ipinaguu-
tos ko.
✔️ Seen. 6 : 04 PM
Binukas nila ang pintuan at tulad nga ng sinabi ng misteryosong lalaki, tumambad si Liza sa kanilang harapan. Nagmamadali itong pumasok atsaka naman nila isinarado ang pinto. Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Si Liza, nasa harapan nila at buhay na buhay.
Matapos magpaliwanag si Liza at sabihing lalabas na siya ng unibersidad dahil bukas na ang mga gate, sumunod sakanya si Nathaniel, Ashley at Rinnah. Nang malapit na sila sa gate, natigilan sila matapos saksakin ni Liza si Nathaniel. Nang makaalis si Ashley, pilit na kinalaban ni Rinnah si Liza pero napatay niya ito sa pamamagitan ng saksak.
Walang magawa si Rinnah dahil paparating na ngayon si Ma'am Carmelita. Tumakbo na siya at iniwan si Nathaniel, at ang huli niyang nasaksihan ay ang pagbuhat ni Ma'am Carmelita sa katawan nito. Nang bumalik siya sa kampo, doon niya nalamang patay na si Nathaniel matapos lumitaw ang kanyang imahe sa class picture.
--**--
UNANG ARAW NG CAMPING
"Pakatutukan mo ang babaeng nagngangalang Rebecca Natividad. Huwag na huwag mong hahayaang makalusot siya sa bawat pagkakataon. Maliwanag ba?" tanong ng misteryosong lalaki sa kaharap niyang bata. Tumango lamang ito sakanya. "Mukhang handang-handa ka? Naaamoy ko ang halimuyak ng iyong pabango." Hindi nagsalita ang bata sakanyang mga salita. "Sige na, magtungo kana doon." Bitbit ang kanyang gamit ay pumasok na siya sa loob ng unibersidad.
Nadatnan niya sa kampo ang mga nag-aayos ng mga tent na kasamahan niya. Nang makita niya si Becca na maglakad papaalis, sinundan niya ito. Noong una'y akala niya naliligaw siya. Napadpad siya sa isang gubat, isang lugar na tanging iilang estudyante lamang ang nakakaalam.
At doon niya nasaksihan, sa unang pagkakataon ang isa sa mga kakayahan ni Becca.
--**--
"Kaibigan mo ba si Rinnah?" tanong ni Lyneth kay Becca. Walang pag-aalinlangang tumango ang dalaga.
"I doubt it." tipid na sabi ni Lyneth. Napatingin ito sakanya. "Kasi kahit andami ng sinabing masama sa'yo si Markie kanina, hindi ka niya nagawang ipagtanggol." tuglong pa niya. "May rason siguro siya." tugon ni Becca. Siguro natatakot lang siyang magsalita dahil baka awayin siya ng lahat. Nakikita ko kasi sa mga mata niya na minsan na siyang nabigo."
"Ang sinasabi ko lang ay 'wag mong ibibigay kahit kanino ang kabuuan ng iyong tiwala. Baka sa huli, ikaw ang masaktan." paalala ni Lyneth kay Becca.
Kadalasan, ang mga taong magaling magpanggap ay dinadaan nila sa maamo nilang mukha. Unti-unting natipon ni Lyneth ang mga suspetsa niya kay Rinnah. Kailangan niya lamang ng sapat na panahon, upang konprontahan ito. Oo, ang taong kasabwat ng misteryosong lalaki na nasa isip ngayon ni Lyneth ay si Rinnah. Dahil simula pa lamang, kahina-hinala na ang ikinikilos nito.
Lyneth is indeed a Detective Conan's fan.
Baka kayo'y nagulumihan sa kabanatang ito. May bahagi ang kabanatang ito kung saan ang kasabwat ng mamamatay tao at ang mamamatay tayo ay nag-uusap (sa mga phone conversations). Huwag sana kayong maguluhan sa pag-intindi ng parteng ito. Maraming salamat sa pagbabasa ng librong ito. Kayo ang nagpapasaya at kumukumpleto sa araw ko.
xoxo,
LiamWolfe