Nagsimula nang magmaneho si Manong Osle pauwi ng bahay. I'm still thinking of that Spade. Ang dami-daming nangyari sa araw na ito, feeling ko mababaliw na ako sa mga happenings.
"Siya nga po pala ma'am, gusto ko lang pong ipaalala sa inyo na death anniversary po ni Lawrence bukas. Baka makalimutan nyo po." Manong Mike.
Oo nga pala.
Nasapok ko ang aking noo.
I almost forgot. Dahil sa dami ng iniisip ko ngayong araw, pati death anniversary ng bestfriend ko eh nawawaglit na sa isip ko.
"Manong Osle, dumaan tayo sa bahay nila bukas after ng morning class ko."
"okay po ma'am" Manong Osle.
3rd death anniversary ni Lawrence bukas. Parang kailan lang, kasa-kasama pa namin siya ni Abby sa mga travel goals naming magkakaibigan. Huling pasyal namin na kasama siya ay sa Korea, doon kami nagpunta sa Jeju Island kasama sila tita, ( mom niya at ni Abby). Ang saya namin noon. Doon kami nag spend ng Christmas, wala si dad noon kasi nasa Europe siya, as usual, business matters ulit ang inatupag niya that time.
Actually, isa sa reason why I tried to commit suicide is because of Abby. Isinisisi niya kasi sa akin ang pagkamatay ni Lawrence. At dahil doon, hindi na niya ako pinapansin sa school. Itinapon na niya ang pagkakaibigan namin ng ganun-ganon lang.
Lawrence died on a car accident habang minamaneho niya ang kanyang bagong kotse na gift ko sa birthday niya. Part of me felt guilty at gusto ko na ring maniwala sa mga sinasabi niya. Siguro... If alam ko lang na maaaksidente siya, eh di sana, hindi ko na lang siya binigyan ng regalo during his birthday.
That's why, I promised to myself na hindi ko na hahayaang may mawala pa nang dahil sa mga maling desisyon na nagagawa ko.
Sa bahay...
"sweetie.... halika, kain ka na"
"dad?"
Himala at umuwi siya ngayon.
"pupunta ba tayo bukas kila Milarosa?" him.
(He's referring to Lawrence' mom.)
"yes dad." umupo na ako sa tabi niya para kumain.
"mga what time? anyway, hindi na ako papasok ng office bukas so ako na rin ang maghahatid sa iyo sa school" him.
"okay dad" me.
"alright, so how's school? nagkakagulo daw sa school n'yo ngayon ah" bigla niyang sabi.
"how did you know?" me.
Ipinapaspy niya ba ako doon?
"hindi pa ba nasasabi sa iyo ng dad mo?" insert ni Elena.
"well, I'm so worried about you kaya nagpadala ako ng magbabantay sa iyo doon" him.
Tama nga ang hunch ko.
"really? pero wala naman akong napapansing bodyguards ko doon ah"
"actually, nag-enroll din siya sa school mo. Pero hindi mo na kailangang malaman kung sino siya so that I can monitor you kahit wala ako."
huh, nagenroll?
"dad, seriously? so you don't trust me now?"
"sweetie, hayaan mo na lang ang dad mo okay. He's doing it for your sake, para na rin iyon sa ikabubuti mo." Elena
Epal naman nang babaeng ito, kahit hindi siya ang kausap, nakikisali. Ang sabihin mo, nagbabait-baitan ka lang ngayon kasi andito si dad.
"tama si Elena, I'm just doing it for you kaya kumain ka na" iniabot niya sa akin ang ulam.
Tss.
Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
phone's beeping.
Someone texted me.
"dad, akyat po muna ako sa taas, emergency lang" biglang naisip na palusot ko.
"related ba iyan sa studies mo?"
Tumango lang ako tapos kinuha ko ang bag ko't umakyat na sa taas. Hindi na ako kakain.
Binasa ko ang message.
"MAY BULAKLAK SA LABAS. PARA SA IYO"
From: Unknown number
Kanino naman kaya ito galing?
Lumabas ako ng bahay at nakasalubong ko si Manong Mike.
"ma'am, nagorder po ba kayo nito para bukas? Nakita ko po sa gate eh kaya dinala ko na po"
Tiningnan ko ang flowers, pangpatay ito.
Phone's beeping again.
"NAGUSTUHAN MO? SA SUSUNOD, KABAONG NAMAN"
Peacock. Isa lang ang nasa isip ko na gagawa nito sa akin.
Si Abby.
"ma'am, ipapasok ko na po ito.."
"no, just burn it"
"huh? hindi po ba ito ang inorder niyo?"
"just don't ask! sunugin mo na iyan!"
Kainis. Kapag nakita ko talaga ang babaeng iyon bukas. Humanda siya sa akin.
Noon time....
Dumiretso kami sa bahay nila tita Milarosa kasama si dad at Elena.
"maupo muna kayo dyan at ipinahahanda ko pa ang mga pagkain" sabi ni tita Milarosa.
"naku Mel, nag-abala ka pa." sabi ni dad after makaupo sa couch.
"sus naman Joseph, para naman kayong iba sa amin. Buti at hindi ka busy sa work mo ngayon."
"sinadya ko talagang hindi pumasok para makabisita sa inyo. Ang tagal din nating hindi nagkita...eh si Ron? nasaan siya?"
"Pauwi pa lang siya, siguro mga 30 minutes, andito na iyon."
"Eh mare, kumusta naman kayo ng anak mo ngayon?" biglang singit ni Elena.
Natahimik kami bigla.
"ah....sinong anak ang tinutukoy mo?" ask ni Tita na parang nabigla rin sa tanong ni Elena. Shocks, bigla-bigla na lang kasing nagsasalita. Di man lang muna nagtanong kung may anak pa ba si tita.
Panira talaga siya eh. Dapat di na siya pinasama ni dad.
"I....I'm sorry. I_ I've been stupid." Elena.
"no, it's okay. I guess the food is ready. Punta na tayo sa dining room" nauna na si tita doon.
Sumunod na rin ako, ayaw kong mahawa sa mga kaclumsy-han niya.
"tita, nakadalaw na po ba kayo sa puntod ni Lawrence?" me.
"actually kahapon pa, kasama ko si Abby"
"si Abby po?"
"oo, nagdala nga rin siya ng foods eh, dito siya naghapunan"
"hello! I'm here!" sabi ni Tito Ron na nakauniform pa ng office nila.
"Oh Love, andito ka na pala. Magbihis ka na muna doon at sabayan mo na kami sa pagkain"
"sige..sige...kumpare!" kinamayan niya si dad.
"kumpare....kumusta?" dad.
"okay lang, bihis muna ako ha?" tapos dali na siyang umakyat sa kwarto nila.
"kumusta naman si Ron doon sa pinagtatrabahuan niya?" ask ni dad kay tita.
"yun, minsan nagiging busy...since manager siya, kailangan niyang byumahe sa iba't-ibang branch ng company nila"
"bakit ba kasi ayaw niyang tanggapin ang alok ko sa kanyang sa company ko na lang siya magtrabaho?" dad.
Mukhang nagiging formal na ang usapan nila ah. Umubo-ubo muna ako.
"ah..dad, pakiabot po nung chicken fillet" sabi ko.
"eto oh" iniabot ni Elena.
"ewan ko ba dun, kinausap ko na siya about sa offer mo, ayaw niya pa rin eh"
"oy, oy, ano iyan? ako ba ang pinag-uusapan n'yo?" tito Ron na nakabihis na.
"yes, I asked her why you won't accept my offer? Pwede kitang iassign sa mas mataas na position"
"naku, di na kailangan kumpare. Ayokong maging pabigat sa kumpanya nyo" umupo na siya't nagsimula na ring kumain.
"pabigat? how can you say that? you can be an asset Ron"
"liability kamo" biro ni tito.
Tumawa naman si dad. Pero alam kong pilit iyon. Tss.
"I guess, hindi na kita mapipilit but if you'll change your mind, just call my number."
"walang problema kumpare at saka huwag kang mag-alala, kapag nakabuo ulit kami ni misis, tatawagan kita total...may asim pa naman si misis eh, hahaha"
Ewan ko kung makikitawa ba ako o hindi. Ang awkward kasi ng joke niya. Death anniversary kaya ni Lawrence, I don't think na magiging masaya siya sa mga sinasabi ni tito.
Siguro mga isang oras rin ang lumipas bago natapos ang mahabang kwentuhan nila.
"Tita, we're going na." me.. tapos bineso ko sila.
"okay, thank you for coming. Thank you for giving importance on Lawrence' death anniversary."
"tita, he's my bestfriend. And hindi na kayo iba sa akin, I treated you and tito as part of my family"
Hinawakan niya ang isa kong kamay.
"I'm so happy for hearing that from you Aikka. Pero sana.....sana pasayahin nyo rin si Lawrence ko. Yun lang ang aking hiling...I know na ilang taon na rin ang lumipas, sana...maayos niyo na ang di nyo pagkakaintindihan ni Abby." tapos niyakap niya ako.
I felt like I'm crying.
Honestly, namimiss ko rin naman talaga si Abby eh. Since we were young, I considered her not only as my bestfriend but also as a sister. Magkalapit lang naman kasi ang bahay namin noon eh, (not now, kasi lumipat na sila sa isang subdivision na malayo sa amin).
Lagi siyang pumupunta sa bahay namin noon, naglalaro, nagkukwentuhan..... tapos nung maghighschool kami, sabay kaming gumagawa ng assignments. Minsan nga eh sa bahay na siya natutulog para sabay kaming pumasok sa school.
Pero everything has changed.
Yung dating masaya kong buhay...
Napalitan ang lahat ng iyon ng loneliness at kalungkutan.
"si_sige po tita."
Umalis na kami kasi baka tuluyan akong makaiyak doon. Papasok pa naman ako.