下載應用程式
44.44% My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 8: Chapter 7: Night after the Party

章節 8: Chapter 7: Night after the Party

Lila

Lumipas pa ang maraming linggo, naging mas abala kami pareho ni Sarah sa kanya-kanya naming ginagawa. Ako bilang manager nito at siya, bilang model.

Photo shoot dito at doon ang karamihan sa aming ginagawa, sa aming dalawa? Syempre, ako ang mas laging drained ang bawat araw dahil pagkatapos ng schedule nito sa isang araw ay ihahatid ko siya sa bahay. Magpapalit lang ako ng damit sandali dahil may kailangan na namang puntahan na appointment.

Shampoo commercial, well-known clothing brands, expensive bags and jewelries, and other well-known companies in the country, halos lahat ng mga ito ay si Sarah ang kanilang napili bilang endorser. Kaya hindi na rin ako nagtataka pa kung bakit kaliwa't kanan ang schedule nito. At mas lalong hindi na ako nagtataka kung bakit halos ang makikita mong mukha sa mga commercial sa TV ay si Sarah.

So today, after being exhausted for several weeks, ang boyfriend ko naman ang aking binigyan ng oras at atensyon. At syempre, para na rin sa sarili ko. Bagay na hindi naman na tinutulan pa ni Sarah dahil may sariling lakad din daw ito ngayon. Kung saan man? Hindi ko rin alam.

Micheal invited me to attend his friend's birthday party. The theme of the party is quite elegant, so of course, I also have to adapt my outfit to the theme.

Pagdating namin sa loob ng venue, all eyes are upon us. Men who almost drown in my body and women who look at Michael like he is Adones.

Sinalubong kami ng isang matangkad at matipunong lalaki, maputi at hindi naman maitatanggi na may itsura ito at nagmula sa mayamang angkan na pamilya.

"Well, well, Michael." Komento nito nang huminto sa aming harapan bago nakipag bro hug sa aking nobyo.

"Happy birthday, man." Pagbati sa kanya ni Michael. Natawa ito at nagpasalamat pagkatapos ay agad na nagbaling ng tingin sa akin.

"And you must be..."

"Lila." Pagpapakilala ko naman ng aking sarili sa kanya.

"My girl." Dagdag ni Michael. Naramdaman ko ang marahan na paghawak nito sa aking balakang dahilan upang mapangiti ako rito ng matamis.

"Ugh, please." Saway nito sa amin, ngunit halatang nagbibiro lamang. "I'm Joseph." Pagpapakilala niya bago inilahad ang kanyang kanang kamay na agad ko namang tinanggap.

"Nice to meet you, Joseph. And happy birthday." Pagbati ko sa kanya. Muli itong nag pasalamat at pagkatapos ay nagpaalam sa amin ni Michael na maglilibot na muna upang salubungin at kamayan din ang iba pa nitong mga bisita.

The party went well, mas madami na rin ang mga bisita ngayon kaysa kanina. May mga iilan pa nga na celebrity ang nandidito at iba pang kilalang tao.

Rae Lewis is also here, she is singing in front of us now. She is one of the singers here in the Philippines that I admire so much. I can't believe I even saw her in person. Hindi lang siya maganda at talented, napaka bait rin nitong tao.

As we were dancing with Michael, a man approached him and whispered something. And then, nagpaalam rin ito sa akin na kailangan lang niya muna iyong kausapin dahil isa ito sa magiging client niya soon. Inihatid niya ako kung saang table kami naka pwesto kanina at bago pa man ito tuluyang makaalis ay binigyan niya muna ako ng isang halik sa labi dahilan upang mapapikit ako. Ngunit mabilis lamang iyon at hindi nagtagal pagkatapos ay tumalikod na siya mula sa akin.

When I opened my eyes, I saw a familiar woman's face. She stared at me in the distance, but she also immediately looked away before turning around and going to the other side of the venue.

Did she see Michael and I kiss? Iyon ang unang tanong na pumasok sa aking isipan.

Napa lunok ako at mabilis na tumayo. Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko ito hanggang sa huminto siya sa harap ng isang babae. Hindi nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil umalis na ring muli ang babae nang bigla itong mapaharap sa akin.

Natataranta na napa yuko ako bago nag-iwas ng tingin. I heard her laugh softly. I automatically felt the heat of my cheek suddenly out of embarrassment.

Stulid Lila, ano ba kasing ginagawa mo? Nakakahiya ka. Saway ko sa aking isipan.

She just stared at my face and didn't take her eyes off me, waiting for me to tell her something.

"I--Uhmm..." Napalunok ako. Bigla na naman kasing pumasok sa aking isipan kung nakita ba nito ang pagkiss namin ni Michael kanina. Hays. Bakit ba alalang alala ako? Eh ano ngayon kung nakita niya? Wala namang masama doon ah. Isa pa , nobyo ko naman ang hinalikan ko pero bakit parang...

Lumalabas na nag cheat ka? Tuloy ng aking isipan.

Pero hindi, baka hindi lang ako sanay. Sagot naman ng innerself ko.

"Never mind." Tatalikod na sana ako nang bigla nitong hawakan ang aking braso.

"Woah! Not so fast my lady." Tugon niya at basta na lamang akong hinila mula sa aking braso papunta sa kung saan.

Huminto kami sa may isang gazebo, obviously sa labas ng venue. Binitiwan na nito ang aking braso, pumunta siya sa loob at doon na upo. Sinundan ko naman ito habang naka kunot ang mga noo.

"What are we doing here? And why did you bring me here?" I asked her.

Nagkibit balikat siya at walang anumang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig. Napa buga ako ng hangin sa ere.

"H-hindi mo ba itatanong kung bakit nandito ako?" Medyo nautal na muling pag tanong ko sa kanya.

Napa tulala lamang siya and still, hindi parin nagsasalita.

I can't stop smiling at myself, because the light coming from the small lights in the gazebo hit her. Hindi ko na naman mapigilan ang mamangha sa angkin nitong kagandahan. Nakaka insecure na minsan ang kagandahan niya, dahil kahit na anong damit ang suotin nito ay talagang bumabagay sa kanya.

Now, she is wearing only a simple formal dress with white sandals that is only three inches high. Kahit na simple lamang ang kanyang kasuotan ay hindi parin nababawasan ang taglay nitong kagandahan. Wew! Stop it Lila, before it goes to what it shouldn't happen.

Napantingala ito sa langit, my eyes scan the perfect outlines of her features, lingering on her defined jawline and the smooth skin of her neck.

"Stop checking me out, Lila." She said. Her eyes turning to meet mine again.

Mabilis na napa iwas ako ng tingin atsaka napa tikhim. "I-I'm not." Ngunit sa loob ko ay sobrang napapamura na ako sa aking sarili.

"Well, if you said so." She said before getting up again while grinning. "You need to go back inside, maybe your boyfriend is looking for you." Dagdag pa niya.

"So...why did you bring me here in the first place?"

Oo nga! Wala ako rito kung hindi niya ako hinila papalabas kanina.

Sa halip na sagutin ako nito ay tinignan lamang niya ako ng blangko sa aking mukha. Hindi ko rin mabasa ang kung anong nasa isipan niya dahil hindi naman ako mind reader.

"I need to go. I still have to go to the next event." Halatang nagmamadali na ito. Napa kunot ang aking noo. Manager niya ako pero bakit hindi ko iyon alam?

"Wait.." Pagpigil ko rito dahil maglalakad na sana dapat siya. "What do you mean next event? Ako ang may hawak ng mga schedules mo kaya---

"It's personal, Lila." Pagputol nito sa akin. "So if you don't mind. Can I leave now?" Muling pagtataray nito sa akin bago napa irap at tuluyan na nga akong tinalikuran.

Napapailing na lamang akong muli habang pinapanood ito papalayo. Umaasa na sana ay walang mga paparazzi sa kanyang pupuntahan.

Nang maglaho na si Sarah sa aking paningin ay agad na bumalik na rin ako sa loob kung saan natanaw ko naman kaagad ang aking nobyo.

-----

Habang nasa biyahe pauwi, sinusubukan kong tawagan si Sarah mula sa aking cellphone. Ngunit hindi ko ito ma contact. Wag niyong bigyan ng malisya guys, of course, as a manager dapat alam ko kung nasaan na siya.

"Still not answering, babe?" Tanong ni Michael habang nagmamaneho. Napa iling ako.

"Nag-aalala lang ako. Pero sana, nakauwi na siya." Wika ko bago napa tingin sa labas ng bintana.

"Wait." Pag pigil ko kay Michael. "Stop the car, babe." Utos ko pa at mabilis na ini-unlock ang aking seat belt bago bumaba mula sa loob ng sasakyan.

"Why? What's wrong?" Dinig kong tanong nito at sumunod din na bumaba.

Kilala ko ang pulang kotse na iyon na naka park sa may gilid ng high way. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba habang naglalakad patungo roon nang makita ko ang isang babae na naka yuko habang nagsusuka.

Dammit!

Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya.

"Sarah." Pagtawag ko sa pangalan nito.

"Are you okay? Mukhang napa dami ka ng nainom." Muling sabi ko pa ng tuluyang makalapit sa kanya. She turned to me while smiling like an idiot. Lasing nga ito dahil sa sobrang namumula na ang kanyang mukha.

Napa beywang ako ng disoras. "Don't you really know how to listen, didn't you? How many times do I have to tell you that you are not allowed to drink alcohol now?! My goodness, Sarah!" Dismayado at galit sa sermon ko sa kanya.

Ngunit sa halip na makinig ito ay pinagtawanan pa ako habang namumungay ang mga mata.

"Oh please, wag mo na muna akong pag sabihan ngayon." Bago ito napa sandal sa may unahan ng kanyang sasakyan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Michael. Sinabi ko rito na huwag na siyang mag-abala pa na ihatid ako pauwi dahil kailangan kong ipag maneho si Sarah. Pumayag naman siya kaagad at sinabing mag-iingat ako sa pag dadrive. At tawagan ko ito kaagad kung mayroon mang problema.

Bago pa man siya tuluyang makaalis ay mabilis na hinila ko ito mula sa manggas ng kanyang coat at binigyan ito ng smack sa kanyang lips.

"Oh shit!" Narinig ko na pag mura ni Sarah dahilan upang mamula ang aking mukha dahil sa muling kahihiyan. Bakit ba palaging kahihiyan ang naipapakita ko sa kanya?

"Do I always see you guys kissing? Ugh." Tanong nito atsaka napahinga ng malalim. Halatang lasing na talaga siya.

"Sana all." Sabay tatawa tawa pa na sabi nito bago napa ngisi. Natawa na lamang din ng mahina si Michael sa kanya bago ito tuluyang umalis na.

Pinanood ko munang makaalis ang sasakyan ni Michael bago muling ibinalik ang mga mata kay Sarah. Tinignan ako nito sa aking mga mata ng may pang-aasar.

"Get in." Musyon at utos ko rito. "Hindi ka nakakatuwa." Dagdag ko pa.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalaan. "Hindi mo man lamang ba ako aalalayan?" Tanong niya. "Nahihilo ako."

"So?" Taas ang kilay na tugon ko sa kanya. "Kasalanan ko pang nahihilo ka ngayon?" Sarcastic na dagdag ko pa.

But in the end, syempre, inalalayan ko parin siya. Hindi naman ako ganon kasama para hayaan lamang na masubsob siya dyan at baka makulong pa ako oras na magasgasan ang mga binti niya.

Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon kay Sarah. Habang naka ito ngiti na parang ewan.

Hindi ko na lamang din ito pinansin pa at sa halip, nag focus na lamang sa aking pagmamaneho. Upang mas mabilis na makarating sa bahay.

Mula sa pagbaba ng sasakyan, hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay ay nakalagay lamang ang kanang braso nito sa aking balikat. Inalalayan ko ito papunta sa sofa upang doon sana siya ihiga nang bigla na lamang akong na out balance at nahiga sa sahig. Habang si Sarah naman ay nakadagan sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin na hindi lamang ito pumaibabaw sa akin. Kung hindi, sobrang magkalapit din ang aming mga mukha sa isa't isa na kapag nagkamaling gumalaw ako ay siguradong mahahalikan ko siya.

Napa lunok ako ng maraming beses nang makita na biglang nag-iba ang expression ng mukha ni Sarah. Kahit namumungay ang kanyang mga mata dahil sa nainom na alak, alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Lalo na noong unti-unting bumababa ang mga mata nito mula sa aking mga mata papunta sa aking labi. Napaka lakas ng pintig ng puso ko, iyong para bang sasabog na sa sobrang pag pintig nito.

"Sarah!" Matigas na pag banggit ko sa kanyang pangalan at binigyan ito ng warning look. Ngunit tila ba hindi ako nito nadinig. Gustuhin ko mang gulaw pero hindi ko magawa, sa dahilang tiyak na maglalapat ang aming mga labi kapag ginawa ko iyon.

And slowly, she brought her face to mine. I closed my eyes as I gasped and waited for her lips to touch me.

Oh shit! My heart, ayaw kumalma.

"I was wondering if...what is your lips taste like." She whispered in my ear.

Kusang nagtayuan lahat ang balahibo sa aking katawan nang tumama ang mainit na hininga nito sa likod sa aking balat. Suddenly, my adrenaline was rising.

Bakit ganon? Kahit na naka inom pa siya at dapat ay amoy alak, napaka bango parin niya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay naramdaman ko na lamang ang masakit na pagpitik nito sa aking noo atsaka ito mabilis na napatayo. Awtomatikong napa bangon din ako mula sa pagkakahiga sa sahig.

"You will never taste my lips." Bigkas nito habang seryosong naka tingin sa aking mga mata. "Not now, but maybe soon." Sakay kindat na sabi pa niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanyang pag ngiti ng tumalikod ito sa akin. "Have a sweet dreams, Lila."

Hindi ako namamalik mata. Nakita ko talaga siyang napa ngiti. Totoong ngiti iyon at hindi iyong peke na ngiti katulad ng ginagawa niya kapag nasa harap siya ng camera.

Muli akong napa lunok at napa sandal sa sofa habang ang mga kamay naman ay nakalapat sa aking dibdib.

Muntik na. Komento ko sa aking sarili.

Naging mas malakas pa ang pag pintig ng puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para kalmahin sana ang sarili, ngunit ang naka ngiting mukha ni Sarah ang nakikita ko, kaya mabilis na muli rin akong napa mulat.

Shit! Pag mura ko pa.

Bakit nagkakaganito ako? My gay heart. Hindi ba sinabi kong magpapaka straight na ako?! What the hell is wrong with me?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C8
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄