Ang init init. Ang sakit sakit. Inayos ko ang higa ko sa kama. Kahit kaunting galaw lang mas lalong sumasakit. Sabi ko na nga ba! Sabi ko na eh.
"Sammy sigurado ka ayos ka lang na iwan ka namin dito?" nag-aalalang tanong sa akin ni China.
"Oo iwan nyo na ako," nakabaluktot sa kama na sagot ko. "A-Ayos lang ako, matutulog na lang muna ako." Ang sakit talaga.
"Okay. Magsabi ka lang kay Manang kung may kailangan ka. Patunugin mo lang itong bell," bilin ni China at ipinakita sa akin ang bell na nasa side table.
"Si Angelo hwag mo nang alalahanin, kasama nya si Red. Sya na ang bahala sa kapatid mo," sabi ni Maggie.
"Matulog ka muna Sammy, babalik din kami mamaya," sabi naman ni Michie.
Hindi na ako sumagot. Lumabas na sila ng kwarto. Ang sakit talaga. Sobra. Inipit ko pa yung puson ko, sobrang sakit talaga kapag dinadatnan ako. Kaya pala ang moody ko kanina, ito pala 'yon. Naman. Nakakainis. Mamaya pang gabi mawawala ang sakit nito. Kung minsan inaabot hanggang kinabukasan.
Paano naman ako makakatulog nito kung sobrang sakit? Ayaw ko pa naman umiinom ng mga gamot. Nakakasira daw kasi ng liver o kung ano pang organ ang mga pain relievers. Waaaaah! Kung sana nandito lang si Timothy. Hindi nya ako iiwan mag-isa, tatabihan nya ako at hihintayin hanggang sa makatulog. Timothy. Kailangan ko ng Kisspirin at Yakapsule mo.
Jared Dela Cruz
Gusto kong puntahan si Samantha sa kwarto nya. Panigurado namimilipit na naman sa sakit 'yon. Ayaw kasing uminom ng gamot, ang tigas ng ulo. Nangyari rin ito sa kanya sa France, sa tuwing magkaka-period sya. Sanay na ako sa mga babaeng nagkakaron, may kapatid din naman akong babae. Minsan nga ako pa inuutusan non na bumili ng napkin.
Ang weirdo. Pero ayos lang din, kesa naman sa wala akong maitulong kada magkakaron sila diba? Mas nakakababa 'yon para sa'kin.
Puntahan ko na kaya si Samantha? May aircon ba sa kwarto nila? Nagtatalukbong kasi ng kumot 'yon kaya madalas naiinitan sa loob. Pagpapawisan pa 'yon, mabuti kung may aircon. Hindi naman masyadong mainit ang panahon dito. Pero...
"Red? Tama ba ang ginagawa ko?"
Nalipat ang atensyon ko sa babaeng kasama ko. Si Riri, yung kapangalan ng kotse ko'ng red Ferrari. Mabuti naman may kapangalan sya, hindi ko na makakalimutan ang itatawag ko sa kanya.
Ayoko naman mamahiya, pero makakalimutin talaga ako sa pangalan ng mga babae. Yung tatlong kaibigan nga ni Samantha ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Sina... Ampupu kanina lang alam ko pangalan nila ah!
Yung isa lugar ang pangalan eh. Shanghai? Yung isa naman ibon parang Magpie? Yung isa naman katunog ng Calachuchi. Ano nga ba yon? Tsk!
"Red? Earth to Red? Hello?" nasa harap ko na sya.
Halos mabulunan ako. Nanunukso ang babae. Tsk! Sinabi ko nang magbabago ako bakit ayaw akong pahintulutan na magbago?
Tumingin ako sa langit. Bakit ayaw nyo akong bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay? Ano 'to? Bakit kayo lumikha ng ganitong babae? Takteng katawan 'yan oh.
Nasa pool ako. Nagpapaturo si Riri na mag-swimming. Hindi ko alam kung bakit sa akin pa. Si Angelo lang naman ang dapat na tuturuan ko hindi sya. Buhay ko nga naman, napakahirap. Sana nandito si Jack, isa pang maloko sa babae 'yon. Sana sya nalang ang nandito.
"Daddy!"
Proud akong napatingin kay Angelo. Pinanood ko sya habang lumalangoy papalapit sa akin. May salbabida naman sya. Sinasanay ko lang muna sya sa tubig. Gustong gusto nya talaga na matuto.
"Good job Angelo," puri ko sa kanya nang makarating sya sa akin.
"Eh ako Red? Hindi mo ba ako pupuriin?" tanong ni Riri sa'kin at binibigyan ako nang malagkit na tingin.
Ampupu. Ang hirap panatilihin ang tingin sa mukha nya. Naka-two piece. Shit!
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa na magpaturo. Mukha naman na marunong ka."
"Huh?" nag-pout pa sya. "Hindi kaya..."
"Daddy I'm thirsty," umupo si Angelo sa hagdan ng pool.
"Ganon ba? Sandali ikukuha kita ng juice. Ikaw Riri, want anything?" tanong ko habang umaahon sa pool.
"Yes. You hihihihi!"
"Ano 'yon?" nagpanggap ako na hindi ko narinig.
Ang alam ko may relasyon ito at ang lalaking nakasalo namin sa pagkain kanina. Iyong namamahala ng hacienda. Kaya naman mas doble ang ingat ko. Ayoko ng gulo dito hanggat maaari. Ayokong sirain ang bakasyon ni Samantha. Malungkot pa naman 'yon dahil sa pag-alis ni TOP. Lokong TOP kailan kaya ang balik?
"I'll just have water," sagot ni Riri.
"Alright," tumingin ako kay Angelo "Saviel, upo ka muna dyan."
"Yes Daddy!"
Kinuha ko ang bathrobe na nakapatong sa malapit na upuan sa pool at isinuot. Iniwan ko na muna sila sa pool. Puntahan ko na rin kaya muna sandali si Samantha?
Don't forget to Vote and Rate! Thank you! :)