Nasaan kaya si Red? Hindi ko talaga inakala na ganoon kabigat ang parusa ng Lucky 13. Si Timothy kaya? Kung sya kaya ang lalabag matatanggal din kaya sya? Sya ang leader ng gang nila eh. Pano 'yon? Mabuti nalang pala wala akong kapatid sa loob ng gang nila. Naaawa naman ako kay Omi. Hindi naman mabigat ang kasalanan nya eh, sino kaya ang gumawa ng rules na 'yon? Hindi kaya si Timothy? Kung sabagay may mga kapatid syang babae. Ang kakambal nya na si Sweety at ang younger half-sister nyang si Anya Marie.
Hindi kaya sya? Medyo OA talaga si Timothy sa pagiging protective. Ano na kaya ngayon ang mangyayari sa grupo nila? Twelve nalang sila ngayon? Boys. Ang sabi nila kami raw mga babae ang mahirap intindihin, sino na kaya ngayon ang mahirap intindihin? Ang komplikado naman ng mga lalaki. Ay sumasakit ang ulo ko. Nai-stress ako sa kanila.
Isa pa 'tong si Timothy ni hindi man lang magawang tumawag. Aist! Subukan lang nyang mambabae talagang tatamaan sya sakin pagbalik nya.
Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Si Timothy 'yon eh, syempre ako lang ang mahal nya. Sa akin lang sya! Haayy Timothy kailan kaya sya makakabalik? Sigurado mas gwapo sya kapag nakabalik na sya! AIYA!! Napapangiti ako mag-isa ano ba yan?
"Well atleast one of us is happy, that's good."
AY BUTIKI!!! Napalingon ako sa katabi ko. May kasabay na pala ako sa paglalakad. Hindi ko man lang sya napansin na lumapit sa akin.
"RED!! Kanina pa kita hinahanap!!" Napahawak ako sa dibdib ko, nagulat ako bigla syang sumulpot.
"Hmm," sagot ni Red.
Naglakad lang kami nang tahimik. Pinapakiramdaman ko lang sya. Mukha naman nabawasan na ang negative aura na bumabalot sa kanya kanina. Mukha nalang syang malungkot ngayon.
"Ang tahimik mo," pansin ko sa kanya.
"Kumusta ang kapatid ko?" tanong nya.
Inaalala lang pala si Audrey.
"Okay naman sya nang iwan ko silang dalawa ni Omi," sagot ko.
Bumuntong hininga nalang sya.
"Ganon ba?" ang lungkot naman ng tono nya.
"Haha! Hwag ka nang mag-alala kay Audrey. At si Omi naman, okay din sya. Mukhang ang saya nga nila na magkasama. Nakakatuwa nga eh," tumingin ako sa mga stars. "To think na may isang tao na kayang iwan ang lahat para makasama ang taong mahal nya, hindi ba ang swerte ng taong minamahal non?"
Naramdaman ko'ng tumingin sa'kin si Red. Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa unahan.
"Kung may gagawa ba non sayo... pipiliin mo ba ang taong 'yon? Mamahalin mo ba sya?" tanong nya sa'kin.
Hindi ko alam pero parang may gusto syang sabihin. Ang tingin kasi nya. Tumigil muna kami sa paglalakad. Hinarap ko sya. Siguro may minamahal 'tong si Red ngayon. O kaya nagi-guilty sya sa ginawa nya?
"Oo naman," tumingin ako nang diretso kay Red at ngumiti. "Kaya nga masaya ako sa pagmamahal ni Timothy. Ang swerte swerte ko dahil mahal na mahal nya ako. Ako ang pinili nyang mahalin at hindi ibang babae."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakakailang hakbang palang ako nang bigla syang magsalita.
"Pano kung may mangyari?" narinig ko'ng sambit nya.
"Huh?" Nilingon ko sya.
"Paano kung mahal pala kita at kaya ko'ng pantayan ang mga ginawa ni TOP para sa'yo? Sinong pipiliin mo?"
Nagulat ako nang husto sa tanong nya. Unti unti syang lumapit. Seryoso ang mukha nya. Ni walang kahit na ano'ng bakas ng pagbibiro ang boses nya.
"Sino'ng pipiliin mo Samantha?" tinititigan nya ako nang matiim. "Yung nandito sa harap mo ngayon at may kasiguraduhan," hinawakan nya ang isang pisngi ko. "O yung malayo sa'yo na hindi sigurado kung kayo nga ang magkakatuluyan?"
Unti-unting lumakas ng sobra ang pintig ng puso ko. Si Red...ano ba ang gusto nyang sabihin? Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Hindi ko magawang gumalaw.
"Hindi ba't mas magiging madali lang ang lahat kung tayo nalang, Samantha?"
Napatulala lang ako sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nya. Kumurap kurap ako. Medyo nailang ako sa tingin nya kaya naman pinilit ko'ng ngumiti at tumawa.
"Haha! Ano ba'ng sinasabi mo Red?" nakangiti ngunit kinakabahan na tanong ko.
Akala ko tatawa na sya kaso nanatiling seryoso ang tingin nya sa'kin. Mas lalo akong nailang. Kaya naman dinaan ko sya sa pabirong hampas.
"Crush mo 'ko no? Hahaha!" hinampas ko sya sa braso.
Bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam na parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko nang hawakan nya ang kamay ko. Imahinasyon ko lang ba 'yon? Pero ramdam ko parin 'yon.
Nawala ang ngiti ko at tinignan ko nalang sya. Naguguluhan talaga ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At parang hinihigop ako ng tingin nya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga mata nya.
Ngumiti sya bigla. Binitawan nya na ang kamay ko at ginulo ang buhok ko.
"Hindi yata maganda ang joke ko," tumawa sya. "Saan kaya nagpunta ang sense of humor ko? Ang weird. Tara na, balikan na natin si Angelo baka kung ano na ang itinuro ng tatlo mong kaibigan don."
Nauna na syang naglakad. Nakatingin lang ako sa likod nya. Napahawak ako sa kamay ko, sa parte na nahawakan nya. Ano ba yung naramdaman ko kanina?