Sa mga libro na nababasa natin, sa bawat nobela kahit sa mga teleserye at pelikula, may tinatawag na 'The End'. Sa bawat ending palaging may dalawang pinagpipilian, it's either 'they lived happily ever after' o ang tragic ending kung saan may mamamatay o nagkahiwalay. Sa kaso namin ni Timothy hindi ko pa masasabi na happy ending na kami. Gustuhin ko man na gawin disney ang ever after naming dalawa na may kissing scene at fireworks sa langit, hindi ganon ang ending na nakatadhana para sa amin.
May mga bagay pa kaming kailangan ayusin sa buhay namin. Katulad nalang ng pagkabulag nya dahil sa isang aksidente at pati narin ng pagiging engaged ko sa ibang lalaki.
Nang balikan ko sya akala ko okay na lahat. Pero hindi lahat ng bagay ay nananatiling katulad noon. Kahit ang mga gamit naluluma sa pagdaan ng panahon. The only constant thing in the world is change. At sa tingin ko... ganoon din kami ni Timothy. May nagbago sa kanya... at pati na rin sa akin.
Sa ngayon, mag-uumpisa ulit kaming dalawa makalipas ang dalawang taon. Magiging mas matatag kaya ang relasyon namin o kagaya sa gamit, maluluma at hihina rin ang pagmamahal namin para sa isa't-isa?