Audrey Dela Cruz
Nakakainis. Kahit na ang lambing ng boses ng nga kumakanta, hindi mawala ang badtrip ko. Katabi ko ang walanghiya kong ex. Bwisit. Ang araw na 'to ay bwisit. Pati ang lugar na 'to, leche. Valentines. Yeah right! Nakasimangot akong tumingin sa paligid. Lahat mga couples. Mga nakaakbay. Mag-kayakap. Magkahawak ng kamay. Ang sweet nilang lahat. Maliban sa aming dalawa ng katabi ko.
~Especially for you
I wanna let you know what I was going through
All the time we were apart I thought of you
You were in my heart
My love never changed
I still feel the same~
SHIT. Bakit ganyan ang kanta, parang patama? Nananadya ba sya? Nakakainis! Nakakainis! Gusto ko nang umalis dito. Pero kung gagawin ko yon baka kung ano ang isipin ng panget na 'to. Baka isipin niya na bitter ako at hindi pa nakaka-move on. Eh sa hindi pa talaga eh!
Leche siya! Bakit ba kasi siya nandito? Wala naman 'to sa plano ko ah! Bakit siya pa ang isinama ng tatlong unggoy na 'yon? Nakakainis. Kaunting timpi pa Audrey. Malapit nang matapos ang kanta.
"Thank you," sabi ni Juris at umalis ng stage.
Pumalakpak ang mga tao at pumalit sa pwesto niya kanina ay si Princess dala ang gitara nya.
"Kung minsan ang mga gusto nating iparating sa mga mahal natin ay hindi kayang i-describe ng mga salita lamang. They are more than words," nakangiting sabi nya.
Ang kantang yan! Kahit ano, hwag lang yan! Gahd! Parusa ba ito dahil sa pang-aapi ko sa mga kaibigan ni Samantha?
Saying I love you is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew~
Tumingin ako sa kabilang direksyon para punasan ang luha na pumatak sa mata ko. Gahd. Ang stupid mo Audrey. Bakit ka naniwala sa panget na yan? Bakit hindi mo parin siya kalimutan?
Naalala ko nang kantahin niya sakin ang kantang 'to. Ako na yata ang pinakamasayang babae ng mga oras na 'yon. Pero ang stupid ko. Dapat talaga...
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi maluha. Kailangan kong pigilan ang sarili ko bago pa niya malaman na iniiyakan ko parin siya.
Huminga ako nang malalim at tumayo. Bitter na kung bitter! So what?!
Aalis na ako dito. Pagod na akong magpanggap na okay ako. Hindi rin ako sanay sa plastikan. This is so not me! I'm Audrey fucking dela Cruz! Give me break!
Lumabas na ako sa loob ng arena. Stupid. Stupid. Sinasabi ko na nga ba, masama ang kutob ko dito. Isinusumpa ko na talaga ang araw na 'to.
"Audrey!"
SHIT! Binilisan ko ang lakad. Sinundan pala ako ng panget kong ex. Ano ba ang kailangan niya? Ang kulit naman niya! Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa parking lot. Uuwi na ako! I am done!
Narinig ko siyang tumakbo kaya napatakbo ako para di nya ako abutan. Ang hirap tumakbo nang naka-heels.
"Honey!"
NYETA! Muntik na akong matalisod sa narinig kong 'yon. Pero agad ko ring naramdaman ang paninikip sa dibdib ko. Ano'ng karapatan niya para tawagin akong 'Honey'? Shit.
Nakikita ko na ang kotse ko. Malapit na ako pero bigla nalang akong napa-ikot. Hinila niya pala ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Muntik pa akong matumba at mapasubsob sa dibdib niya! The nerve of this panget!
Shit! Buti nabawi ko ang balance ko.
"What do you want?!" singhal ko sa kanya.
"Audrey, mag-usap naman tayo oh, please," pagmamakaawa niya sakin.
Muntik na akong mahulog sa puppy eyes niya. Nyeta! Kasumpa sumpa talaga ang mukha nitong panget na 'to.
"Sorry, I'm busy. And besides wala na tayong dapat pang pag-usapan!" galit kong sabi sa kanya at tinalikuran siya. Agad naman nyang hinarangan ang daan ko. "Ano ba?! Umalis ka nga dyan!"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap."
"Shit ka talagang panget ka!"
"Audrey please, Honey."
"Don't you dare call me that! Tapos na tayo!"
Galit ko siyang tinignan. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil may maliit na parte sakin na masaya dahil nasa harap ko siya ngayon at tinatawag akong honey. Naiinis ako sa sarili ko dahil gusto ko parin sya. Dahil mahal ko parin siya kahit na ano'ng taboy ko sa kanya, mahal ko parin ang panget na 'to.
"Please let me explain."
"Explain? Explain what exactly?! Hindi pa ba malinaw na niloko mo ako at break na tayo?!"
"Hindi kita niloko!" kumislap ang mga mata niya. Mukha siyang iiyak. Shit!
"Ang kapal mo! Hindi ka lang panget, sinungaling ka pa!"
"OO NA! Nagsinungaling nga ako sa'yo pero hindi kita niloko kahit kailan!"
Napaatras ako nang tumaas ang boses niya. Lokong 'to, sinigawan ako! Ihahampas ko na talaga sa kanya 'tong bag ko. Humalukipkip ako habang tinitignan siya at saka tinaasan ng kilay.
"Yeah right! Hwag mo ngang bilugin ang ulo ko. Wala na akong pakialam pa sa sasabihin mo! Tapos na tayo matagal na! Wala na akong pakialam sa'yo!" sigaw ko sa kanya.
"Pwes ako meron!"
"Wala akong pakialam!"
"May pakialam ako!"
"Problema mo 'yan!"
"Hindi Audrey." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan sa mata. "Problema natin 'to. Ayusin natin."
Gusto kong manlambot dahil nararamdaman ko na naman siya. Nakahawak siya sa balat ko. Ayoko siyang maramdaman.
"Bitawan mo nga ako!" Tinulak ko sya palayo pero hindi man lang sya natinag.
"Audrey." Nanlambot ang mga tuhod ko sa tono ng boses niyang di patitinag.
"Hwag mong tawagin ang pangalan ko!" Tinakpan ko ang mga tenga ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalis 'yon sa pagkakatakip.
"Makinig ka sa'kin! Hindi kita niloko!" matigas niyang sabi.
"Hindi niloko?! Hindi niloko?! Niloko mo ako!" Pinaghahampas ko siya ng bag ko.
Wala akong pakialam sa mga gamit na nasa loob ng bag. Hinampas ko siya ng buong lakas. Gusto ko lang hampasin ang panget na to na mahal na mahal ko. Lahat ng frustrations ko nilabas ko sa paghampas sa kanya nang paulit-ulit.
"Leche ka! Leche ka talagang panget ka! Naiinis ako sa'yo! Sinungaling ka! Panget! Ang panget mo na nga, babaero ka pa! Manloloko ka!" sigaw ko habang hinahampas sya.
"Hindi kita niloko! Hindi ako babaero!" tanggi niya habang hinaharangan ang mga hampas ko sa kanya gamit ang dalawang kamay.
"Sinungaling! Naiinis ako sa'yo! Dapat hindi na kita mahal eh! Pero shit ka! Para kang linta kung kumapit sa puso ko! Panget! Ang panget mo talaga! Ayaw mo pang mawala sa buhay ko! Gusto ko nang mag-move on pero palagi kang sumusulpot! Kabute! Panget! Baluga! Nognog! Pandak!"
Tumigil ako sa paghampas sa kanya at napaupo nalang. Hindi ko napigilan na umiyak. Napagod ako. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Ang hirap kontrolin ang sarili kapag kaharap ko siya. I hate this! Ngayon lang ako umiyak nang ganito. Para akong bata pero wala akong pakialam. Naiinis ako.
"Bakit kasi—" pumiyok ako at humikbi. "Bakit kasi minahal pa kita?"
"Audrey…" malambing niyang tawag sa akin. Umupo rin siya sa harap ko "I'm sorry na Honey. Hwag ka nang umiyak please. Nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak. Please."
"Leche ka! Kasalanan mo 'to!" Hinampas ko ulit sya.
Niyakap lang niya ako. Pilit niya akong pinapatahan. Wala na talagang pakialam sa paligid. Nasa gitna kami ng parking lot.
"Mahal kita Audrey," bulong niya. "Ikaw lang. Mahal kita nang sobra."
"Eh bakit—bakit mo ako niloko?" humihikbing tanong ko.
"Hindi kita niloko, ikaw lang ang babaeng mahal ko," sabi niya habang hinahagod ang likod ko. "Please Honey, hwag ka nang umiyak. Hampasin mo nalang ulit ako pero hwag ka nang umiyak."
"Anong tingin mo sa akin, sadista? Sa tingin mo masaya ako kapag sinasaktan kita? Shit ka! Panget ka talaga." Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi nya. Kumalat na sigurado ang make-up ko. "Sinungaling ka pa."
"Basta mahal kita." Tinignan niya ako at pinunasan ang pisngi ko. "Ipapaliwanag ko sa'yo kung bakit ko nagawa 'yon. Pero hwag dito." Hinalikan niya ang pisngi ko. Shit to, hindi pa kami ah. Pero hindi na ako nagreklamo dahil mahal ko parin siya.