"Timothy! Tara sumakay don!" Turo ko sa roller coaster na kaagad kong binawi. "Ay hwag nalang pala." Ang haba ng pila eh. "Lipat nalang tayo dun sa... Merry Go Round?" Kaunti lang ang nakapila! "Tara Timothy!" Nilingon ko sya sa tabi ko. Oh hindeee. Nawala na naman sya sa tabi ko. "Timothy? Timothy!" tawag ko. Saan na naman sya nagpunta?
"Miracle!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses nya. Nanlaki ang mga mata ko. "Timothy! Ano'ng ginagawa mo dyan?!" nasa unahan sya ng pila sa roller coaster. Sumingit sya sa pila?! Tumakbo ako palapit sa kanya. WAAAAAAAAHH!! Nakakahiya naman sa mga nakapila.
"Ano'ng ginagawa mo dyan Timothy? Kailangan natin pumila para dyan," nahihiyang bulong ko.
"I hate waiting," ang simpleng sagot nya sa'kin.
Hindi pwede yan Timothy. Magagalit sila satin! "S-Sorry po," sabi ko dun sa siningitan nya.
"Okay lang sa'min yun Miss," sabi nung babae na nasa likod ni Timothy.
Sila yung dapat susunod na sasakay sa roller coaster.
"Binayaran naman nya kami eh. Walang problema." Nalaglag ang panga ko. B-BINAYARAN?!
"NAG-BAYAD KA?!!" di makapaniwalang tanong ko kay Timothy.
Kumunot saglit ang noo nya. "Does it matter?"
"Kami din binayaran nya, thanks dude ha!" sabi nung lalaki na kasunod naman nung couple na siningitan ni Timothy.
"Kami din!" sabi nung iba pang mga naka-pila.
Nalaglag ang panga ko. Ilan ba silang binayaran ni Timothy?! AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!! Hinigit ako sa braso ni Timothy para nasa tabi nya ako.
"Bakit mo ginawa yun Timothy? Pwede naman tayong lumipat ng ride eh. Hindi mo kailangan magbayad. Ganon mo ba ka-gusto sumakay dyan?" Tumingala ako para tignan yung ride na kasalukuyang umaandar.
"Ano ba ang masaya dyan para gustuhin kong sakyan yan? Boring. Tss," masungit na sagot ni Timothy.
Tumingin ako sa kanya. "Eh bakit ka pa nagbayad para lang mauna?"
Mukhang mas lalo syang nainis sa tanong ko. "Retard."
"Masama na ba magtanong?"
"Why the hell would I pay to get here? Because you want to ride this thing, what else retard?"
Eh? "P-Para sa'kin?" Ginawa nya yon para sakin?
"Isn't it obvious?"
"YIEEEEEEEEHHHH!!" hiyaw ng mga nasa likod namin ni Timothy.
Narinig pala nila. WAAAAAAAAHHH! Nakakahiya!
"Thank you Timothy."
"For what?"
"Basta!"
"I didn't do it for free Miracle. You have to pay me somehow."
"HA?! Magkano?"
"Not money. A kiss would be enough."
For the second time, nalalag ang panga ko sa sinabi nya.
"Baliw ka talaga!" Gusto nyang halikan ko sya eh ang dami kayang tao dito!
"Ayaw mo?" tila nanghahamon na tanong nya sa akin.
Namula nang husto ang mukha ko. Ang daming tao rito! Hindi ko kaya!
"AKO GUSTO KO!" May nagtaas ng kamay na babae sa likod. "Pwede rin ba akong mag-thank you sa pamamagitan ng kiss? Ahihihi!"
Biglang uminit ang tenga ko. Nilingon ko ang babaeng tampalasan at pinaulanan sya ng nakamamatay na tingin.
"Ano'ng sabi mo?!" sigaw ko na syang ikina-gitla ng lahat. Nagulat ako sa ginawa ko kaya agad akong tumingin sa harap at yumuko. AAAAH! Ano ba yan?
"Haha!" Napatingin ako kay Timothy. "Hahahahaha!" Tumatawa sya habang nakatakip ang isa nyang kamay sa bibig nya. Sinusubukan nyang tumigil pero hindi nya kaya.
"Pinagtatawanan mo 'ko?" medyo naiinis na tanong ko.
Tumigil na sya sa pagtawa nya. "Yes," diretso nyang sagot.
"Meanie." Humalukipkip ako at tumingin nalang sa harap.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit?"
"Hwag na." Alam ko na ang sagot.
Tumigil na sa pag-andar yung ride kaya naman binuksan na yung maliit na gate para makapasok kami at makaupo. Umupo kami ni Timothy sa pinaka-unahan. Nakakatakot pero excited akong subukan!
"You're not going to ask me?" tanong ni Timothy.
"Hindi na nga eh," naiinis na sagot ko. Nakakahiya kasi ako kanina kaya sya tumawa. Normal lang naman yun eh.
"Okay," sabi nya. Tinignan ko sya. Nakangiti sya. "Pero sasabihin ko parin kaya makinig ka. I laughed not because it was funny but because I was happy."
"Happy?" Ngumiti sya na parang gusto akong tunawin.
"You make me happy Miracle. And that's one of the reasons why I can't give you up that easily."
At biglang umandar ang ride. Pero wala sa ride ang isip ko kung hindi sa huling sinabi ni Timothy.
"I'll do everything just to spend another day like this with you."
Nang marinig ko yon, pakiramdam ko kasing bilis ng roller coaster ride na to ang bilis ng tibok ng puso ko. Napupuno ako ng mga emosyon na nawala sa akin nang umalis si Timothy sa tabi ko. Hindi ko namalayan na kasama nya palang umalis ang mga emosyon ko na yon. Unti-unti na silang bumabalik sa'kin ngayon. At nilulunod ako ng halo-halong emosyon na nakakapag-paiyak sa akin ngayon.