The Day We Meet Again
Selos
Chapter 14
Naiinis man si steaven dahil nandoon si Bryan ay wala itong magagawa. Matapos na kumustahin ni Bryan ang ex nito ay kinausap naman siya ni Steaven, Inaya niya ang binata sa isang coffee shop at doon sila nag usap kung ano ba ang pakay nito bakit ito nag punta sa bansa at bakit kailangan niyang mag pakita pa sa ex nito. Sinagot naman ni Bryan ang lahat ng tanog sa kanya ni Steaven. Natatawa lamang ito sa mga tanong sa kanya dahil alam niyang mukang nag seselos ito. hindi na niya tinanong kung anong relasyon ang meron sila dahil sa mga pinakikita nitong kilos sa bahay palang ni Jerome ay alam mo nang may relasyon ang dalaawa at mukang kumplikado dahil sa kalagayan ni Jerome.
Sinabi ni Steaven kay Bryan na sana ay pangungumusta lang ang pakay nito at hindi niya guguluhin ang kung anong buhya sila meron ngayon.
Sinabi ni Bryan ang pakay nito, pero hindi niya akalain na mas mamahalin niya ang ex matapos niya itong iwan at saktan. Ayaw din niyang makitang kasama ito ng iba higit sa lahat lalo na si Steaven (diba ang selfish)
Nakaramdam si Bryan ng selos kahit alam niyang wala na sila ni jerome. Kahit hindi niya maramdaman ay kita naman kung paano ni Steaven alagaan si Jerome na labis niyang ikinaiinggit.
Noong una ay maayos ang kanilang usapan, pero hindi nag tatagal ay mukang mas inilalapit ni Bryan ang sarili kay Jerome at ginagamit nito ang kahinaan ni Jerome dahil wala itong ala ala pag dating sa nobyo nito na si Steaven kaya naman lalong selos na selos si Steaven dahil sa malapit na kalooban ni Jerome kay Bryan.
Isang umaga, napadaan si Justine sa bahay ni Steaven dahil sa may kukunin itong dokumento na may patungkol sa negosyo. Naabutan niya si Steaven sa bahay nito na may hawak ng alak at mukang problemado.
Pag kakita niya dito ay agad niyang tinanong ito kung ano ang problema niya. Sinabi ni Steaven kung ano ang problema niya, nalaman ni Justine na bumalik na pala sa bansa ang ex ni Jerome at ito ang problema ngayon ng binata. Kinausap ni justine si Steaven ng masinsinan tungkol sa problema nito sa nobyo.
Sinabi ni Justine kung ano ang dapat niyang gawin para sa relasyon nilang dalawa. Alam niyang mahirap pero kailangan niyang gawin dahil sa kanya nakasalalay ang ikakabuti ng kanilang pag sasama.''alam mo naman ang dahilan kung bakit malapit ang loob ni Jerome sa ex niya. Pero dapat alam mo sa sarili mo na ikaw ang mahal niya at hindi na siya. May nawawalang parte ng memorya niya at ang memoryang iyon ay nag uugnay sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin ay ibalik ang nawawalang memorya niya na may nag uugnay sayo ng sa ganoon ay bumalik ang dati niyang pag mamahal sayo. Wag kang susuko, pag subok lamang ito. Wag mong ipakita kay Bryan na nawawalan kana ng pag asa. Wag mo din ipakita sa kanya na malaki ang laban niya. Ginagamit lang ni Bryan ang kahinaan ni Jerome para bumalik ang nararamdaman nito sa kanya. Pero kapag ipinag patuloy mo ang ganyan,wala na akong magagawa, hindi ko hawak ang utak niya. Tandaan mo, ala ala niya lang sayo ang nawala pero hindi ang pag mamahal.'' Lahat ng yan ay sinabi ni Justine kay Steaven. Parang natauhan siya sa sinabing iyon sa kanya ng sekretarya ni Jerome. Naluha lang siya sa mga sinabi nito, Alam niya may laban naman siya kaya nga lang ay pinang hihinaan siya ng loob dahil sa nakikita nito sa dalawa.''Wag kang pang hinaan ng loob, tandaan mo ikaw ang mahal niya at hindi siya.'' ulit pa ni Justine kay Steaven. Pag katapos ng lahat ng mga sinabing iyon n Justine kay Steaven ay umalis na ito at bumalik na sa kumpanya dala ang mga dokumentong kanyang kinuha sa bahay ni Steaven.
Kinabukasan, nag punta si Steaven sa bahay ni Jerome para bisitahin ito at kumustahin.. as usual, hinadi nga siya nag kamali sa kanyang hinala dahil naabutan na naman niya doon si Bryan(diba parang nasa sariling bahay lang siya) Hindi na niya kailangang mag dorbell pa dahil alam niya ang password ng pinto ng bahay nito(syempre nobyo eh) Anong ginagawa mo dito? '' ang tanong sa kanya ni Bryan ng makita siya nito'' Sinagot naman siya ng binata at sinabing. Hindi ba dapat ako ang nag tatanong niya sa iyo, normal lang na mag punta ako dito sa bahay niya dahil boyfriend niya ako. Ikaw ba? anong ginagawa mo dito? '' sagot niya kay Bryan ng hindi na ito umimik pa. Sinabi ni Bryan na may lakad sila ni jerome kaya aalis sila nito, importante daw ang kanilang pupuntahan kaya sinabi nitong mamaya nalang siya bumalik. Agad namang sumagot sa kanya si Steaven at sinabi nitong. Aalis din sila ng BOYFRIEND niya, may date sila at normal lang na siya ang mag alaga dito at mag bigay saya. Sabay pasok sa kwarto ni Jerome. Inis na inis si Bryan sa sinabing iyon sa kanya ni Steaven. Pag labas ni Steaven ng kwarto ay kasama na niya palabas si Jerome. Sinabi nitong. Paano ba yan, maiwan kana muna namen, may date kami eh, paki sara nalang ng pinto pag lumabas kana. Ahh siya nga pala.. pag lumabas ka, wag kanang babalik pa.. kya kong alagaan ang boyfriend ko at hindi ko na kailangan pa ang tulong ng iba. '' pang aasar nito kay Bryan na siya naman talaga nitong ikinagalit kay Steaven.
Kahit na wala itong ala ala tungkol kay Steaven ay alam niyang boyfriend niya ang taong ito. Ikaw ba naman ang laging paalalahanan, ang kailangan lang gawin ay ang mapatunayan ni Steaven na totoo ag sinasabi nito tungkol sa kanya. Pero kahit na ganoon ay malapit parin ang loob niya sa ex nito dahil sa hindi buo ang nararamdaman niya kay Steaven dahil nga sa nawawalang ala ala nito sa kanya.
Pumunta si Steaven at si Jerome sa isang park na lagi nilang pinupuntahan noong maayos pa ang relasyon nilang dalawa. Ito kase ang naiisip niya isa sa mga paraan baka sakaling bumalik ang alaala nito sa kanya.
Hindi niya alam na, sinundan pala sila ni Bryan para lang malaman kung ano ang kanilang ginagawa. At syempre pang gugulo din naman ang pakay nito kaya naman minabuti niya itong sundan, gagawin niya ang lahat bumalik lang ang pag mamahal sa kanya ng dati niyang kasintahan.
Habang nakatayo si Jerome at Steaven sa harap ng isang ferris wheel ay lumapit si Bryan kay Jerome dala ang ice cream na iaabot sana kay Jerome. Anong ginagawa mo dito? '' ang tanong ni Steaven kay Bryan''
Sinabi nitong baka nag kataon lang.. Namamasyyal daw kase siya at nag kataong nakita sila nito kaya naman lumapit siya para bumati. Iniaabot ni Bryan kay Jerome ang dala nitong ice cream, pero ng aabutin na ni Jerome ito ay mabilis na kinuha agad ni Steaven ang ice cream. Hindi siya pwede nito, sabi sa akin ng doktor lalo na't nag papagaling siya.. '' pang aasar ni Steaven kay Bryan. Dahil sa ginawang iyon ni Steaven kay Bryan ay lalo naman itong naasar sa pinakitang ugali nito sa kanya. Matapos na kuhanin ni Steaven ang iniaabot na ice cream ni Bryan ay kinuha nito ang kamay ni Jerome at saka nag tungo sa isang sinihan, nais kase niyang manood ng sine ng sa ganoon ay malibang naman ang kanyang kasintahan.
Sa isang banda, hindi naman na sumunod si Bryan sa kanilang dalawa. Bagkos ay umuwi nalang ito at saka ng isip ng ibang plano kung paano pa mapapalapit ang loob niya sa ex nito ng hindi nalalaman ni Steaven.
Kahit na nililibang ni Steaven ang kanyang nobyo ay maingat nitong itinatago ang lihim na nasa ospital din na pinag dalahan sa kanya ang kanyang ina. Ayaw niyang malaman ito ni Jerome dahilan sa baka lalo lamang madagdagan ang troma nito at lalong hindi niya maibalik ang mga ilan nitong ala ala. Kahit na itinatago niya ito sa kanyang nobyo ay binibisita naman niya ang ina ni Jerome para alamin ang kalagayan nito. Wala paring malay ang Chairwoman buhat ng mangyari ang pag baba ni Jerme sa pwesto bilang ceo. Mahirap para sa kanya ang ganitong sitwasyon, pero kailangan niyang gawin ang lahat ng ito alang alang sa pag mamahal niya sa binata.
— 新章節待更 — 寫檢討