下載應用程式
100% Sina Lorena, Pawikana at ang Kaharian ng mga Sirena / Chapter 7: Sina Lorena at Pawikana

章節 7: Sina Lorena at Pawikana

Kabanata XI

Sumikat na ang haring araw ngunit mahimbing pa ring natutulog si Lorena. Hinahaplos s'ya ng kanyang ina habang siya'y natutulog. Natutuwa ang reyna sa kanyang nakikita. Hindi n'ya sukat akalain na makasamang muli ang nawalay na anak ng mahabang panahon. Nagising si Lorena sa halik ng kanyang ina.

"O, ina, magandang umaga sa iyo."

Napangiti ang reyna. "Ganoon din sa iyo anak. Masyado ka yatang pagod at napasarap ang iyong tulog.

"Oo, ina. Mahaba kasi ang aking paglakbay na ginawa bago narating ang iyong kaharian."

"Ang ating kaharian, anak," pagtatama ng reyna. "Ipagpatuloy mo ang iyong kuwento."

Napangiti si Lorena. "Marami akong nakalaban ina, pero marami rin akong nakilala at naging mga kaibigan."

"Siyang tunay?"

"Oo ina. Nakalaban ko si Lawudra, ang pating, ang ibyoy at dragonoy pero isa-isa silang natalo namin ng aking mga kaibigan."

"Napakagaling naman ng aking anak kung ganoon!"

Ipinagpatuloy pa ni Lorena ang kanyang kuwento nang may pumasok sa silid.

"Nakakaistorbo ba ako sa inyo?" boses ng babae.

"Sarina, anak ko, samahan mo kami. Nais kong ipakilala sa iyo ang iyong kapatid."

Tumabi si Sarina kay Lorena at napaiyak.

"Anak, ang iyong kapatid, si Lorena."

Niyakap ni Sarina si Lorena at lalo pa itong napaiyak. "Napaiyak ako sa tuwa at muli kitang nakita, kapatid ko."

"Ako rin ate."

"Ate? Anong ibig sabihin niyan?"

"Nakatatandang kapatid na babae. Iyan ang salitang gamit namin sa mundo ng mga tao."

"A, ganoon ba. Dito sa mundo natin puwede mo akong tawagin niyan. Isa pa nga uli?"

"Ate Sarina."

"Napakasarap pakinggan."

"Ina, may tanong po ako?"

"Ano iyon, Lorena?"

"Nasaan po ang aking ama? Bakit hindi ko s'ya nakikita?"

Nagkatinginan ang reyna at si Sarina.

"Wala na ang iyong amang hari. Namatay siya sa digmaan. Namatay na isang bayani?"

Natahimik si Lorena. Hindi n'ya akalain na hindi niya na makikita ang kanyang ama.

"Puwede po akong dumalaw sa kanyang libingan?"

Muli na namang nagkatinginan ang mag-inang sirena.

"Anak, sa tamang panahon, dadalhin kita roon."

"May larawan po ba kayo ni ama?"

"Oo naman anak. Nakasabit 'yon sa isang kuwarto sa Akademya."

"Talaga po? Salamat naman kung ganoon, makikita ko na rin ang aking ama kahit sa larawan lang."

Mahabang kuwentuhan ang ginawa ng magkapatid at mag-ina. Bumabawi sila sa isa't isa sa mga panahong nawala sa kanila. Maya-maya, mahihinang katok ang kanilang narinig.

"Mahal na Reyna, may dala akong pagkain sa inyo." boses ng babae.

Nahiwatigan ng reyna ang boses. "Pumasok ka Amadiya." Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kausap at pati ang mga kasama nito.

"Anak, ipinakilala ko sa iyo ang pinuno ng mga amada, si Amadiya. Siya ang punong tagasilbi."

"Iginagalak ko kayong makilala, Mahal na Prinsesa." Yumuko ito habang ang mga kasama nito ay abala sa paglalagay ng mga pagkain sa gintong mesa.

"Ganoon din ako." Nakita ni Lorena ang masasarap na mga pagkain. "Ina kain na po tayo. Nagugutom na po ako." Tumawa ang reyna at si Sarina sa reaksyon ni Lorena at pinagsaluhan ang mga pagkain. Abalang-abala s'ya sa pagkain. Ni hindi s'ya makausap ni Sarina. Busog na busog s'ya sa masasarap na pagkain at hinimas-himas pa ang kanyang tiyan. Nagkatinginan lang ang Inang Reyna at si Sarina at napangiti ang dalawa.

"Kapatid ko, gusto mo bang sumama sa akin pagkatapos kumain?"

"Saan naman tayo pupunta, ate?"

"May palabas at paligsahang magaganap sa Akademya. Sigurado akong malilibang ka roon."

"Oo ba ate! Gusto ko 'iyan. Ano naman ang Akademya, ate Sarina?"

"Isang paaralan, kapatid ko. Dito nag-aaral ang mga batang sireno at sirena."

"May paaralan pala dito, ate? Gusto ko riyan mag-aral, ate Sarina?"

"Oo ba! Ikaw pa! Isa kang prinsesa. Kung ano ang iyong hihilingin ay ibibigay namin ni Ina sa abot ng aming makakaya."

"Siyang tunay, anak."

"Ikaw ina, pupunta ka ba?"

"Oo naman, ako yata ang espesyal na panauhin. Pagkatapos nating kumain, magpapahinga lang tayo nang sandali, at pagkatapos magpapaayos tayo kay Amadiya at ng kanyang mga kasama."

"Ina, may gusto sana akong hilingin?"

"Ano iyon, anak ko?"

"Hihilingin ko sa 'iyo na ibalik mo sa akin ang alaala ng aking kapatid na si Lorena."

"Oo naman anak ko." Kinuha ng reyna ang kanyang traydon nakalagay sa gilid ng kanyang higaan. Nagsambit ito ng isang orasyon. "Makapangyarihang traydon, ibigay ang hiling ng aking anak." Isang banayad na liwanag ang lumabas sa traydon at agad na bumalot sa ulo ni Sarina at isa-isang bumalik sa kanyang isipan ang masasayang alaala ng kanyang kapatid.

"Maraming salamat Inang Reyna." Lumapit ito sa reyna at humalik sa pisngi.

"Bakit binura ni ina ang alaala ko sa iyo, ate?"

"Mahabang salaysayin kapatid ko. Ikukuwento ko na lang sa 'yo habang tayo'y pupunta sa Akademya. Sa ngayon, magpapahinga muna tayo para nang sa ganoon ay mas lalo pa tayong gumanda." Kiniliti ni Sarina ang tagiliran ng kanyang kapatid at napahiyaw naman ito sa kanyang ginawa.

Kabanata XII

Sakay ng tig-iisang kabemay, narating ng mag-inang sirena ang Akademya. Dumaong ito sa malaking daungan. Nakita ni Lorena kung gaano kalaki ang nasabing paaralan. Apat na magkadugtong at magkatapat na gusali ito. Pumasok sila sa loob at sinalubong sila ni Melba, ang punong tagapangasiwa ng paaralan. Habang papasok, masigabong palakpapan ang ginawa ng mga mag-aaral na bata, nagdadalaga at nagbibinatang sireno at sirena. Namangha si Lorena nang makitang may malaki itong paliguan sa gitna ng gusali.

"Maraming salamat mahal na Reyna at pinaunlakan ninyo ang aming paanyaya," nakangiting sabi ni Melba.

"Walang anuman. Bilang isang Reyna, obligasyon ko na dumalo sa inyong taunang aktibidades. Melba, gusto kong ipakilala sa iyo ang aking isa pang anak, si Lorena. At Lorena siya si Melba, ang punong tagapangasiwa ng paaralang ito. "

"Napakunot-noo ang tagapangasiwa. "Nabuhay siya mahal na Reyna?"

"Mahabang salaysayin, Melba. Ikukuwento ko na lang sa iyo sa ibang pagkakataon o baka mamaya."

"Hi po, Ma'am Melba."

"Hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi mahal na Reyna. Ibang wika ang kanyang ginagamit. Tiyak akong nanggaling siya sa mundo ng mga tao."

"Siyang tunay," sabi ng reyna.

Umupo ang reyna, si Sarina at si Lorena sa tatlong maganda at gintong upuan na naaangkop lamang sa mga dugong bughaw.

"Mga mag-aaral sa Akademya, ako'y lubos na nasisiyahan at tayo ngayon ay nagtipon-tipon para isagawa ang taunang palarong pambuntot. Para opisyal na magbukas ang paligsahang ito, narito ang ating pinakamamahal na reyna.sa kanyang mensahe."

Nagpalakpakan ang lahat habang pumapagitna sa harapan ng entablado ang reyna.

"Mga mag-aaral, gusto kong sabihin sa inyo na ako'y nasisiyahan na ginagawa ninyo taon-taon ang paligsahang ito. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa inyo na linangin ang inyong pisikal na kakayahan, maging ang aspetong pakikipaghalubilo sa inyong mga kapwa mag-aaral. Hinuhubog kayo ng paaralang ito na maging isang malakas at mabuting manlalaro. Kaya, idinideklara ko, ang opisyal na pagsisimula ng taunang panlarong pambuntot."

Naghiyawan ang mga mag-aaral. Sinimulan agad ang unang laro at ito ay ang sabayang paglalangoy o synchronized swimming na ginanap sa malaking paliguan. Kanya-kanyang puwesto ang tatlong koponan: ang Buntot ng Maynila, Kamay ng Davao at ang Mata ng Negros. Unang nagpakitang gilas ng kanilang routine ang Buntot ng Maynila. Sa saliw ng musika, nagpaikut-ikot sila sa ilalim ng tubig na tanging mga buntot lamang nila ang nakikita sa ibabaw nito at umaangat ang mga kamay at palukso-lukso sa ibabaw ng tubig. Marami pa silang istilo at tricks na ginawa na nagpahanga sa mga manonood. Sumunod ang Kamay ng Davao at nagpamalas din ng napkagandang routine at ang huling nagpakitang gilas ay ang Mata ng Negros. Nahirapan sina Sarina at Melba sa pagdedesisyon sapagkat lahat ng koponan ay nagpakita ng kanya-kanyang angking galing sa sabayang pagsayaw. Tuwang-tuwa at pumapalakpak naman si Lorena sa kanyang nakita.

Sinundan ang unang laro ng mabilisang paglangoy na may kakaibang twist sapagkat kailangan ng manlalaro na lumukso sa bilog na bagay na may distansyang isang kamay mula sa ibabaw ng tubig pagkatapos nilang lumangoy ng ilang metro . Langoy-lukso ang ginawa ng mga kasali sa larong ito. Hindi maikakailang napakahusay at napakabilis lumangoy ng mga sirena at sireno. Ginawa rin ang paunahan ng pagsagwan ng kabemay, unahan ng pagkain ng mga halamang dagat at ang panghuli ay ang pag-awit: ang isahan at sabayang pag-awit. Sumakit ang ulo ng mga nagsilbing mga hurado na pinangungunahan ni Tagapangasiwang Melba.

Halos sumapit na ang dapit-hapon nang matapos ang paligsahan. Nagtipon-tipun na ang lahat sa pag-anunsyo ng mga nagwagi. Binasa ni Melba ang resulta. Nakuha ng Kamay ng Davao ang unang gantimpala sa sabayang pagsasayaw. Nakuha naman ng Mata ng Negros ang unang premyo sa mabilisang paglangoy at ang unang puwesto sa paunahan ng pagsagwan ng kabemay ay napunta sa Buntot ng Maynila. Naghiyawan ang bawat miyembro ng koponan. Walang sisidlan ng tuwa ang nararamdaman ng mga nagwagi.

Idedeklara na sana ni Melba ang nanalo sa ibang mga laro nang biglang nagkaroon ng pagsabog sa gitna ng paliguan. Maraming batang sireno at sirena ang natamaan. Biglang nagkagulo sa loob ng Akademya habang tumatawa nang malakas ang kalaban..

"Si Lawudra at ang kanyang dragonoy. Melba, iligtas mo ang ibang mga batang sireno at sirena," wika ng reyna at mabilis na kumilos ang kausap. "Sarina, protektahan si Lorena." Ginawa naman ni Sarina ang utos ng kanyang Inang Reyna.

Lumaban ang mga binata at dalagang sirena. Pinaangat nila ang tubig at pinatamaan ang mga nilalang sa himpapawid, ngunit, walang silbi ang kanilang ginawa nang bumuga na naman ng malalaking bolang apoy ang dragonoy. Muntik nang mataan ang mga ito kung hindi sinalag ng reyna ang mga bolang apoy gamit ang kapangyarihan ng traydon. Agad na pinaangat ng reyna ang tubig sa paliguan at sumakay siya rito. Labanan ng lakas at kapangyarihan ang ginawa ng dalawang puwersa ng kabutihan at kasamaan pero sadyang malakas ang kalaban at nahulog ang reyna.

"Ina," magkasabay na sigaw nina Lorena at Sarina. Lumabas sila sa kanilang pinagtataguan at sinaklolohan ang ina. Dumating rin si Melba upang saklolohan ang reyna. Tumayo ang reyna at ginamit ang natitirang lakas at kapangyarihan ng traydon pero kinontra naman ito ni Lawudra gamit ang bolta-boltaheng kuryente na lumalabas sa kanyang mga daliri sa kanang kamay. Nakita nilang nahihirapan ang reyna at tinulungan naman siya ni Melba nang magpalabas ito ng kapangyarihan mula sa kanyang noo at kamay. Naging malakas ang puwersa ng reyna ng dalawa silang kumakalaban kay Lawudra pero ginamit naman ng huli ang kaliwang kamay at bolta-boltaheng kuryente ang lumalabas dito. Hindi nakayanan ng reyna at ni Melba ang sobrang lakas ng kapangyarihan ng kalaban at tumilapon sila sa isang sulok. Nagsisigaw sina Lorena at Sarina nang makita ang kanilang ina na nasasaktan. Gamit ang kapangyarihang magpagalaw ng bagay, pinalipad ni Sarina ang traydon na nabitawan ng reyna at nakuha niya ito. Biglang kinumpas ang kanang kamay, pinaangat ang tubig at sumakay siya rito. Daan-daan ring mga puting ahas ang lumalabas sa tubig at kasama niya ang mga ito papuntang itaas para kalabanin si Lawudra.

"Tayo ang maglaban, taksil! Minsan na kitang natalo at muli na naman kitang tatalunin ngayon."

"Tatalunin?" Tumawa ito nang malakas. "Iyon ay kung kayo mo akong talunin. Taglay ko ngayon ang lakas ng isang daang pating."

"Tama na ang satsat! Simulan na ang laban! Mga kaibigang ahas, ipatikim ang inyong makamandag na kagat sa kalaban." Agad na sumunod sa utos ng prinsesa ang mga puting ahas. Hindi naman nakikitaan ng takot si Lawudra. Buong katawan ni Lawudra ay punung-puno ng ahas at pinagkakagat s'ya nito ngunit hindi man lang ito nasaktan. Mas lalo pang itong tumawa nang malakas. Bolta-boltaheng kuryente ang lumabas sa kanyang dalawang kamay at nakita ni Sarina na nangingisay ang mga kaibigang ahas, unti-unting kumawala sa katawan ng kalaban at isa-isa silang nahuhulog.

"Nakita mo Sarina? Hindi ako tinablan ng kagat ng iyong mga alaga. Ngayon, ako naman, tikman mo ang bagsik ko." Nanlilisik ang mga mata ni Lawudra at unti-unting lumalabas sa kanyang mga mata ang itim na usok at bolta-boltaheng kuryente naman sa kanyang mga daliri, kasabay nang pagbuga ng mga malalaking bolang apoy ng dragonoy. Sinalag ni Sarina ang puwersa ng mga kalaban gamit ang traydon pero para lang siyang papel na nahulog at tumilapon. Nanghihina siya sa natamong mga sunog sa buntot at katawan. Napahalakhak naman si Lawudra sa nangyari.

"Ate Sarina!" sigaw ni Lorena. "Ako, ang kalabanin mo, Lawudra," matapang n'yang sabi. Biglang lumabas ang hiyas ng tubig sa kanyang noo at nagliliwanag ito. "Hiyas ng tubig, hinihiling ko sa iyo na protektahan kami, gumawa ng panangga at kalabanin ang puwersa ng dilim."

Ginawa ng hiyas ng tubig ang hiling ng kanyang bagong tagapangalaga, mas lalo pa itong nagliliwanag. Malaking bola ng liwanag ang unti-unting umaangat at pinalibutan ang buong gusali. Napaatras ang dragonoy ni Lawudra. Magkasabay nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan pero wala silang nagawa. Makailang-ulit nilang sinubukan na sirain ang panangga ng bolta-boltaheng kuryente at bolang apoy pero hindi umubra ang kanilang kapangyarihan. Parang fireworks display ang nakikita ng mga mag-aaral na sireno at sirena na kalalabas lang sa kanilang pinagtataguan nang mapansin nilang may liwanag na bumabalot sa kanilang paaralan. Naghihiyawan ang mga ito nang umalis ang mga kalaban.

Nilapitan ni Lorena ang kanyang nakatatandang kapatid at ginamot ito.

"Hiyas ng tubig, inuutusan kita na pagalingin ang mga sugat ng aking ate Sarina." Muling lumabas ang liwanag sa hiyas at bumalot ito sa katawan at buntot ng sirena. Sa isang saglit lang ay nawala ang natamong mga sugat nito. "Hinihiling ko rin sa 'yo na pagalingin ang mga sugat ng aking ina, ibalik ang kanyang nawalang lakas at ganoon din sa punong tagapangasiwa. Nagliwanag muli ang hiyas ng tubig at ginawa ang hiling ni Lorena. Lumapit ang Inang Reyna, Sarina at Melba kay Lorena at manghang-mangha sa kanyang kapangyarihan.

"Napakalakas ng iyong kapangyarihan anak. Kamangha-mangha!" wika ng reyna habang naiwang tulala sina Sarina at Melba. Lumapit si Lorena sa kanyang ina at yumakap ito. Maya-maya ay may ibinulong kay Melba. Napangiti ang huli at biglang nagsalita sa harapan ng mga mag-aaral..

"Dalhin sa tubig ang mga sirena at sirenong nasugatan." Agad namang sinunod nito ang kanyang utos.

"Lorena, gawin mo na ang iyong nais."

Lumapit si Lorena sa tubig at may ibinulong sa hiyas. "Hiyas ng tubig, hinihiling ko sa iyo na gumawa ka ng isang malaking balong at ang mga talsik mo ang siyang magpapagaling sa mga nasugatan at burahin din sa kanilang isip ganoon din sa iba pang mag-aaral ang trahedyang naganap kani-kanina lang."

Ginawa ng hiyas ng tubig ang hiling ni Lorena at lumapit ang mga nasugatan at sila'y gumaling at nakalimutan ang naganap na pangyayari.

Ipinagpatuloy ni Melba ang pagdeklara sa mga nanalo. Lumapit ang reyna sa kanya at may ibinulong.

"Bago tayo magsiuwian ay nais kong masaksihan ninyo ang pagtukoy kung saang pangkat nabibilang ang bunsong anak ng reyna. Prinsesa Lorena, lumapit ka."

Lumapit si Lorena habang kinukumpas-kumpas ni Melba ang kanyang kamay at lumitaw ang isang dambuhalang kabibe. "Pumasok ka Prinsesa para nang sa gayon ay malaman natin kung saang pangkat ka nabibilang, sa Buntot ng Maynila ba, Kamay ng Davao o Mata ng Negros. Naghihiyawan ang mga mag-aaral at isinisigaw ang kanilang pangkat. Pumasok si Lorena sa dambuhalang kabibe at nagliliwanag ito. Bigla itong nagsalita.

"Ang batang may busilak na kalooban at may kapangyarihang ibalik sa ayos ang lahat. Napakasuwerte ng iyong pangkat sapagkat ikaw ay kanilang miyembro. Binabati kita at ikaw ay napabilang sa … Kamay ng Davao."

Naghiyawan ang lahat. Tuwang-tuwa naman si Lorena at sa wakas ay makapag-aral na siya. Lumapit ang kanyang mga kamiyembro at isa-isa siyang binati nito.

"Binabati kita Prinsesa sa iyong pangkat," wika ni Melba.

Lumapit din si Sarina, ang kanyang ina at magiliw siyang niyakap ng mga ito. Walang sisidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Lorena. Ang edukasyon, isang bagay na inasam-asam niyang makuha sa mundo ng mga tao ay sa ilalim pala ng karagatan n'ya matatagpuan. Wala na yata siyang mahihiling sa Dakilang May Likha sapagkat kasama niya ang kanyang Ina at kapatid. Alam niya sa kanyang sarili na kahit anumang mga pagsubok ang maaari pang dumating sa kanya ay makakaya niyang lampasan ang mga ito dahil kapiling niya ang mga tunay na kapamilya at kapuso na punumpuno ng pag-ibig sa isa't isa. Natutuhan niya na ang pagmamahal at pananampalataya sa Maykapal ay ang malalakas na mga sandata upang kalabanin ang mga unos at hamon ng buhay.

TALASALITAAN

(Salitang gamit ng taga-Dagatlandya)

Amada- sirenang tagasilbi

Amado -sirenong tagasilbi

Bohra- mahiwagang aklat ng Dagatlaot

Kabemay-isang sasakyang pandagat na gawa sa isang malaking kabibe

Dagatlaot-isa sa pitong kaharian ng dagat na pinamamahayan ng mga sirena at sireno

Lumbanya-isa sa pitong kaharian ng dagat at sentro ng ekonomiya at pangangalakal

lusay- halamang dagat na kulay ginto ang mga dahon at maliliit na bunga

seahorse -isang uri ng isda na mahaba ang nguso at ang ulo ay nakayuko at right angles sa kanyang katawan

traydon- sandata ng mga sundalong sireno at ng reyna na tila isang malaking tinidor

wasiwas-wala o hindi

(Salitang Gamit ng mga Mortal o Tao)

kamalig- isang malaking bahay na yari sa kawayan ang dingding at ang bubong ay yari sa pinagdikit-dikit na dahon ng niyog. Ito ay ginagawang imbakan ng mga tuyo at sariwang isda. Kadalasan, ito'y nakikita sa tabing- dagat.

friendship- impormal na tawagan ng mga magkaibigan na ang ibig sabihin ay kaibigan


Load failed, please RETRY

結束 寫檢討

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄