Lila
Papasok pa lamang ako ng pintuan ng unit ni Alice ay naririnig ko na ang boses nito mula sa loob habang kausap si Sarah.
"Are you aware that the woman you slept with last night is married?" Rinig ko na tanong ni Alice kay Sarah. Halatang galit ito.
The moment I heard that, hindi ko mapigilan ang hindi mapanganga. Is she kidding me?!
"I'm aware, yes. And I know that." Arogante parin na sagot ni Sarah na para bang proud pa sa nangyari.
Gustuhin ko pa man ang magtagal sa labas pero hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukuti ko at tuluyan ko ng binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko ang mga ito na nakaupo sa sala. Hindi nila ako napansin kaagad kaya nanatili na muna ako sa may pintuan at hindi nagsalita.
"At talagang proud ka pa?" Sarcastic na wika ni Alice bago napailing at napatayo mula sa kinauupuan.
"I can't believe you. Pasalamat ka at nalaman ko ito kaagad bago pa man kumalat ang balita." Muling pahayag ni Alice. "You should protect your career that you've been struggling with for years, Sarah." Dagdag pa nito.
Alice is an Attorney. Yes! Tama siya, mabuti na lamang at nalaman nito kaagad bago pa man kumalat ang issue. Nalaman kasi ng asawa ng babae na dinala ni Sarah sa bahay kagabi at nasundan pa sila, kaya ang ending? Nakuhanan sila ng picture na ipinang blackmail ng lalaki sa kanyang asawa kapag hindi pa ito tumigil sa pakikipag kita kay Sarah.
Mabuti na lamang at nagkaroon ng pagkakataon iyong babae na sabihin kay Sarah. And then Sarah, immediately approached Alice and asked for help with the issue. Kaya itong matalik na kaibigan namin, agad na binigyan ng solusyon ang problema para hindi na lumaki pa ang issue at hindi na magsalita pa ang asawa ng babae.
"Alright, I'm sorry. Okay?" Labas sa ilong na paghinge ni Sarah ng tawad.
"Pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit mo ito ginagawa?" Inis parin na tanong ni Alice sa kanya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sarah bago sinagot ang katanungan.
"It's because I needed a distraction." Walang alinlangan na sagot niya.
"Distraction from what?" Pangungulit pa ni Alice. Napa irap si Sarah.
"Just forget it, Alice. Hindi mo naman ako maiintindihan." Walang kagana-gana na sagot ni Sarah pahiwatig na gusto na nitong tapusin ang usapin.
Noon lamang din ako nagsalita at nagdesisyon na magpakita na sa kanila.
"Hi guys! What happened?" Kunwari na hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.
Sarah looked at me with anger in her eyes. Halatang nagulat din ito ng makita ako ngunit mabilis niya iyong naitago.
"At anong ginagawa mo dito?" Singhal nito sa akin bago napatayo sa kanyang kinauupuan.
"Alice called me." I simply said. Ibinaling nito ang kanyang mga mata kay Alice.
"Are you kidding me? You told her?" Hindi makapaniwala na tanong nito habang iiling-iling in disbelief.
"Yes, I told her." Sagot naman nito kay Sarah.
"Alice you don't even have to tell her." Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Alice. Kaya ako na ang sumagot.
"At bakit hindi ko dapat alam ang tungkol dito? Manager mo ako, baka nakakalimutan mo ang role ko sa career mo. I have the right to know the truth. Especially in this issue. Hindi lang pangalan mo ang nakasasalay dito dahil kasama na ako sa masisira rito." Dire-diretsong sabi ko sa kanya bago napa hinga ng malalim. Ngunit sa halip na manahimik ito kahit sandali ay pinagtawanan pa ako.
"At ano naman ang nakakatawa?!" Mas nainis na tanong ko sa kanya. Napailing ito.
"Nothing." Biglang seryoso na sagot nito at muling ibinalik ang mga mata kay Alice. "Thanks for your help Alice. But you should have just let me tell Lila."
Napa face palm si Alice. "Lila, can you bring her home? And don't let her do stupid things anymore." Halatang pagod na itong makipag-usap pa. Walang nagawa na napatango ako atsaka hinawakan na si Sarah sa braso.
"Thank you, Alice." Pqgpapasalamat ko sa kanya bago ito hinalikan sa pisnge. "I'll call you later."
Habang binabaybay ang daan pauwi, isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ni Sarah. Walang gustong magsalita, hindi rin ito makatingin sa akin at sa labas lamang ng bintana nakatutok ang kanyang mga mata.
Hinayaan ko na lamang din siya dahil masama parin ang loob ko sa ginawa niya. Ayaw niyang ipaalam sa akin? Anong silbi pala na naging manager niya ako? Buong araw nasa office ako, hinihintay na dumating siya dahil napakaraming schedules ang kailangang puntahan pero ipinacancel ko iyon lahat nang tumawag si Alice at ibinalita sa akin ang nangyari.
Hindi siya makalabas ng bahay dahil doon. Tiyak na pagpipiyestahan siya ng mga tsismosa at tsismosang reporters.
Hanggang sa makarating sa bahay at maipark ko ang sasakyan ay hindi parin ito nagsasalita. I can't take this anymore. Gusto kong gumawa ng paraan para maging okay na kami.
Gusto ko kapag ganitong may problema, ako ang unang makakaalam, ang una nitong pagsasabihan. Nasa sala na kami ng bahay nang magsalita ako.
"Dahil ba kay Catherine, bakit mo ito ginagawa?" Natigilan ito sa paghakbang atsaka dahan-dahan na napaharap sa akin.
"What? Why Catherine?" Kunot noo na tanong nito. She scoff.
"Because I thought you weren't done with her." Matagal itong nanahimik habang nakatitig lamang sa aking mukha. Napalunok ako bago napa iwas ng tingin.
"Enough, Lila. Matagal na kaming tapos, matagal na rin akong naka move-on." Natawa siya ng mahina. Dahilan upang ibalik kong muli ang aking mga mata sa kanya.
"Hindi mo na kailangan pang ungkatin ang tapos na. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Okay?" Paliwanag niya.
"Eh ano? Sino? Bakit mo iyon ginawa, alam mo naman na may asawa na siya, hindi ba?" Tanong kong muli. Ayaw sumuko. Hindi ko rin alam, may sagot ako na gusto kong marinig mula sa kanya.
Isang ngiti ang iginawad nito sa akin.
"Stop questioning me, Lila. Hindi mo magugustuhan ang isasagot ko." Napa pikit ako ng mariin. Mas lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya.
"Fine. Just please, next time. Sabihin mo sa akin kung may problema, Sarah. Manager mo ako. Ako dapat ang naglilinis ng mga problema na nagagawa mo." Pangungumbinsi ko sa kanya. "Kahit na ano pa man yan, hindi kita i-jujudge." Dagdag ko pa.
"Oh really? You won't judge me?" May pagka sarcastic na tanong nito.
"Y-yes." Utal ngunit seryoso na sagot ko sa kanya habang naka tingin pa sa kanyang mga mata. Gusto kong malaman nito na hindi man kami naging magkaibigan noon, pwede naman niya akong maging sandalan ngayon.
"Hmmm.." Napangisi ito. "You know what I have in my mind right now?" Humakbang ito palapit pabalik sa akin. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan at hinintay na lamang na huminto ito sa aking harapan.
"I want to take off your clothes and fuck you as long as I want---" Hindi na nito naituloy pa ang kanyang sinasabi ng bigla ko siyang nasampal sa mukha.
"Hindi ako katulad ng mga babaeng pinaglalaruan mo, Sarah." Mabagal ngunit halatang galit na ako sa aking sinasabi. "And don't make me regret doing this."
Bigla siyang napatawa ng mapakla. "Doing what exactly? Huh? Lila?" Kita ko ang pag galaw ng mga panga nito. Halatang nagpipigil din siya ng galit.
"Iyong mag-alala at maging concern sayo." Bigla na lamang lumabas iyon sa mga labi ko. Napakunot ang kanyang noo at natigilan dahil sa kanyang narinig. Habang ako naman ay ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.
"You cared about me." Tipid ngunit seryoso na pahayag nito habang naka titig lamang sa aking mukha. Biglang nagbago rin ang expression ng mukha nito at pati na rin kung paano niya ako tignan, bigla iyon naging malambot.
Lakas loob na muling ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata. "Yeah. I care about you, Sarah! And please don't ask me why. Just pretend you didn't hear anything I said. Because I have nothing to explain to you." Tatalikod na sana ako ng may maalala pa akong dapat na sabibin sa kanya.
"And oh, wag mo ng uulitin pa ang ginawa mo kagabi. If you want to fuck a girl, then get a room at the Hotel. Please, respect me for a little. As your manager." Ramdam ko ang pag galaw ng aking mga panga habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"I want to make it professional between us, Sarah. You, as my client and me, as your manager." Seryoso pang wika ko rito. "Palalagpasin ko ang ang araw na ito at ang mga nalaman ko, pero kapag naulit pa ang nangyari kagabi, you know what's going to happen."
Napaubo siya habang natatawa. "And what exactly do you do?" May panghahamon sa boses nito.
Humakbang ako papalapit sa kanya, atsaka mas lumapit pa. Iyong malapit na malapit habang nakikipag labanan din ito ng titig sa aking mga mata.
Ngunit bigla ako nitong hinawakan sa aking balakang at mabilis na isinandal sa pintuan. Sobrang magkalapit na aming mukha ngayon at magkadikit din ang aming mga katawan.
Bigla akong napalunok nang makita ko kung paano nito tignan ang aking mga labi.
"Don't threaten me like that, Lila. Because you won't scare me." May diin na bulong nito sa akin at basta na lamang idinampi ang kanyang labi sa aking pisnge. Kusang nang-init ang aking buong mukha dahil sa kanyang ginawa. Atsaka napa bulong ito ng...
"Next time, be careful. Dahil dadampi na lamang itong mga labi ko sa labi mo." Bulong nito sa aking tenga.
Suddenly my knees weakened, her words gave goosebumps to me and made my heart beat faster. Bago ako nito iniwanang nakatulala at pinagpapawisan ng malamig.
Awtomatikong napahawak ako sa aking pisnge kung saan ako nito hinalikan. At doon, naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko na rin noon kay Breeze.
Napalunok ako ng maraming beses. Hindi ito pweding mangyari. And that moment, no one else came into my mind except Michael.
I love you him. At ayoko siyang masaktan. Kaya hindi pwede na makaramdam ako ng ganito kay.....Sarah.
Hindi pweding magkagusto ako sa kanya.