Jared Dela Cruz
Dalawang araw. Pagkalipas ng dalawang araw ay saka pa lang nawala ang takteng bagyo. Potek na bagyo nag-stay in pa sa Pilipinas. Sana ayos lang sina Angelo at Samantha. Sa Luzon lang naman ang bagyo at hindi umabot ng Mindanao. Pero kahit na, malamang umulan din doon.
"Sir would you like some wine?" tanong ng magandang attendant.
"Yeah."
Ipinagsalin nya ako ng wine at ibinigay sa akin.
"How many minutes left before landing?" tanong ko sa kanya.
"Thirty minutes nalang po Sir. Mukhang nagmamadali po yata kayo. Business trip?"
"Yeah, you can say that," nginitian ko sya.
Siguro naman mas mapapadali na ang byahe pagkarating ko sa CDO Airport. Ipinadala na rin ni Jack ang chopper doon. Ayokong gamitin ang chopper namin, baka kung ano pa sabihin sakin ng tatay ko. Tsk! Lagot ako doon kapag nalaman na nagkahiwalay kami ni Samantha. Lalo na kapag nalaman nya na nasa Mindanao ang mamanugangin nya.
Ahh! Takte sumasakit ang ulo ko. Engaged na ba talaga ako? Sa syota pa ng kaibigan ko? Ampupu nga naman. Lakas man-trip ng destiny.
*Miracle Samantha Perez
"Mommy! Mommy!" hinila hila ni Angelo ang suot ko'ng pantalon.
"Bakit Angelo?" inaayos ko ang gamit namin ni Angelo.
Haaay... Timothy nakakamiss ka talaga. Kakatawag mo lang miss na kagad kita. Ako kaya? Miss mo na rin?
"MOMMY!! YOU'RE NOT LISTENNING!" malakas na sigaw ni Angelo sa akin sabay higit sa pantalon ko.
Ito talagang si Angelo, mabuti nalang at may suot akong belt kung hindi nahubuan ako dito nang hindi oras. Thank God.
"Bakit ba kasi? Ano ang gusto mo?"
Tumakbo sya palapit sa bintana. Umakyat sya sa orange na sofa at itinuro ang malapit na puno na halos abot kamay lang sa bintana ang mga sanga. Puno ng mangga.
"I want to eat those mangoes Mommy!" todo ngiti nyang sabi habang nakaturo sa puno na nahihitik sa bunga ng mangga.
Tinitignan ko palang nangangasim na ako! Pero sabi nila Maggie matamis daw ang manga nila.
"Mamaya nalang baby, kakain muna kasi tayo. Hindi pa tayo nakain ng lunch di'ba?" sabi ko sa kanya.
Agad syang nag-pout. Walang imik na tinitigan nalang nya ang puno ng mangga mula sa bintana. Mukha syang aso sa isang petshop na naghahanap ng bibili sa kanya. ANG ABANDONED PUPPY LOOK NI ANGELO!
Hindi! Hindi! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maakyat ko bigla ang puno para kay Angelo. Hwag mo syang tignan Samantha! MAAWA KA SA SARILI MO! NOOO!
Nasa kwarto kami na katabi ng kina Maggie at China. Nasa iisang kwarto lang kami ni Michie, share daw kami. Wala naman problema 'yon, ayoko rin kasi sa guest room nila. Basta, namamahay yata ako. Baka hindi ako makatulog, atleast nandyan si Michie.
*BLAG!*
Malakas na humampas ang pinto ng kwarto sa pader, pumasok si Michie na nakatungo. Agad syang dumiretso sa kama at padapang nahiga. Eh? Magkasunod naman na pumasok sina Maggie at China. Isinarado nila ang pinto.
"Ano ba kasi ang sinabi ni Lola sa'yo?" tanong ni Maggie.
"Oo nga, ano raw?" segunda ni China.
Umupo silang dalawa sa kama ni Michie. Nasa katabing kama naman ako at nakatingin sa kanila.
"Gusto nyang dito nalang ako mag-aral ng college!" umiiyak na sagot ni Michie. Inangat nya nang kaunti ang mukha nya para punasan ang kanyang luha. Umayos sya ng pwesto at umupo. Sumandal sya sa mataas at patong patong na unan.
"ANO?!" halos magkakasabay naming tanong nila Maggie at China.
"Bakit daw? Bakit? Bakit?!" hindi makapaniwalang tanong ni China.
"Para raw maasikaso ko rin ang mga naiwan na negosyo nina Mama. Eh sabi ko ayoko, hindi ako papayag!" nakasimangot na saad ni Michie.
"Bading, kaya pala ganon ang hitsura ni Lola kanina, mukhang aatakihin sa puso," komento ni Maggie.
"Ano raw? Pumayag ba sa gusto mo si Lola?" tanong ulit ni China.
Lumipat ako sa kama nila. Nakiupo ako sa kama ni Michie.
"WAAAAAAAHH!! Pinagalitan nya ako!! WAAAAAAHH!!" iyak ni Michie sabay yakap sa'kin.
Bigla naman daw akong napaupo sa kama.
"Ayokong mahiwalay kay Sammy!! Huk! SAMMY!!! WAAAAAHH!!"
"Hala pano yon? Kapag sinabi ni Lola na dito ka mag-aral, eh talagang DITO ka nga mag-aaral," sabi ni Maggie.
"Oo nga," pag-sangayon ni China.
"Sshh Michie. Tahan na," hinagod ko ang likod nya.
Mas lalo nya akong niyakap. Ayaw nyang tumigil sa pag-iyak.
"Kung kausapin ko kaya ang Lola nyo?" bigla kong tanong.
Naaawa na kasi ako kay Michie. At syempre ayoko rin na mahiwalay sya sa'kin. Bestfriend ko nga sya eh. Mawawalan na rin ng isang member ang Crazy Trios. Magkakahiwalay sila. Alam ko malulungkot din 'tong dalawang ito.
Baka nga gusto rin nila na samahan na dito nalang mag-aral si Michie, kaso inaalala rin nila ako. Dahil don, mahahati kaming magkakaibigan. Ayoko nang ganitong sitwasyon. Kailangan may piliin.
"NAKU! Hwag mo'ng gagawin 'yan Sam! Hindi nakikinig sa ibang tao si Lola!" pigil sa akin ni China.
"Maliban nalang kay...." sambit ni Maggie.
"Kanino?" tanong ko.
"Kay Kuya Lucien."
Yung lalaki kanina na pinagtataguan ni Michie?
"Hindi nya ako tutulungan," sabi ni Michie, pinunasan nya ang luha nya.
"Bakit hindi?" tanong ko.
"Kasi hindi nya ako tanggap na kapamilya nya! Galit sya sakin! WAAAAH!!" iyak nya ulit.
"Ikaw lang nag-iisip nyan Michie, hindi kaya ganon si Kuya," kontra ni China.
"Pero si Kuya halata ko nga medyo mailap kay Michie parang laging may kakaibang atmosphere. Baka naman may ginawa ka'ng kasalanan sa kanya Michie?" akusa ni Maggie.
"WALA AH! Hindi ko nga sya tinitignan o kaya kinakausap," tanggi ni Michie.
"Sino ba si Lucien?" tanong ko.
Napatingin sila sa'kin.
"Adopted ni Lola," sagot ni China. "Parang Tito na namin sya, sobrang bata nga lang."
"Oo nga, kaya hindi namin sya tinatawag na Tito kasi nga ang bata hahaha!" amused na kwento ni Maggie.
"Pero nakikinig sa kanya ang Lola nyo? Ibig sabihin kung pakikiusapan natin sya Michie, matutulungan ka nya," sabi ko sa kanya.
Tumingin sa'kin si Michie na namimilog ang mga mata. Parang nakikiusap sya na hwag nalang.
"Pero natatakot ako sa kanya..." bulong nya.
Ehh. Pano kaya 'to? Bumuntong hininga ako at tumingin sa bintana. Teka. Bigla akong may napansin. Si Angelo? NASAAN SI ANGELO?!
"Bakit ka namumutla Sammy?" usisa ni Michie.
Napatayo ako. "SI ANGELO!!! Nasaan na?!" napatingin ako sa pinto.
NAKABUKAS NA ANG PINTO!! Nakasara kanina yon ah! Hindi kaya...lumabas sya para manguha ng mangga?!! Tumakbo ako palabas ng kwarto. Sana naman hindi sya umakyat sa puno!
"Teka Sammy!!" habol ng Crazy Trios.
"ANGELO!" tawag ko pagkalabas ko ng kwarto.
Bumaba kami ng hagdanan ng Crazy Trios. May nakasalubong kaming kasambahay.
"Manang may nakita ba kayong bata dito? Yung kasama ko?" mabilis na tanong ko.
"Ah!" Nagulat ko sya. Napahawak sya sa dibdib nya. "Aba'y oo, nakita ko na lumabas. Maglalaro yata."
"ANOOO POOO?!" Tumakbo na ako palabas ng bahay.
BAKA UMAKYAT NA NG PUNO 'YON!! WAAAAA!! ANGELO!!!
Nakasunod parin sa'kin ang Crazy Trios sa pagtakbo.
"Kapag nakita tayo ni Lola na tumatakbo sa loob ng bahay sigurado masesermonan tayo," saad ni China.
"Hahaha! Oo nga," tawa ni Maggie.
Nakalabas na kami ng bahay at agad akong tumingin sa paligid. ASAN NA?! ASAAAAN?!!
"Ayon si Angelo oh!" turo ni Michie.
"ANGELO!!" tawag ko sa kanya.
Nakatayo lang sya sa gitna ng lawn at nakatingin sa itaas. Sa langit.
"Angelo bakit ka biglang lumabas ng bahay? Sabi ko naman mamaya kita ikukuha ng mangga eh!" mangiyak ngiyak na sabi ko sa kapatid ko na nakatingin parin sa langit.
Akala ko talaga umakyat na sya sa puno.. Kinabahan talaga ako.
"LOOK MOMMY!!" turo nya sa langit. "It's SUPERMAN!"
Napatingin na rin ako sa itinuturo nya. May parang itim na anino na bumabagsak.
"NO! It's a BIRD!!" komento ni Maggie.
"NO! It's a PLANE!!" komento ni China.
Habang tinitignan ko'ng mabuti hindi ako maaaring magkamali na isa iyong lalaki. ISANG LALAKI NA NALALAGLAG MULA SA LANGIT!!! WAAAAA!! MAGPAPAKAMATAY BA SYA?!!
"Oh my gosh! Tumawag tayo ng ambulansya baka sumalpok 'yan sa lupa!!" malakas na sigaw ni China.
"Bakla! NATURAL sasalpok yan sa lupa, nalalaglag nga diba? Alangan tumaas?" pilosopong sambit ni Maggie.
"Kapag ba nalalaglag sasalpok na kaagad? Diba pwedeng exhibition muna sa ere tapos tsaka mag-summersault sabay patak?" sagot naman ni China.
"Eh di patay?" tanong ni Maggie.
"PATAY kaagad? ATAT ka? Hindi ba pwedeng 50/50 muna?" tanong ni China.
"Ay kung sabagay, may point ka kapatid," kibit balikat na sagot ni Maggie.
"AAAAAACCCKKKK!! ANGELO TAKPAN MO ANG MATA MOO!!" Ayoko syang makakita nang nagsuicide sa harap nya.
"NO MOMMY!! LOOK!! LOOK!!" nakangiting sabi ni Angelo na tumatalon sa tuwa.
Yung anino ng tao naging bilog... Isang...
"WOW!!! MAY PARACHUTE NAMAN PALA EH!!" excited na sabi ni Maggie.
"Sabi na eh! May exhibition muna yan," namamangha na sabi ni China.
Habang palapit sya nang palapit...parang nakikilala ko na kung sino sya. With so much ease and gracefulness, parang hindi man lang sya nahirapan sa paglanding. Nang makalanding na sya tumingin sya sa direksyon namin. Nalaglag ang panga ko.
UBAS. BAYABAS. BALASUBAS... AT LAHAT NANG NAGTATAPOS SA 'BAS'.
"Yow!" bati nya nang matanggal nya ang suot na proteksyon sa mata.
Nakakabit parin sa katawan nya ang parachute. Tinanggal nya ang mga nakakabit sa katawan nya at lumakad palapit sa amin. Inalis nya ang suot nyang proteksyon sa mga mata.
"What's up?" cool na bati nya samin na malapad ang ngiti.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Isa ba syang aparisyon o ano?
"It's DADDY!!! DADDYYY!!!" sigaw ni Angelo na kasabay ng pag-sigaw ko ng "JARED DELA CRUZ!!!"
Ano'ng pakulo ang pinaggagagawa nito?! Plano ba nyang ma-ospital?!