下載應用程式
88.73% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 188: Chapter One Hundred Eighty-Eight

章節 188: Chapter One Hundred Eighty-Eight

Miracle Samantha Perez

"Timothy!" Kumatok ako sa pinto ng apartment niya gamit ang paa ko. Di ko kasi magawang bitawan ang tupperware na dala ko. Nag-luto ako ng pasta carbonara. Gusto kong ipatikim sa kanya.

Nagkaron ng ilang ingay sa loob bago bumukas ang pinto. Nakahubad si Timothy at tanging jeans lang ang suot. May bedhair pa siya at mukhang kagigising lang niya. Tamang tama ang dating ko, hindi pa siya kumakain.

Napa-kurap ako sa kanya habang pinipilit na alisin ang mga mata ko sa kanyang hubad na katawan. Muntik ko nang mabitawan ang tupperware na hawak ko. Oh my gaaaahd.

"Miracle, what are you doing here?" Mukhang nawala ang antok niya nang makita niya ako.

"Erm." Buong lakas kong inangat sa gwapo niyang mukha ang tingin ko "Nagluto ako ng carbonara." Napatingin ulit ako sa katawan niya at nakagat ang labi ko. "A-ano, gusto kong tikman..." Napalunok ako. "…mo ang luto ko."

May knowing look sa mukha niya na parang alam niya talaga ang iniisip ko. Tumawa lang siya nang mahina sa akin habang umiiling. Binuksan niya nang mas malapad ang pinto para papasukin ako. Nagmadali akong pumasok sa loob.

Unang bumungad sa akin ang living room niya. Maliit lang. May isang mahabang sofa, isang mababang table sa harap at may TV sa tapat. Sa kaliwa ko may estante ng malapad na aquarium na wala namang laman. May pinto ng kwarto sa likod ng estante na 'yon. Yun siguro ang kwarto ni Timothy. Marami paring un-opened box sa sahig. Hindi pa niya naaayos ang paglilipat niya.

Sa kanan ko naman ay may estante rin. Nakapatong ang susi niya roon pati na rin ang itim na helmet ng motor niya. Sa likod ng estante na 'yon ang kitchen niya.

Parang imposible na mapatira rito si Timothy. Kung ikukumpara ito sa magarbo niyang condo unit, kwarto lang niya ito eh. Bakit kaya siya nagti-tiyaga tumira rito?

"Here, let me take this." Kinuha nya ang carbonara mula sa'kin.

Sinundan ko siya sa kanyang kitchen. Nakuha ng malapad niyang likod ang buong atensyon ko. Nakakaakit. Gusto kong haplusin ang likod niya. Ang sexy niya. Napabuga ako ng hangin at pinilit na iiwas ang tingin ko. Ang aga naman ng pagpapantasya ko.

Inikot ko ang tingin sa kusina niya. Malinis ang kitchen, unang napansin ko. Simple lang. Normal. Ordinaryo.

Ipinatong niya ang tupperware sa lamesa niya.

"Nilagyan ko 'yan ng maraming mushrooms! Masarap 'yan!" sabi ko at muling napatingin sa katawan niya. "Sobraaaang masarap!"

Napatakip ako sa mukha ko na nag-iinit. Huminga ako nang malalim. Tumakbo ako papunta sa sala niya na hindi naman kalayuan sa kitchen. Nakikita ko parin ang ginagawa ni Timothy sa kitchen mula sa sala. Inililipat niya ng lalagyan ang carbonara.

Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV niya. Nilipat ko nang nilipat ang channel pero wala namang magandang palabas.

"What are you doing?"

"Wala lang." Umayos ako ng upo sa sofa. Nanatiling nakatayo si Timothy at nakatingin sa TV. "Ano? Natikman mo na yung carbonara? Masarap yan!" Napalunok ulit ako dahil ang lapit lang niya sa akin. Nakahubad parin siya. Uminit ang pisngi ko.

"I'll take a shower first, then we'll eat together okay?"

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Pumasok siya sa kwarto niya para kumuha ng mga damit. Lumabas siya ulit at pumasok naman sa banyo. Napakagat ako sa labi ko habang nangingiti. Sa susunod gigising ulit ako ng maaga para magluto!

***

Kumakain kami ni Timothy sa kusina nang may kumatok sa pinto niya. Napansin ko na naging tila bato siya bigla. Mabilis siyang tumayo at hinila ako papunta sa banyo niya.

"Timothy ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang isasara niya ang pinto habang nasa loob ako.

"Just stay here Miracle. Please. Be quiet and don't open this door."

Iniwan niya ako sa loob ng bathroom. Err. Madilim sa loob dahil pinatay niya ang ilaw. Hmm. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit niya ako itinatago sa bisita niya?

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Pinakinggan ko nang mabuti kung may boses ba ng babae. May parang bulungan akong narinig. Pero parang boses naman ng lalaki. Idiniin ko pa ang tenga ko sa pinto para mas marinig sila.

"Relax TOP! Ibaba mo 'yang baril mo. Kami lang 'to!" sabi ng isang pamilyar na boses.

"Fuck, it's just you."

"Bro, pagamit ng restroom mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hala!

"No! Don't—!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas bigla ang pinto. Napaharap ako sa lalaking di ko pa handang harapin. Nalanghap ko ang pamilyar niyang pabango na Issey Miyake.

"Samantha?" gulat na sambit ni Red. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya, ang bilis ng pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.

GAAAAAHD! Si Jared! "Hi, Jared," kalmadong bati ko. Gusto kong matunaw sa kahihiyan.

Alam kong nag-usap na kaming dalawa pero… God! Napatingin ako sa kasama niya. Si Jack na katabi ni Timothy, nakatingin sila sa amin ni Red. Napahawak ako sa kilay ko. Namumula ang mukha ko habang nakayuko. Natahimik naman silang lahat. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Nilukob ng tensyon ang buong kwarto.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C188
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄