下載應用程式
54.92% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 116: Chapter One Hundred Sixteen

章節 116: Chapter One Hundred Sixteen

"And hindi lang 'yon girls," sabi ng isa sa mga pink girls.

"What Jenesa? May iba pa ba?"

"Well, I heard na..." sabi Jenesa na parang may malaking sikreto na sasabihin. "Dito rin pala mag-aaral ang heiress ng SGH Corp. Ang prinsesa ng Perez clan."

Sandali silang tumahimik. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa grupo nila. Lagot. Magpapalipat na kaya ako ng schedule?

"I didn't know na totoo 'yan, I thought she's in France!" sabi nung isa.

Pano nila nalaman 'yun?

"I heard she married the Prince of Brunei!"

"Wait, I thought she's pregnant?!"

"I even heard she's engaged with Prince Red!"

"That can't be!"

"Well that's what Matilde told me. She said she heard it in a faculty meeting," sabi ni Jenesa.

Tumawa ang iba sa kanila.

"That Matilde girl? The jologs? Hahahaha!"

"You're talking to her, Jenesa? Hahaha!"

"Kapag may kailangan ako sa kanya. You know, latest gossip. Maaasahan naman siya pagdating don," nakangiting sabi ni Jenesa.

Ang lala pala dito sa college. Akala ko sa High School lang may ganito eh. Hindi pala.

Nang bumukas ang pinto ay natahimik ang lahat. Umayos ng upo ang mga babae. Kanya-kanyang tago ng mga makeup kit nila sa maliit nilang bag. Nagsiupuan na rin ang mga bagong dating na lalaki. Ang dami rin pala namin sa klaseng ito. Nasa thirty students ang laman ng classroom sa tingin ko.

Sumunod naman na pumasok ang instructor namin. Lalaki na nasa forty years old na. Nasaan kaya ang new student na sinasabi nila?

Hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Kanina ko pa siya hinihintay. Siya na kaya 'yon? Huminga ako nang malalim. Kalma lang, Sam. Stay calm. Halos lahat ng babae sa room ay nakaabang sa pinto. Hinihintay kung may papasok. At maya-maya nga, biglang bumukas ang pinto. Naging parang slow motion ang lahat.

"OMG! That's him!" narinig kong excited na bulong ng isa sa mga pink girls.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Tiningnan ko nang mabuti ang lalaking huling pumasok sa loob ng classroom.

Una kong napansin ang sapatos niya, pataas sa kanyang pantalon, sa damit at sa mukha. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Bumuntong hininga ako. Kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi siya si Timothy. Pero tama sila, gwapo nga ang lalaki. In fact, kung hindi ko lang nakilala sina TOP at Red, siguro nag-swoon na rin ako sa ka-gwapuhan niya. Hindi rin kasi siya nalalayo sa level nung dalawa.

Halos pantay nga lang eh. Ang kaibahan lang, hindi ko kilala ang isang ito at wala akong balak na kilalanin siya. May enough boy problems na rin ako kaya hindi ko na kailangan pa ng isa. Pumasok siya sa room with a smirk na parang inaasahan na niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga babae sa kanya.

Napatingin ako sa mga babae sa classroom, at lahat sila ay in a awe. Parang ngayon lang sila nakakita ng ganito ka-gwapo sa buhay nila. Paano pa kaya pag nakita nila ang Lucky 13?

"Is this seat taken?"

Nagulat na lang ako nang may magsalita. Tiningnan ko kung sino. Nakangiti siya sa akin na akala mo amused.

"No," umiling ako.

Umupo siya sa tabi ko. Ang ipinagtataka ko, sa dami ng upuan na bakante, bakit sa tabi ko pa? Baka gusto niyang dito rin sa dulo maupo? I don't care, hindi ko na lang siguro siya papansinin. Baka mapaaway pa ako. Tama na 'yung mapaaway ako dahil kay Red. Hindi ko na kailangan pa ng additional sa fangirls na hahabol sa akin.

"Hi," sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako.

"What's yoh name?" tanong niya.

"I'm Sam," tipid ko siyang sinagot.

"I'm GD, nice 'ta meet 'ya," pakilala niya sa kanyang sarili habang malapad na nakangiti.

Kakaiba ang accent niya. 'Nice 'ta meet 'ya?' Rapper kaya siya? Dahil may accent, rapper na agad? Ano ka ba, Sammy?

Bigla ko na lang naramdaman na tumayo ang mga balahibo ko. Tumingin ako sa paligid. Oh no. Fangirls.

***

Jared Dela Cruz

"Red!" tawag ni Jack nang makita niya ako na naglalakad palapit sa kanya.

Itinapon niya sang kanyang sigarilyo sa sahig at inapakan iyon. Nasa covered court kami. Nandito rin ang ibang myembro ng gang. Kumpleto ang lahat ngayon dahil pati si Omi ay nandito. Nagba-basketball ang iba sa kanila na agad naman tumigil nang makita ako.

"Yow! Ano ang sinasabi nyo na mahalaga nating pag-uusapan ngayon?" tanong ko at umupo sa isang bench.

Tumingin ako sa relo ko. Thirty minutes na lang at lunch time na. Kailangan ko pang puntahan si Samantha sa classroom niya.

"May problema tayo," nakakunot noong sabi ni Pip.

"Ano'ng problema?" tanong ko.

"May naghahamon, pinsan mo. Gustong pumasok sa gang kapalit ni Omi," pahayag ni Dos.

"Si Ethan? Tss! Wala kayong dapat ipag-alala do'n, ako na ang bahala." Gago talaga ang pinsan kong 'yon. Hindi alam ang pinapasok. Gusto lang naman niyang sumali para mas makaakit ng maraming babae.

Ang bilis namang kumalat ng balita na tanggal na si Omi sa gang. Ang alam ko, kami lang sa grupo ang nakakaalam ng tungkol doon. Ang problema pa nito, malamang madami ang maghamon ng away kay Omi. Sa oras na matalo siya, makukuha ng nakatalo sa kanya ang pwesto niya sa gang. Ganon kasimple. Pero gago rin kasi nitong si Omi. Tsk! Sa dami ng babae, kapatid ko pa. Napatawad ko na naman siya kaso tanggal pa rin siya sa grupo. Wala na akong magagawa do'n, rules eh. Ang lakas ng loob kong magsabi ng tungkol sa rules. Isa pa rin naman akong dapat matanggal dati pa.

"Yun lang ba ang pino-problema nyo? Alam nyo naman na hindi mananalo ang pinsan ko kay Omi di'ba?" tanong ko. Bumaling ako ng tingin kay Omi at nagulat na maging sya ay seryoso rin.

"Hindi lang naman 'yon," seryosong sabi ni Omi.

"Ano?"

"Bumalik na siya," pahayag ni Jun na agad kong ikinagulat.

"Sino'ng bumalik? Si TOP?" Shit.

"Gago hindi," natatawang sabi ni Six.

Nakahinga ako nang maluwag. Kaunting panahon lang ang meron kami ni Samantha. Ayokong matapos agad 'yon sa pagbabalik niya.

"Diretsuhin nyo na kasi dami pang bitin eh, nyemas!" inis na sabi ko at napakamot sa ulo.

"Patay na si Ara," anunsyo ni Kyo.

Natigilan ako saglit. Ara? Sino'ng Ara? Teka. Shit. "ANO?! K-Kailan pa?" gulat na tanong ko.

Paksyet. Kailan pa siya namatay?! Namatay siya? Takte! Paano?!

"Last year pa, ngayon lang namin nabalitaan," sagot ni Seven.

Shit. Hindi maganda ito.

"Hindi lang 'yan," pahabol ni Sun.

"May isa pa?!" tumayo ako.

"May nakakita kay Uno dito sa school," salubong ang kilay na sabi ni Mond. "Bumalik na siya."

Tumingin ako kay Vin para makumpirma ang sinabi ni Mond. Sa kanya ako umaasa kung totoo ang isang impormasyon. Sinalubong niya ang tingin ko at unti-unting tumango. Shit. Nalintikan na.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C116
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄