下載應用程式
79.81% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 169: Chapter One Hundred Sixty-Nine

章節 169: Chapter One Hundred Sixty-Nine

"Ano ba yan? Sasabog na ang kidney ko! Ang bladder ko pati liver ko sasabog na bilisan nyo naman dyan!" katok ng isang babaeng estudyante sa pinto ng lady's room.

Bumukas ang pinto at lumabas si China, agad namang pumasok ang estudyanteng kasunod sa pila.

"Hi Sammy!" bati ni China nang makasabay niya ito pabalik sa mga tents nila.

"Hello," tipid na bati ni Samantha sa kanya.

"Sabay tayo sa pagtatanim ha?" sabi ni China sa kaibigan. "The more the happier!"

"Merrier," pagtatama ni Samantha sa kanya.

"Ganon din yon! Haha!" tawa ni China. Nang makarating sila sa tapat ng tent nila ay tinawag niya ang pinsan at kapatid. "Michie! Maggie! Sabi ni Sammy pwede daw tayong sama-sama mamaya sa pagtatanim!"

Napalingon ang dalawa.

"Talaga?! Wow!" pumapalakpak na sabi ni Michie.

Lumapit si China sa dalawa at inakbayan ang mga ito. Umalis naman si Samantha at pumunta sa tent kung saan naghihintay sa kanya si Audrey.

"Sa tingin ko tumatalab na yung bisa ng hiling natin kay Sam," bulong ni China habang nakatingin kay Samantha.

"Pano mo naman nasabi 'yan bakla?" tanong ni Maggie.

"Eh kasi sumagot siya sa bati ko kanina sabi nya 'hello' tapos tinama nya yung sinabi ko, sabi nya 'merrier' sabi ko kasi the more the happier! Diba?! Nagsasalita na sya nang mas madalas!" masayang sabi ni China.

"Oo nga!" natutuwang sabi ni Michie.

"Hindi ko alam bakla ha, sa tingin ko kasi…" tumingin si Maggie kay Samantha. "Wala siyang ipinagbago. Hindi nga sya ngumingiti eh."

"Yikes! Kapag naaalala ko yun kinikilabutan ako! Hwag mong ipaalala," nakasimangot na sabi ni China.

"Class! Class! Nandito na ba lahat? Nakabalik na ba lahat?" tanong ni Mr Palaez.

Nagsitayuan ang mga estudyante mula sa mga tent at nakinig sa guro nila.

"Iwan nyo muna ang mga gamit nyo. Doon muna tayo sa kabila," sabi ni Mr Palaez bago naglakad patungo sa kabilang direksyon.

Pagkatapos ng limang minutong paglalakad ay nakarating sila sa isang malawak na lupain. May mga halaman na nakabalot ng itim na plastik ang ugat na nakabaon sa lupa, nakapatong ang mga iyon sa rektanggulong mesa na yari sa kahoy.

"Itong mga halaman na nakikita ninyo, ito ang mga kailangan nating itanim sa paligid, seven hundred pieces lahat nang 'yan. Kailangan magtanim ng twenty na halaman ang bawat isa sa inyo."

"What?! Twenty?! Ang damiiiii~!"

"Hanggang bukas, Sir?"

"Listen! Listen! Kailangan nating maitanim lahat ng ito bago mag-alas synco," sabi ni Mr Palaez.

Nagkaron ng ilang reklamo ang mga estudyante.

"Magkakaron ng dalawang grupo! Yung iba dito sa kaliwa, yung iba dito sa kanan!" Turo ni Mr Palaez sa mga estudyante. "May mga gamit kayong pwedeng gamitin sa kabilang lamesa." Turo ng guro sa isa pang mahabang lamesa kung saan may mga gamit. "Siguraduhin na hindi sobrang lalim o sobrang babaw ng hukay. Alisin sa plastik ang mga halaman bago itanim at pagkatapos ay diligan nang hindi lalagpas sa isang baso ng tubig. Maliwanag ba class?"

"Yes sir..." sabay sabay na sagot ng mga estudyante.

"Nandito sina Kuya Jojo at Kuya Ollie para tulungan kayo. Hwag kayong mahihiya na magtanong kung hindi nyo alam ang gagawin. Team A sa kanan kasama si Kuya Ollie, Team B naman sa kaliwa kasama si Kuya Jojo."

Agad na lumapit ang Crazy Trios kina Samantha at Audrey.

"Saan tayo? Team A o B?" tanong ni Maggie kay Samantha.

"Team A," sagot ni Audrey.

"A? Sige sa kanan tayo," sabi ni China.

"Okay Class, start na. Kumuha na kayo ng mga gamit at kumuha na rin kayo ng mga halaman nyo."

"Nakakuha na ako ng gamit ko at saka halaman!" saad ni Michie saka ipinakita ang mga hawak.

"Ang bilis mo! Tara Magz kuha na tayo ng atin," sabi ni China.

"Ikuha mo nalang ako," sagot ni Maggie sa kapatid.

"Sige na nga!" Umalis si China para kumuha ng gamit at halaman.

"Doon tayo Samantha." Hinila ni Audrey si Samantha papunta sa kaliwa

"Teka Audrey! Dito sa kanan ang Team A!" tawag ni Maggie.

"Team B kami," sabi ni Audrey.

"Daya! Team B na rin kami!" sabi ni Michie na sumunod kina Audrey.

"Bakla bilis!" tawag ni Maggie kay China.

"Oo ito na, hawakan mo oh." Inabot ni China ang mga halaman kay Maggie bago sundan ang tatlo.

***

"SIR!" tawag ng ilang babae sa guro.

"Bakit? Bakit?!" Humahangos na lumapit si Mr Palaez nang magsigawan ang tatlong babae.

"Look! It's gross!"

"There's a worm, Sir!"

"Kadiri! Yuck!!"

"It's so big!! It's gonna eat me!!"

"Mga batang 'to, tabunan nyo lang ng lupa yan, mawawala na," naiiling na sabi ng guro. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Do we really have to do this Sir?!"

"There are so many germs!!"

"Hay! Tama na ang reklamo! Ms. Sarmiento, Ms. Kim, Ms. Regis! Back to work! Back to work!"

"But Siiiir~!"

"Double time! Double time! Malapit nang mag-lunch nakakailan palang kayo. C'mon, faster! Faster!" palakpak ni Mr Palaez habang tinitignan ang bawat estudyante niya.

Nagpahid ng pawis si Michie bago tumayo at nag-inat ng katawan.

"Naka-twelve na ako!" masayang anunsyo ni Michie.

"Mabuti ka pa! Ako nakaka-walo palang," sabi ni Maggie na patuloy sa pagtatanim.

"Ako sampu na! Yehey!" sabi ni China at tumayo na din para mag-inat.

"Si Sammy kaya?" tanong ni Michie.

Napatingin silang tatlo sa direksyon nina Samantha at Audrey. Tumakbo si Michie palapit sa dalawa.

"Hi Sammy! Hi Audrey! Nakakailan na kayo?" tanong ni Michie sa dalawa.

"Nakakatig-sampu na kami," sagot ni Audrey.

Tumayo si Samantha at naglakad palayo.

"San punta, Sammy?" tanong ni Michie habang sinusundan ito.

"I'm thirsty," sagot ni Samantha sa kanya habang diretso ang tingin sa daan.

"Sama ako~" sabi ni Michie.

"Okay," tipid na sagot ni Samantha.

"Yay~!" Pumalakpak si Michie. "Sammy kilala mo pa ba si Ate Sweety?"

"Yes."

"Alam mo ba ikakasal na sya? Invited tayo, punta tayo ha Sammy?" Kumapit si Michie sa braso ni Samantha. "Magsusuot tayo ng dress at sasaluhin natin yung bouquet, kakain tayo ng marami—"

Napatigil sa paglalakad si Samantha at tumingin kay Michie.

"What did you just say?" pabulong na tanong ni Samantha.

Nanlaki ang mga mata ni Michie at agad na napatakip sa bibig. Naalala niya na ayaw nga pala ni Samantha ng mga kasal ayon kay Audrey. Habang nakatakip ang bibig gamit ang dalawang kamay ay umiling siya kay Samantha.

"Wala hehe!" sabi ni Michie.

"You said—"

"Sam!" Tumatakbong tawag ni Audrey. Tumigil si Audrey nang makita silang dalawa. "Bigla kang nawala," sabi ni Audrey "Saan ka pupunta?"

"Nauuhaw daw si Sammy eh Audrey," sagot ni Michie. "Balik na ako sa kanila." Nagmamadaling tumakbo paalis si Michie

Sinundan lang ng tingin ni Audrey si Michie.

"Ano'ng nangyari don?" tanong ni Audrey at napatingin kay Samantha. "Sam! Okay ka lang?!"

Nakahawak sa ulo nya si Samantha at halatang namumutla.

"Sam! Sam! Ano'ng masakit?" nag-aalalang tanong ni Audrey.

"I'm fine," bulong na sagot ni Samantha sa kanya.

"You're not!" Inakay ni Audrey si Samantha pabalik sa tent nila. "Dito ka muna, nainitan ka siguro. Just rest okay?"

Inabot ni Audrey at mineral bottle at ipina-inom kay Samantha ang laman nito.

"Sasabihin ko nalang kay Sir na magpapahinga ka muna in case na hanapin ka niya. Dito ka lang. Lay down and rest," utos ni Audrey bago umalis.

Naiwan sa loob ng tent si Samantha. Nakahiga siya nang tahimik. Walang ibang tao na nandon kung hindi siya lang. Napaka-tahimik ng paligid. Ipinikit niya ang mga mata nya at hindi nagtagal ay agad siyang nakatulog.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C169
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄