"Gamitin mo ako para makalimutan mo siya. Hahayaan kitang isipin na ako siya Alpha. Gamitin mo ako." pakiusap nito sa Alphang si Maximus na kanyang niyayakap sa oras na iyon.
Mariing pumikit ang Alpha na tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip...
Pumihit ito paharap sa kanya at agad namang sinalubong ng mapusok na halik si Arvic. He pinned Arvic in the wall and endlessly kiss him savagedly without thinking anyone else.
Days, weeks and month are passed, lalong mas tumindi ang pagmamahal ni Arvic sa Alpha ng Tierra De Lobo na si Maximus. Kahit alam niya na ang tinitibok ng puso nito ay si Aaric na isang alpha at tagapagmana ng trono na nasasakupan ng ama nito. Hindi siya nanawa na mahalin pa lalo ito at alagaan sa paraang kaya niya.
Sadyang ang pagkakataon na magkaharap muli ang dalawa ay hindi maiiwasan. Mas lalong sumidhi ang galit ni Arvic kay Aaric lalo na ng malaman niya na ang nararamdaman ni Maximus para kay Aaric ay hindi nagbago nang malagay ang buhay nito sa piligro at mas pinili ni Maximus na manatili ito sa tabi ni Aaric at siya ay parang wala lang na pinalayas.
"Ganoon na lamang ba kadali saiyo Max na isangtabi ang mga ginawa ko para saiyo? Kulang pa ba para magawa mong mahalin ako ng higit kaysa sa kanya?" may hinanakit na tanong nito sa lalaki.
"I said, mauna ka nang umalis Arvic. He needs me..." tiim bagang sagot nito kay Arvic.
"And how about me? Ano bang mayroon siya na wala ako? Parehas lang kaming omega Max. Bakit hindi na lang ako na labis ang pagmamahal para saiyo!" pagmamakaawa nito sa lalaki habang yakap-yakap niya ito.
Walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"How did you----" pinutol ni Arvic ang itatanong ng lalaki at siya ang nagpatuloy.
"How did i know? He told me a while ago. Now tell me ano ba ang pinagkaiba namin dalawa na parehas lang na isang ome---" naputol ang kanyang sasabihin ng umalsa ang boses ni Maximus.
"He is my everything and you're not!" tigalgal si Arvic matapos na marinig iyon.
Tila itong bomba sa kanyang pandinig na halos ikamatay na niya sa mga oras na ito.
"No... No!!!!" patakbo siyang lumabas ng hide out upang hindi makita ni Maximus ang sobrang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito.
Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa napahinto siya sa isang madamong bahagi ng lugar na iyon malapit sa kalsada.
"Isinusumpa ko, pagsisisihan ni Aaric ang ginagawa niyang pagpapakita ulit kay Maximus." atska niya pinunasan ang kanyang mga luha sa kanyang mukha.
Maya-maya lamang isang nakakasilaw na liwanag ang nagmumula sa sasakyang papalapit ang nakapukaw ng kanyang atensyon.
Hindi pa man nakakababa ang mga lulan ng sasakyan na iyon ay alam na niya kung sino ang mga ito. Iniharang niya ang kanyang sarili sa gitna ng daan upang maagaw niya ang pansin ng nagmamaneho nito.
Bumaba ang ilan sa mga lulan at malalim na titig lamang ang kanilang pinakawalan para sa lalaki.
"Sino ang hinahanap ninyo baka sakaling makatulong ako." bungad niya sa mga ito.
"Hinahanap namin ang anak ng aming hari." sagot nito.
"Si Aaric ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ni Arvic sa deltang kaharap niya.
"Oo siya nga, nasaan siya?" sagot nito.
"Sasabihin ko kung nasaan siya ngunit kailangan ninyong sagutin muna ang katanungan ko!" taas noong sagot ni Arvic. "Bakit ninyo siya kailangang mahuli?" dagdag niya.
"Pinakukuha siya ng aming hari upang siyang pumalit sa trono kaso ng malaman ng hari na siya ay buntis tumakas si Aaric dahil sa pangamba na mawala sa kanya ang ipinagbubuntis nito." anito kay Arvic.
Humugot ng malalim na hininga si Arvic at kuyom ang mga kamao nito.
"Diretsuhin ninyo ang bahaging iyon. Sa dulo noon ay may isang hide out na kung saan doon nagtatago si Aaric kasama si Maximus. Siguraduhin ninyo lang na makukuha ninyo siya at ilalayo ng tuluyan sa lalaking kasama niya sa mga oras na ito." nagngangalit na ang kanyang mga ngipin sa sobrang galit na kanyang nararamdaman sa mga oras na ito matapos marinig na buntis ito.
"Marahil ay si Maximus ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Hindi ako makakapayag!"
Pagkasakay ng mga ito sa kanilang sasakyan ay mabilis na pinaandar ang sasakyan at tila walang sinasayang na oras ang mga ito upang dakpin si Aaric.
Samantala...
Sinundan ni Arvic ang mga Epsilon hanggang sa mapunong lugar at dooy naghintay ng tamang pagkakataon upang makaharap niya sina Aaric at Maximus.
Ilang sandali pa'y may narinig na siyang nagpaputok at hudyat na iyon na tinutugis na nila sina Aaric.
Paglagpas ni Aaric sa boundary ng hideout ni Karrim bigla lumabas si Arvic mula sa malaking puno at tinutukan niya si Aaric ng baril.
"A-arvic?" anas ni Aaric sa pangalan nito.
Mala demonyo itong ngumiti, "Ako nga!" singhal nito.
Napaatras ito ng makita niya na may bitbit itong baril. Papalapit ito ng papalapit sa kanya.
"You are his everything and i am not! Anong mayroon saiyo na wala sa akin? Pareho lang naman tayong omega! Binigay ko ang lahat ng makakaya ko para maging maligaya lang siya sa piling ko pero putang ina! Hindi pa rin sapat? Ikaw pa rin ang pinili niya!"
Sa sobrang galit nito kinasa niya ang baril na hawak at itinutok muli sa kanya.
"A-arvic nagkakamali ka... Iiwanan ko na si Maximus. H-hayaan mo akong umalis utang na loob----" pikit matang nakiusap ito habang ang mga kamay nito ay nakataas, tila isinasangga sa baril.
"Anong akala mo sa akin tanga? Alam ko plano ninyo ito para makatakas ka pero hindi ko hahayaan iyon!"
"Anong ibig mong sabihin?" kita sa mga mata nito ang pagkabahala.
Ngumisi si Arvic at muling nagsalita.
"Ako ang lumapit sa kanila para ituro ang kinaroroonan ninyo ni Maximus at sinabi kong si Maximus ang karelasyon mo at ama ng dinadala mo!"
Napatutop si Arvic sa kanyang bibig.
"Papaanong... Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo. Maaaring mapahamak si Maximus."
Nagkibit balikat lamang ito.
"So what? Wala naman siyang pakialam sa akin. Basta niya akong pinaalis upang magkasama kayo!"
Nanlaki ang mga mata nito habang nanginginig ang mga kamay.
"Hindi bagay si Maximus, Arvic! Hindi pagmamahal na matatawag ang ginagawa mo para sa kanya!"
"At ano para saiyo ang pagmamahal Aaric? Ang pagiging makasarili? Ang iwan ang taong halos handang mamatay para sa iyo?" pulang-pula na ang mukha ni Arvic sa galit.
"Iyan ba ang basehan mo? Paglaruan ang damdamin din ng iba? Para kapag gusto mo na ay dapat ibalik ko siya sa iyo para maging maligaya kayong dalawa? Hindi pwede!!!!" sigaw ni Arvic
Bago pa makaiwas si Aaric, muling itinutok ni Arvic ang baril sa tiyan ni Aaric at kinalabit ang gatilyo.
"Nooo..." sigaw ni Aaric at bumagsak ito sa lupa na duguan at wala nang malay.
Samantala si Arvic naman ay napaluhod na lang sa tapat ni Aaric.
Sa hindi kalayuan may isang bulto ng lalaki ang nagmamadaling lumapit sa gawi nila. Kinuha ang katawan ni Aaric at dali-daling isinakay sa kotse.
Tulala pa rin si Arvic at tila hindi makapaniwala sa kanyang nagawa hanggang sa dumating sina Maximus.
Galit na galit itong kinuwelyuhan at hinila si Arvic patayo.
"Where is Aaric, where is he?"
Parang tinakasan ito ng katinuan at marahan itong umiling, pagkaraan ay tumawa ng pagak.
"I am here Max, don't look for him he will never come back!"
"Where is he Arvic, tell me before i will kill you!!!"
Ang pagtawa nito ay napalitan ng pag-iyak.
"Siya pa rin ba ang hinahanap mo kahit ako ang handang manatili sa piling mo?" umangat ang tingin nito sa lalaki.
"Wala na siya Max, iniwan ka na niya." muli itong tumawa.
"Kahit kailan hinding-hindi ako mapapasaiyo Arvic. Ginamit lang kita para makalimot, hindi para ipagpalit siya saiyo at alam mo iyan!" galit na galit na iniwan siya nito.
Makalipas ang ilang oras ay dinakip si Arvic ng mga Epsilon at ikinulong.
Pinahirapan si Arvic sa loob ng kulungan at halos hindi pinakain o pinainom man lang ito. Hinang-hina na siya at halos asamin na lamang na isang araw matagpuan siya ng mga delta na wala ng buhay.
Matuling lumipas ang ilang buwan, pumunta si Aaric sa kulungan upang tingnan si Arvic.
"Hoy! bumangon ka diyan, nandito si Alpha Aaric!" sigaw ng Delta habang kinakalampag ang bakal na rehas.
Marahang bumangon ito at nag-angat ng kanyang tingin. Nagulat ito at paika-ikang lumapit at pagkatapos ay kumapit ito sa rehas.
Marahan itong lumuhod sa harapan ni Aaric habang sunud-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"A-aaric... K-kamahalan, parang awa mo na tapusin mo na ang buhay ko. Hindi ko na kaya."
Tinitigan lamang siya nito at inutos sa isang Delta na pakawalan na si Arvic. Pagkatapos ay tumalikod na si Aaric at naglakad.
"S-sandali!"
He stopped...
"Ba-bakit? Bakit hindi mo tinapos ang aking buhay?"
Nilingon siya nito...
"Gusto kong bigyan ka ng pagkakataon para ayusin ang buhay mo. Remember this, hindi porque omega ka, mananatili ka sa mababa. Wala sa katayuan iyan kundi nandito." tinuro niya ang kanyang dibdib at tipid ngumiti.
Biglang tumulo ang luha ni Arvic matapos niyang marinig ang sinabi ng Alpha.
"Nagmahal ka lang ng sobra-sobra at nabulagan kaya ka nakagawa ng hindi maganda sa iyong kapwa." at lumapit siya kay Arvic at hinawakan ang kamay nitong puro sugat.
"Puwede rin mangarap pero siguraduhin mong nasa tama ka at walang aapakang iba. Mag-iingat ka sa paglalakbay mo." muli siyang tinalikuran ni Aaric at humakbang palayo.
Lumapit ang Delta at binuksan ang pinto ng kulungan.
Lumapit ito sa kanya upang tanggalin ang tanikalang nakakabit sa kanyang paanan.
"Makakaalis ka na at magkalayo-layo hanggat hindi pa nalalaman ng lahat at baka magbago pa ang desisyon ng Alpha."
Sa takot, pinilit ni Arvic ng makatakbo palabas ng kulungan. Walang tigil ito kahit hinang-hina na ito.
Malayo-kayo na rin ang kanyang nararating ngunit patuloy pa rin siya sa kanyang pagtakbo.
"Kailangan kong makasiguro."
Hanggang sa hindi niya namalayan na ang huling hakbang niya ang maglalagay sa kanya sa piligro. Nasa tuktok pala ito ng Talon at nahulog ito mula sa itaas at nawalan ng malay habang tinatangay ng rumaragasang tubig.