下載應用程式
52% MOON BRIDE UNIVERSE: Spiral Gang / Chapter 39: Tunay Na Nangyari Sa Nakaraan (2)

章節 39: Tunay Na Nangyari Sa Nakaraan (2)

Napaatras ang mga kaibigan niya at gulat ding napasigaw kasabay nina Jumong at kuya Lando nang umangil ang kapre. Si Lukas lang ang hindi tuminag sa kinatatayuan. "Ah. Sinasabi ko na nga ba. Tinangka ng tao na 'yan na angkinin ang mutya pero hindi niya nagawang panatilihin sa loob ng bibig niya. Kaya ngayon nasa kamay na ito ng kapre."

"Ah. Kaya nabaliw si Jumong dahil sinubukan niya makuha ang mutya," manghang sabi ni Ruth.

"Tama. Pero nakuha na ng kapre ang gusto nito kaya bakit hinahabol pa nito ang taong 'yan?"

Nakalapit na sa kanila ang kapre, itinaas ang mga braso at marahas na tinangkang hablutin si Jumong na sumigaw-sigaw at pinasag ang mga kamay at binti na parang sumusuntok at sumisipa. Pero alam nilang lahat na wala iyong epekto sa kapre. Na mas makakabuti kung tumakbo na lang ang mga ito.

Mukhang iba nga lang ang nasa isip ng kuya Lando ni Danny. Ibinato nito ang flashlight at tumama sa mukha ng kapre. Nagulat iyon at napaatras, hinaplos-haplos ang mukha na parang kagat lang ng lamok ang nangyari. Hinila ni kuya Lando ang braso ni Jumong. "Tumakbo na tayo, dali!"

Tumalima agad ang matandang lalaki, nauna pa nga itong makalayo. Tumakbo na rin ang kapatid ni Danny pero napansin na ito ng kapre. Parang nilamutak ang puso niya nang mahablot niyon si kuya Lando. Umangat ito sa lupa at napasigaw. Si Jumong, lumingon lang ng isang beses pero hindi tumulong. Nagpatuloy lang sa pagtakbo hanggang makalayo na nang tuluyan.

Umangil ang kapre, hinampas-hampas ang katawan ni kuya Lando. "Bitawan mo siya!" sigaw ni Danny at tumakbo para tulungan ang kapatid. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya mahawakan ang kapre. "Kuya! kuya!"

"Danny, kumalma ka," naiiyak na rin na sabi nina Ruth at Selna. Si Andres naman niyakap ang katawan niya at hinila siya palayo sa eksenang nakikita nila. Napahikbi siya at napaiyak. Kumuyom ang kamao niya at parang nilalamutak ang puso niya habang nakikita kung paano unti-unting malamog ang katawan ng kuya Lando niya. Ni hindi na ito makasigaw at makalaban at may bakas na ng putik at dugo ang katawan.

Pagkatapos biglang huminto sa ginagawa ang kapre at dumeretso ng tayo na parang naging alerto. Lutaytay na ang katawan ni kuya Lando pero umuungot pa ito at humihinga pa. Natahimik ang paligid, para bang kahit ang ulan ay nawalan ng tunog. May kilabot na kumalat sa katawan ni Danny kasi naramdaman niya na may paparating na higit na mas malakas kaysa sa kapre.

Mayamaya pa, narinig nila ang yabag ng mga paa na palabas ng gubat. Kasunod ang malamyos na boses ng isang babae na nagsasalita sa sinaunang lengguwahe. Napasulyap tuloy siya kay Lukas na alam niyang naiintindihan ang sinasabi ng bagong dating. Nagulat si Danny nang makitang naging tensiyonado ang lalaki. Naningkit ang mga mata nito at nagsalita. "Tama ako ng hinala. May kinalaman nga siya sa nangyari sa kapatid mo Danny."

"S-sino?"

"Siya ba… si Rosario?" manghang tanong ni Ruth.

Tumango si Lukas. Napalingon siya at nakita ang napakagandang babae na tumayo sa tabi ng kapre. Mahaba ang itim na itim at alon-alon nitong buhok. Sobrang puti na halos maputla na ang kulay ng balat. Bumabakat ang makurba nitong katawan sa suot nitong puting bestida na nababasa ng ulan. At ang mukha nito… parang sa anghel kung hindi lamang sa mga mata na itim na itim at bakas ang kalupitan.

May sinabi na naman ito sa kapre na parang maamong tupa na inabot sa babae ang mutya. Malamig na ngumiti si Rosario, sandaling tiningnan ang kumikinang na hiyas bago iyon isinubo at nilunok. Pagkatapos isinenyas nito ang isang kamay at walang pagdadalawang isip na inilapit ng kapre ang kuya Lando niya sa magandang babae. Parang ininspeksiyon nito ang kapatid niya na pilit dumilat.

Ngumiti na naman si Rosario, nakakakilabot. Pagkatapos umangat ang kamay nito at marahas na sinabunutan si kuya Lando. Kumabog ang dibdib ni Danny nang ma-expose ang leeg ng kapatid niya at unti-unting ilapit ng babae ang mukha roon. Nanlaki ang mga mata niya at narinig niya ang pagsinghap nina Selna, Ruth at Andres nang ibuka ni Rosario ang bibig at lumitaw ang matalim nitong mga pangil.

"Kuya!" sigaw ni Danny nang bumaon ang mga pangil ng babae sa leeg ni kuya Lando na umungol sa sakit pero wala nang lakas para manlaban. Umiyak siya ng umiyak kasi wala siyang magawa habang sinisipsip ni Rosario ang dugo ng kapatid niya. At nang marinig niya ang huling paghigit ng hangin ni kuya Lando bago ito tuluyang malagutan ng hininga ay napaluhod siya sa putikan at napahagulgol. Lumuhod sa tabi niya sina Selna at Ruth, umiiyak din na niyakap siya. Si Andres, hinaplos ang likod niya kaya ramdam niyang nanginginig ito.

Mayamaya binitiwan na ni Rosario si kuya Lando, may sinabi sa kapre na tumango at bitbit ang katawan ng kapatid niyang tumakbo pabalik sa gubat. Nataranta si Danny. "Kuya! Ibalik mo ang kuya ko!" Pero nawala na nang tuluyan ang kapre. Iyak na naman siya.

"L-lukas… nakikita o naririnig ba tayo ni Rosario?" biglang tanong ni Ruth.

Napatingin silang lahat sa magandang babae na nakatayo pa rin malapit sa kanila. Lumingon ito at deretso tumingin sa kinatatayuan ni Lukas. Naningkit ang mga mata at nagsalita. "Nararamdaman ko ang presensiya mo. Nasaan ka?"

Nagulat si Danny na tagalog na ang ginamit nitong lengguwahe.

"Bakit ka nandito, Rosario? Ano ang plano mo?" tanong ni Lukas.

Napakurap ang babae kaya sandaling akala niya narinig nito si Lukas. Pero marahan itong umiling at nagsimula maglakad palayo sa kanila. Napasunod sila ng tingin kay Rosario hanggang sa sumunod nitong hakbang ay bigla na itong naglaho.

Bumalik ang tunog ng malakas na ulan. Tinabunan ang tunog ng mga hikbi nila. Matagal na walang kumilos sa kanila, masyadong nagimbal sa nasaksihan nila. Naisip ni Danny, paano niya ipapaliwanag sa mga magulang niya ang totoong nangyari sa kanyang kuya Lando?

"Malapit na tayo bumalik sa kasalukuyan," biglang sabi ni Lukas.

Marahas na pinahid ni Danny ang kanyang mga luha, kumurap at nag-angat ng tingin. Unti-unti na nga sila binabalot ng ulap. "T-tumayo na tayo," paos na sabi niya kina Ruth at Selna. Tumango ang mga ito, nagpunas din ng mga luha at nagsimula na rin magsipagtayo.

Kumakapal na ang ulap sa paligid nila nang mapatitig siya sa putikan. Nanlamig siya at kumabog ang kanyang dibdib. "W-wala ang bakas ng mga paa ni kuya Lando!"

"Oo nga 'no? Bakit ganoon? Hindi ba sabi sa mga kuwento ng matatanda may naiwan daw bakas ng mga paa ang kuya mo dito? Kaya nga nagkaroon sila ng clue kung saan nila mahahanap ang kapatid mo," sabi ni Andres.

"Natural na mabubura ang mga bakas sa putikan. Kaya nga nagtataka ako nang sabihin ninyo na may naiwang bakas ng mga paa dito. Imposible na hindi 'yon mawala sa ganito kalakas na ulan," sabi ni Lukas.

Nataranta siya. "K-kung wala ang bakas ng mga paa niya rito, paano nila mahahanap si kuya? Baka hindi na siya makita ng mga tanod. Hindi pwede 'yon."

"Lukas, gawan mo naman ng paraan, please," sabi ni Ruth.

"Bakit mo naman naisip na may pwede akong gawin?"

"Kasi ang sabi mo lang kanina wala kaming kakayahan mangielam at magbago ng kahit ano dito. Pero ikaw… kaya mo, tama ba? Kasi isa kang…" Hindi itinuloy ni Ruth ang sasabihin at lumunok.

Natigilan sila at napatitig kay Lukas na bumuntong hininga naman. "Tama ka." Umiling ito pero inilahad naman ang kamay paharap sa lupa. Naramdaman nila ang puwersa ng kapangyarihan nito. May dumaang maliit na ipo-ipo sa putikan at sa isang iglap naroon na ang bakas ng mga paa ng kanyang kuya Lando, huminto sa parte kung saan ito hinablot ng kapre. Katulad na iyon sa kuwento ng mga tanod na naghanap sa kapatid niya.

"May mahika 'yan kaya kahit gaano pa kalakas ang ulan hindi mabubura hangga't hindi nila natatagpuan ang kapatid mo. Mabuti na lang maputik. Kung hindi umuulan at tuyo ang lupa wala akong maitutulong sa'yo."

Nakahinga ng maluwag si Danny. Pinagtama niya ang paningin nila ni Lukas. "Salamat. Salamat talaga." Tumango ito. Tuluyan silang nabalot ng makapal na ulap at nang sumunod na maglaho iyon, pahinto na ang ulan at sumisikat na ang araw.

Nakabalik na sila sa sarili nilang panahon.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C39
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄