下載應用程式
12.37% Love Connection [Tagalog] / Chapter 12: CHAPTER 10 - Aftershocks

章節 12: CHAPTER 10 - Aftershocks

CHAPTER 10 - Aftershocks

ALDRED'S POV

"Kuya Aldred, is it really true? Sabi kasi ng friend ko na taga St. North may rumor daw na kumakalat ngayon sa school nila. GF mo na raw si Arianne Fernandez?"

Huh?

Biglang nanlaki ang tenga ko.

Kaninang madaling araw ay nagising ang lahat sa subdivision dahil sa ingay ng sirena ng barangay. Hudyat pala iyon ng lindol kaya't agad nagtungo ang lahat sa mga open grounds. Mabuti na lamang at kahit medyo malakas ito ay wala namang ulat na may nasaktan. Agad tumawag sa amin si Papa at kinamusta kami. Pagod ang lahat dahil sa pangyayari pero katulad ng normal na araw ay tuloy ang buhay at may pasok pa rin. Hindi nga lang naging regular ang mga klase.

Lunchbreak noong biglang magtanong sa'kin ang ilang classmates at schoolmates ko at lahat ng tanong nila ay ukol sa current status ko. Meron daw kasing kumakalat na rumor na may GF na ako na taga St. North.

"Hoy Aldred, ano 'to? Lumindol lang nagka-girlfriend ka na agad? Grabeng aftershock naman 'yan!" Hinila ni Carlo ang isang upuan patungo kay Jerome na nasa harapan ko. Umupo siya dito na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Tumawa si Jerome, "Oo nga... parang kahapon lang natin siya pinaguusapan ah," saad niya habang binubuksan ang kaniyang lunchbox. Nang matanggal ang takip nito ay mabilis kumawala ang nakakatakam na aroma. Napasulyap ako sa laman ng baunan niya at kung gaano nakakahalina ang amoy nito ay siya rin ang presentasyon.

Steak.

Kumalam ang sikmura ko.

Bumaling ako ng tingin kay Carlo. Wala akong magawa kundi mapasingkit na lamang ng mata sa kaniya habang dali-dali niyang binuksan ang cookie box na laging baon niya.

Eww. Tignan ko pa lamang ang box na iyon ay nauumay na ko.

Imagine, for almost 3 years... Ever since nang bumalik ako dito sa General City at nagkita kaming muli ni Carlo ay laging cookies ang nakikita kong lunch niya. Kahit si Tita na nag-aalala ay walang magawa dahil kung pabaunan man niya si Carlo ng pananghalian ay hindi rin nito kinakain.

Tinignan ko naman ang akin. Rootbeer, ham and egg sandwich, cheese sticks at lemon tart. Iyon ang mga pananghalian na nibili ko sa canteen at nakatambad ngayon sa harap ko.

How satisfying, thank you po Lord for these foods I receive from thy bounty, Amen.

Habang nginunguya ko ang aking sandwich ay hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa kung anong nangyari at meron ngayon.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, kung totoo lang sana yung rumor... Pero sa tuwing navi-visualize ko ang mukha ni Arianne ay di ko maiwasang ma-guilty.

"Uy Aldred? Ano na? Ano meron ba't gan'to?" namimilit na tanong ni Carlo.

Humigop ako sa aking canned rootbeer at hindi inalis sa aking labi ang lata nito. Hindi rin nila inalis ang tingin sa akin. Hindi ako kumibo at gano'n din sila. Dahil doon ay tumahimik sa table namin at tanging tunog ng pag-nguya na lamang ng bawat isa ang maririnig.

Ayoko man sanang magsalita sa kung ano sa tingin ko ang puno't dulo ng rumor ay di ko na rin ito mapigilan. Nababahala kasi ako. Hindi sa rumor, hindi sa mga nagtatanong kundi dahil kay Arianne. Sa pagtitig ni Carlo at Jerome sa'kin ay para bang sinasaksak ako. Pakiramdam ko ay may nagawa akong krimen.

Malalim akong lumunok.

"Guys... I met her... yesterday and and..." nag-aalinlangan kong sabi na agad nilang tinugunan ng gulat na reaksyon at pandidilat ng mata.

"Woah! You met her? As in? Wait, ang bilis mo naman dumiskarte?!" gulat na tanong ni Carlo.

Napa-ubo naman ako.

Mahinang tumawa si Jerome, "Well Charles, baka nga 'yan ang "Aldred Cuzon Charm" na tinatawag," nangingisi niyang sinabi.

Pagkalapag ko ng aking softdinks sa mesa ay saktong biglang tumayo si Carlo.

"No way! Hindi ako naniniwala," reaksyon niya sabay naniningkit ang mga mata na inusisa ako, "Hoy Aldred, anong ginawa mo? Ba't bumigay ka agad 'yon sayo ah?" tanong ni Carlo sabay lapit ng kaniyang mukha sa mukha ko. Iniiwas ko naman ang aking ulo. Hindi ko maiwasang mapadaop ng palad dahil sa pagkairita.

"Hindi, hindi, hindi! Pwede ba patapusin niyo muna akong magsalita?" sabi ko sa kanila, "You two got it all wrong. Coincidence, concurrence, fate whatever you call it, iyon lang ang dahilan ng pagkikita namin," naiinis kong paliwanag.

Masinsinan na nakatitig sa akin si Carlo. Hindi niya ito inaalis habang inilalayo ang mukha sa akin.

"Ah, ganon naman pala," reaksyon niya sabay tango ng ilang ulit. Para bang nawala kung ano man ang hinala niya sa akin, "Sabi ko sayo Jerome e. Hindi pwedeng mahigitan ng kumag na 'to yung skills ko no," Humalakhak si Carlo bago umupo. Naiinis ko naman siyang nitignan.

"Pero ang galing pa rin... Coincidence or fate, pinaguusapan lang natin siya tapos nangyari na ka agad na nakita mo siya in person. Nakakatuwa, ang lakas mo kay Lord a, lakas ata manalig 'to si Aldred e," nakangiting biro sa akin ni Jerome.

Inalis ko ang aking tingin sa kanila dahil naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking pisngi. Hindi na ako kumibo at tinuloy ko na lamang ang aking pagkain. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari. Nahihiya kasi ako sa aking ginawa. Pakiramdam ko ay napakasama ko.

"Al, is there something wrong?" tanong ni Jerome.

Napatulala ako saglit sa kaniya then smiled weakly. Okay, hindi talaga ako nakakawala sa observation skills niya. Sa aming tatlo ay si Jerome ang masasabi kong pinaka-observant at sensible sa nararamdaman ng bawat isa.

"Hey," ngumiti si Jerome, "May nangyari ba noong nagkita kayo?"

Bumuntong hininga ako at magsasalita na sana pero biglang humalakhak si Carlo.

"Siguro na-misinterpret nanaman ng nakakita yung pagkikita niyo ni Arianne. Baka nga basted pa 'yan kaya ganyan yung aura ngayon eh."

Nagpintig ang tenga ko sa aking narinig kaya't napangitngit ako't di napigilan ang aking sarili.

"Hindi ako basted!" Nagulat hindi lamang sina Carlo't Jerome pati na rin ang mga tao sa canteen dahil sa lakas ng reaksyon ko.

"Owowow, sungit! Okay, okay! Kalma lang!" Napataas ng dalawang kamay si Carlo. Yung tipong parang sumu-surrender siya sa kinauukulan. Tinitigan ko siya ng masama.

"So ano nga kasi nangyari? Kwento mo na para hindi rin kami nagkakaroon ng misinterpretations," ani Carlo sabay hilot sa mga balikat ko.

Nag-inhale ako at nag-exhale. Mainit na paghinga ang sunod-sunod na lumabas sa ilong ko bago ako kumalma. Tumigil si Carlo sa paghilot sa akin saka bumalik sa pagkaka-upo. Mataimitim ko silang tinitigan sa mga mata. Nang makapagdesisyon ako ay hindi ko na inalintana ang paligid. Mahina kong nikwento sa kanila ang nangyari.

"WHAT?!" pareho nilang reaksyon.

"SHHH!" pagsita ko.

Bakas na bakas sa mukha nila ang hindi pagkaniwala.

♦♦♦

Pagkatapos naming kumain (kahit na hindi naman talaga kami natapos) ay agad kaming pumunta dito sa Tree Garden upang mag-usap. Dito ko nisabi sa kanila kung anu-ano ang nangyari kahapon. Kung paano KAMI nagkita, kung gaano kabango yung buhok ni Arianne, kalambot yung skin ni Arianne, yung kinilos ni Arianne sa jeep, ta's yung nagkatama pa yung mga ilong namin ni Arianne.

Gusto ko nga rin sanang sabihin kung gaano siya ka-sexy pero mahirap na't baka magkaroon pa ako ng kaagaw.

Hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko habang nikikwento ko iyon pero napansin ko na parang ganoon din yung dalawang aking kinikwentuhan. Nakangiti lang din sila sa akin.

Nangaasar na ngiti.

Nikwento ko rin kung ano ang mga sinabi at nikilos ko ng makababa na kami sa jeep at ganoon na lamang nga ang naging reaksiyon nila noong sabihin ko ang bagay na aking pinagsisisihan.

"I kissed her," sabi ko na nagpa-shock sa kanila. Laglag panga silang napatitig sa akin at tipong napinturahan ng permanenteng gulat ang kanilang mga mukha. Wala akong magawa kundi mapalunok noong matagal silang hindi nagsalita.

"What? Are you damn serious?!" reaksyon ni Carlo nang maka-recover na siya. Pansin ko ang pagkaaburido sa tono niya kaya nang tumayo siya ay kasabay nang pagtayo niya ay pagtayo rin ng mga balahibo ko.

Naglakad si Carlo ng pabalik-balik at tipong hindi mapakali. Nang maka-ilang ulit ay bigla siyang tumigil saka tinapunan ako ng masamang tingin. Muli ay umupo siya sa tabi ni Jerome.

Si Jerome naman na nakahawak sa tiyan niya ay halatang nagpipigil sa pagtawa.

"So, Aldred..." sambit Jerome habang pilit na nagseseryoso pero kumakawala ang impit na tawa sa kaniyang bibig, "Pa-pasensya na. I just can't believe that you can do something like that. Just-just..." sabi ni Jerome sa pagitan ng mga tawa. Para siyang ewan at hampas ng hampas sa damo. Kung hindi nga lang siguro marurumihan ang damit niya ay baka kanina pa siya nagpagulong-gulong.

Nakakapunyeta lang.

"Yeah. Inaamin ko nagpadalos-dalos nga ako," paliwanag ko habang pinipitas ang ilang dahon ng mga damong inuupuan ko. "Pero hindi ko kasi mapigilan. Gusto ko kasi talaga siya," seryosong dugtong ko at dahil dito ay tuluyan ng hindi nakapagpigil sa pagtawa si Jerome. Nagpagulong-gulong nga talaga siya sa damuhan.

Tinignan ko naman si Carlo at sinalubong niya ako ng pagpiksi. Nakahalukipkip siya at intense kung makatitig sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya.

"Ngayon, ano ng balak mong gawin? Hindi porke't si ALDRED CUZON ka gusto ka na lahat ng girls. For sure galit na galit iyon lalo pa't nagka-rumor."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, nakaka-overwhelm kasi ang tono ng pananalita ni Carlo. Hindi ako sanay.

Anak ng tinapa! Ba't ko nga ba kasi ginawa iyon ni hindi pa nga kami ganoon magkakilala? At kahit maging magkakilala kami ay wala pa rin akong karapatang gawin iyon dahil hindi naman kami. Dapat maging kami muna bago iyon. Mali! Dapat magkakilala muna kami tapos maging kami tapos iyon. Ang tanga mo Aldred!

Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Unang beses ko 'tong mahiya sa mga kaibigan ko. Wala akong magawa kundi tumitig sa kanila at magpaawa.

Humugot ng hininga si Carlo saka binuga ito. Tila ba iyon ang kaniyang naging paraan upang maalis ang pagka-aburido niya.

"Hay naku, Al kung inamin mo na kasi noong una pa lang di sana natulungan ka na namin. Bro tips dude," sabi ni Carlo. Relax na ang kaniyang mukha at kung nakasingkit man sa akin ang kaniyang tingin ay sigurado akong dahil ito sa pagtatampo.

"Nakakainis ka Al, minsan na nga lang tayo makahanap ng type mo tapos ilalayo mo pa. Sana lang 'wag ka niya i-block sa FB niya," dagdag ni Carlo.

Tama yung FB! Pwede ko pa siyang ma-contact doon tapos mag-sorry.

Hindi ko nagawang magbukas ng FB dahil sa pagiisip ko kaya hindi ko rin alam kung block na ba ako sa account niya.

"Aldred sorry for laughing so much. I know na-offend kita, pero kasi ngayon lang kita nakitang ganyan," pagpapaumanhin ni Jerome. Naiintindihan ko naman siya, "At any rate, Al don't stress yourself over it," dugtong niya. Sigurado ay napansin niya ang pag-aalala ko.

Napakagat ako sa aking labi.

"No don't feel sorry. Alam ko rin naman na iba talaga ako ngayon. Kahit ako naninibago sa sarili ko. I admit it. Tama kayo. I like her. Ayoko mang paniwalain ang utak ko sa love at first sight pero iba yung sinasabi ng puso ko. I love her."

Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko ang hindi pag-imik ng dalawa. Nakatulala sila sa akin at makailang saglit ay genuine silang nagngitian.

"This is bad you know? What you did to her is bad, pero nangyari na ang nangyari. No matter how bad it is, makinig ka sa sinabi ni Jerome. Don't stress yourself over it. You just have to face your consequences. Hindi naman natin alam kung anong madudulot ng ginawa mo sa iyo," sabi ni Carlo.

"Pwedeng yung halik mo sa kaniya ang maging lead para magka-connection kayo. Pwede ring iyon ang maging dahilan para isarado niya ang pinto niya sayo. You just have to play it and make things right kapag nagkausap kayo. Give her your sincerest apologies," sabi naman ni Jerome.

I felt so down kanina pero noong marinig ko ang mga advice nila ay nabuhayan ako ng loob. Hindi kami mahilig mag-open up sa isa't isa pero sa tuwing may ganitong punto sa buhay namin ay hindi rin pumapalya ang bawat isa sa pagsuporta.

Ngumiti ako sa kanila.

"I hate to say this pero ikaw pa. Si Aldred Araun Cuzon pa. Wala ka man sa kalingkingan ng kagwapuhan ko pero makalaglag undies ka parin."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Carlo. Unti-unti ay naningkit ang tingin ko sa kaniya.

"Flaunt yourself to her and I'm sure na siya mismo ang magtatanggal no'n at mag-aabot pa sayo," dagdag ni Carlo sabay halakhak.

Parehas kami ni Jerome ay napatayo ng wala sa oras upang hindi na marinig pa ang nga kalokohang lumalabas sa bibig ng aming magaling na kaibigan.

"Hoy! Huwag niyo ako iwan," tawag ni Carlo saka siya humabol sa amin

♦♦♦


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄