Pagkatapos namin sumayaw ni Timothy, pumunta muna kami sa balcony. Pinagmasdan namin ang blue moon. Kulay asul ang bwan, every three years lang ito kung magpakita at sadyang napakaganda nito. Habang nakatingin kami 'ron, naramdaman ko na nilagay ni TOP ang coat nya sa balikat ko. Ngumiti sya sa'kin.
"Alam mo ba ang kwento ng blue moon?" tanong ko sa kanya bigla.
"May kwento ba ang blue moon?"
Tumango ako. "Ang sabi ng mga matatanda, kung sino raw ang kasama mo habang nakatingin sa blue moon ay sya daw ang makakasama mo habang buhay."
"You believe that?" natatawa nyang tanong.
"Pinagtatawanan mo ba ako?!"
"Pfft. N-No. Of course not," pigil tawa nyang sagot.
"Seryoso ako!"
Tumigil sya sa pagtawa at naging seryoso. "Naniniwala ka ba?"
"Hmm. Oo." Yumuko ako.
Oo. Kailangan kong maniwala ron. At kailangan mo rin maniwala Timothy. Para kahit anong mangyari ngayong gabi may pag-asa parin tayong dalawa. May panghahawakan tayong pag-asa. Kahit na isang sabi-sabi lang yon. Pwede parin tayong umasa dahil don. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Hindi ko alam." Nagkibit-balikat sya.
"Bakit naman? Kailangan mo rin maniwala don! Totoo 'yon!"
Tumawa sya. "O sige, naniniwala na ako. Naniniwala ako hindi dahil sa blue moon."
"Huh?"
"Naniniwala ako dahil alam ko na habang buhay kitang makakasama," hinalikan nya ang kamay ko. "Blue moon man yan o hindi, sa'kin ka lang."
"Timothy."
"May ibibigay ako sa'yo."
May kinukuha sya sa bulsa nya...nang biglang sumulpot si Audrey.
"TOP! There you are! Nandito ka lang pala!" sabi ni Audrey na nagningning bigla ang mga mata. Lumapit sya kay TOP at hinila sa braso. "Hindi ako papayag na matapos ang gabing ito nang hindi ka nakakasayaw!"
Tumingin sakin si TOP.
"Okay lang naman sa'yo di'ba Sam! Sandali lang naman 'yon eh."
Napatingin ako kay Audrey. "Oo naman."
"See? Tara na TOP!"
Ibinalik ko ang coat ni Timothy sa kanya. May nilagay sya sa tenga ko.
"Save your midnight dance for me, may ibibigay ako sa'yo," bulong nya sa'kin.
Tuluyan na syang nahila ni Audrey bago pa ako makasagot. Ang Midnight Dance? Gusto nya akong isayaw sa Midnight Dance?
Napangiti ako. Hindi pa ako nakakapag-sayaw sa Midnight Dance. Ang dance na 'yon ay para sa mga mag-couple. Para sa mga mag-asawa, mag-nobyo at mga magpapakasal. Iyon din ang main event ng Christmas Ball. Kaya naman ang mga taga-media ay nakaabang sa maidadagdag na pares ng mga mag-sasayaw mamaya. Doon malalaman kung may bagong pares ang magpapakasal. Parang isang announcement na... Napatutop ako ng bibig. Announcement. Ang engagement ko!
Hinanap ko sina Mama at Papa. Kailangan ko silang makausap. Kanina hindi sila nagkaron ng time para makausap ako. Naging abala sila para sa party. Nasan na kaya sila? Umikot ako sa Hall. Hindi ko sila makita. Ano'ng gagawin ko?! Hindi pwedeng i-announce ang engagement sa harap ni Timothy! Eesh! Kumuha ako ng wine sa daladala ng waiter. Kanina pa ako nauuhaw. Inubos ko ang laman non. Ahh. Bigla akong nahilo. Umupo muna ako sa isang bakanteng table. Hawak ko ang ulo ko at hinihintay mawala ang epekto ng ininom ko.
"Who is that?"
"I have no idea."
"He's so incredibly gorgeous!"
May narinig akong usap-usapan.
"He's perfect!"
"He's looking at me!"
"You?! No way! He's looking at me!"
"He's definitely looking at your big head."
"And you think he's looking at your big nose?"
"Shut up you two! He's definitely looking at me!"
"Ch. Yeah right, you pig! The only reason he'll look at you is because you're blocking the whole view with your fat ass!"
"Take that back you cheap whore!"
Ah. Mas sumakit ang ulo ko. Tumayo na ako. Kailangan ko pang hanapin sina Mama at Papa. Pagharap ko sa kaliwa may nabangga ako. Muntik na akong matumba pero nahawakan nya ako sa braso.
"Sorry." Nahihilo na sabi ko.
"Are you alright?" he asked.
Napatingin ako sa lalaking nabunggo ko. Blonde ang buhok, nakaputing suit at may rose sa kaliwang dibdib.
"Uhh. Timothy?"
"Did you drink?" Iba ang boses pero pamilyar.
"No. Uhh. Yeah...but I'm not drunk. Timothy?"
"No."
"Oh. I'm sorry. Excuse me."
"Wait."
Hindi ko sya pinakinggan at umalis na.
"Pinapasundo ka sa'kin ng parents mo."
"What? My parents? Saan?"
"Follow me."
Sinundan ko si Mr. Stranger. Hindi ko sya mamukhaan. Ang labo ng paningin ko. Medyo nahihilo pa ako. Ano ba ang ininom ko? Mukhang pamilyar ang boses ng lalaki eh. Siguro kilala ko sya. Pumasok kami sa isang silid. Walang tao sa loob. Umupo muna ako sa sofa at sumandal. Naramdaman ko na nakatingin sya sakin. Haaayy. Ang tagal naman nila Mama, akala ko ba nandito sila? Niloloko lang yata ako nito eh.
Minasahe ko ang ulo ko. Bakit ba kasi ininom ko yun eh? May naramdaman akong umupo sa tabi ko.
"Hindi ka dapat uminom."
"Nasan na sila Mama?"
"They should be here any minute now."
"I wonder what's taking them so long," I groaned.
Bumukas ang pinto at may pumasok na apat na tao sa silid.
"Look at you two, aren't you the cutest couple?" boses ni Mama.
"Ma." Tumayo ako. Unti-unti nang umaayos ang paningin ko.
"They look perfect together," sabi nung babae na kasama nila Mama.
Mukhang mag-kakasing edad sila. Mukhang sophistiscated ang babae at may katabi syang lalaki na kasing edad ni Papa. Mukhang mag-asawa.
"You have a very beautiful daughter," sabi ng lalaki.
"Well kanino pa ba magmamana?" tanong ni Papa sa lalaki.
Tumawa sila.
"Good evening Sir, Madam," bati ni Mr. Stranger kina Mama.
"Good evening. Let's sit," sabi ni Papa.
Umupo kaming lahat.
"Ma? Pa? Ano'ng nangyayari?" kinakabahan na tanong ko.
"Hija, we have to tell you something," sabi ni Mama sa akin.
"A-Ano po 'yon?" Ito na ba 'yon?
"Well, we decided to find you a husband."
Oh God. Ito na nga 'yon. Natahimik ako. Kahit alam ko na noon pa na engaged na nga ako ang hirap parin pala at mas masakit kapag sinabi na talaga sa'yo.
"Ma, Pa I don't think this is a good idea."
"I don't see any problem with your engagement anak," sabi ni Papa.
"Baby, we waited for years to see you grow up and marry a nice young man," paliwanag ni Mama.
"But Ma! What about him? I'm sure he doesn't like me."
"He already agreed to this and besides what's not to like about you?" tanong ni Mama.
Oh GOD. Napatitig nalang ako sa mga kamay ko na nakakuyom sa lap ko.
"Mukhang nabigla yata natin sya Mare," narinig kong sabi ng babae. Ang magiging mother-in-law ko.
"Hindi ko naisip 'yon," sabi ni Mama.
Hah! Hindi naisip? Ano ba ang iniisip ng parents ko? Na okay lang? Na matatanggap ko rin ito agad?
"Why don't you two enjoy the party?" sabi ni future mother-in-law.
"Yes, Jared why don't you ask your fiancee to dance with you?" suhestyon naman ni future father-in-law.
"Oh! We forgot to introduce you to each other! Samantha meet your fiance Jared Dela Cruz. And Jared this is our only angel, Samantha," pakilala sa amin ni Mama.
Jared Dela Cruz? Agad akong nanlamig. Hindi ako nakagalaw. Jared.
"Now that it's settled," tumayo sila. "Let's enjoy this night. Shall we?"
Hindi naman siguro sya si... Tumingin ako sa mukha ng fiance ko. Ngayon, nawala na ang epekto ng alcohol sa sistema ko pero bakit ganito? Bakit mukha ni Red ang nakikita ko? Mukha ng bestfriend ni TOP. No. No! I must be dreaming! This cant be real! This cannot happen. No.
Hindi ko na namalayan pa na umalis na pala sa silid sina Mama kasama ang mga magulang ng fiance ko. Agad akong tumayo sapo ang noo ko. Naglakad ako nang pabalik-balik. Oh my God. This isn't happening.
"R-Red? Ikaw ang fiance ko?" sa wakas ay nasabi ko na rin.
"Oo," huminga sya nangg malalim. "Ako nga."
"Oh my God! This is not happening! This can't be happening to me, no. Hindi ito pwede! Si Timothy! Si Timothy," naiiyak na sabi ko.
"Nandito na 'to, wala na tayong magagawa."
"Hindi! Kahit sino hwag lang ikaw! Naiisip mo ba kung ano'ng mararamdaman nya?! Hindi lang ako ang mawawala sa kanya pati ikaw! Ikaw ang bestfriend nya Red! Ikaw 'yon! Ikaw ang inaasahan kong—"
"Mag-co-comfort sa kanya kapag iniwan mo sya? That sucks because I'm the reason why you're leaving him."
"BAKIT KA PUMAYAG?! BAKIT?!!"
"Look Samantha, hindi lang ikaw ang may ayaw nito. Katulad mo napilitan lang din ako!" tumayo na din sya at hinarap ako.
"God! Oh my God! God no."
"C'mon, hinihintay nila tayo."
"Hindi ka ba natatakot sa gagawin ni Timothy sa oras na malaman nya? Hindi ka ba natatakot na saktan ang kaibigan mo? Red! Ano ba ang nangyayari sa'yo?!"
"May kanya-kanya tayong dahilan Samantha. Naipit din ako sa sitwasyon na hindi ko matakasan. Parehas lang tayo. Ginagawa ko rin 'to para sa isang tao na mahalaga sa'kin."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Pareho lang kami. Oh God bakit sya pa? Sa dami ng lalaking pwedeng ipilit sa akin ng mga magulang ko, bakit si Jared pa? Hindi ako makatanggi dahil alam ko kung ano ang gagawin nila Papa sa pamilya nila Timothy. Ganon din si Red? Naiipit din sya?
"Matagal ko nang inaasahan 'to. Tradisyon na sa pamilya ang ipagkasundo kami sa iba. Ang pamilya mo at pamilya ko ay mahigpit na magkaribal sa negosyo. Pero kung magkakaisa ang mga pamilya natin, matatapos na ang kompertisyon sa pagitan nila," paliwanag nya.
"Gusto kong magpakamatay," bulong ko.
"We have no choice Samantha. Kahit ano'ng piliin natin, pumayag man tayo o hindi, isa lang ang sigurado. May masasaktan. Piliin nalang natin na...panindigan ito."
Huminga ako nang malalim. Masakit pero tama ang sinabi nya. Ginagawa namin 'to para kahit papaano kaunti lang ang masaktan. Para kahit papaano mamuhay ng tahimik ang pamilya nila. Kahit na masaktan man si Timothy ngayon. Pagdating ng araw alam kong mapapatawad nya rin ako. Sana.. mapatawad nya ako. Sana mapatawad nya kami.
Kahit na ano'ng pilit ko na isipin ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, natatakot parin ako. Ayoko syang mawala sa'kin. Kung sya kaya ang nasa kalagayan ko ano kaya ang gagawin nya?
Hindi muna kami lumabas. Hindi kami nag-usap. Umiyak lang ako nang umiyak. Hinintay nya akong kumalma.
"Panyo?" abot nya sa'kin.
Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa salamin. Mabuti hindi madaling masira ang make-up ko. Napatingin ako sa tenga ko. May blue rose. Ito ang nasa damit ni TOP kanina. Ito ang ibinigay nya sa'kin bago kami maghiwalay. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi nya ako mapapatawad. Alam ko na malalim ang sugat na gagawin ko sa puso nya. Kahit mahal nya ako...mahihirapan parin syang patawarin ako. Timothy, sana...kahit papaano magkaron ng milagro at mapatawad mo ako. O kaya sana makalimutan nya ako. Para may pag-asa na maging masaya sya.
"It's time Samantha. They're waiting outside."
Huminga ulit ako nang malalim at pinilit alisin ang anumang emosyon sa mukha ko. Kung gagawin man namin ito ni Red. Kung paninindigan man namin ang pagtataksil na ito kay Timothy. Kailangan namin itong gawing kapani-paniwala. Lumabas na kami ng silid ni Red. Nakahawak ako sa braso nya. Bumaba kami sa hagdan. At sa ibaba nakikita ng lahat ang pagdating namin. Lahat ng mata nakatingin sa amin..pati na rin ang kay Timothy.
"Ladies and Gentlemen, it's time for the Midnight Waltz!"
Ang Midnight Waltz. Ito na 'yon. Malalaman na ng lahat na ikakasal kami ni Red kapag sumayaw kami.
"Breath and don't think of anything. Just dance with me," Red murmured to me as we started dancing. "We have to do this."
We couldn't believe in destiny until we meet it
We know for sure in times before
That every beat of our hearts belonged to no one
Dapat si Timothy ang kasayaw ko rito ngayon at hindi ang bestfriend nya. Alam ko na nanonood sya ngayon mula sa malayo. Bawat hakbang ko pabigat ng pabigat. Isipin ko lang na nasasaktan sya sa nakikita nya. If this is the only way to protect you. If this is the only way, so be it.
But when cupid threw his bow we couldn't deny it
That both our worlds collided as one