下載應用程式
24.4% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 31: JEALOUS SIDE

章節 31: JEALOUS SIDE

Nagseselos nga ba talaga siya or may emergency lang at naga-aasume lang ako.

Tinawagan ko si Manong Mike at nagpasama ako sa kanya sa apartment nila Nathan.

"tao po!" sabi ko ng makarating kami doon.

Ilang saglit pa, may nagbukas ng pinto. Lumabas yung auntie nya.

"sino 'yan?" ask ng auntie niya na may bula pa ang kamay. Halatang naglalaba siya that time.

"si Nathan po?" ask ko.

"wala ba siya sa school nyo?" takang ask naman ng auntie niya.

"sabi po kasi ng mga kaibigan niya na umuwi daw po siya dito eh" me.

"ganon? eh wala naman siya dito eh. Baka andoon sa park at naglalaro lang ng basketball. Talaga yung bata na iyon, kahit may pasok eh basketball pa rin ang inaatupag!"

"ah..eh....sige po, pupuntahan ko na lang po yung sinasabi n'yo. Salamat po"

"o sige, mag-iingat ka ija" sabi naman ng auntie niya.

"pupuntahan po ba natin siya sa park? ano po bang nangyari?" tanong naman ni Manong Mike.

"may kaonting hindi lang pagkakaunawaan Manong" me. Aalis na sana kami ng mag-ask ulit yung auntie ni Nathan.

"teka lang ija, ikaw ba yung girlfriend ng pamangkin ko?"

Because of that question, nahiya tuloy ako bigla.

"ah..eh...hindi po...ahm, kaibigan lang po" me.

"ah ganon ba? akala ko kasing ikaw ang nobya niya. Excited pa naman sana akong may dalhin siya dito't may ipakilalang babae sa akin"

So.....does she mean na Nathan never had a girlfriend?

"sige..kapag nakita mo si Nathan, pakisabi na lang sa kanyang huwag siyang masyadong magpagabi mamaya dahil may pupuntahan ako. Walang bantay itong apartment" her.

"sige po, sasabihin ko po iyon kapag nahanap ko na siya"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Manong Mike. Pinuntahan namin yung park na sinasabi ng auntie niya but wala si Nathan doon. Pumunta din kami sa Restobar near school, wala rin siya.

(Nasa main gate na kami ngayon ng SA)

Shocks! asaan na ba kasi siya?

"ma'am, tawagan mo na lang kaya. Di ba may number ka sa kanya?" sabi ni Manong Mike.

Kinuha ko yung phone and I called him but hindi siya sumasagot.

Hindi kaya may nangyari nang hindi maganda sa kanya?

"Manong Mike, ano kaya kung tumawag na tayo ng police. I think he's missing eh." alalang sabi ko.

"huh? sigurado po kayo ma'am?" may pag-aalintanang ask ni Manong.

"Aikka, ayos lang ako"

Nagulat kami ni Manong dahil nasa likod lang pala namin si Nathan.

"Nathan? bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tapos hinampas ko siya sa balikat..pero mahina lang.

"gusto ko lang malaman kung mag-aalala ka ba sa akin" seryoso niyang sabi.

"ha? ikaw na bata ka, ang lakas ng loob mong pag-alalahanin si ma'am ng ganon ah. Gusto mong makatikim sa akin?" sabi ni Manong Mike.

Well, I understand Manong Mike why he is acting like that. Ano ba kasing pumasok sa mind nitong si Nathan at nagawa kaming pagurin at pag-alalahanin sa kanya.

"ah...pasensya na po" him habang napapakamot siya sa kanyang ulo.

"hay naku, talaga kayong mga bata..lagi nyong pinag-aalala ang mga matatanda" tapos umupo si Manong Mike sa gilid. Napagod ata sa paglalakad.

"eh ano ngayon ang plan mo? hindi ka na papasok ng classes mo?" ask ko sa kanya.

"hindi, kasi may practice naman kami ngayon" him. This time, super serious niya and hindi ako sanay.

"Nathan, may problema ba?" me.

Bumuntong hininga siya tapos ginulu-gulo ang buhok ko. Parehas talaga sila ni dad, ang hilig gawin ang bagay na iyon sa akin.

"Nathan?" saway ko naman. Wala kasi akong dalang suklay eh saka ayoko namang pumasok ng school na parang binagyo ang buhok ko.

"sa susunod kasi....huwag nyong ipapakita sa akin kung paano niyo ginagawa ang plano nyo ni Spade" him.

"bakit? nagseselos ka ba?" direkta kong tanong. Yun lang naman kasi ang nakikita kong reason bakit super serious ng face niya ngayon eh.

"siyempre, nililigawan kaya kita tapos may iba kang lalaki na kasama, eh di parang nabalewala naman ako nun"

Ngumiti ako.

Shocks, si Mr. Nathan Alejandro, nagseselos.

Haba ng hair ko!

"Nathan....kung ano man ang meroon kami ng Spade na iyon, all of those? pagpapanggap lang iyon. It has no value to me kasi ang mahalaga sa akin....is this.....the reality....kung saan ikaw at ako ay bumubuo ng memories together while still knowing each other. Kaya don't be jealous na Nathan"

(Kasi for me, mas lamang ka sa isang iyon!)

Ngumiti siya tapos niyakap niya ako. Di ba magjowa lang ang trip?

"ahem." umubo-ubo si Manong Mike.

Nakalimutan ko, nakaupo lang pala siya sa gilid.

"pumasok na po kayo ma'am sa eskwelahan nyo't malelate na po kayo"

"ah sige po..salamat po Manong Mike sa pagsama"

"you're welcome po ma'am." tapos tiningnan niya si Nathan.

"ah, huwag na po kayong mag-alala Manong Mike, ako na ang bahala kay Aikka"

Sinenyasan niya na lang kaming pumasok na.

Pagpasok namin sa loob, may iniabot na sobre ang guard ng academy. I opened the mail and binasa ito.

To Aikka Montero,

Kung gusto mo pang humaba ang iyong buhay. Lubayan mo si Spade! At kapag hindi mo iyon ginawa, dadanak ang dugo sa buong academy.

- Miss 3184

"sino ang Miss 3184 na iyan?" worried na ask ni Nathan.

"i don't know pero may alam akong isang taong kayang sagutin ang tanong mo" me.

And that's Abby. I think I really need to face her and talk about it. Gusto kong malaman bakit niya pinili ang ganitong kind of life. Hindi na talaga siya ang Abby na nakilala ko noon.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C31
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄