下載應用程式
10.57% BACHELOR'S PAD / Chapter 11: Chapter 9

章節 11: Chapter 9

PAGOD na pagod si Daisy nang makauwi sa bahay kinagabihan. Mag-aalas-siyete na siya umalis ng opisina at siya ang huling umalis. Paano, hindi pa niya napapangalahating basahin ang mga papeles na ipinapagawa sa kanya. Ang dami kasing iniutos sa kanya. Ang hirap palang maging assistant. Lalo na at hindi siya sanay na inuutusan.

Hinubad niya ang sapatos na suot at umupo sa kama. Hinimas niya ang mga sakong at napangiwi. Masakit pa rin talaga ang mga iyon.

Biglang sumagi si Rob sa kanyang isip.

"Next time, wear flats. I'm sure may battle shoes ka na hindi mapupuwersa ang mga paa mo."

Nahihirapan talaga siya na basahin ang lalaki. Tila palaging naninita at nag-uutos ang tono. Subalit maingat naman ang paghawak nito sa kanyang siko kanina. At hindi niya makalimutan ang kislap sa mga mata ni Rob. May binuhay iyong kakaibang pakiramdam sa kanya na noon lamang naramdaman sa buong buhay.

May naisip si Daisy. Kinuha niya ang i-Pad mula sa bag at ini-on. Pumunta siya sa Google search. She typed Rob Wildflowers sa search engine bar. Bumungad sa image results ang larawan ni Rob at mga artikulo na naka-highlight ang pangalan nito. "Robert Mitchell" pala ang buong pangalan ng lalaki.

Namilog ang mga mata ni Daisy nang malaman kung sino si Rob. He was the infamous manager of Wildflowers, ang nasa likod ng kasikatan ng bandang naging pride ng Pilipinas dahil sumikat nang husto sa buong mundo.

Subalit maliban doon at sa mga pangalan ng iba pang sikat na musicians na dumaan sa mga kamay ni Rob, wala nang ibang impormasyon tungkol sa lalaki. Ang mga larawan nito sa Internet ay pulos stolen shots lang. Palaging hindi ito nakatingin, palaging nasa background. Yet he still stood out. Bakit pinili ni Rob na maging manager kahit sa tingin ni Daisy ay puwede itong maging celebrity?

Napahinto ang kanyang mga daliri sa paggalaw nang may makitang larawan ni Rob na nakatingin sa kung sino mang kumuha niyon. Mukhang inis ang lalaki at matalim ang titig sa screen. His eyes were blazing. Ang mga labi ay mariing magkalapat. Subalit sa lahat ng larawan ni Rob sa Internet, sa larawang iyon na-capture ang Rob na nakita niya sa personal—drop-dead gorgeous, powerful, authoritative, and a little controlling.

Napasinghap si Daisy at tila napasong binitawan ang i-Pad nang ma-realize na masyado na siyang matagal na nakatitig sa larawang iyon. "Oh, my God, why am I ogling his picture?" manghang bulalas niya.

Muli niyang kinuha ang i-Pad para i-off na sana, subalit nang makita uli ang larawan ni Rob ay hindi naman niya maigalaw ang mga daliri upang alisin iyon sa screen. Sa huli, naiinis sa sariling muli niyang inilapag sa kama ang i-Pad bago tumayo.

Hinayaan ni Daisy na nasa screen ang larawan ni Rob hanggang matulog siya.

ALAM ni Daisy na nagulat ang kanyang mga kasama sa opisina nang pumasok siya pagsapit ng Lunes. Dahil wala silang pasok ng Linggo, nagtungo siya sa suking salon at pinakulayan ng dark brown ang kanyang buhok. Pinagupitan din niya iyon, hanggang balikat na lang ang haba. Hindi na kapansin-pansin ang kanyang buhok tulad nang dati.

Pati ang pananamit ay binago ni Daisy nang kaunti. Naka-flat boots siya dahil nakabenda sa loob ang kanyang mga sakong, skinny jeans, at puting blouse na pinatungan niya ng blazer. Branded pa rin naman ang kanyang mga suot subalit mas simple na ngayon ang kanyang outfit, hindi katulad noong nakaraang linggo. Ang hindi lang niya pinalitan ay ang pagdadala ng mamahaling bag. Sa araw na iyon, LV bag ang gamit ni Daisy. Kung pati kasi iyon ay tatanggalin, baka hindi na niya kakayanin.

Naisip kasi niya, para maging maayos ang kanyang trabaho, dapat ay matanggap siya ng mga katrabaho. Ngumiti siya. "Good morning!"

Mukhang na-caught off-guard ang mga ito pero alanganin pa ring gumanti ng bati. Pumuwesto si Daisy sa kanyang mesa at napangiti nang makitang wala na ang mga papeles na nakatambak doon last week. Natapos na niya ang mga report noong Biyernes pa at walang naireklamo si Lottie Estupin.

Pagkapananghali, desidido na siyang yayaing mag-lunch ang mga kasama sa opisina nang biglang dumating si Lottie. Ang alam ni Daisy, galing ang babae sa meeting para sa isang charity event na gagawin ng TV8 Foundation. Base sa ekspresyon sa mukha ni Lottie ay hindi maganda ang nangyari sa meeting.

"Dapat yata ay magbago na tayo ng plano. Iba na lang ang imbitahan natin para sa benefit concert," malakas na sabi nito, halatang frustrated.

"Ayaw pa ring pumayag ng Wildflowers?" tanong ng isa na "Remi" ang pangalan.

Naging alerto si Daisy sa pagbanggit ni Remi sa Wildflowers at napatingin siya kay Lottie. "Benefit concert?" hindi nakatiis na tanong niya.

Tumingin si Lottie sa kanya. Nakita niya na sandaling nagdalawang-isip ito kung sasagutin siya bago nagsalita. "Kada taon ay may malaking benefit concert na ginagawa ang TV8 Foundation. I'm sure, alam mo ang tungkol doon. This year, our target is to invite Wildflowers. Pero kahit ilang letter of invitation ang ipadala namin sa Diamond Records ay tumatanggi sila dahil daw sa conflict of schedules ng mga miyembro. This is supposed to be a huge project. Pagkakataon sana ito para mas makakuha ng malaking pondo na gagamitin sa planong pabahay para sa mga nasalanta ng bagyo." Marahas na bumuntong-hininga si Lottie.

Biglang may naisip na ideya si Daisy. Kung isa ngang malaking proyekto ang sinasabi ni Lottie at kung matagumpay na magawa ng Foundation ang proyekto, siguro naman ay makikita ng board of directors at ng kanyang papa na seryoso talaga siya sa kanyang ginagawa. Gusto niya ang proyektong iyon.

Tumayo si Daisy. "Can I read the proposal for that project?" tanong niya kay Lottie.

Halatang nagulat ito. "Bakit?"

"Ang sabi mo, malaking project ito kaya hindi tayo dapat sumuko. Kung conflict sa schedule nila, kailangan lang natin silang makausap para maayos ang schedule."

Mukhang duda si Lottie. "Hindi ko nga sila makausap dahil sa sulat pa lang ay tumatanggi na sila."

"I will talk to them," confident na sagot ni Daisy. "Put me in charge of this project… please." Idinugtong niya ang huling salita dahil aware siya nagtunog-pautos ang kanyang pagkakasabi. Hindi niya mapigilan dahil mas sanay siyang nagde-demand kaysa nakikiusap. Pero hindi pa naman huli ang lahat upang baguhin iyon, hindi ba?

Saglit na tila nag-isip si Lottie. Alam ni Daisy na wala itong tiwala sa kanya. Hell, alam niya na walang tiwala ang lahat ng tao na mayroon siyang kayang gawin. Bakit ba palaging iniisip ng iba na kapag socialite ay walang utak? It was offending. Sinalubong niya ang tingin ni Lottie at ipinakitang seryoso talaga siya.

Mayamaya ay tumango ang babae. "Okay. Ikaw ang ia-assign ko para sa benefit concert. You can ask for everyone's help here."

Nahigit ni Daisy ang paghinga at hindi napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi. "Thank you." Napansin niya na napamaang si Lottie sa kanya, gayundin ang iba pang kaopisina. Kaya lalo siyang napangiti. Ipinangako ni Daisy sa sarili na gagawin niya ang lahat upang maging matagumpay ang benefit concert gamit ang kakayahan at ang tulong ng lahat ng taong naroon.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄