下載應用程式
63.07% The More You Hate, The More You Love / Chapter 41: Chapter 41

章節 41: Chapter 41

Mula Noon Hanggang Ngayon

Unknown

Noong tayo ay mga musmos pa

Magkasalubong lang sa kalsada

Di ko inakala na ika'y mamahalin

Iwas tingin ngunit may sulyap din

Matagal na panahong hindi ka nakita,

Inakalang lumipat ka at di magkita

Umaasang dadaan sa aming tahanan

Tila ika'y talang di ko masulyapan

Ang hindi inaasahang pagtatagpo

Dito sa PLM parehong nagtungo

Doon nagsimula na mayro'ng nabuo

Hindi baby ngunit pag-ibig na totoo.

Isang taon na tayong magkasintahan

Di ako magsasawa, iyong asahan

Nandito lamang ako para sa'yo

Ganyan ka rin sana sa'kin, mahal ko.

Salamat sa pagmamahal na inalay mo

Wag kang mag-alala ito'y susuklian ko

Salamat sa pag-aarugang bigay

Buhay ko ay sa iyo lang iaalay.

"Toby Ayala, what do you think of him?" Bungad ni Levi sa mga kaharap. "I think it's not the right time to talk about him." Sabi ni Nico na nakatingin kay Hayley. "We need to talk about the people we are linking about the things that's happening to her." Sabi ni Holden. "He's right. Paano tayo makakagalaw kung hindi natin kikilalanin ang bawat isa sa kanila." Sabi ni Grey na kababalik lang galing hospital.

Normal ang lahat ng test na ginawa sa kanila nila Jacob, Ashley at Lily kaya bumalik na din sila sa Kleid matapos ang full body check up na ni-request ni Nico.

"Sabi ni Rod dalawang tao lang naman ang dapat natin imbestigahan but I doubt it." Kumunot ang kanilang mga noo sa sinabi ni Jacob. "What are you saying?" Takang tanong ni Nico. "She's a well-known figure beside the fact that she's beautiful and..." Tiningnan muna ni Jacob si Nico bago nito pinagpatuloy ang pagsasalita. "We must consider a stalker or a die hard fan." Patuloy ni Jacob.

"Hindi naman ako artista para magkaroon ng stalker or fan?" Nakangiting sabi ni Hayley pero alam ng mga kaharap niya na pilit lang niyang pinapagaan ang sitwasyon. "It's alright if you don't want to talk about this now, we still have time." Sabi ni Nico. "No, we don't." Gustong batukan ni Nico si Levi dahil sa sinabi nito. "Noong una ay mga warnings lang but this last thing was not. The accident could cause her life and you know that Nico because you already experienced things like these." Sabi ni Levi. "Levi, for once, will you..." Hindi natapos ni Nico ang sasabihin dahil hinawakan siya ni Hayley sa kamay. Ramdam ni Nico ang panlalamig ng dalaga kaya mahigpit niyang hinawakan din ang mga kamay nito. Kung nasa maayos lang silang sitwasyon ay tutuksuhin ni Levi ang binata dahil ngayon lang niya ito nakitang mag-alala sa isang babae.

Bumuntong-hininga si Hayley bago nagsalita. "Toby was my ex-boyfriend. We parted our ways badly pero during our relationship, he's been a good boyfriend to me." Gustong magselos ni Nico sa nadinig pero alam niyang kinikwento lang naman ni Hayley ang nakaraan nila ng lalaki. "I've heard rumors about his flirting but he's always giving me assurance na puro kalokohan lang iyon. He's been a gentleman but sometimes he's taking advantage..." Naramdaman ni Hayley na dumiin ang hawak sa kanya ni Nico dahilan para mangiti siya ng lihim. "Pero he's always failing on things he wanted to do with me because ako na mismo ang lumalayo and he will not insist it anymore." Nakahinga ng maluwag si Nico sa nadinig mula sa dalaga. "And recently, I saw him with another girl and that ends everything between us." Sabi ni Katherine.

"And that girl is...Brittany Santiago?" Tanong ni Levi at tumango si Katherine. "Do you know her?" Tanong ni Holden. "Not personally. I knew na model siya ng Vestido." Sagot ni Katherine. "According to our information, she was an orphan. She first applied as a model here at Kleid but she was not accepted so tried her luck at Vestido." Sabi ni Grey. May inabot na picture si Jacob kay Hayley na kinakunot ng noo ng dalaga. "Who's this?" Takang tanong ni Hayley. "That's Brittany." Tumingin si Hayley kay Levi na parang hindi makapaniwala. "That was her before she undergo full body lift surgery. And this is her now." Inabot naman ni Holden ang isa pang picture ni Brittany. "She did change a lot." Sabi ni Nico na nakatingin din sa pictures ng dalaga. Pilit inalala ni Hayley ang mukha ng dalaga pero hindi niya talaga maalala ang mukha ni Brittany na isa sa mga naging applicants ng Kleid.

"Sa ngayon, 'yan lang muna ang mga leads natin sa kanila but we will continue digging." Sabi ni Levi. "Where's your phone?" Tanong ni Holden kay Hayley. Tumingin ang dalaga kay Nico at ng tumango ito ay binigay ng dalaga ang phone kay Holden. Nang mailagay na ni Holden ang tracking device sa phone ay ibinalik na niya ito sa dalaga.

"Just continue your daily routine. Huwag mo kaming intindihin though I know our handsomeness will bug you a lot but just pretend you don't know us." Nangiti si Hayley sa sinabi ni Grey. "We will be tailing you 24/7 so don't worry about anything. You'll be safe with us but of course not from him." Tiningnan naman ng masama ni Nico si Jacob dahil sa sinabi nito. "If you notice someone suspicious, tell us immediately. Don't ever leave the place without a companion but I'm sure he will not let you go alone." Nakangising sabi ni Levi na nakatingin kay Nico. "Bakit kaya hindi n'yo pa ako isama sa lists n'yo tutal naman ako ang pinupuntirya ninyo dito ngayon." Natawa ang apat dahil napikon na si Nico sa pang-iinis nila.

"Hey, where are you going?" Biglang nataranta si Nico ng makitang tumayo si Hayley. "Sa washroom, sama ka?" Tanong ni Hayley na may ngiti sa labi. "Pwede?" Tanong ni Nico na nagpasimangot kay Hayley. "Get lost!" Inis na sabi ni Hayley pagkatapos ay dumiresto na sa CR.

"Let's split up. I'll stay with the two of them. Holden, team up with Rod. Search everything about our targets. Grey, Toby is yours. Jacob, go behind Brittany." Sabi ni Levi at tumayo na ang tatlo para simulan ang sinabi ng kanilang head.

Paglabas ng CR ay nagtaka si Hayley ng sila Nico at Levi na lang ang nakaupo sa couch. "Nasaan sila?" Takang tanong ng dalaga. "Doing their jobs." Sagot ni Nico. "Talaga bang mga bodyguards lang kayo?" Tanong ni Hayley na nagpangiti kay Levi. "High caliber bodyguards." Sagot ni Levi. "High caliber my foot." Sabi ni Nico na nagpatawa kay Levi. "Well, mga ex convict kami na binayaran ni Tito Leo to guard this brat." Nakangising sabi ni Levi. "Ex...con...vict...?" Parehong natawa sila Nico at Levi sa pagkakautal ni Hayley.

"Just joking. We're detectives slash bodyguards." Sabi ni Levi na dahilan para makahinga ng maluwag si Hayley. "Ahh, okay. Anyway, iwan ko muna kayo. I want to see my friends." Sabi ni Hayley pero kumunot ang noo niya ng sabay ding tumayo ang dalawang lalaki. "I'm inside the building so escorting me is not really needed, Levi." Sabi ni Hayley. "I'll just roam around the area but this brat will surely be the toughest bodyguard you'll ever had." Sabi ni Levi na nakatingin kay Nico. "Nic...you..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin ng mauna na ang binata na lumabas. Sumunod na lang ang dalaga na iiling-iling. Alam niyang hindi niya kakayanin ang tigas ng ulo ng binata.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C41
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄