"Red ano ang tingin mo kay Ami?" tanong ko sa kanya out of the blue.
Saglit syang nagulat pero sumagot din. "Mukha naman naaalagaan nya nang mabuti si TOP."
"Hindi 'yon! Bilang lalaki, ano tingin mo sa kanya? Type mo?"
Nag-isip sya.
"May hitsura naman sya at curvy. Not my usual type pero pwede na rin..."
"Good! May hihingin akong pabor sayo eh. Hehehe!"
"Kapag ganyan ang tawa mo kinakabahan ako."
"Hihihi! Pwede mo ba syang..."
Lumapit ako sa kanya at bumulong...
"Kemberlu Chenez Churva Skempertush Chenelyn."
Pero syempre hindi yan ang binulong ko.
After two minutes of data processing...
"ANO?!" sigaw nya.
"Sige na Red di'ba expert ka dun?" pinagdikit ko ang mga palad ko at binigyan sya ng puppy-eyes.
"Ano bang expert ang sinasabi mo?"
"Expert ka naman sa mga chix diba? Simple lang naman ang gusto kong gawin mo eh!"
"A-YO-KO"
"Eeeeeeh! Sige na kasi!"
"Hindi ko gagawin yan"
"BAKEEEETT?!"
"Di sya sumagot. Nag-patuloy lang sya sa pagkain ng niluto ko para sa kanya. Late-lunch na nga eh.
"Dahil ba dun sa babaeng kuneho na gusto mo? Ano nga pala ang pangalan nun?"
"Abrilata. Wala syang kinalaman dito."
"Abrilata ang pangalan nya? Ang weird naman, di'ba yun yung pambukas ng lata? Eh?"
"Tsk."
Tumingin sya sa'kin ng diretso.
"Hindi ako nang-seseduce ng mga inosente, paano kung ma-inlove 'yon sa'kin? Gusot yan Samantha. GUSOT!"
Nag-iiba ng topic. Uuyy!
"Naman eh! Red naman eh! Minsan lang hihingi ng tulong eh. Para ka namang OTHERS! Friends tayo di'ba?"
May ibinulong sya sounds like "Sino may sabi?"
Ang sama! "RED NAMAN EH!!" sigaw ko dala ng inis.
"Kahit magpapadyak ka dyan at umiyak hindi ko gagawin yan," sabay subo ng pagkain.
Kinuha ko yung plato nya na may pagkain.
"Hoy! Hindi pa ko tapos kumain ibalik mo yan."
"Ayoko, bleh."
"Ay! Samantha hwag kang ganyan kanina pa ako nagugutom ibalik mo na yan. Tsk!"
Ngumiti ako. ^_____^
"Gawin mo muna ang sinasabi ko!"
Nagbuntong hininga sya.
"I can't. May batas ako na sinusunod at isa don ang hindi pagpatol sa mga inosente."
"Eeeeeeh! Hindi ba pwedeng labagin mo 'yon kahit isang beses lang?"
"Lalabagin ang sarili kong batas kahit isang beses lang? Kung gagawin ko yan, lalabagin ko na rin ang isang rule na gusto kong labagin matagal na."
"Ano'ng rule?"
"Rule number 3: Never date your friend's girl" seryoso nyang sabi.
Huh? Never date your friend's girl? Kinuha nya bigla sakin yung plato.
"WAAH! Madaya! Madaya ka!"
"Nagugutom ako. Sa'kin nalang 'to." (~.~)
"Hindi ako makapaniwala na inagawan mo ako ng pagkain." (=.=)
GRR!! Makalayas na nga! Tumayo na ako sa silya ko. Biglang pumasok si Ami sa kusina. Nakupo narinig kaya nya?
"Pupunta lang ako sa palengke may ipapabili kayo?" tanong ni Ami.
Mukhang wala naman syang narinig.
"Sa palengke? Uhh... Si Red meron daw syang gustong bilhin!" turo ko kay Red.
Bigla naman napaubo si Red, nabulunan yata sa sinabi ko. Sorry!
"Sabi ni Red sasama raw sya sa palengke hintayin mo lang sya," sabi ko sa kanya nang seryoso.
"Uh. Okay," sagot ni Ami.
"Goooood!"
At bago pa makapagsalita si Red tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Timothy. Hahaha!