Hindi ko na matanaw ang beach. Hindi ko na makita si TOP. Si TOP na patuloy sa pagsigaw. Pagsigaw ng pangalan ko. Ang puso ko..nadurog nang makita syang sumisigaw..nagmamakaawa. Nang mga oras na 'yon wala akong ibang gustong gawin kundi ang tumakbo at yakapin sya.
Ang sabihin na mahal ko sya. Pero hindi pwede. Hindi ko ginawa. Iniwan ko sya. Ang sakit. Ang sama ko. Dahil alam ko na mas masakit ito para sa kanya. Hindi nya alam kung bakit ko sya iniwan. Marahil tinatanong nya sa sarili nya kung may nagawa ba syang mali. Kung saan sya nagkulang. Kung bakit ko sya iniwan.
Tahimik lang kami ni Kuya. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Siguro nabadtrip sya dahil sinigawan ko sya kanina.
Patuloy sa pagpatak ng luha ang mga mata ko. Ang sakit parin. Iniwan ko sya. Iniwan ko si TOP. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon sa kanya. At ngayong nagawa ko na..mas masakit pala. Mas mahirap. Parang tinanggal ang kalahati ng pagkatao ko. Ang puso ko. 'Timothy.'
Pinunasan ko ang basang pisngi ko. Kailangan kong maging matatag para sa aming dalawa ni TOP. Kailangan kong umisip ng paraan para makasama ko ulit sya. Kailangan.. Kailangan..
"Finally!" masayang sabi ni Kuya.
Naiinis ako kay Kuya. Ngayon lang ako naging ganito sa kanya. Naiinis ako na masaya sya samantalang ako at si Timothy ay miserable. Nakatingin sya sa bintana. Tumingin din ako.
"We're home."
Pagkasambit nyang 'yon, hiniling ko na sana hindi nalang ako naging si Miracle Samantha Perez.
Aww...