House blessing
It was exactly noon, and the sun was burning high in the sky. Isa-isa nang nagsi datingan ang mga bisita. Alessandra entertaining the guests, wearing a lovely champagne dress. Bagay na bagay sa kaniya ang ganoong kulay. She's shining like a sun pouring heat to Gabriel's face. They welcomed the guests and have a small chitchat after that..
Sinulyapan ko ang suot ko. I only wearing a straight cut dress, tie my hair into a sweet bread and a light touches of make-up. Very simple and not intimidating, hindi gaya ng kay Alessandra. Napa labi ako, why do I have to compare myself to her? Tila nawawalan ng kompiyansang tanong ko sa sarili.
Tahimik ko silang pinag masdan mula sa kinatatayuan ko kasama ng ilang waitresses and staff. Kung ang pag-iyak ang paraan para mawala ang sakit ay sana kanina ko pa ginawa. Pero ano bang ang mabisang paraan para mawala ang sakit? Siguro iyon ay kung hindi ako hihinga at ipikit ang nalang ang mga mata at mag bingi-bingihan sa lahat.
"Meredith," kalabit saakin ni Aling Mareng,
Walang gana ko itong nilingon, "Aling Mareng," I smiled at her shyly.
"Ayos ka lang ba ineng? Kanina ko pa napapansin na wala kang kibo?"
Umiling ako dito, "Ayos lang ho ako," I said bago ibalik ang pansin kila Gabriel.
Maluwang ang ngiti nito habang kausap ang ilan nitong bisita. He looks very handsome as always. Kayang kaya nitong dalhin ang sarili sa simpleng suot. His dark polo shirt fits him well, buttoned up and leave one button open down his chest, and sleeve rolled up.. His black denim jean fits him too, paired with oxford shiny shoes. The casualness of his attire did nothing to lessen his good looks.
He has a secretiveness personality, and had a tight-lipped smile to everyone. Base na rin kung paanong nasa dalawa lamang niyang bulsa ang kaniyang kamay. Napansin ko ang pag gawi ng tingin ng mga kaharap nito sa direksyon ko at ang huli ay si Gabriel.
Our eyes lock for a moment. Pakiramdam ko ay tumigil sandali ang oras sa pagitan namin. Ngunit bago pa ako magupo ng damdamin ay ako na mismo ang pumutol sa mga titig na 'yon. I lower my head down, at tinuon ang pansin sa pag aayos ng mga lamesa. Tahimik ko iyon ginawa, hindi alintana ang tingin ng ilan saakin.
I'm preoccupied by what he said earlier, masakit isiping ayaw na niyang palawigin pa ang pagkakakilala niya saakin. It hurts me the most when he tried to pushed me away.. away from his life.
"Meredith, halika muna dine sa likod bahay!" tawag pansin saakin ni Aling Mareng.
Sinunod ko ang sinabi niya, pumasok ako sa loob ng bahay at tinunton ang daan palabas sa may kusina.
There was some tables and chairs outside na hindi pa nai-aayos. Isa-isa namin itong nilatag at nilapatan ng mantel at placemats. Hindi na inayosan ang ibang parte dito dahil kung sakali lamang na may ibang mas gustong kumain sa likod bahay kung saan nandito ang 30 square meters swimming pool kaya namin nilatag ang tables and chairs.
"Mukang nandiyan na ang pari." Aling Mareng informed me.
Sumulyap ako sa loob bahay, halos madami na ngang tao sa loob. "Siguro nga po." I said quietly.
Hindi na namin pinasyang pumasok sa loob dahil alam kong puro bisita lamang ang naroon. Natanaw ko rin si Marcus na kadarating lang habang ka agapay ang Isang maputing babae. I bet she is his girlfriend.
"Ibang klase talaga ang mayayaman nayan ano? Biruin mo, talagang gumagastos ng malaki sa simple lamang na okasyon." Aling Mareng whispered to me, halatang ayaw iparinig kanino man ang sinabi.
"Uhmm, ganoon ho siguro talaga ang mayayaman Aling Mareng." I whispered back. Gusto kong mahiya sa aking sinabi, hindi lang kasi ganito karangya ang selebrasyon ng aming pamilya kung may maliit man na pagtitipon. Hindi ko masabing wala pa sa kalahati ang mga bisitang dumalo pag kami ang may pagtitipon gaya ng ganito.
"Eh paano kung mag ka-anak pa yang mga yan? Edi siguradong mas bongga ang selebrasyon kung sakali." she added.
Napalunok ako sa isiping iyon. Agad na tumakbo sa isip ko ang ibinulong na iyon ni Aling Mareng saakin. Paano nga kung mabuntis si Alessandra? Sa palagay ko ay iyon ang plano ng mag-asawa ang magkaroon agad ng anak.
Sunud-sunod akong nag iling, hindi ako handa sa maaring mangyare. Baka ikamatay ko iyon. Siguradong wala na akong laban pag nag kataon.
"Nakita mo na ba si Madam?" she whispered again.
Lumingon ako dito, "Sino hong Madam?"
"Yung Mommy ni Alessandra, iyon oh?" turo nito sa may edad na babae sa loob. She's stand in side-view, with her flashy fancy dress. Gaya ng ilang bisita halos tadtad ng purong ginto ang katawan nito. Starts from her very sophisticated earrings and necklace. Hindi rin papahuli ang bitbit nitong sikat na branded ng bag.
She stood quiet tall and slim, her short grey hair neat and likely styled with new-fashioned waving hair. Hatang alaga ang kutis nito na tila hindi mababakasan ng ano mang line marks. In her face I'd think she's at her sixty at the most given sharp mind and gentle expression.
"Balita ko suplada daw iyan at mapang mata." bulong nitong muli, halos idikit ang labi sa aking tenga.
Nanatili ang tingin ko dito, ilang lunok ang ginawad ko sa aking lalamunan pero pakiramdam ko ay sumikip iyon at nagbara.
"Naku mabuti nalang at may caterer," aniya pa saakin. Kumunot ang noo ko dito at ngumiti sa huli nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
Napansin ko ang pagsulyap nito sa gawi namin. Her triangular brows hitched up, heavy lids and elliptical eyes gaze at me scrutiny. Nahigit ko ang paghinga ko, And lastly, she eyed me from head to toe bago ibaling ang tingin sa ibang direksyon.
Wala pa man ay parang nakaramdam na ako ng kakaiba at hindi lang simpleng kaba kundi takot.
"Halika sa kusina, mukang matatapos na ang pa-blessing," ginagap nito ang palapulsohan ko kaya wala sa loob akong napa sunod dito.
Maingay na sa loob, halos puro tawanan at kwentuhan na ang maririnig. Aling Mareng hand me an empty tray.
"Ayan, mabuti pa mag-serve tayo ng inomin." aniya sa'kin.
"May mga nag se-serbidor na ho sa labas," pigil ko dito. Ang totoo kasi niyan ay umiiwas akong lumabas, baka kasi may maka puna saakin at makakilala.
"Sus! Eh ano bang tumulong tayo kahit papaano?" she insisted, and I have no choice kundi ang pumayag sa gusto niya.
Imbes na sa living room ay sa backyard namin piniling dumaan. Hindi na ako nagulat sa dami ng taong naabutan sa courtyard kung saan may Lawntent at ilang tables and chairs na sadyang nilagyan ng abubot. Mabuti ay malaki ang espasyo ng kanilang bakuran kaya hindi alintana ang siksikan.
Hinila ako ni Aling Mareng patungo sa wine table. Mula doon ay nilagay niya sa aking tray ang ilang baso ng wine.
"Ayan, i-serve mo na sa kanila, pag naka ubos ka ay bumalik ka dito agad." bulong niyang habang turo ang grupo ng mga babae sa bandang kanan ng lawn tent.
"Ah, sige ho!" natataranta kong sinabi. Tumulak nga ako patungo sa mga ito, dahil hindi naman ako sanay sa paghawak ng tray kaya dahan-dahan lamang ang lakad ko.
"Ah, excuse me!" nilingon ko ang boses ng babaeng tumawag saakin. Agad akong namutla sa pag aakalang namumukaan ako nito, pero sa huli ay humila lamang ito ng isang baso ng wine. Nakahinga ako nang maluwag bago muling naglakad ng diretso.
"Thanks!" mga tipid na ngiti ng pasasalamat ang ibinigay ng ilang dinulogan ko ng wine. Mabilis akong naka ubos. Kahit maligalig ay pinasya kong bumalik sa wine table kasabay ng ilang unipormadong waitresses at waiter. Ayos lang sakanila ang ginawa ko kaya muli akong tumulak patungon naman sa kabilang panig ng Lawn-tent.
"Meredith!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. It's Marcus, katabi nito ang babaeng kasama niyang dumating kanina.
Nahihiya man ay lumapit ako sa mga ito para alokin ng wine. "Wine, sir?" I shyly said. Marcus took one for his girl and another for him. "Thanks!" the girl said to Marcus, bago simsimin ang alak sa baso.
"Thanks, Meredith!" sambit naman ni Marcus saakin. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanila bago na sana tumalikod nang magsalita ito saakin.
"Bakit ikaw ang nag se-serve ng inomin? May mga waitresses naman. Pabayaan mo na sakanila ang trabahong iyan." wika nito saakin.
Bahagya muna akong sumulyap sa babaeng katabi nito na tahimik lang na naka tingin saakin. "A-ayos lang po, wala naman din akong gagawin sa loob." I explained softly.
Hindi ito sumagot dahil natuon na ang tingin nito sa likuran ko.
"Gabriel!"
Marcus said, behind my back. Nanatili naman ang tingin ko kay Marcus na mabilis rin bumaba ang tingin saakin pagkatapos. Lumunok ako, mas mahigpit din ngayon ang hawak ko sa tray.
"Bayaw, Abbie.." Gabriel's remarks is a tenor, wala akong nagawa kundi ang yumuko. And I step back solely to give them space.
Gabriel's offered his warm welcome to the guests. Pinanood ko lamang ang mga itong mag kamustahan sa aking harapan.
Sa pag aakalang hindi mamapansin ang presenya ko ay dahan-dahan akong umatras para sana umalis, ngunit tinawag akong muli ni Marcus.
"Ah, Meredith!"
My eyes shut nervously, humihip ang hangin kasabay ng paglingon ko sa mga ito. Gabriel's steeply arch his brows at me bago bumaba ang tingin sa dala ko.
"Bigyan mo ng wine si Gabriel." utos ni Marcus saakin.
Tumango ako ng bahagya bago ilapit dito ang hawak kong tray. Damn, my hand is shaking, I diffidently lower my head down.
"Hindi kita inutusang gawin ito." he said in a low tone voice, bago humila ng isang wine. Bahagya akong sumulyap kay Marcus at sa babaeng katabi nito na tila sinusuri ang magiging reaskyon ko.
"Uh, sorry, babalik nalang ako sa loob." I hesitantly took one step backward. Para sana umalis nang ma-out balance ako.
Huli na para masapo ako ni Gabriel, tanging pulsohan ko lamang ang nahawakan niya. Bumagsak ang tray na may lamang wine diretso sa damit ko.
"Oh my God!" the girl, beside Marcus exclaimed. Every one is in shock, lalo pa nang makaagaw pansin ang pagkabasag ng mga baso.
"Hey, are you alright?" tangkang lalapit saakin si Marcus nang pigilan ito ng babaeng katabi niya. She started whispering to Marcus as they noticed the arrival of someone.
Their eyes darted on me, halos lahat. Ang white dress na suot ko kanina ay halos magkulay pula na dahil sa bahid ng wine sa aking damit. I bit my lower lip, nang maramdaman ang mas mahigpit na hawak ni Gabriel sa palapulsohan ko.
"I–I'm so sorry." bulong ko na yukong yuko ang ulo.
"What is happening here?" Isang mataas na boses ang nagpalingon saakin. Her violet eyes strayed at me, at ang aristokrata nitong muka ay bahagyang dumilim habang palapit saamin.
Agad kong naramdaman ang pag bitiw ni Gabriel sa kamay ko at hinarap ang dumating.
"Just a slight trouble," Gabriel said to her Mother in-law.
Imbes na kay Gabriel ito tumingin ay saakin ito humarap. Muli ako nitong sinuri, her brows hitched with displeased and give me a crudely insulting stare.
"Simpleng trabaho nalang ang gagawin mo, hindi mo pa ma-trabaho ng maayos!" she yelled, anger gaze sliced my inner skin. Halos mapuna ng lahat ang ginawa kong gulo dahil sa pag bubulongan ng mga ito.
"I'm sorry.." I utter a sound, mahigpit kong ginagap ang dress kong suot bago mag yuko. Hindi ito sumagot matapos ay si Gabriel ang binalingan.
"Gabriel, Clean up this mess, nakakahiya sa mga bisita." she ordered,
Hindi ko narinig ang pagsagot dito ni Gabriel, Imbes ay saakin nito tinuon ang tingin. "Go back to your room, mamaya tayo mag-uusap." Gabriel, whispered to me. Hindi ko pinansin ang lantaran nitong paglapit saakin, dahil ibayong kaba ang hatid ng matalim na tingin saakin ng Mommy ni Alessandra.
"Mom, Gab anong nangyayari dito?!" humahangos na lapit ni Alessandra. Agad itong tumabi sa ina nang makalapit.
"Oh my God, Meredith. What happened to you?" walang pasubali nitong ginagap ang kamay ko. "Halika sa loob para makapag palit ka ng damit." aya nito saakin.
"I'm sorry, mom. Please excuse us!" she muttered, bago na ako hilahin sa dami ng tao. Yukong yuko ang ulo ko habang papasok kami sa loob ng bahay.
Diretso kami ng aking silid. "Ayos kalang ba? may sugat kaba?" mabilis nitong binisita ang kamay ko na may roong maliit na hiwa ng nabasag na baso.
"Gosh, mag palit ka muna nang damit, tapos saka natin gagamotin ang sugat mo." anito saakin.
Hindi ako nakasagot, kita ko ang pag aalala sa mga mata nito. Hindi ko alam kung para ba iyon saakin oh kung para kanino.
"Pasensya kana, hindi na sana ako nagpresintang mag serve ng wine sa mga bisita." mahina kong sinabi dito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito saakin bago ako tignan sa mga mata. "You don't have to apologized. I understand, we understand, Meredith." she sweetly said. Puno ang mata nito ng simpatiya para saakin.
Kumibot ang mga labi ko. Gusto kong umiyak hindi dahil sa nangyaring aksidente kundi kung paano niya ako tinatrato ngayon. She has a pure heart, and very loving personality. Gustong bumangon ng galit sa puso ko...ayokong makita ang ganito niyang side para saakin, hindi dapat..
"M-mag papalit lang ako ng damit." bahagya akong umatras dito. "Ayos lang ako, bumalik kana sa labas, kailangan ka ng mga bisita mo doon." Ako, bumaba rin ang tingin ko sa aking palad na may sugat.
"Sige, magpahinga ka nalang muna dito, may mga tauhan naman ako sa labas, sila na ang bahala sa mga bisita." ngumiti ito saakin bago haplosin ang braso ko.
Parang napapaso akong umatras muli dito. "Salamat, Alessandra..pasensya kana ulit." paghingi ko ng tawad sa nagawa.
Gusto ko mang ipalagay ang sarili ko sakaniya ay tila hindi kayang tanggapin ng sistema ko. She is my husband mistress, for Pete' sake! Hindi mababago nito ang katotohanang inagaw niya ang asawa ko. Pero alam kong pareho-pareho lamang kaming biktima dito at hindi ko alam kung paano ko panghahawakan na ako ang tunay na asawa.
"Wala kabang balak umuwe sainyo?" tanong ni Alessandra, Isang gabi ng sabado. Binigyan kasi ako nito ng day off para bukas.
"Malayo ang Queensland, Alessandra kailangan ko pang sumakay ng barko." Sambit ko dito.
"Eh kung mag eroplano ka kaya? I will buy you a ticket, sabihin mo lang." she convinced me.
"Kahit mag-eroplano ako baka masayang lang ang oras ko, saka wala pa naman doon ang asawa ko. Uuwe nalang siguro ako sa Apartment ko bukas." I explained carefully.
"Uh.." tumango tango ito saakin habang naka yukod sa lamesa. Maaga itong umuwe dahil wala naman daw masyadong trabaho sa opisina.
Sinulyapan ko ito na pinapanood ang paghihiwa ko ng gulay.. "Ikaw ang mag luto nitong menudo gusto mo?" suwestiyon ko.
Biglang nagliwanag ang muka nito sa tinuran ko. "Really?!" she smiled at me like a sweet child.
"Hmm, ayos lang ba?" tipid kong tanong, alam kong matagal tagal na rin mula ng pinagluto niya si Gabriel. Alam ko ring nahihiya itong magpa turo saakin kahit pa nabanggit na niya ang tungkol dito noon.
"Madali lang naman ito lutuin," tumabi ako dito para ituro ang dapat na gawin.
"Are you sure? Baka hindi magustohan ni Gabriel ang lulutuin ko." may pag aalinlangan nitong sinabi.
Napa buntong hininga ako, "I'm sure, Gabriel will do.."
Kung hindi ko man mapasaya si Gabriel sa sarili kong paraan, mas mabuti si Alessandra ang magbigay niyon sakaniya. Alam kong katangahan itong ginagawa ko pero ito lang sa ngayon ang nakikita kong paraan.
"Hmm, ang sarap!" she delightfully said, habang tinitikman ang nilutong menudo. Halos magtatalon ito sa tuwa ng sabihin kong mas masarap ito sa niluluto ko.
"Ang galing mo, siguradong magugostohan ito ni Gabriel." I simply said na hindi mababakasan ng emosyon ang muka. Hindi ko sinabi 'yon para mapanggap dahil totoo namang masarap ang luto niya.
"Thanks, Meredith! I owe you one.." she happily said, matapos ay walang pasabi akong niyakap.
Tila tinulos naman ako sa pagkakatayo at hindi nakapag salita. Gusto kong umatras pero hindi ko alam kung paano ba 'yon umpisahan dahil mas lalong humigpit ang pagkakayapos nito saakin.
"Napaka swerte kong nakahanap ng mabait at masipag na kasambahay tulad mo." she muttered to me, crouched her head at my shoulder.
I swallowed hard, wala na akong nagawa pa kundi ang pumikit nalang at hayaan siya sa kaniyang ginawa..
Kumalas ito sandali at ngumiti. "Wait, I just need to take a bath. Pauwe na si Gabriel." sambit nito saakin bago na ako talikuran.
Sinundan ko lamang siya ng tingin bago mag buga ng marahas na paghinga. Walang buhay din akong naupo sa isang silya para doon isubsob ang ulo. I can't help myself but to sob in my silent tears. Masakit isiping wala akong magawa para sa asawa ko, ni hindi ko man maipakita kung gaano ako na ngungulila sakaniyang yakap at halik.
I want to take care of him, like what Alessandra did to him. I envy her for doing those things for my husband, na dapat ako ang gumagawa.
Isang pagtikim ang pumukaw sa pag iyak ko. I lift up my chin and ours eyes locked immediately. He stare coldly at me kaya mabilis akong napatayo.
"Gabriel, nand'yan kana pala!" sinubukan kong siglahan ang tinig ko pero hindi nito naitago ang sakit at kirot sa puso ko.
Puno nang hiya akong umayos ng tayo, hindi ko na inalam kung paano siya nakapasok sa loob na hindi ko naririnig na dumating ang kaniyang sasakyan.
"Si Alessandra?" his voice sounded intimate without the hint of artificialness, and slowly raked a glance at me.
Marahan ko namang hinawi ang buhok ko at pa simpleng tinuyo ng palad ang luha sa pisngi.
"N-nasa taas naliligo lang sandali." sagot ko, tumayo ako ng tuwid at marahang binaybay ang gilid ng lamesa.
"Gusto mo ba ng kape? Igagawa kita." I offered him my quite smile.
He remained silent, pinanood ang muna nito ang marahan kong paglalakad. The gentle and mellow expressions on Gabriel's face was completely gone, replace by an icy expression.
"No, thanks. I'll go upstairs. Pakihanda mo nalang ang pagkain." he responded tiredly as he loosened his tie. He turned around and ready to leave, but at that moment his eyes were drawn again to my figure and lastly.. to my weary eyes.
"Why are you crying?" he asked, sounded more concern.
Agad akong nabuhayan sa kaniyang tinuran. Mabilis akong ngumiti pero bakas pa rin ang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata.
"Crying isn't healthy to a married woman like you." his voice sounded very gentle and captivated, charming face was full of worries.
I extended my fingers to wiped off the tears from the corner of my eyes and gasp heavily. "I'm okay. Napuwing lang ako kanina," I explained, and lower my head down. I secretly bite my lips to expel my tension.
"Umuwe naba ang asawa mo?" humarap ito saakin, his hand docked at the table across to me.
Umiling ako dito, pinipigilan ang sarili magsalita ng hindi wasto. A moment of silence lingered again between us.
Gabriel's glared straight at me for long moment, then turned to leave with a look of indifference.
Naiwan akong walang nasabi. Gusto ko sanang magtagal pa ang pag-uusap namin, gusto kong kamustahin ang buong araw niya sa trabaho, gaya ng ginagawa ko noon. Pero hindi ko nagawa, dahil wala akong lakas ng loob para gawin 'yon.
Pakiramdam ko ay wala ng puwang para sakaniya ang nakaraan niya. Mukang kontento na ito sa buhay na meron siya ngayon at ang alaala ko sa isip niya ay tuluyan na niyang kinalimutan at binura.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon para sa pag-uwe sa aking apartment. Kahit hindi ko gusto ay pumayag ako sa suwestiyon ni Alessandra. Ayokong isipin niya na gusto kong palaging nasa bahay para makita si Gabriel.
"Ayos naba lahat ng gamit mo?" Alessandra asked me, she wiped her mouth before finally turning to look at me.
"Uh, oo. Konti lang naman ang mga gamit ko." I replied timidly, sinabay nila ako sa pag aalmusal. Ngayon nalang ulit kasi ako sumabay sa kanila, mas madalas ay tinatangihan ko ang alok ni Alessandra para maka iwas sa pasakit na hatid nito saakin.
"Thats good, ipapahatid nalang kita kay Gabriel para hindi kana mahirapan." she declared, bago uminom ng pineapple juice sa baso.
Mabilis naman lumipad ang tingin ko kay Gabriel na nasa dyaryong hawak ang pansin. Hindi nito binaba ang hawak kaya hindi ko alam kung ano ba ang naging reaksyon niya sa sinabing iyon ni Alessandra.
"Then, ipapasundo nalang kita maybe tomorrow morning oh kaya mamayang gabi." she added, without confirming his husband.
"N-naku, hindi na! Ayos lang saakin ang mag taxi, sanay naman ako." pigil ko dito. Pulang pula ang dalawang pisngi ko sa hiya. Hindi dahil sa suwestiyon niya kundi sa isiping ihahatid ako ni Gabriel pauwe.
Doon binaba ni Gabriel ang dyaryong kaniyang binabasa at humigop ng kape sa kaniyang paboritong tasa. He didn't say anything, he just continuing his coffee.
"May event kasi ako mamaya, so baka late na ako maka uwe. Day-off naman ni Gab ngayon so siya na ang bahala saiyo para hindi ka mahirapan." she added, without a pause. Tila sigurado sa kaniyang sinasabi.
Muli akong sumulyap kay Gabriel, sa pag aakalang tatanggi ito ngunit nanatili itong tahimik. Gusto ko mang tumanggi pero alam kong ipipilit ni Alessandra ang gusto niya kaya sa huli ay wala akong nagawa.
"Enjoy your off-day!" kaway ni Alessandra saakin buhat ng makasakay ako ng sasakyan ni Gabriel. Pinili kong sa backseat sumakay kahit alam kong siya ang may-ari ng sasakyan. Nakakahiya kasi kay Alessandra kung makikita niyang sa shotgun seat pa ako uupo.
Hindi na ako nakapag paalam dito ng tumulak na ang sasakyan nito palabas ng magarang bakuran, tanging kaway nalang ang ibinigay ko kay Alessandra na siyang naka silip sa gate.
Nang mawala ito saaking paningin ay saka lamang ako umayos ng upo. Pinagsalikop ko ang dalawa kong mga kamay sa ibabaw ng aking mga hita.
Hindi ko makuhang sulyapan man lang si Gabriel habang tahimik na nagmamaneho. Kanina pa kasi ito walang kibo. Natatakot ako na baka bigla nalamang niya akong bulyawan kung magbubukas ako ng usapan.
I laid my back against the warm seat at pumihit ang ulo pakanan, gusto ko nalang buruhin ang sarili sa pagtanaw sa magandang paligid. The horizon started to get red, and the the sun is slowly rising. I saw a classic beauty. It was a breathtaking beautiful and absolutely jaw dropping scenery.
The beach was so fascinating, Iilan lamang ang naliligo doon, dahil sa malakas na pag hampas ng alon. I move closer to the window to look farther, I smile preciously. Parang gusto kong magtampisaw doon at maligo..
"Want to go on a beach today?"
Napasulyap ako kay Gabriel na nasa daan lang ang pansin ngunit ang mga mata ay nasa rearview mirror.
"Uh," I utter a sound, hindi ko alam kung sasagot ba ako ng Oo oh hindi.
"I'll pick you up early in the afternoon, so you can swim later." he declared, eyes was on the road now.
"H-hindi na, ayos lang ako." I shook my head with smiling. Hindi magandang may makakita saaming dalawa.
Hindi ito nagsalita pa, kaya binalik kong muli ang tingin sa dagat at nang manawa ang mga mata ay umayos akong muli ng upo. I look up at the rearview mirror, his eyes stared fixedly for a moment before my heart stirred.
Nag-iwas ako ng tingin at hinawi ang bumagsak na buhok. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong teen-ager na naghahanap ng atensyon sa lalaking nagugustohan ko.
Napa ayos lang ako ng upo nang pumasok na sa loob ng Village ang kaniyang sasakyan. "Ah, ibaba mo nalang ako d'yan sa tabi. " pigil ko dito. Ayokong malaman niya kung saan ba ako nakatira.
Naramdaman ko ang pag minor nito ngunit patuloy pa rin ang pag usad ang sasakyan.
"Where is your place? I'll take you home as what Alessandra said to me." he concluded, na parang hindi bukal sa loob niya ang paghahatid saakin.
Napalabi ako at walang lakas na sumandal muli sa pagkaka upo. What would you expect Emory? Natatawang bulong ko sa sarili.
"Sa phase two lang ako," I said, looking away..
He maneuvered his car carefully, and bliss of a second ay nasa phase two na kami. "Paki baba mo nalang ako d'yan sa tapat ng gate na pula." marahan kong sinabi.
Sakto naman ang pag parada ng kaniyang SUV sa tapat ng gate, kaya binuksan ko na ang pinto.
"Salamat sa paghatid." I shyly said, bago sumulyap dito. Napa lunok ako nang lumingon ito saakin, his eyes emitted a deep serious expression. I feel an uncontrollable shiver run through my bodies, kaya hindi ko magawang gumalaw.
Sumulyap ito sa tapat ng aking inuupahang apartment. His jaw protruded, gaya kung paano niya bisitahin ng tingin ang apartment.
"Dito ka nakatira?" he asked curiously, hindi na inalis ang tingin sa bahay.
"Uh, oo." I swallowed hard, parang may kung anong tumatakbo sa isip nito habang sinusuri ng tingin ang tapat ng bahay..
"Ah, pasok ka?" wala sa loob kong nasabi. I blushed more nang bumalik ang tingin nito saakin. Para akong nakikipaglaban sa kamatayan dahil sa sunud-sunod kong pagsinghap.
Tiyak ko namang hindi ito papayag sa alok ko kaya ayos lang.
Gabriel took a deep breath, bago patayin ang makina ng kaniyang sasakyan.
"I'll go check you inside," aniya bago na bumaba.
My jaw dropped for a second, watching him arriving manly in his car. Nauna pa itong bumaba saakin, kaya ilang kurap muna ang ginawa ko bago ako nakababa ng maayos.
Natataranta ko ring hinanap sa shoulder bag ko ang susi ng aking apartment. "I'm sorry," nahihiya kong sinabi nang sa wakas ay nahagilap ko rin ito bago buksan ang maliit na gate.
"Pasok ka." I widely open the gate for him, kung saan agad naman itong pumasok.
Atubile rin akong naglakad patungo sa main door nang marinig kong nagsalita ito.
"Is that's your car?" he asked, sounded a bit curiosities.
"Uh, sa–company na pinapasukan ko yan. Balak ko na ngang i surrender this month." I utterly said, hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi sa pagtatahi ng kasinungalin.
Marahan niya itong hinaplos na parang isang alagang aso. Mas dumiin ang pagkagat ko sa aking labi, because the truth is, I bought this car fir him. Niregalo ko ito sa kaniya noong first year anniversary namin. Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una, dahil kaya naman daw niyang pagtrabahohan ang pagkakaroon ng sasakyan pero pinilit ko pa ring tanggapin niya.
"Nice car.." he softly said, bago ibalik ang mga kamay sa bulsa ng pantalong suot.
Napa ngiti ako, puno ng pag-asa ang mga matang may katiting itong naaalala.
"Ah, pasok ka!" I excitedly said, hindi ko na mapigilang mamula ang puso sa isiping magkasama kami ngayon.
"Pasensya kana sa bahay hindi pa ako nakakapag linis." nahihiya kong sinabi bago ilapag sa couch ang shoulder bag ko.
Diretso ako sa counter table kung saan naroon ang ilang bottle ng wine para humila ng isa. And slowly pull the drawer at my side para mabilis kumuha ng wine glass na mabilis ding hinugasan.
"Your house is too big for you, hindi ba dito umuuwe ang asawa mo?" I almost jump up to my feet when I heard his soft voice from my behind.
Nilingon ko ito, standing at the doorway, two arms protectively cross against his broad chest. "H-hindi pa niya nakikita itong apartment ko, mula ng lumipat ako dito." pagtahi kong muli ng kasinungalingan.
Umayos ito ng tayo and slowly took a step foward. Napa higpit ang hawak ko sa wine glass habang papalapit ito. I did not dare to make a move, I felt a sense of pressure, leaning my waist against the table.
Huminto ito sa tapat ko at kinuha ang wine sa isa kong kamay. He lifted up the long-stemmed wineglass in front of me, slowly swirling his wine, then delivered it to his nose for a sniff, until I thought that he did it sexily without him noticing.
I bit my lower lip, nang itaas niya iyon para simsimin. My heart sank, as he smoothly swig the amount of wine. The gentle sound of liquid entering his mouthed could be heard. And then, he once more lifted his head up, swallowing the wine.
My eyes open as my mind tremble. How could I be so weak? hindi ko nagawa pang i angat ang basong hawak ko. Kumuha ako ng lakas sa lamesang nasa likuran ko.
"Your wine is good, you have a fine taste." the gentle voice sounded, this time with the hint of tenderness.
Hindi ako nakasagot. Mas lalo lamang akong nanghina, ang mga siko ay kumuha ng lakas sa lamesa. Damn! kung pwede lang lamunin na ako ng lupa para hindi niya makita sa mga mata ko ang kaba at pananabik.
He put down his own wineglass beside me. My long lashes trembling down. I smell the scent of his mighty breaths, the fragrance of it is a long lasting one.
"I'll be going.." he said and let out a sigh. I didn't even look at him when he spoke. Mas pinili ko pa ring mag yuko.
"Susunduin kita after lunch so we can go out for a swim–"
I raised my head, "Together?" I cut him off, hindi ko na napigilan pa ang puso kong sambitin 'yon.
The dark brown eyes seemed to flash with brilliant expression. Bigla akong tinablan ng hiya sa nasabi, hindi kasi ito agad nakapag salita..
"I, I mean, with Alessandra of course!" I said and laugh.
The solemn look in his eyes disappeared, gnashing his teeth is visible to my ears.
"Yeah, with my wife." he concluded.