Audrey Dela Cruz
Umalis na si Sam.
"Let's go, gamutin na natin yang sugat mo," sabi ko kay Omi.
Inakbayan na naman ako ni Omi. Psh! Napapasarap na 'to ah. Pero okay lang, kanina pa ako nilalamig eh. Ang init nya. Ang sarap nyang yakapi—wait! No. No.
"Tayo na ah," sabi nya. "Sabi mo yan ah. Tayo na."
"Hindi pa," sagot ko.
"Eh kailan mo ako sasagutin? Next year pa?" tanong nya.
"Kung ganon nga, bakit? May angal?"
"Wala ah! Hahaha!" tawa nya. "Pero sinabi mo na yan, next year dapat tayo na! Ilang months nalang din 'yon."
Hindi pa nga sya nagtatanong eh pano ko sasagutin? Ang bopols talaga ng panget na 'to.
"Kung tanungin mo muna kaya ako kung payag ako," sabi ko.
Napakamot sya sa ulo.
"Audrey okay na ako sa panliligaw. Hwag mo naman muna akong i-basted, manliligaw muna ako," parang kinakabahan pa na sabi nya.
"Sino nagsabi na babasted-in kita?" Naiinis na ako.
"Kung ganon hindi mo ako ba—"
"Itanong mo nalang kaya?!" naiinis na talaga ako.
"Ayoko! Natatakot ako!" At tinakpan pa nya ang mukha nya gamit ang dalawa nyang kamay.
"Ang bading mo talaga!!" sigaw ko sa kanya.
"Natatakot ako eeh!" sabi pa nya.
"Bakit ka matatakot? Alam mo na ba ang sagot ko?" tanong ko ulit, ayaw pa kasing itanong eh!
"H-Hindi pa. Pero baka kasi ayaw mo eh, baka hindi mo ako m-mahal. Ayoko lang naman mawala yung kakarampot na pag-asa ko na baka mahal mo rin ako. Kapag kasi sinabi mong hindi baka—"
"ROMEO!!" sigaw ko.
"B-Bakit?"
"Lumapit ka, may ibubulong ako."
Lumapit sya at medyo ibinaba ang ulo para kapantay ko. Hinalikan ko sya sa pisngi. Nagulat sya at napahawak sya sa pisngi nya. Unti unti syang namula.
"Ngayon? Hindi mo pa rin ba itatanong?" usisa ko.
"A-Audrey g-g-gus—gust—o m-mo—" nabuhol na ang dila nya.
"Hoy panget ano ba?! Umayos ka nga! Iiwan kita rito, itatanong mo ba o ano?! Maghahanap na ako ng kapalit mo ang dami dyan sa paligid puro nakahubad oh—"
"PAYAG KA NA BANG MAGING GIRLFRIEND KO AUDREY DELA CRUZ? I PROMISE TO BE A GOOD BOYFRIEND TO YOU!" biglang sigaw nya.
Nagulat ako ah!
"Uhh ang ibig ko'ng sabihin kung payag ka na maging—" again hindi ko na sya pinatapos.
Hinawakan ko na ang isang kamay nya. "Okay. Tayo na."
"T-Tayo na saan? Hindi mo pa ako sinasagot."
"Ang ibig kong sabihin, oo pumapayag na akong maging girlfriend mo. Tayo na."
Kumurap kurap sya bago nya dahan dahan na in-absorb ang sinabi ko. Tumingin sa kamay namin na magkahawak. Ngumiti sya nang dahan dahan. Kumislap ang mga mata nya. Niyakap nya ako nang mahigpit.
"YES!!! YES!!!! WHOOOOO!!!"