下載應用程式
19.68% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 25: ANOTHER PIECE OF PUZZLE

章節 25: ANOTHER PIECE OF PUZZLE

"do you somehow heard of Mr. Black? from Moon Corporation?"

How did he know about it? Ibig sabihin ba nito na alam niya na rin ang tungkol kay Abby?

"Alam kong pinagdududahan mo si Miss Abby Francisco right?" sabi niya.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"paano mo nalaman?"

"may letter from Miss 3184, at si Abby ang nagbigay. Pinaimbestigahan ko siya then I found out na ex-bestfriend mo pala siya"

Letter? Yun ba iyong nakaraang araw na nakita ko si Abby'ng may iniaabot sa kanya?

"interesting." tapos tumingin siya sa akin.

"interesting what? saka ano na namang tingin iyan?" sabi ko.

"I just want to know how you feel after masira ang friendship nyo" seryoso niyang sabi.

"Bakit gusto mong malaman? saka hindi iyan ang topic di ba? anong nalalaman mo tungkol kay Mr. Black?" ask ko.

He smiled. Sometimes talaga, hindi ko maiwasang hindi siya pagdudahan eh.

"Well, I only have his full name but pinapasundan ko pa rin siya sa mga investigators ko."him.

"anong totoong name niya?"

"Victorino Romano"

That name sounds familiar. Parang narinig ko na iyon somewhere.

"so ano? will you cooperate or not?"

(I sighed)

Okay, since ang gumugulo sa SA at gustong pumatay sa akin ay iisa lang...tanggapin ko man ang offer niya o hindi, nanganganib pa rin ang buhay ko. And in times like this, hindi ko kaya ang mag-isa. Maybe, I should give him a chance.

"okay, I will cooperate but we need to sign an agreement"

"seryoso ka?"

"mukha ba akong nagbibiro? I will set some limitations and conditions para habang ginagawa natin ang plan ay hindi mo maistorbo ang normal na buhay ko" sabi ko.

Nakangiti lang niya akong tiningnan.

"tss. whatever." tapos nagsimula na siyang maglakad.

"hey, kapag hindi nagwork ang plan na ito, lagot ka talaga sa akin!" sabi ko.

Hindi na siya umimik at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Peacock.

Napapaisip na naman tuloy ako.

Sino ba talaga ang Miss 3184 na iyan?

Hindi kaya si Miss Quin?

Kausapin ko kaya siya ngayon....vacant kaya siya this time?

(phone's message tone)

•••••

From: Nathan

wer na u? sinilip kta s room nyo. wla ka.

••••••

He's worried to me.

I think I need to call him.

(phone's ringing)

"hello? Aikka, asaan ka na?"

"andito lang ako sa rooftop, kinausap ko si Spade"

"nagback out ka na ba sa deal nyo?"

"Ah.. Nathan, ahm...I'm sorry but napagdesisyunan kong makipagcooperate na lang muna sa kanya since may konti siyang hints about sa mga nagtangkang pumatay sa akin"

"Aikka....mapapahamak ka sa ginagawa mo eh"

"I know Nathan but matagal nang nasa panganib ang buhay ko. And, kakailanganin ko ang tulong niya since anak siya ng may-ari nitong academy. I mean, the suspects are here so it would be an advantage for me. Mas madali ko lang makukuha ang mga info. na kakailanganin ko, in case na magkaroon na ako ng lead sa mga taong iyon"

A moment of silence.

Tapos nagsalita siya ulit.

"okay Aikka, kung iyan ang desisyon mo, nirerespeto ko iyon." ramdam kong medyo nalungkot siya.

Gusto ko sanang sabihin na wala siyang dapat ipag-alala. Na I can handle it myself.

"thanks Nathan for understanding me" sabi ko na lang in a malambing way...just to comfort him kahit konti.

"sige. mag-iingat ka. Itetext ko na lang si Elaine para masamahan ka"

"no, I'm okay. Kaya ko na ang sarili ko. Asaan ka ba ngayon?"

"ah, may biglaang practice kami eh kaya nasa basketball court kami ngayon."

"okay. Galingan mo huh?"

"salamat."

"sige bye"

"okay. itext mo na lang ako if may kailangan ka huh?"

"okay"

Ibinaba ko na ang phone.

(sighed)

Pupuntahan ko na lang ang office ni Miss Quin. I need to clarify something.

I'm about to go down the stairs when someone took pictures of me.

"hey! you!" sinubukan kong habulin ang nakacap na guy but masyado siyang mabilis.

Agad siyang nakatakas ng makihalubilo siya sa mga students na kalalabas lang ng Laboratory.

Sino na naman kaya iyon?

Mukhang minamanmanan talaga nila ako ah. Naghihintay lang ata sila ng perfect timing para gawin nila ang masamang binabalak sa akin.

Dumiretso na ako sa office ni Miss Quin since tapos na ang Science class.

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok.

"Miss Quin?"

Walang tao.

Hinanap ko ang table niya. May napansin akong brown envelope na nakapatong sa mga folders niya sa gilid nito. Lumapit ako at nacurious kung anong meron doon.

May nakasulat na pangalan ng isang sikat na hospital malapit lang sa town na ito.

"Aikka, anong ginagawa mo dito?"

Agad kong ibinaling ang tingin kay Miss Quin na kakapasok lang ng office niya.

"ah....gusto lang sana kitang makausap ma'am" sabi ko tapos tiningnan ko ulit yung envelope sa table niya.

SAINT MICHAEL HOSPITAL.

May sakit ba siya? Pero bakit parang iba ang name na nakalagay.

Babasahin ko sana when she suddenly put it in the drawer. Tapos umupo sya sa swivel chair.

"so....anong gusto mong pag-usapan natin? about ba iyon sa projects? may problem ka or what?" mahinhing sabi niya. Yun kasi ang personality niya kapag magkaharap kami.

Ibang-iba kapag nasa classroom siya.

"ah...gusto ko lang sanang maclarify ang lahat coz I don't want to think something bad about you"

Nagulat ata siya sa mga sinabi ko. Minabuti ko munang umupo at huminga ng malalim. Since andito na ako...tatanungin ko na siya about doon sa rooftop.

"sana huwag po kayong maoffend ma'am but it keeps bothering me, that's why I'm here."

"is it all about Miss Georgia Campo?"

"partly ma'am but mas gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niyo noon sa rooftop and bakit bigla ka na lang umalis ng walang paalam"

Nag-isip muna siya ng saglit tapos kinuha niya yung brown envelope sa drawer.

"I already told you, I'm trying to help her pero..

pinangunahan ako ng takot."

Tapos iniabot niya sa akin ang envelope.

"Inutusan ko si Wilson na hingin ang medical records niya sa Saint Michael Hospital. Kilala mo naman ang lawyer kong boyfriend di ba?"

Tumango lang ako.

"well, if you will open that envelope..andyan ang health information niya after na maconfined sa Saint Michael Hospital. According sa records, nagpositive siya sa substance abuse that's why ganon na lang ang naging behavior niya sa rooftop."

"so you mean, may nagbebenta ng illegal drugs dito sa SA?"

"not actually cocaine or shabu, but sa stimulants."

"anong stimulant po iyon?"

"amphetamine, I know na alam mo kung para saan ang stimulant na iyon"

"di ba para lang po iyon sa may ADHD syndrome?"

"yes pero ang ipinagtataka ko lang, wala namang ganoong syndrome ang bata ayon sa records niya" sabi ni Miss Quin na medyo naguguluhan din.

Isa lang ang ibig sabihin nito, kung totoo nga ang hinala naming may taong nanggugulo dito sa SA. Possible na sila ang may gawa nito. And the only thing that I need to do is to ask Ms. Campo personally.

"nakalabas na po ba ng hospital si Ms. Campo?"

"yes but sabi ni Mr. Hugo, hindi pa daw siya pumapasok"

"alam nyo po ba ang address ng bahay niya?" ask ko.

"ang alam ko, nakaapartment lang siya near dito sa SA. Sa may Northwoods ata if I am not mistaken."

"okay..thank you ma'am. It would be a great help and at least, panatag na ang loob ko this time" sabi ko.

"bakit, pinagdududahan mo na ba ako? akala ko ba, ako ang favorite teacher mo" nagtatampong sabi niya.

"pasensya na po Miss Quin pero hindi pa naman po iyon nagbabago eh, you're still my favorite teacher."

Bigla siyang ngumiti ng sabihin ko iyon.

"I guess you're telling the truth, kita ko rin naman sa performance mo sa class. Mukhang inspired ah....kasi ang tataas ng scores mo this time, halos magkaparehas na kayo ni Cloud."

"really ma'am?" amazed kong sabi. Hindi ko rin naman kasi iniexpect na kaya kong makipagsabayan sa top 1 ng year level namin eh. I mean, he's Mr. Cloud Ramirez at hindi maikakailang he's an intelligent person. Anyway, sa isang subject lang naman iyon eh..but I'll do my best na rin sa ibang subjects to make my dad proud.

"keep it up Aikka, I know na you will graduate sa SA with flying colors"

"thank you Miss Quin"

Tumayo na ako at nagpaalam na rin.

Pagdating ko sa hallway, nakasalubong ko si Abby.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C25
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄