"Bes! Anong sagot dito?" Pabulong na sabi sa akin ni Helaiah.
Tinignan ko siya, kahit kailan talaga hindi nag-aaral ang isang 'to. Alam na nga lang niya na may long quiz ngayon pero nagpuyat pa rin siya para lang makausap ang kanyang nobyo.
"18." Mahina kong sabi.
"Sigurado ka ba?"
"Oo, parang wala ka namang tiwala sa akin e."
"Okay." Sagot niya lang.
"Last 2 minutes." Sabi sa amin ng aming guro.
Nanlaki bigla ang mata ni Helaiah sa narinig. Natatawa ako sa naging reaksyon niya ngunit hindi ko kayang tumawa ng malakas sapagkat baka mapagalitan ako.
"Bes, konting tulong naman diyan oh." Bulong niya.
"Kaya mo na 'yan ano." Pang-aasar ko pa sa kanya.
Tinignan niya lang ako ng masama saka niya binalik ang kanyang atensyon sa hawak na calculator.
Kahit kailan talaga ay natutuwa ako sa kanya lalo na rito sa subject namin na Math. Siya kasi 'yong tipo ng taong ayaw sa numero. She really hates it.
"Okay class, please pass your papers."
Wala naman nang nagawa si Helaiah kaya ipinasa na lang niya ang kanyang papel. Sigurado ay konti lamang ang nasagutan niya roon.
"Class dismissed."
Nag-ayos na ako ng gamit bago ako lumapit kay Helaiah.
"Kumusta naman ang quiz ng bes ko?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Alam mo Daime?"
"Hindi pa."
"Alam mo ba na nakakainis ka? Ni hindi mo man lang ako pinakopya. Ang daya mo talaga."
"Ako pa ngayon madaya? Eh ikaw nga 'tong nagpupuyat para makausap 'yang forever mo. Kung nagreview ka sana, diba?"
"Tse! Kahit na ano."
"Move-on. Saan mo balak kumain?"
"Ay sorry Daime, hindi kita masasamahan ngayon kasi kakain kami ni Light ngayon sa labas. May sasabihin daw siya sa aking importante."
Bumuntong hininga ako, "Ah sige. Mauna na ako."
Ngumiti lang siya sa akin. Tumalikod ako saka naglakad palabas ng room. Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Napangiti na lang ako. Pupunta na lang ako sa lugar kung saan tahimik at walang iistorbo sa akin.
***
Binaba ko ang mga gamit ko sa lapag. Mula naman sa aking bag ay kinuha ko roon ang aking mahalagang notebook. Magsusulat na lamang ako. Binuksan ko iyon at dinama ko ang malamig na dampi ng hangin sa akin.
Dear Bes,
Musta na? Haha. Parang hindi naman tayo nagkikita. Alam ko naman na okay ka e. Pero alam mo? Ang lungkot ko. Paano ba naman? Lagi mo na lang kasama 'yang boyfriend mo. Kapag magkasama naman tayo puro siya ang bukambibig mo. Bes, alam mo ba na namimiss na kita? Siguro hindi mo nararamdaman kasi nga po kasama mo 'yong taong nagpapangiti sa'yo. 'Yong taong nagpapaligaya sa'yo. Alam ko naman na bes mo lang ako pero nakakaselos din minsan. Grabe bes, dati sinasamahan mo pa ako dito sa tinatambayan natin. Pero ngayon, hindi na. Bes, namimiss mo rin ba ako gaya nang pagkamiss ko sa iyo?
Nagmamahal,
Bes
Pagkatapos kong magsulat ay itinago ko na ang aking notebook sa aking bag. Kumuha naman ako ng isang pirasong sigarilyo at sinindihan iyon. Kapag malungkot ako, ganito na lang ang aking ginagawa. Hihithit ng sigarilyo para naman kahit papaano ay mabawasan ang aking lungkot.
Matagal ko ng bes si Helaiah. Nasa elementary pa lang kami noon ng una kaming magkakilala. Paano ko siya nakilala? Nakilala ko siya kasi siya 'yong pinagtritripan ng mga bata sa school. That time ay inagawan siya ng lollipop. Iyak siya nang iyak. At dahil sa sobrang inis ko dahil sa kanya ay binawi ko sa mga batang ungas na iyon ang kanyang lollipop. Hindi ko nga alam noon na bigla na lamang akong makakaramdam nang iba sa kanya. I thought it was normal, but time passed and I knew it was different.
Natutunan ko siyang mahalin. 'Yong physical aspects niya, emotional aspects and even 'yong kabaliwan side niya. Never akong nag-confess sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag sinabi ko 'tong nararamdaman ko sa kanya ay magbago ang lahat. 'Yong ilang taon na iningatan ko o namin ay baka mawala na lamang nang basta-basta.
Kinuha ko 'yong phone ko sa aking bulsa. 1PM. Time na, papasok na ako. Baka mapagalitan na naman ako dahil sa late na naman ako.
Buti na lang at pagdating ko sa room ay wala pa ang aming teacher. Umupo ako sa aking upuan at tinignan ko ang katabi ko. Si Helaiah.
Hindi ko napansin na narito na siya. Tuwing hindi kasi kami magkasabay ay lagi akong nauuna sa kanya. Kaya kung late ako mas late siya sa akin.
"Psst."
Ni hindi man lang niya ako nilingon. Nakayuko lamang siya at nakatingin sa may sahig. Tinitigan ko siya, parang kagagaling lamang niya sa pag-iyak.
"Hoy!" Tawag ko ulit ngunit parang wala lamang siyang naririnig.
Bahala nga siya.
Lumipas ang oras at uwian na. Sa ilang oras na katabi ko siya ay hindi man lang niya ako inimik. Parang lumilipad ang kanyang isip. Wala rin sa atensyon niya ang pag-aaral. Ilang ulit siyang tinawag upang mag-recite ngunit hindi niya nasagot kahit isa man doon.
"Sabay na tayo? Libre kitang ice cream para naman mawala 'yang nararamdaman mo." Pahayag ko saka hinawakan ang kanyang kamay.
"H-Hindi na, kailangan ko na umuwi e. Sige Daime, una na ako."
Sinuot na niya ang kanyang bag at iniwan ako. Ano kaya ang problema non?
Umuwi na lang din ako dahil wala naman akong pupuntahan at parang tinamad na lang ako bigla. Pagkauwi ay sinalubong ako ni Mama.
"'Nak, musta pag-aaral?" Tanong niya.
"Okay lang naman po ma."
"Gusto mo bang mag-meryenda muna?"
"Hindi na ma. Mamaya na lang po ako kakain. Taas na lang po muna ako sa kuwarto ko."
"Sige 'nak. Tawagin na lang kita mamaya. Okay?"
"Sige ma. Thank you."
Nakatulog ako saglit at maya-maya ay ginising ako ni Mama upang kumain. Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng plato at muling dumiretso sa aking kuwarto.
Agad ko namang kinuha ang aking cellphone at nagbrowse sa aking Facebook.
Naagaw ng post ni Helaiah ang aking atensyon.
Wala nga kasing forever kaya nagbreak kami.
Kaya siguro wala siya sa sarili kanina dahil nagbreak sila. Pero, nagbreak nga kaya sila? Sana oo. Agad akong nagcomment.
Bes, upakan ko na?
Wala pang ilang segundo ay agad siyang nagcomment.
Huwag na bes, PM kita.
Hinintay ko siyang mag-PM at hindi naman ako nabigo dahil nag-PM siya agad.
Helaiah: Bes!
Daime: Oh?
Helaiah: Break na kami bes :(
Daime: Anong gusto mong gawin ko? Patayin ko?
Helaiah: Ay grabe ka naman! Makapatay naman `to. Hindi naman, magtatanong lang ako kung paano ako magmomove-on neto.
Eh baliw din 'to e. Move-on agad eh wala pa namang ilang oras nong nagbreak sila. Hay.
Daime: Mahalin mo ako. Joke. HAHAHA.
Helaiah: Sira! Gusto mo yatang ipunta kita sa planet Yekok? Seryoso ako dito e.
Daime: Hindi ka naman mabiro. Haha. Ah! Alam ko na! Namnamin mo muna iyang pagiging heartbroken mo. HAHAHAHA.
Helaiah: Pakyu ka po. ./. Tulog na nga ako! See you sa school bukas bes! Goodnight :)
Daime: See you rin bes! :) Night night :D
Hindi talaga joke 'yon. Mahalin mo na lang kasi ako bes. Ako na lang kasi, pangako na iingatan ko ang puso mo.
Bukas ay makikita ko ulit siya sa school. Susubukan kong pasayahin siya. Ito na yata 'yong pinakamasayang gabi ko. This is the best night ever!