Kahit Saan
by : Jose Corazon de Jesus
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang biglang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo...
Irog, iya'y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika'y awitan sa gabing malalim...
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama'y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya'y ako, Mutya!
Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga,
isang paru-paro ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na...
Iya'y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka't sa matang luhaan
ng Kristo'y may isang luhang nakasungaw,
kungdi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian...
Yao'y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totoong nagmamahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga't doon, asahan mong...
magkikita tayo!
Kumakain ng umagahan sila Hayley, Ashley, at Lily ng may nadinig silang mga katok sa pinto ng kanilang unit. Si Hayley ang tumayo at nagbukas ng pinto.
"Morning!" Nakangiting bati ni Nico sa dalaga. "Mor..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin sa binata ng pumagitna sa kanila si Levi. "Good morning, Miss Beautiful!" Masiglang bati ng lalaki na kinakunot ng noo ng dalaga. "Pwedeng bang maki-almusal? Wala kahit anong laman ang ref ng lalaking 'to." Sabi ni Levi sabay walang sabi-sabing pumasok sa loob ng unit dahilan para umikot ang mga mata ni Nico. "Dude, mahiya ka naman!" Sabi ni Nico sabay hila sa kwelyo ni Levi. Natawa si Hayley dahil nabitin ang tangkang pagpasok ni Levi sa loob. "Holden, will you get this man? Have your breakfast downstairs." Sabi ni Nico. "Well, I will only get out from your sight kung ipapakila mo ako sa magandang dalagang ito. Ooohhh la la, sa mga magandang dalaga pala." Sabi ni Levi ng makitang sumilip na din sila Ashley at Lily.
"Wait, parang familiar kayo. Nagkita na ba tayo somewhere?" Sabi ni Hayley ng mapagmasdang mabuti ang apat na lalaki sa harapan nila. "Girl, mabuti pa ay patuluyin mo muna sila. It's really rude kung dito tayo sa pinto magkwekwentuhan." Sabi ni Ashley na halatang nagpapacute sa mga gwapong kaharap. "Yeah, I like that." Sabi ni Levi at nauna ng pumasok sa loob. Iiling-iling naman sila Holden, Grey, at Jacob na sumunod sa lalaki. Nag-apir naman sila Ashley at Lily at walang sawang pinagmasdan ang mga sexy back ng mga bodyguards.
"Who are they?" Bulong na tanong ni Hayley kay Nico. "Nuisances." Nakangiting sabi ni Nico na talagang pinadinig sa apat ang sinabi niya sa dalaga. "Handsome nuisances!" Nakangising sabi ni Levi na naka-upo na sa sofa. "Coffee? Juice?" Tanong ni Lily. "Nah, I was only joking kanina. We had already an early breakfast before going here." Sagot ni Levi. "So, who are you, guys?" Tanong ni Ashley. Tumingin si Levi kay Nico.
"They are my bodyguards. You saw them sa reastaurant and in Tagaytay." Sabi ni Nico na kay Hayley nakatingin. "Yeah, I remembered!" Sabi naman ni Hayley. "I know it's late but thank you." Dugtong ni Hayley. "You're welcome. Gagawin naman ang lahat for our future sister-in-law." Sabi ni Levi na nagpapula sa mukha ni Hayley at nagpakilig naman kila Ashley at Lily. "Pero bakit kayo nandito? I mean, my problema ba?" Tanong ni Hayley. Nagkatinginan ang limang lalaki.
"Ah, there's nothing wrong. We just want to meet you personally." Sabi ni Levi. "Me?" Tanong ni Hayley. "Yeah, we want to see the girl who captured Nico Bermudez's heart." Nakangising sabi ni Levi dahilan para mamula si Hayley at umikot ang mata ni Nico.
"Anyway girls, madalas na tayong magkikita. 24/7 to be exact so better prepare yourselves for our round-the-clock handsomeness." Sabi ni Levi sabay kindat sa tatlong dalaga.
Sa Hummer pinasakay ng binata si Hayley kasama si Levi at Holden samantalang sa FJ Cruiser naman ng dalaga sila Ashley at Lily kasama sila Grey at Jacob. Noong una ay ayaw ng dalaga pero ng tangkang bubuhatin siya ni Nico ay wala siyang nagawa kungdi sundin ang gusto nito.
"Okay naman na 'yung FJ ko 'di ba?" Tanong ni Hayley at tumango si Nico. "Bakit kailangan dito pa ko sumakay eh kaya ko naman mag-drive." Patuloy ng dalaga. "Because I want to." Sagot ni Nico na nagpataas ng kilay ni Hayley. Tahimik lang sila Levi at Holden sa likod. "Look, Nico, hindi lahat ng gusto mo ang masusunod. Yes, you are my boss pero I have the right na tanggihan ka." Sabi ni Hayley. "Let's see." Sabi ni Nico. "What!?" Inis na tanong ni Hayley. "Hep! Hep! Hep! Bago pa matuloy 'yan sa lover's quarrel eh...shit!" Napamura si Levi ng makita sa rearview ang FJ Cruiser ng dalaga na dumiretso sa isang puno. Biglang nagpreno si Nico ng makita din kung ano ang nangyayari sa likod. Itinabi ng binata ang Hummer nito saka dali-daling bumaba at pinuntahan ang sasakyan.
Namutla si Hayley ng makita ang nangyari. Nangangatog niyang tinakbo ang mga kaibigan. Buti na lang at nagawan ng paraan ni Grey na siyang may hawak ng manibela na huwag maging malakas ang impact nila sa puno. Nang maramdaman ni Grey na walang preno ang sasakyan ay itinaas niya agad ang handbreak nito at kinabig ang manibela ng makita ang puno. Salamat sa seatbelt at air bag, hindi sila masyadong nasaktan.
"Ashley!? Lily!?" Sigaw ni Hayley sa mga kaibigan. "My gosh, Ley, hindi nga kami namatay sa car accident, sa lakas naman ng boses mo kami mabibingi." Sabi ni Ashley. Biglang niyakap ni Hayley ang dalawang kaibigan. Nang maramdaman ng dalawa ang paghikbi ni Hayley ay niyakap na din nila ang kaibigan. "Hey, we're okay. Stop crying." Sabi ni Lily. "Hindi ba kayo nasaktan?" Nag-aalalang tanong ni Hayley. "Nope, thanks to Grey, alam niya agad ang gagawin. Kung ikaw ang nag-drive kanina baka nasa langit na tayo... Aray!" Sabi ni Ashley na makatanggap siya ng isang hampas sa balikat mula sa kaibigan.
"Ashley, Lily." Tawag sa kanila ni Nico. "Yes, Mr. President." Sabay na sabi ng dalawa. "Go with Grey and Levi sa hospital for full body check-up." Sabi ni Nico. "Pero okay naman po kami." Sabi ni Lily. "I will not take a NO for an answer." Seryosong sabi ni Nico na nagpatango sa dalawa. "And for you, come with me." Sabi ni Nico sabay hila kay Hayley. Nagtaka si Hayley ng hindi sila sa Hummer ng binata sumakay kungdi sa isang Chevrolet Express 3500 minivan. "Things that money can buy." Bulong ni Hayley sa sarili.
"That's the reason why I don't want you to ride your FJ!" Nagulat si Hayley sa taas ng boses ni Nico. "Kung ikaw ang nakasakay doon, sa tingin mo saan ka pupulutin ngayon?" Nangingiti ng lihim si Levi sa itsura ni Nico. Si Holden naman ay tahimik na nagda-drive papunta sa Kleid. Si Hayley naman ay biglang natameme. Nakahinga lang siya ng maluwag na tumunog ang phone ng binata at nawala ang atensyon nito sa kanya.
"We're okay, dude. I've sent Ashley and Lily together with Grey and Jacob to have full body check-up. She's fine. She's with me. Tell Rod what to do." Yun lang at binaba na ni Nico ang phone niya na ang kausap ay si Dashiell. As usual ay trending topic na naman ang accident dahil sa mga uploads ng mga nakakita sa nangyari.
"You're making my head ache, Miss Hayley Acosta!" Sabi ni Nico na nakatingin sa dalaga. "Which head?" Sabat naman ni Levi dahilan para tingnan siya ng masama ni Nico. Nag-peace sign ang bodyguard at tumingin na sa harap.
"Someone is trying to hurt you, Ley. From the flat tire, the scratches, and now the brakes." Nakita ni Nico kung paano nanlaki ang mata ng dalaga at mawalan ng kulay ang mukha nito. Tinabihan niya ang dalaga at saka niyakap ng mahigpit. "Don't worry, I won't let him or her hurt you." Bulong nito habang hinahagod ang likod ni Hayley.