下載應用程式
57.2% My Beautiful ... Me / Chapter 254: Mas Masakit Pala

章節 254: Mas Masakit Pala

Simula ng mag start ang review group, hindi na naiisip ni Eunice si Jeremy.

Unti unti ng nanumbalik ang sigla nito at focus na ikinatuwa nila Mel at Kate.

"Josme Sissy, ang pagtuturo lang pala ang hinahanap ng katawan mo para ma relax ka!"

"Kinuwento ko nga kay Tita Ninang, yang pagtuturo nya sa mga classmates nya ayun, tuwang tuwa!"

"Hindi ako nagtuturo, nagrereview kami! Ni rereview ko sila!"

"Ganun din yun!"

"At bakit mo sinabi kay Mommy? Sinabi nya tuloy kay Daddy, ayan tuloy nadagdagan ang trabaho ko!"

Sa kanya na pinahawak ni Edmund ang mga seminars ng kompanya.

Okey lang naman kay Eunice dahil hindi naman ito madalas, kaya lang, naiinis kasi sya dahil sa edad nya maraming hindi sumerseryoso sa kanya.

Gaya ng nangyaring oral at written exam. Dahilan lang sa hindi matanggap ni Patricia na pwede pa lang may mas magaling sa kanya, nadamay tuloy ang buong klase.

Kaya ng hingin ng mga classmates nya ang tulong nya sa pagrereview, sineryoso nya ito.

Tinuruan nya ng husto ang mga ito lalo na sa pagsagot orally. Paulit ulit silang nagreview at nagpraktis.

Kaya hindi man sila naka perfect score, nasa 90 pataas lahat ang nakuha nila.

Kaya marami sa kanila ang naiyak ng makita ang score nila.

Pagkatapos ng exam, nagkayayaan silang kumain para mag celebrate kaya ginabi na si Eunice.

"AJ Dude, pwedeng bang ikaw na ang sumundo kay Sissy! Nagdedate kami ni Kate MyLabs ko at kasama naman nya ang mga classmates nya, nagcecelebrate daw! Tyak na gagabihin iyon!"

"Okey Buddy Mel, papunta na ako!"

Punong puno ng sigla si AJ na nagtungo sa university ni Eunice. Pero bago ito nagtungo, dumaan muna sya sa isang pastry shop para bumili ng favorite cake ni Eunice.

Ngiting ngiti itong pinagmamasdan ang blueberry cake.

"Matutuwa nito si Coffee at malamang magulat din yun, hindi nya alam na ako ang susundo sa kanya!"

Tinawagan nya si Eunice, pero busy ang phone nito.

"Haaay malamang nagpapaka workaholic na naman ang isang yun!"

Tumuloy na sya sa coffee shop.

Malayo pa lang natanaw na nya si Eunice na nakaupo sa labas at may tinatawagan.

"Malamang tumatawag ito ng taxi!"

Pero napahinto sya ng biglang may isang lalaking lumabas galing sa coffee shop at ibinigay kay Eunice ang dala nitong ice coffee.

"Sinong ....."

"Jeremy?"

Tila may tumusok sa dibdib nya ng makita si Jeremy.

"Magkasama sila ni Jeremy?"

Ang naramdaman nyang kirot sa puso nya ay tila kumakalat sa buong pagkatao nya. Hindi sya makahinga.

Alam nya na ang kwento ng dalawa.

Alam na rin nya kung gaano kamahal ni Eunice si Jeremy.

At nangyayari na ang kinatatakutan nyang pagkikita ng dalawa dahil nangyayari na ito ngayon pero ....

'Mas masakit pala'

Tanging nasambit ni AJ.

Mas masakit pala kapag nakita mong kasama ng babaeng pinaka mamahal mo ang lalaking pinakamamahal nya at hindi IKAW yun.

*****

Aminado si Eunice na nakatulong nga ang group review nila ng mga classmates nya sa kanya.

Malaki ang pinagbago nya at bumalik na ang sigla at focus nya. Hindi na muling naghahari sa isip nya si Jeremy.

Kaya ng muli silang magkasalubong sa coffee shop, hindi na sya tulad ng dati na natataranta madinig lang ang pangalan nya.

Masasabing kaya na nyang dalhin ang sarili nya.

Kagaya ngayon na nakaupo sya sa passenger seat ng kotse ni Jeremy.

Kung katulad ng dati malamang natataranta na sya at hindi alam ang gagawin dahil nasa tabi nya ang lalaking matagal na nyang minamahal.

Kalmado na syang nakaupo sa passenger seat kahit kanina pa umaandar ang kotse pero wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.

'Mukhang nakikiramdam sya!'

Ito ang tanging naisip ni Eunice kaya tahimik si Jeremy. Naiilang.

"Kamusta ka na, Jeremy? Kamusta na si Tita Elsa? Kelan ko lang nabalitaan ang nangyari sa kanya, hope she's okey!"

Pagsisimula ni Eunice para mawala ang awkward feeling sa paligid.

"Okey na si Mama, malaki na ang pinagbago ng health nya, halos bumalik na sa dati ang katawan nya!"

Ikaw Eunice, kamusta ka?"

"Eto, ganun pa rin! Wala naman nagbago sa akin!"

Nakangiting sagot ni Eunice.

Pero hindi yun ang nakikita ni Jeremy. Malaki ang pinagbago ni Eunice, malaking malaki!

Mas lalo syang gumanda at mas malaki na ang confident nya sa sarili nya.

Pag nakikita nya ngayon si Eunice, nakikita nya ang Mommy nitong si Nicole na kamukhang kamukha nya sa lahat ng angulo pero may iba pa syang nakikita si Jeremy.

Iba na ito kung tumingin para na syang Daddy nya kung tumingin.

'The air of nobility!'

Madalas sabihin ng Tita nya sa kanya.

'Parang katulad sya ng Daddy nya!'

Parang tumayo ang buhok ni Jeremy sa batok pag naalala nya kung paano sya tingnan ni Edmund.

Hindi na sila muling nagusap ni Jeremy hanggang makarating ito sa old mansion ayaw nyang kulitin si Jeremy baka lalong mailang.

"Thanks Jeremy!"

Sabi ni Eunice ng pababa na sya ng sasakyan.

"Eunice sandali lang!"

"Bakit?"

"Uhm, may gusto kasi akong sabihin!"

"Ano yun Jeremy?"

"Pwede bang .... pwede ba kitang .... "

Hindi matuloy ni Jeremy ang sasabihin nya parang may bumabara sa lalamunan nya.

"Jeremy, ano bang gusto mong sabihin?"

"Eunice, pwede ba kitang maihatid ulit bukas?"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C254
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄