下載應用程式
46.03% Talk Back and You're Dead! / Chapter 57: Chapter Fifty-Seven

章節 57: Chapter Fifty-Seven

At pumunta na kami sa KFC. At pumasok kami sa Greenwich. Psh, nagyaya sila sa KFC pero sa Greenwich kami pumasok? Crazy Trios talaga. Ang gulo! Pero pagkapasok bigla din kaming lumabas at lumipat sa Red Ribbon.

"Bakit ba palipat-lipat tayo?" tanong ko sa kanilang tatlo. Gutom na ako!

"Nakita ko kasi si Hershey" - China

"Ano'ng Hershey? Yung chocolate?" tanong ko.

"That bitch! Nakita ko na naman sya! What the eff!" - China

"Si Hershey yung ex ng isa sa mga exes ni China." - Maggie

"Yun oh Sammy," ngumuso si Michie sa direksyon sa likod ko.

"Yan ang babaeng umagaw sa boy toy ni China. Bwahahaha!" - Maggie

"Shut up Maggie! Ang ayoko sa lahat yung mang-aagaw ng laruan!"

"Whatever." - Maggie

"Kung ano ang akin, akin lang at kung ano ang sa kanya akin parin!" lumiliyab sa galit ang mata ni China.

Tinignan ko yung Hershey. She's pretty. Mukhang bata because of her height. Nasa five feet lang siguro sya. May brown highlights ang curly hair nya. Maputi at makinis ang balat. Mukha syang pamilyar. Ang lapad ng ngiti nya dun sa lalaking nakaitim. Nakatalikod sa direksyon ko yung lalaki kaya hindi ko makita ang mukha. Ang lapad ng likod nya katulad ng kay TOP. Siguro gwapo din yung lalaki katulad ni TOP.

"Sino kayang lalaki yung nilalandi nyan ngayon?" - China

"Right! I'm sure may girlfriend na yung guy na kasama nya," - Maggie

"Mang-aagaw," - China

Patuloy lang kami sa pagkain ni Michie. Yung dalawa naman patuloy sa paninira dun sa Hershey Girl. Gutom na gutom talaga ako. Ang layo ng nilakad ko. Puro pagkain ang laman ng isip ko.

"Oh san ka pupunta?" tanong ko ng biglang tumayo si China hawak ang baso ng kanyang pineapple juice.

"Hehe!" tumawa lang si China.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"AAAHCK!" nagulat nalang ako nang may sumigaw.

"Sorry sinasadya. Hahaha!" sabi ni China na tumatawa.

"You! Oh my gee my dress!!" nagpa-panic na sigaw ni Hershey.

"F*ck!" sabi ng guy.

Tumayo sya at nakita namin ang mukha nya. Napatayo din ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit sya nandito? Ang akala ko ba may inaalagaan sya?

"Hubby?"

Napatulala si China nang makita nya ang mukha ni TOP. Mukhang na-shock din sya. Ganon din sina Maggie at Michie.

"Oh my Gosh! My dress! Honey umalis na nga tayo dito!" hinigit ni Hershey si TOP paalis.

Honey? HONEY?!! Tinawag nyang Honey si TOP?! Si Hershey! Naalala ko na kung sino sya!

"So nandito ka lang pala?" nagngingitngit sa galit na bulong ko.

Madadaanan nila ang table namin dahil nasa may bukasan kami. Napansin ako ni TOP na nakatayo, nagtama ang mga mata namin. Natigilan sya at mukhang nagulat. Bumaba ang tingin ko sa braso nya kung saan nakakapit si Hershey. Alam ko na, kaya pala familiar yung girl. Sya yung kasama ni TOP nung una kaming magkita at sya din yung nasa botique noon na tumawag sa'kin ng Youtube girl.

"Pinsan pala ha..." ito na ba yung part na magseselos ako, sasampalin si TOP at sabay walk-out? O mas dapat kong sampalin yung Hershey na yon? O sabunutan sya at kaladkarin palabas?

"TOP what are you doing? Let's go!" - Hershey

"Shit, don't touch me my Wifey's watching," inalis ni TOP yung kamay ni Hershey sa kanya.

"But Honey!!" - Hershey

"Stop calling me Honey, I aint your Honey, aight?" inis na sabi ni TOP.

"I hate you! I'm telling Tita!! Waaahh!" umiyak si Hershey.

"Sino sya?" pinoke ko si TOP sa braso.

"Pinsan ko," sagot ni TOP.

"Pinsan? Pinsan?!" di makapaniwalang sabi ko.

"Yes Miracle. She's my cousin." TOP

"Eh bakit Honey ang tawag sayo huh?! May ganon bang mag-pinsan?! Huh?!"

"Miracle she's just my cousin."

"That's right. Pinsan ko nga sya," singit ni Hershey. "Pero ako rin ang mapapangasawa nya."

Nalaglag ang panga ko. Pinsan na mapapangasawa?!

"I'm his fiancee! The real future wife!" Hershey smirked and did this super bitchy pose.

Dumilim ang paningin ko. Parang gusto kong mamaril ng mga tao, magpasabog ng mga kotse at gumiba ng mga building. Gusto kong hilahin ang buhok nya. Gusto kong alisin ang smirk sa mukha nya. Gusto ko syang ilampaso sa sahig. Kaya naman yun ang ginawa ko.

"YOU BITCH!" hinila ko ang buhok nya.

"KYAAH! SAMMY! GO! FIGHT! WIN!" - Crazy Trios

"AAAHCK! TOPPIE POOH HELP!!" - Hershey

"TOPPIE POOH??!! OH NO YOU BITCH! YOU DID NOT JUST CALL MY HUBBY THAT!!" mas nilakasan ko yung hila sa buhok nya. "Ang landi landi mo! Pati pinsan mo gusto mong landiin! Malandi ka! Malandi!"

"WIFEY! STOP IT! CALM DOWN!" pilit akong hinihiwalay ni TOP kay Hershey.

Naghalo ang balat sa tinalupan. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang mga kamay kong humihila sa buhok ni Hershey at wala akong ibang naririnig kung hindi ang pagsigaw nya ng 'Toppie Pooh!'. Shit! TOPPIE POOH?! Kapal nya! Tama nga sina China, malandi sya! Ang dapat sa mga malalandi tinuturuan ng leksyon!

"Tama na po yan! Ma'am!" awat ng kung sinong hindi ko kilala.

"SAMMY!! MAY SECURITY!! LET'S RUN!! RUN DEVIL RUN!!" sigaw ng Crazy Trios.

"My hair!! Let go!! Aaahck!!" sigaw ni Hershey.

Biglang umextra ang Crazy Trios at hinila ako palayo kay Hershey.

"Toppie Bunny! Sinaktan nya ako! Waaah!" - Hershey

Nakita ko syang itinapon ang sarili nya kay TOP at yumakap na parang sawa. TOPPIE BUNNY?! Napuno na naman ako ng dark aura at susugurin ko sana ulit ang lintang yon pero hinigit ako ng Crazy Trios palabas ng Red Ribbon. Tumakbo kami nang tumakbo. Lumingon naman ako kina TOP. Kausap nya yung guard habang umiiyak at nakayakap parin sa kanya yung babaeng yon.

Kinaladkad ako ng tatlo palayo. Gusto ko talagang bumalik don. Bakit hindi sumunod sa'kin si TOP?! Hindi ko namalayan na nakalabas na kami ng mall.

"Okay ka lang ba Sam?" - Michie

"Breath Sammy, breath like a pregnant lady." - Maggie

"Bwahaha! I did not in my wildest imagination see that one coming! Grabe Sam ang galing mo kanina!" - China

"Shiz," hinihingal na sabi ko. Napatingin ako sa mga kamay ko, ang daming buhok. Maitago nga, ipapakulam ko sya!

Tumawa kaming apat at pumara ng jeep para makauwi. Ano na kayang ginagawa ni TOP ngayon kasama ang lintang yon? Kahit papano nabawasan na ang galit ko dahil naturuan ko na ng leksyon ang babaeng 'yon. Pero galit parin ako! Ito ba yung sinasabi nilang matinding selos? Ngayon ko lang ginawa yon! Ang mag-umpisa ng away! Nahahawa na nga yata ako kay TOP, mga habbits nya nakukuha ko na.

"Nakauwi din sa wakas" naupo si China sa sofa at nanuod ng You're Beautiful.

"Woah! Kamukha ni JG si Taekyung oh! Hahaha!" tumabi si Maggie kay China.

"Kakaantok!" - Michie, umakyat sa kwarto nya.

*Ring!Ring!*

'Hubby Calling'

"Hubby."

[We need to talk..]

Kinabahan ako bigla. Ang seryoso ng tono ng boses nya.

"Hubby? Makikipagbreak ka na ba sakin kaya ka tumawag?" inunahan ko na sya. Parang nadudurog ang puso ko. Makikipag-break sya?

[What you did back there was—]

"WAAH! Sinasabi ko na nga ba matutulad tayo sa mga cliche na story sa libro eh! I should have seen it coming! I mean, ang mga signs nandyan na!"

[Miracle—]

"I knew it! You're just too good to be true! Katulad sa mga tv series, after ma-inlove ng girl sa guy at akala ng lahat ay perfect na, bigla naman magkakaron ng problema at may e-extra na sisira sa samahan ng dalawa. Tapos makikipag-break yung guy sa girl dahil siniraan sya nung extra para mapunta sa kanya yung guy at pagkatapos iiyak ang girl at hihingi ng tulong sa bestfriend ng guy tapos yung bestfriend ng ex ng girl ay maiinlove sa kanya tapos sasabihin ng bestfriend ng ex nya na inlove sya sa kanya pero tatanggihan sya ng girl.

So ang mangyayari susugurin ng bestfriend ng ex ni girl yung guy pero malalaman nila sa huli na, set-up lang pala yon dahil ang totoo, may cancer si guy at mamamatay na kaya gumawa sya ng dahilan para makipagbreak sya sa girl. Tama ba?!"

[What makes you think I wanted a break-up?! At akala ko ba sinabi ko na sa'yo na wala akong cancer? Wifey, say that again and you're dead!]

"T-Talaga? Hindi ka makikipag-break sa'kin?"

[Retard why would I do that? At ano'ng klase ng storya ang sinasabi mo? Sino'ng matinong tao ang gagawa ng ganong set-up?]

"Eh kasi mahal nung guy yung girl at ayaw nyang masaktan ito kaya ginawa nya 'yon...?"

[Ine-expect mo ba na gagawin ko din yon? That's bullshit! Mas gusto kong maging masaya sa mga huling araw ko. I'm selfish enough to not let you go, kahit na may cancer pa ako hinding hindi kita bibitawan. Dahil gusto ko, ikaw lang ang huling makikita ng mga mata ko bago ako matulog habangbuhay. Sa akin ka lang at wala akong balak na ibigay ka kahit pa kanino.]

Nabuhay bigla ang katawan ko. Napuno ng happy cells ang katawan ko.

[Walang kahit na anuman ang makakapaglayo sa atin, you're mine forever Miracle.]

"Hey Timothy."

[Ano?]

"I love you!"

[Retard...]

"Gusto ko lang sabihin ulit!"

[Je t'aime]

"Ayoko rin na gawin mo yung ginawa ng guy sa kwento. Ang gusto ko palagi kitang kasama at kapag may sakit ka ako ang mag-aalaga sa'yo."

[Hindi pa ako nababaliw para gawin ang ginawa ng wuss na yon.]

"Promise me TOP. Promise na hinding hindi mo ako bibitawan."

[Kahit gustuhin ko pa hindi ko kaya. I gave you my heart, it's yours to keep. Nasa iyo na kung ibabalik mo pa o hindi na.]

"So that means sa akin ka na?" ngumiti ako ng sobrang lapad.

[Not only that but I'm also under your spell. Your word is my law.]

KYAAAAAAAHHH!! I giggled like a nine year old girl. Kyaah! So cheesy!

[Enough of this already, I feel weird.]

"Bakit ka nga pala tumawag kung hindi ka naman makikipagbreak?"

[Kailangan ba kapag tumawag ako ang dahilan ay para makipag-break?]

"Hindi naman. Yun lang kasi ang iniisip ko kanina. Kasi inaway ko yung kasama mo kanina."

[Tumawag ako para sabihin sa'yo ang totoo.]

"Ano'ng totoo?"

[Yung babaeng kasama ko kanina, pinsan ko talaga sya. Hindi ko lang alam kung bakit sya ganon kumilos.]

"Hmm..."

[Gusto ko lang ipaliwanag sa'yo ang sitwasyon, ayokong mag-isip ka na may iba ako. Baka bigla ka nalang lumayo at hindi na ako kausapin. Ayokong mangyari 'yon Miracle.]

I think I just died. Mahal nya ako! Mahal talaga ako ng boyfriend ko.

"I believe you, at sorry sa inasal ko kanina. H-Hindi naman talaga ako ganon pero kasi nang makita ko syang humawak sa'yo at sabihin na mapapangasawa ka raw nya bigla nalang nagdilim ang paningin ko eh. Sorry ah." Dala rin siguro ng matinding gutom.

[Nag-selos ka.] sabi nya na halatang ang lapad na ngiti ngayon.

"Oo! Masisisi mo ba ako? Tinawag ka nyang TOPPIE POOH!! Kadiri!"

[Don't mind her. She's just a kid.]

"Psh! Ang weird ng pinsan mo. Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko na saktan sya ulit."

[Pinsan ko sya.]

"Alam ko."

[Wala kang dapat ipag-alala.]

"Right, mas malala sya kay Audrey kaya hindi dapat ako mag-alala," sarcastic kong sabi.

[Possessive Wife]

"At ikaw hindi?"

[Wala akong sinabi.]

"Mas possessive ka kaysa sa'kin."

[Yeah, kaya mo hinila ang buhok ng pinsan ko?]

He got me there.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C57
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄