"Heeeeey! What are you doing up there?" tanong ni Sammy sa batang umaakyat sa kanilang puno.
Nilingon siya ng bata. Nakatungtong ito sa isang matabang sanga at nakahawak sa isa pang sanga ng puno. Namangha si Sammy sa taas ng naakyat nito.
"Heeeeey! What are you doing?" muli nyang sigaw sa bata.
"I'm trying to fly," sagot ng bata sa kanya.
"Fly? But you don't have wings, you can't fly," she argued.
"Yes, I can!" Mula sa taas ay walang takot itong tumalon.
"AAAAAAH!!!" napatakip siya ng mata sa takot. Nang silipin niya ito ay nakatayo na sa kanyang harapan ang bata. Ni wala itong galos o sugat sa katawan.
"See? Told yah," the little boy smirked.
"Wow!" pumalakpak siya sa tuwa. Nanghinayang siya dahil hindi niya nakita kung paano ito tumalon. "Do it again! Do it again!"
"Heh!" ngumiti ang bata sa kanya at sumandal sa puno.
Natutuwa talaga siyang makakita ng tao na kayang gawin ang mga kakaibang bagay na makikita lamang sa circus. Hindi pa kasi siya dinadala ng Mommy niya sa circus.
Siguro galing sa circus ang batang kaharap niya. O baka isa itong anghel kaya naman nakakalipad ito. Siya ba ang tinatawag ng Mommy niya na guardian angel nila?
Isang guardian angel.
***
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasilaw ako sa liwanag. Nakita ko na naman ang puting kisame. Tumingin ako sa paligid ko at nakita sina Maggie at China. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at ligtas silang dalawa.
"Sammy, gising ka na!" puna sa akin ni China. Nakaupo siya sa silyang katabi ng aking kama.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Sam?" tanong ni Maggie na lumapit din sa'kin.
"Okay lang ako. Kayong dalawa?" tumingin ako sa balikat ni Maggie. "Maggie, ang balikat mo."
"Ayos lang ako, Sam. Don't worry."
Huminga ako nang malalim at umupo sa kama.
"Si Red." Naalala ko siya. Agad akong napatingin sa dalawa. "Kumusta na si Jared?"
Nagtinginan silang dalawa. Hindi nila sinagot ang tanong ko kaya naman kinabahan ako nang husto. Alam ko namang nasa ICU siya pero ang gusto kong malaman ay kung may pagbabago ba sa kanyang kondisyon habang tulog ako. Na sana ay wala na siya sa ICU at nailipat na sa normal room.
Inalis ko ang kumot na nakabalot sa'kin sabay tayo. Ilang oras akong nakatulog? Dapat sa mga oras na 'to ay nasa tabi niya ako eh.
Si Red. Gusto ko siyang makita. Kailangan ko siyang bantayan. Hindi siya pwedeng mawala nang ganito na lang. Bakit kasi nangyari pa ito?
"Sammy, wait! Huwag mong tanggalin ang dextrose mo!" pigil sa'kin ni China.
"Kailangan ko siyang makita!" sagot ko habang pilit ko siyang tinutulak.
"Pero Sam, kakagamot lang sa sugat mo!"
"Wala akong pakialam sa sugat ko, gusto ko siyang makita!"
"Kahit na pumunta ka doon ay hindi siya gagaling, Sammy! Walang magagawa kung magwawala ka, naiintindihan mo ba?!" paliwanag ni Maggie.
"Pero gusto ko siyang makita! Gusto kong siguraduhin na nandyan lang siya. Gusto kong malaman ang lagay niya. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong humingi ng tawad dahil nangyari ito sa kanya. Kasalanan ko ang lahat. Hindi siya dapat ang nandon," pinunasan ko ang luha ko.
"Pero hindi pa rin magaling ang sugat mo, Sam. Alalahanin mong nasugatan ka rin at na may mga taong nag-aalala para sa'yo," mahinang sabi ni Maggie.
"Tama si Maggie, Sam. Hindi makabubuti sa'yo kung makikita mo siya ngayon."
"P-Pero…"
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto. Maya-maya'y bumukas ito at pumasok si Kuya Lee.
"Kuya!"
"Princess," agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Pinag-alala mo kaming lahat."
Bahagya ko siyang itinulak upang tingnan siya.
"Kuya, please gusto kong makita si Red."
Bumuntong hininga lang si Kuya at tumingin kina Maggie at China.
"Pwede na kayong umuwi sa inyo," sabi niya sa dalawa. "Naghihintay si Mich at ang Uncle niyo sa labas. Kailangan niyo daw puntahan ang Lola niyo."
"Hala lagot! Si Lola nga pala," bulong ni China.
"Okay, uuwi na muna kami," paalam ni Maggie.
"Sammy, pagaling ka," sabi nila bago lumabas ng silid.
"Princess, sumasakit pa ba ang sugat mo?"
"Kuya, si Red puntahan natin." Umiling siya at umupo sa kama.
"Kuya. Puntahan natin siya!"
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ng matiim. "Ibigay na muna natin ang oras na 'to para sa pamilya niya."
"A-Ano?"
"Nandito ang mga magulang niya. Ibigay na muna natin sa kanila ang oras na kailangan nila."
Nandito na sina Tito at Tita. Hinawakan ni Kuya Lee ang mga kamay ko at inalalayang makahiga muli sa kama. Inayos niya ang kumot ko. Nakita ko kung gaano siya kapagod nang titigan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Tama nga si Maggie, hindi ako nakakatulong at may mga tao rin na nag-aalala sa akin.
"Alam kong gusto mong masigurado na buhay siya. Ako na mismo ang nagsasabi sa'yo, buhay siya, Princess."
"M-Magiging okay din siya, hindi ba kuya?"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi siya bumalik sa dati. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na makikita ko siyang halos wala nang buhay.
Hindi sumagot si Kuya. Hindi ko siya masisisi, ayaw niya siguro akong umasa. Siguro pati siya ay hindi rin naniniwala na magigising pa si Red.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nawala siya. Mas pipiliin ko pa na—,"
"Mas pipiliin mo pa na ano? Princess, huwag mong sayangin ang buhay na ibinigay niya sa'yo. Isinakripisyo niya ang kanyang sarili para mabuhay ka kaya utang mo 'yon sa kanya. Kailangan mong mabuhay para sa kanya. Kahit mawala pa siya, kailangan mong magpatuloy."
"P-Pero ang sakit, Kuya. Ang sakit tanggapin na kasalanan ko," napahagulhol na ako sa iyak. "Hindi ako makahinga sa tuwing naiisip ko na baka hindi na siya magising pa."
Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Kung maibabalik ko lang ang oras, sana hindi ko hinayaan na tanggapin niya ang bala na para sa akin. Sana kaya kong ibalik 'yung oras na 'yon. Kung bakit kasi natakot ako nung mga panahong 'yun. Kung bakit kasi hindi ako nagpilit na lumaban. Sana nag-iba ang lahat.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi mo naman hiniling na tanggapin niya ang bala na para sa'yo. Kahit pa naman dati, ang hilig magpaka-bayani ng taong 'yon," umiiling-iling na sabi ni Kuya.
Kahit pa man dati? 'Yung mga panaginip ko. Si Jae.
"Kuya, sabihin mo sa'kin ang totoo. Nangyari na sa'kin 'to dati, hindi ba?"
Mukhang nagulat si Kuya sa sinabi ko. "Ano'ng ibig mong sabihin sa tanong mo?"
"Huwag kang magsisinungaling sa'kin, Kuya. Alam kong nangyari na sa'kin 'to dati."
"N-Naaalala mo na? Bumalik na ang alaala mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hindi ko alam. Naguguluhan pa rin ako. Sa panaginip ko, nangyari na rin 'to. Alam kong nangyari na 'to sa'kin nung bata pa ako. Sa tuwing aalalahanin ko, biglang nawawala."
Tinitigan ako nang matagal ni Kuya. Halatang ayaw niya ang mga nangyayari sa akin ngayon.
Hinaplos niya ang buhok ko. "Kahit na ano'ng gawin kong pagtatakip, sigurado akong malalaman at malalaman mo din. Mas mabuti pa sigurong ako na ang magsabi sa'yo."
"Magsabi ng ano?" napaayos ako ng upo at tinitigan siya.
Ngumiti siya nang pilit at naihilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Maya-maya'y umupo siya sa silyang malapit sa kama ko.
"Kung ano ang mga alaala na nawala sa'yo."
"Mga alaalang nawala sa akin?"
"Tinago namin sa'yo ang nangyari. Nagkaroon ng nervous breakdown noon si Tita Selene nang malaman ang nangyari sa'yo. Sobra siyang nag-alala sa'yo. Muntik nang mamatay ang nag-iisa niyang anak. Kaya naman wala siyang ibang sinisi kung hindi ang may kasalanan sa pagkakadukot sa'yo."
Ang may kasalanan kung bakit ako na-kidnap dati?
"Alam namin na aksidente 'yon pero sobra kang mahal ng parents mo, Princess. Wala silang ibang masisi nung time na 'yon dahil namatay din ang mga kidnappers mo." Napahawak siya sa kanyang noo at huminga nang malalim. "Hindi man kasalanan ng batang 'yon at hindi man niya ginusto ang nangyari pero sa mata ng mga magulang mo ay kasalanan niya ang nangyari. Kaya naman pilit ka nilang inilayo at pilit naman kitang itinago nang napakahabang panahon mula sa batang 'yon."
Sino ang sinisi nila? Isang bata? Naalala ko ang panaginip ko. Panaginip o alaala?
"Si Timothy ba ang sinasabi mo, kuya?"
"Princess," huminga siya nang malalim bago hawakan ang dalawa kong kamay. Tinitigan niya ako sa mga mata. "You have to consider the possibility na maaaring hinanap ka lang niya dahil sa guilt na naramdaman niya noon. Hindi pagmamahal kundi guilt, Princess. Guilt na inakala niyang pagmamahal para sa'yo, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ang kasalanan na nagawa niya.