下載應用程式
21.59% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 45: Chapter Forty-Five

章節 45: Chapter Forty-Five

*Audrey Dela Cruz*

Umubo sya. Sira ulong 'to! Tumalon talon pa sa tubig. Ano ba ang gusto nyang patunayan?

"Sabi na nga ba," tumingin sya sa akin. "Mahal mo rin ako eh," ngumiti sya.

Basang basa kaming dalawa. Kinuha ko ang towel na nasa upuan doon. Wala akong pakialam kung gamit na 'yon. Ginamit ko ang towel at ipinunas sa sarili ko.

"Kahit sino'ng makakakita sa'yo, gagawin 'yon! Hwag kang assuming!" singhal ko. Bwiset na 'to.

"Pero nag-mouth to mouth tayo~" kanta nya

Binato ko sya ng basang towel sa mukha. Ang saya-saya pa nya.

"Peste! Bakit mo ba ako niloko ha? Ano?! Makikipaglaro ka na naman ba?"

Tinignan nya ako ng seryoso.

"Audrey hindi kita niloko, kahit kailan hindi kita pinaglaruan."

"Ha! Sabihin mo—"

"PWEDE BA PATAPUSIN MO MUNA AKO?! KAYA TAYO HINDI NAGKAKAINTINDIHAN EH!!" sigaw nya sa akin na ikinabigla ko.

Natigilan naman ako. Ngayon lang sya sumigaw. Nanlaki ang mga mata ko. Sinigawan nya ako?! Bwiset 'to ah!

"Uhh. Sorry hindi ko sinasadya na sigawan ka," sabi nya na mukhang nabigla rin sa ginawa nya.

Tumahimik nalang ako at tumingin sa ibang direksyon. Mahabang usapan na naman 'to. Ayaw nyang sumuko. At ang peste kong puso gustong makinig. Ay leche talaga.

Umupo muna ako at ibinalot ang towel sa akin. Lumalamig na. Narinig ko ang parang tunog ng tambol. Mag-uumpisa na ang fire dancing. Gusto ko pa naman mapanood 'yon. Pero wala ako'ng magawa dahil na-stuck ako kasama ang pangit na 'to.

"May dahilan kung bakit nasabi ko ang mga 'yon sa'yo dati," umpisa nya.

"Ano'ng dahilan naman?" tanong ko.

"Mahaba ang sasabihin ko kaya mangako ka na makikinig ka hanggang sa huli."

"Sabihin mo nalang ang dapat mong sabihin para makaalis na ako dito. Ang lamig kaya."

"Malamig?" ngumiti sya. Ibinuka nya ang dalawang braso nya. Bwiset na mapang-akit na biceps at abs. "Gusto mong yakapi—"

"Suntok gusto mo?! Mag-umpisa ka na nga sa paliwanag mo. Bilisan mo! Nasasayang ang oras ko rito!"

"Sabi ko nga..." nanlulumo na sabi nya. Ang pangit na 'to nag-emote na naman! Huminga sya nang malalim. Nagkamot sya ng batok at medyo tumalikod sa'kin. "Bago ka makapasok sa gang may mga rules na dapat sundin. Hindi rin madali pero para 'yon sa gang, para hindi kami magkaron ng problema sa hinaharap. Para hindi kami mag-away."

Rules? May ganon pala sina kuya. Ngayon ko lang nalaman 'yon ah. Bigla akong nacurious.

"Isa sa mga rules na 'yon ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling sa'yo noon." Umupo sya sa tapat ko. "Hindi ko nilabag dati pero handa ko nang labagin ngayon."

Rule na lalabagin nya ngayon?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C45
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄