May ngiting bumangon ako sa aking higaan. Nagdasal at nag-ayos muna ako ng aking kinahigaan bago ako dumiretso sa banyo upang mag-ayos.
Inayos ko ang aking buhok at sinigurado ko rin na maputi ang aking ngipin. Pagkatapos niyon ay nagbihis na ako ng aking uniporme.
"Ang gwapo naman tignan ng baby ko ngayon. Binata ka na talaga anak."
Nginitian ko si mama, "Opo naman ma. Mana po kasi ako sa inyo ni Papa."
Ngumiti sa akin si mama. Siguro ay naiisip na naman niya si Papa.
"'Nak, kumain ka na."
"Sa school na po ako kakain mama."
"Sigurado ka ba diyan?"
"Opo ma."
"Oh sige, mag-ingat ka diyan ha?"
Tumango na ako at lumabas na ng bahay. Bago pa ako makalayo sa bahay bumalik ako sa loob.
"Ma, pahiram po ako ng susi ng sasakyan."
"Ha? Bakit?"
"Ma, ang init e. Sige na, please?"
"Sige na nga."
Kinuha niya ang susi sa ibabaw ng refrigerator at ibinato iyon sa akin. Buti na lang at nasalo ko iyon.
"Thank you ma!"
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha?"
"Opo."
***
"Hoy pare! Kanina ka pa nangiti riyan? Para kang tanga." Sabi ni Cress.
"Masama bang ngumiti? Epal ka rin e."
"Alam mo, nakakahalata na ako sa'yo ha. Anong nangyari at ganyan ka na lang ngumiti? Eh, araw-araw kayang gusot 'yang mukha mo."
"Makasabi ka naman ng gusot. Eh bakit ba?" Sinuntok ko siya ng mahina sa may balikat.
"Ang hina. Bakla ka 'no?"
"Lol. Bangasan ko mukha mo, gusto mo?" Saka ko pinorma ang kamay ko na para ko siyang susuntukin.
"Loko. Hindi ka na mabiro. Bakit nga kasi? Nakakainis ka." Tumawa siya.
Tumawa ako ng mahina, "Break na kasi si Light at Helaiah."
"Ano?"
"Break na si Light at Helaiah."
"Kaya naman pala ang lawak ng ngiti mo. Abot hanggang outer space."
"OA mo pre."
"Loverboy ka na naman?"
"Oo ah." Tumawa ulit ako. "Kung maging seryoso ka na kasi kay Serene? Kung mahal mo pa kasi iyang ex mo pare, balikan mo. Akala ko ba chickboy ka? Bakit parang ngayon, ang bait mo na?"
Kumamot siya sa kanyang ulo, "Paano mo nga kasi babalikan iyong taong ayaw na sa iyo diba?"
"'Yan kasi. Karma mo 'yan."
"Loko ka."
Babatukan niya sana ako ngunit tinakbuhan ko siya. Nakakalayo na ako sa kanya nang biglang sumikip ang paghinga ko at parang tatakasan ako ng ulirat. Tumigil ako saglit at napaupo sa sahig.
"Pare, pare, anong nangyayari sa'yo, hoy!"
Agad akong dinaluhan ni Cress at hinawakan ang aking likuran. Ano ang nangyayari?
"P-pare h-hindi ako makahinga."
"Hoy gago. Huwag kang magbiro ng ganyan."
Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. Pakiramdam ko ay wala akong nalalanghap na hangin. Tinignan ko si Cress na may nanlalabong paningin. Pagkatapos niyon ay hindi ko na siya makita at tanging dilim na ang bumalot sa akin.
***
"Cress, ano nangyari rito kay Daime? Bakit nahimatay?"
"Helaiah, hindi ko rin alam. Nag-aasaran lang kami tapos tinakbuhan niya ako. Nang maabutan ko naman siya ay nasa sahig na siya na parang hindi makahinga."
Naalimpungatan ako sa aking narinig kaya iminulat ko ang aking mata. Bumaha sa lugar ang liwanag at nakita ko sila Helaiah at Cress na nag-uusap. Ibinangon ko ang aking sarili at sinubukan lumanghap ng hangin. Maluwag naman na ang paghinga ko. Baka inatake na naman ako ng hika.
"Hoy, kayong dalawa. Ang ingay niyo naman e. Alam niyo namang natutulog 'yung tao." Sabay silang napatingin sa akin.
Tumakbo kaagad sa akin si Helaiah at niyakap ako, "Ano bang nangyari sa'yo ha, bes? Nakakaasar ka. Pinag-/alala mo ako."
"Ha? Wala. Joke ko lang iyon." Tumawa ako nang mahina.
Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin. Pakiramdam ko ay hindi na naman ako makahinga. Pero alam ko ang pakiramdam na 'to. Ito 'yong pakiramdam na nagmamalasakit ang taong mahal ko ngunit ang turing sa akin ay kaibigan lamang. Ito 'yong sakit na iyon at sanay na ako rito.
Tinignan ko siya, "Itigil mo nga 'yan. Huwag mo ako yakapin nang sobrang higpit. Hindi ako makahinga."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin, "Hindi ka na naman makahinga? Gusto mo bang tawagin ko 'yong nurse?"
Tinignan niya ako. Mata sa mata. Tumigil ang pag-ikot ng mundo. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Bumalik ang lahat nang may biglang humawak sa aking balikat.
"Hoy, tama na 'yang titigan niyo 'pag-isa ang natunaw sa inyo, malay ko na lang." Sabi ni Cress.
Sinimangutan ko siya. Agad namang tumayo si Helaiah na parang nahihiya sa sinabi ni Cress.
"Ah, Daime, mauuna na ako ha? Baka ma-late ako sa klase. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko na lang kay Sir ang nangyari sa'yo."
Nginitian ko siya, "Salamat." At nginitian niya rin ako.
"Cress, samahan mo muna si Daime dito ha? Ipapaalam ko na lang din na sinamahan mo siya rito."
Tumango lang si Cress. Mula sa upuan ay kinuha ni Helaiah ang kanyang bag saka tinungo ang pintuan. Bago siya umalis ay tumingin muna siya sa aming gawi saka ngumiti.
Humiga sa may paanan ko si Cress at tinignan ako.
"Huwag mo akong titigan. Mukha kang manyak sa ginagawa mo."
Ngumiti siya nang nakakaloko saka niya nilagay ang kanyang kamay sa aking tuhod paakyat sa aking maselan na bahagi ng katawan. Nabigla ako sa ginawa niya kaya bigla ko siyang nasipa.
"Tangina pare, ang sakit naman!" Hinaing niya sabay himas sa kanyang ulo.
"Bakla ka no?"
"Gago! Di ka naman mabiro riyan. Mukha kasing ang saya-saya mo kaya inisip ko na takutin ka."
"Takutin? Gago."
"Sorry na pare. Joke lang naman e."
Nilapitan niya ako saka niyakap. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko mapigilang hindi mapailing.
"Pare, kadiri huwag mo ako yakapin mukha kang bakla."
"Lol. Nga pala Daime, sabi mo kanina break na si Helaiah at Light? Bakit hindi mo ligawan si Helaiah?"
"Kung madali lang iyang sinasabi mo pare, ginawa ko na sana. Pero, hindi naman ganon kadali e. Kapag ginawa ko iyon, baka masayang ang pagkakaibigan namin."
"Hay nako! Kaya nga you should do some risks para sa minamahal mo diba?"
"Eh bakit hindi mo gawin kay Serene?"
Natahimik siya bigla. Napayuko siya sa sinabi ko. Alam ko naman na mahal niya pa si Serene. Pero, may mahal nang iba si Serene. Kawawang Cress.
"Anong gusto mong pagkain?"
"Libre mo?"
"Oo."
"Kahit ano na pare. Iyong tingin mo na healthy. Sige, iyon na lang ha?"
"Sige."
Pagkaalis ni Cress ay kinuha ko ang aking bag at mula roon ay kinuha ko ang notebook na sinusulatan ko ng aking nararamdaman.
Dear Bes,
Hello! Ako na naman ito. Sumusulat. Ilang pahina ba ang gusto mong mabasa? Siyempre iyong maikli lang. Alam ko naman na tamad kang magbasa. Itong araw na ito ay may halong sakit at saya. Una, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina, baka inatake na naman ako ng hika. Pero parang may kakaiba. Pangalawa, gusto ko ipaalam na masaya ako na break na kayo ni Light. Masayang-masaya ako kasi baka may pag-asa na itong nararamdaman ko para sa iyo, pero mukhang hindi mangyayari. Pero, sinasabi ko sa iyo na lagi lang akong nandito. Kung wala mang sasalo sa iyo, I'll catch you.
Nagmamahal,
Bes
— 新章節待更 — 寫檢討