下載應用程式
30.51% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 64: Chapter Sixty-Four

章節 64: Chapter Sixty-Four

Jared Dela Cruz

[All flights are cancelled today due to typhoon Santi] Yan ang bumungad sa'kin pagkadating ko sa airport. PAAAAKSYEEET! Ang malas! Bakit cancelled?! Agad ko'ng kinuha ang cellphone ko at tumawag sa bahay. Sigurado si Edward na butler namin ang sasagot.

[Dela Cruz Residence]

"Edward kaya bang ipuslit ang chopper dyan?" tanong ko.

[Young Master pinagbakasyon po ang pilot dahil sa parating na bagyo ngayon kaya naman ipinagbabawal na—]

"Ah nevermind!" in-end ko na ang tawag.

Tumawag ako kay Jack.

[Hey baby what's up?] sagot nya na parang natutulog pa.

"Gago si Red 'to! Kailangan ko ng tulong mo, yung chopper pwede mahiram?"

[Gago Red ikaw pala yan, walang chopper namin nasa Cebu.]

"Yung barko?" may ari kasi sila ng napakaraming barko rito sa pinas.

JACK. Sya raw ang susunod na magiging pirata sa dagat. SPARROW.

[Hindi ba may typhoon? Cancelled lahat ng byahe 'tol]

"TSK!" in-end ko na ang tawag.

Tinawagan ko si Kyo.

[RENESMEE?!] sigaw nya sa kabilang linya.

"Gago si Red 'to!" Hindi ba uso ang pagtingin muna sa caller's name bago sumagot? "Pahiram ng chopper!"

Si Renesmee ang babaeng bumasted sa kanya. Malamang depressed parin. Brokenhearted ang loko.

[*doo-doo-doo*] Binabaan ako?

AAAAAHHHH!! BAKIT BA KASI HINAYAAN KO SILA NA UMALIS NANG WALA AKO?!!

"Nanay tignan mo yung lalaki oh mukhang baliw."

Napatingin ako sa maliit na bata na nakaturo sakin. May hawak pa syang ice cream.

"Hayaan mo na, umalis na tayo dito dali dali.." parang natataranta yung ina at inilayo ang bata.

Ako mukhang baliw? Mukhang 'to? Sino nagsabing hindi marunong mag-sinungaling ang mga bata? Malaking kasinungalingan!

Miracle Samantha Perez

Sariwa ang hangin! Malamig na klima! Yan ang napansin ko nang lumabas ako ng sasakyan. Binuhat ko si Angelo. Baka nilalamig sya. Ang cute talaga ng kapatid ko.

"Mommy..." nagreklamo sya nang buhatin ko at nag-wiggle.

Gusto nya yatang pumunta doon sa pool. Hinayaan ko syang maglakad pero hawak ko ang kamay nya. Baka kung saan tumakbo eh. Masyado syang curious sa mga bagay na nakikita nya. (_._")

"NANDITO NA KAMI!!!" sigaw ni China.

"Chinz hwag ka maingay baka marinig ka ni Lola," saway ni Maggie sa kapatid nya.

"Hehe! WOHOOOO!! NANDITO NA KAMIII!!!!" sigaw ulit ni China at tumakbo papunta sa bahay.

"Michie lumabas ka na dyan sa sasakyan," tawag ni Maggie.

Lalo lang sumiksik sa loob ng sasakyan si Michie. "Ayokoooo!!! Ayokooo iwan nyo na ako rito! Uuwi na ako!!"

"Bakla dito ang bahay natin. Ano'ng uuwi?" Hinihigit ni Maggie si Michie palabas ng sasakyan pero ayaw talaga ni Michie.

"Ayokoo!! Uuwi na ako sa bahay natin!! Yung bahay ni Sam!!" nakasimangot na saad ni Michie.

Bakit ba ayaw ni Michie sa bahay na ito?

"Bading pagagalitan ka ni Lola kapag hindi ka lumabas dyan. Bilis na! Labaaaas na."

"Ayoko sabi eh!!"

"Ay ang kulit! Ang layo na natin, nandito na tayo sa bahay tsaka mo pa gustong bumalik don?"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C64
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄